Beware when buying PLDT fonecards
Kaka-frustrate! Bumili ako ng fonecard sa isang store sa Philcoa (Citylight ang name) last week. Kailangan ko kasing tawagan yung isang doctor na hinahabol ko for an interview. Dahil sira ang card phone sa Philcoa, nag-decide akong sa UP na lang tumawag since papunta na kami sa College of Music for Deden’s violin lesson.
Pag-insert ko ng card, nag-eerror. Ilang beses kong inulit, thinking baka naman glitch lang. Ayaw talaga. Buti na lang may fonecard yung brother ko at may klase sya that time doon kaya nagkita kami at nakahiram ako. Afterwards, I had to go to Galleria to talk to one of my editors and tried the card again in another PLDT card phone. Ayaw pa rin!
I tried calling 171 (yun ang nakalagay sa likod ng card na tatawagan in case may problema) thinking they should be able to check the serial number kung talagang gamit na yung card o talagang sira lang. Pero naman, pagkatapos akong i-hold ng matagal, biglang mapuputol ang line! Again, ilang beses nangyari yun so I gave up. Ano ba namang klaseng customer service meron ang PLDT! Tapos hindi pa ata 24 hours yung service nila kasi after 6pm, ayaw na mag-connect ng tawag. Ngar!
So kahapon, pagbalik ko sa QC, dumaan ako ulit dun sa store and told them what happened. Ang sagot sa akin? “Naku once nabuksan na yang plastic nyan, hindi na namin pwede palitan kasi naka-record na yan. Sa PLDT ka na magreklamo. Problema nila yan!” Ganown? Hindi rin sila malabo no?
Kaya ayan, dahil hindi ko ma-contact ang linstak na PLDT (more than a week na!) at sayang ang P100 na pinambili ko ng palpak na fonecard na yun, may phobia na tuloy akong bumili noon ngayon. Sa hirap ng buhay ngayon, para akong nagtapon ng P100, waaah!
Thursday, May 12, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment