Monday, May 09, 2005

The Best Pa Rin ang Puerto Galera!

Hay, just got back from a relaxing weekend sa aking favorite vacation spot. Enjoy ang buong pamilya ko at masaya ang mothers’ day cum birthday celebrations ko :)

As usual, sa Valley of Peace kami nag-stay. Super kid-friendly kasi ng place. Pati si James, enjoy na enjoy mag-swim sa pool. Inaabot ng 11 pm ang iba kong kids (with the yaya, my brother and his gf) sa pool at jacuzzi! My hubby and I availed of the relaxing massage from our suking PG masahista Nina habang natutulog si James. Ang sarap gumising sa umaga kasi ang gaan ng katawan ko!

First time naming makapunta sa Munting Buhangin Beach (accessible by land) and although hindi kami nag-swim, marami kaming napulot na cute shells at kakaibang bato :P Hapon kasi kami nakapunta dun kaya maalon na ang dagat and marami na masyado ang tao kaya medyo madumi na ang tubig. Nakakalungkot makakita ng mga taong walang pakialam sa kalikasan. May isang group ng mga bata na nag-gutay ng styrofoams at pinalutang sa tubig habang may mga nagliliparang chichiria wrappers sa paligid tsk, tsk. At least itong mga anak ko, na-train ko nang bawal magtapon ng basura kung walang makitang trash cans. Kaya inipon nila ang mga wrappers namin sa isang plastic and threw them in a sack na nakasabit sa puno na ginawang basurahan ng caretaker.

Talipanan beach (also accessible by land) is always great for making sand castles kasi pino ang sand doon. Nanghiram si hubby ng balde sa isang store and proceeded to dump water on the kids’ worksite. Ayos, occupied ang mga tsikiting. Ang nakakatawa, since wala kaming dalang mga pails and shovels, mukhang bulkan lang ang nagawa nila hehehe. Etong asawa ko, kinareer ang buhangin, gumawa ng malaking mukha sa sand, ala-“The Mummy”ang itsura. I just hope walang natakot na passersby nung umalis na kami doon.

The morning of our last day there was spent in Long Beach kung saan hindi kumpleto ang Puerto Galera sa akin kung hindi ako nakapag-snorkle. For the nth time (3 years running), ang bangkerong si Mang Nato at ang kanyang bangkang si Maritess ang kinontrata namin kasi mabait sya and hindi taga mag-presyo. I was so happy that this year, napapayag ko na sina Josh and Leland na sumama sa malalim na part. (Si Deden, palagay ko mga 2 years pa bago magkalakas-loob). I bought a child-size mask and snorkel saka kiddie life vest when we were in Manila last week and naghiraman silang gamitin. For the first time, nakita rin nila ang wonders under the sea. Nakakatawa si Josh dahil naririnig ko yung excited grunts nya underwater habang itinuturo sa akin ang mga nakikita nyang fishes. We saw a blue starfish, strikingly beautiful live corals, “Gil” from Nemo and lots of other colorful fishes. Wala nga lang kaming nadaanang clown fish.

One thing na nakaka-bad trip, yung nabili kong underwater camera from SM Megamall (na supposed to be waterproof!) eh pinasok ng tubig. Hah, isosoli ko yun pagbalik ko ng Manila sa Wednesday!

Ayun, sunog tuloy kaming lahat pag-alis ng Puerto Galera pero very happy kahit pagod. A really great way for family bonding. Can’t wait to be back next year!

No comments:

Related Posts with Thumbnails