Returned Merchandise
Ibinalik ko sa SM yung underwater camera (brand name: Splash – wag na kayong bibili nun!) kahapon. Ano namang gagawin ko dun eh pinapasok nga ng tubig. Worth P400+ din yun tapos di na magagamit ulit. Napa-develop ko na kasi yung film sa loob and more than half ng prints, may linya-linya caused by watermarks. Hay nagastusan pa ako ng extra for the film and developing. Sayang ang gaganda pa naman ng pose ng mga anak ko.
Wala kasi ako makita last week na Kodak disposable camera eh. Yun ang siguradong maganda kumuha underwater. Sabi ng friend ko sa SM City pala malimit may binibentang ganon. Sayang wala sa Mega.
Anyway, buti na lang pumayag sila na palitan ko na lang ng ibang item. Gusto nung saleslady na same product ang ipalit. Kako, matagal pa bago kami magsi-swim ulit at kung sakaling palpak na naman yung pinalit nila, hindi ko na maibabalik, sayang lang yung pinangbili ko. Kaya sturdy school bag na lang for Leland ang nahanap namin. At least yun siguradong magagamit ng matagal!
Thursday, May 12, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment