Fernwood Gardens
Galing kami doon last Friday. Ikinasal ang friends namin at since 6pm ang time, madilim na nung dumating kami doon. Parang fairyland! Ang ganda-ganda ng plants at lights, may swan pa dun sa isang pond. Very romantic ang setting, grabe.
Aliw na aliw kami ng mga kaibigan ko sa mga hanging vines all over the place. Parang wala ka sa city. What’s amazing is, yung mga plants super low-maintenance kasi sila ang mga typically nakikita ko sa bundok. Malapit kasi kami sa forest at may lupa ang nanay ko doon kaya familiar ako sa mga tinatawag na “dapo” o plants na naka-dikit kalimitan sa mga puno sa gubat. Karamihan sa halaman sa Fernwood mga ganun lang. Pero since maganda ang pagkaka-arrange nila, super sosi ng dating ng place.
Medyo mainit nga lang dun sa dome where the reception took place kahit pa maraming industrial fans sa paligid. Hindi pinatawad ng init ng summer yung lugar kahit gabi na. What’s funny is, pagbalik ng asawa ko galing c.r. sabi niya masarap daw palang tumambay sa men’s room kasi yun ang may aircon. True enough, pagpunta namin ng isang friend ko sa ladies room, may aircon nga! Hehehe
Before leaving the place, napag-tripan naming magpa-picture katabi ng mga magagandang kotse at isang vintage car (lahat puti!) dun sa labas ng chapel. Sa tanda na naming ito, parang bumalik ang college days ng buong barkada habang nagpi-picture-an with matching “Bilis! Baka dumating yung may ari, pagalitan tayo!” Afterwards, we found out pag-aari pala yung ng owners ng Fernwood. Wow talaga sa ganda!
Sunday, May 22, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment