Thursday, December 07, 2006

Bombarded

Hay, kung kelan magpa-Pasko, saka ang dami-daming aberyang nangyayari sa amin lately. Una, nasira yung isang electric fan, tapos nag-start na naman magloko ang computer ko (naghahanap na talaga ng kapalit, waaah!), then yung DVD player naman ... lahat yan last month lang.

Pagpasok ng December, nasira naman yung isang maliit na TV sa kwarto, kasi naisaksak ni hubby sa 220V dahil tinanggal ng kids ang transformer para pag-charge-an ng Gameboy na hiniram sa pinsan nila. Kadadala lang namin sa repair shop nung Saturday, by Monday eto namang isang TV ang nagloko. Nag-o-auto reprogramming mag-isa kahit walang pinipindot sa remote! So dinala ni hubby kahapon sa repair shop din.

Tuesday, biglang nag-instant defrost ang ref ng di ko maintindihan bakit. Pagsilip namin sa likod, may tumatagas na liquid sa rubber tube. Nakupo talaga!!! Kahapon din, ayun ni-pick up ng technician para hanapin sa shop nila saan may butas at para na rin daw makargahan ng freon dahil mukhang paubos na. Susme! Doble-doble bili tuloy kami ng ice sa Mighty Mart (ang mahal pa naman!) para ilagay sa ice box at nang wag masira ang mga meats. Kaninang umaga lang naibalik ang ref. Kaltas ng 1500 agad.

Si hubby, kinuha yung mga TV, worth P950 at P500 ang mga service fees. Tapos hinuli pa sya ng pulis kasi beating the red light daw kahit may enforcer na nagpapa-go dun sa kanto! Eh di ba usually pag may enforcer na sa gitna ng kalsada, ibig sabihin nun kahit gumagana ang stop light, ang sinusunod ng mga drivers eh yung enforcer? Di ba? Di baaaa?! Tapos yung kasamang pulis manghuhuli. Ang labo, grabe! Palibhasa magpa-Pasko, naghahanap na naman ng raket mga pulis. Sorry sila hindi nakikipag-areglo asawa ko para sa lagay-lagay. Ayun, nagpa-ticket na lang. Hay naku, another P500 na naman pag tinubos yung ticket after 5 days. Juice ko po!!!! Kako saka na paayos yung ibang appliances at baka wala na kaming budget pang-grocery man lang.

Hay nako, pahirap na ng pahirap ang buhay sa Pinas, ang dami pang problemang nakikipagsabayan :(

Wednesday, November 22, 2006

Justice!

Wow, nagulat ako kahapon. Me nangyaring himalaaaa! Kasi di ba lagi na lang ako nagrereklams tungkol sa paputol-putol na connection nitong landline namin. For more than two months, imagine, almost 3x a week nasa internet shop ako sa labas dahil wala kaming dial tone palagi! How ironic is that? Nagbabayad ako for unlimited dial-up internet tapos di ko rin magamit. Gumagastos pa ko sa pasahe eh ang mahal-mahal pa naman ng tricycle dito sa liblib naming village, P32 isang tao!

So imagine how pissed off I was. Everytime tatawag sa CS nila, minsan non-commitant ang sagot -- "Mam tingnan po natin, di ko sure kelan mare-repair yan eh." Minsan naman gusto mong tanungin kung saang planeta sila nanggaling pag magco-comment pa ng "Eh tatlong araw na pala kayong walang dial tone, ba't ngayon n'yo lang ni-report?" Duh?! That time pa naman, tatlong villages dito ang sira ang phones kaya nakaabot pa ko ng Ayala Alabang para lang makitawag! Sows!

Kaya sa sobrang inis, I demanded rebates. Inisa-isa ko sa kanila yung mga araw na wala kaming dial tone at kung gaano katagal bago nila naayos (may time, isang linggo! ang tagal, grrrr!!!). Sabi nung nakausap kong mga CSRs, ive-verify nila with the system.

Kahapon, dumating ang bill namin. Pramis, me konting kaba bago ko nabuksan yung envelope. Kasi iniisip ko kung hindi pa rin nila binawasan, maiiyak na talaga ako sa inis. Lo and behold, P93.00 lang ang babayaran ko instead of P840! Yey! Yung "Just Tiis" motto ko, nagkaron ng Justice! Finally, nagbunga ang prinsipyo kong ipaglaban ang tama. Thank you PLDT dahil na-prove kong may pakialam pa rin naman pala kayo sa customers ninyo!

Ngayon ang problema ko na lang eh yung paputol-putol na connection ng internet. Hay!

Tuesday, November 21, 2006

Kurot sa Puso

Ngar, naiyak na naman ako sa palabas. Kasi ni feature ni Kara David sa I-Witness kagabi yung dalawang batang may progeria o fast-aging. Nakakaawa sila kasi mukha na silang crones kahit nine at fourteen years pa lang sila :(

Ang naka-apekto ng todo sa kin, yung emotions nung isang nanay. Oo nga naman, pahiram lang ng Diyos ang mga anak natin kaya i-enjoy na lang natin at pasayahin sila habang nasa atin pa. Tapos napasulyap ako kay James. Ayun, tulo na luha ko :p

Sometimes, etong mga ganitong times yung nare-remind akong mas blessed pa rin kami dahil kahit ganito si James, me capacity kaming alagaan sya at mabigyan ng comfort kahit papano. Hindi gaya ng ibang special kids na kelangan nang ipa-ampon sa shelter dahil di kayang i-maintain ng magulang yung mga needs nila.

Hay, bigat ng dibdib ko ...

Monday, October 30, 2006

For Sale: Cute chairs for kids!

I'm helping a friend sell her original creations -- sofa cum rocking chair for little tots. Perfect as gifts to your precious ones this Christmas! See more adorable designs at http://www.picturetrail.com/writermom. For orders, just email me. :)


Cool Slideshows

Monday, October 23, 2006

Tatlong Anomalya

1) Last Friday, nag-interview ako ng isang resource person ko sa Greenhills. At dahil nasa Galleria lang naman ang office ng publishing house na pinagsusulatan ko, binalak kong doon sunod pumunta. Pagkatawid ko ng overpass, iisa ang jeep na nagpupuno doon sa pila. Ang signboard “Robinsons – Edsa” kaya sumakay ako para tapat mismo ako ng Galleria bababa.

Nearing Edsa, biglang sabi ng driver, “Hanggang dito na lang. Edsa na, Edsa na! Mag-u-U turn na ako dyan.” Apat kaming halos sabay-sabay na nagsabing “Ano?! Hindi ka tatawid ng Edsa???” Hindi daw kasi traffic. Ay naku, dahil tanghaling tapat yun at nakakainit ng ulo ang midday heat, di ko napigilang magtaray at sabihing “Maglalagay ka ng signboard na Robinsons tapos hindi ka naman dun tutuloy!” Hirit nung isang ale, “Hoy! Wag ka nang mamasada kung ganyan ka!”

Ending, wala rin kaming nagawa kaya ayun, lakad galore kaming lahat pagtawid ng Edsa sa gitna ng init, pawis at inis.

2) Pauwi na ako at sumakay ng jeep pagdating ng Alabang. Medyo nagkakagulo yung mga pasahero. It turned out that merong isang pasahero na nagkunwaring kundoktor at syang naningil ng pamasahe ng ibang pasahero. Tanong nung isang mama sa driver, “Pare, hindi mo ba kundoktor yung bumaba? Eh sya yung kumukulekta ng mga pasahe namin kanina!” Pobreng driver, hindi na nga nagbayad ang manlolokong tao, kumita pa ng pera mula sa kapwa pasahero. Tsk, ang dami talagang modus operandi sa Pilipinas!!!

3) Ang tricycle papuntang village namin P16 ang special trip. Swerte mo na lang kapag may makakasabay kang pareho ng bababaan kasi P8 na lang bayad mo. Pero most times, ayoko na maghintay dahil gusto ko na ring makauwi.

Aarangkada na yung tricycle nang biglang may matandang ale na biglang ipinatong yung isang malaking bag nya sa loob ng tricycle. Tinanong nya ako kung pwede daw syang sumabay. Tumango ako thinking at least makakamenos ako ng pasahe. Yung driver, kataka-takang vehement ang sagot nya sa lola na “Ay naku, dun na kayo sumakay sa susunod!” Eh sagot ng lola, “Bakit ba eh pumayag na ereng sakay mong sumabay ako.”

Yung ibang drivers sa labas, naririnig ko “Hoy lola, dito ka na sumakay sa susunod!” Nagtaka ako na ang isinagot nya sa kanila eh “Ano ba! Eh libre na nga ang sakay ko dito!” Akala ko naman baka kamag-anak sya nung driver ng sinasakyan ko at nahihiya lang yung driver magsakay ng kamag-anak kung may pasahero na sya kaya niya pinapalipat.

So eto na, isinalampak ni lola ang tatlong malalaking bag sa paanan ko. Medyo naging masikip ang loob ng tricycle. Pagdating sa shortcut ng village namin (di ako dumadaan malimit dun sa long cut kasi P32 ang pasahe dun although diretso hatid na sa house sana) nagbayad ako ng P20 kasi wala na akong barya. Sinuklian ako ng driver ng P4 sabay bulong ng “Miss, pasensya ka na.” Saka lang nag-register sa kin na siguro alam na nung mga drivers na modus ito lagi ng lolang ito.

Bago ako nakababa, sus! Hirap na hirap akong magmani-obra sa mga bagahe ni lola. At wala syang paki na halos masabit na ang paa ko sa handles ng bags nya at muntik malaglag bago tuluyang nakababa. Naaawa ako sa kanya kasi baka nga walang pera, pero andun din ang inis dahil sa pakiramdam na naisahan na naman ako at wala na akong magagawa.

Hay, litsugas! Tatlong kainis-inis na situations sa iisang araw lang. Kaya di umuunlad ang Pilipinas eh! Ang daming manloloko!!!
The Week That Was

Hindi na yata mawawala ang problema ko sa telepono namin! Magtu-two months nang on and off ang dial tone ng landline dito sa bahay. Ang nakakainis pa, every time kang tatawag ng PLDT, inaabot ng hanggang isang linggo bago nila aksyunan ang complaints mo. What’s worse, I am paying for unlimited dial up internet pero up to three times a week kelangan ko magbayad sa mga internet shops sa labas para lang makapag-research at submit ng mga trabaho ko. Unfair! I have come to the point na bago ko buksan ang computer, inaangat ko muna ang receiver ng telepono to make sure na may dial tone kami at makaka-internet ako.

LATEST ABERYA SA PHONE
Last Wednesday morning, habang nagpapatanghali ako ng gising dahil puyat the whole night kay James, nagising ako bigla nung may malakas na crash. Akala ko may sumabog o nabagsak na gamit ang maid ko. Pero pagsilip ko sa may kalsada, isang malaking truck ang tumigil sa harap ng bahay namin. All the while, ang akala ko, may nahulog silang kargada at pinulot lang kaya tumigil.

Sanay na kami sa mga trucks dito sa street kasi katapat namin ang isang gawaan ng billboards ng softdrinks na nilalagay ata sa mga sari-sari stores. That time though, malaki at mataas yung nakita kong truck, hindi yung mga usual na pumaparada sa harap ng house namin.

Hapon, pag-try kong mag-internet, wala pala kaming dial tone. As I was lamenting on the incompetency of PLDT, parang may “ding!” na nag-click sa mind ko as I recalled the loud sound I heard nung umaga. On instinct, lumabas ako ng bahay at saka ko nakitang naputol ang phone cable na naka-connect sa poste sa labas at sa gilid ng bubong namin. Upon further investigation, nakita ko na may cable na isiningit ng patago sa bakod nung pagawaan ng billboards. Pag hila ko, lumabas ang neatly coiled na putol na cable which confirmed my suspicions. I was really outraged na hindi man lang kami sinabihan out of courtesy na naputol nila yung phone cable namin. Accidentally or not, bastos sila dahil wala silang respeto sa ibang tao.

When I complained dun sa may ari ng shop, ang sagot pa sa kin, di daw kanila yung truck at nag-deliver lang daw sa kanila ng gamit. At bakit daw di sila ininform. Aba eh malay ko ba! Timang nga yung driver siguro. Ayun, hiningi ang phone number namin at irereport daw nila sa PLDT. Ewan ko kung ginawa.

Pagbalik ko ng gate namin, nagtaka ako kasi may isa pang putol na cable dun sa kabilang side ng bakod katabi ng vacant lot. Yun naman eh galing dun sa isa pang poste sa left side. I texted my mom to call PLDT. Ayun nakaka-three days na nung Friday, wala pa ring dumarating na lineman.

OUR HANDYMAN NEIGHBOR
Buti na lang pag-uwi ko nung Friday afternoon galing sa isang interview, naabutan ko yung isang kapitbahay namin sa labas ng gate nila. Nagkakwentuhan kami. Sabi nya madali naman daw ikabit yung cable kung alam mo pano. Eh kako, wa akong idea pati si hubby ko. Pagtingin ko dun sa cable na naka-coil dapat sa kabilang kalsada, susmio! Putol na! May nagnakaw na!

Sabi ni Mang Totoy, wag daw akong mag-worry kasi yun yung lumang cable ng phone ng dating nakatira dito sa house at yung sa amin eh yung nakabagsak pa rin sa tabi ng vacant lot. Thank goodness! Nung sinabi kong mukhang wala na atang balak puntahan ng PLDT anytime soon, tinanong nya ako kung meron kaming ladder. Sabi ko meron.

Pagkapasok ko ng house, maya-maya andyan na sa gate namin si Mang Totoy, may dalang mga tools. Kunin ko daw yung hagdan at ikakabit nya yung cable. Yung bumagsak na bakal kasama nung cable, ipinako nya ulit dun sa kahoy sa ilalim ng bubong. Tapos binuksan nya yung black box na naka-dikit sa outer wall ng house and after konting kali-kalikot, naikabit na nya yung cable. Nung pina-check na nya sa kin kung may dial tone na kami, ayos! Meron na nga!

Hay, salamat sa Diyos at merong mga mababait na kapitbahay na may pusong tumulong sa nangangailangan.

Wednesday, October 11, 2006

Let's recycle fellow Pinoys!

My hubby and I are have been active supporters of recycling for many years now. Even our sons know where to "throw" their scratch papers or fruit peelings. In our home, we have several waste baskets and empty rice sacks where we segregate all our trash (paper, plastic, cans etc.). All biodegradables are buried in our backyard while those that can still be used or recycled, we sell/give to the dyaryo-bote guys roaming the village streets. Konti na lang yung nakokolekta sa amin when the garbage truck comes twice a week. We really believe in making our environment safer for future generations through responsible waste management.

The email below was such good news to me because I have long been despairing of where to dump all the non-traditional trash that we still have at home -- a broken computer keyboard, a DVD player that recently went kaput, old cellphones that don't work anymore etc. etc. I am very glad that the program below has already been initiated last September. Last week, the waste trading market has also been featured in the Probe Team and I really hope that a lot of Filipinos will take part in making our country a better place to live in.

Let's all do our part by making recycling a habit. Promise, it's not at all difficult as long as you have the determination to see it through :) Please spread the good news by forwarding this information to your friends and family.

Thanks and God bless,
Ruth

---------- Forwarded message ----------

THE WASTE TRADING MARKETS!

...... *October 6 (and every first Friday of the month) at the Gold Crest
Car
Park, Ayala Ctr* (along Arnaiz Ave. Makati), and ......*Oct 20 (and every
third Friday of the month) at the Alabang Town Center (Alabang - Zapote Rd)

WHAT THE WASTE MARKETS OFFER;

Trade scrap paper for new (office/ mimeo) paper!
Trade used ink cartridges for new!
Sell your electronic waste (junk computers) and old / broken appliances
Sell your used lead acid batteries
Redeem the following for cash: PET plastic bottles and other plastics,
aluminum/tin cans, scrap glass
Drop off points also provided for junk cellphones/ cellphone batteries/
styrofoam

The Waste Markets aim to make recycling convenient and accessible, especially for those who frequent commercial shopping areas, and also to show that Filipinos CAN make recycling a habit!

Please help spread the word and forward this announcement to friends, family and colleagues.

For more information, contact Nancy pilien at the Phil. Business for the Environment via the contact details below.

Thank you!

Philippine Business for the Environment (PBE) 2F DAP Bldg.,
San Miguel Ave., Ortigas Center Pasig City
Tel: (63-2)635.3670 / (63-2)635.2650 to 51
Fax: (63-2)631.5714 / CP: 0917.405.9265
Email: ctem@csi.com.ph
Website: www.pbe.org.ph / www.iem.net.ph

Tuesday, October 10, 2006

Spoiled ba ang anak mo?

Paano nga ba masasabing spoiled ang isang bata? Kapag humihilata na sa sahig ng mall kung hindi mapagbigyan sa gustong bibilhin? O kapag nang-aagaw ng gamit ng ibang bata ng walang guilt na nakakasakit sya ng kapwa? At marami pang ibang description ...

Pero sa akin, ang ultimate indication na spoiled ang isang bata eh yung wala na talaga syang sinasanto, hindi lang magulang niya ang binabastos kundi pati ibang tao.

Ganito kasi yun. Nung Thursday last week, field trip nina Deden. Sa kasamaang palad, ang nakatapat namin na upuan sa bus eh isang tatay at anak nyang malikot. Ok lang sana kung dun mismo sa seats nila maghurumentado yung bata ng likot eh, kaso pati kami damay.

Yung seats kasi namin ni Deden, dun nakakabit yung parang extra chair na nafo-fold out sa aisle. Yung bata, paulit-ulit nyang hinihila ng padabog yung chair tapos uupuan nya, tatayo, susugurin ng tadyak yung chair sabay upo ulit ng malakas ang force.

Imagine my headache dahil 2 hours lang ang itinulog ko the night before dahil sa puyat kay James. I so badly wanted to take short naps habang nagtatravel ang bus from venue to venue. And yet di ko magawa dahil maya't-maya naje-jerk ang upuan namin dahil dun sa pesteng bata. The dad wasn't doing anything.

After the nth time na medyo napuno na ako (napapapikit na ako sa sobrang antok pero ayan na naman, blagadag!), I turned to the kid and politely said "Iho, pwedeng stop ka sa pag-uga ng upuan? Masakit kasi ang ulo ko, gusto ko sanang mag-sleep ng konti." Ang normal na bata, I'm sure susunod yun kung napagsabihan na ng ibang tao di ba? Like my children, may hiya naman ang mga eto sakaling may ibang taong sasaway na sa kanila. Saka kung may baltik man ang mga ito sa bahay, nakukuha sa tingin at mataray na bulong kapag nasa labas kami.

But the kid? Shet, he looked at me straight in the eye and defiantly gave the chair another strong jerk. The dad lamely said, "Kyle, stop na. Dito ka na sa tabi ko." And you guessed it, hindi sya pinapansin ng anak n'ya. I was already thinking "My gosh, anong klaseng magulang ka? Ibang tao na ang nakiusap sa anak mo dahil nakaka-perwisyo na sya, wala ka man lang bang hiyang sawatahin man lang ang anak mo???"

So I had to bear that kid's obnoxious behavior all throughout the trip. By the time the bus arrived back at the school, I already have a raging headache and I was shooting dagger looks at both son and his dad.

Gaya nga ng comment nung isang nanay na witness sa paghihirap ko, "Hah, maghanda na sya ng pampyansa!" Grrr, kainiiiis talaga!!!

Tuesday, September 19, 2006

The Art of Subtlety

Minsan, kahit masama, di natin maiwasang magsalita ng hindi maganda lalo na kung may nangyayaring nakakainis sa atin. Minsan, may K tayong magalit, minsan unreasonable tayo. Pero kahit anong inis o asar natin, di ba mas magandang huwag namang marinig ng isang tao na pinag-uusapan natin sya na naririnig nya?

Since Saturday, wala kaming dial tone sa bahay. Ergo, hindi ako maka-internet, much less makatawag sa mga dapat kong i-follow up na tao para sa santambak kong article deadlines.

Kaninang hapon, pumunta na ako sa kabilang village para lang makitawag sa bahay ng mga inlaws ko. Masama man sa loob kong iwan si Deden sa maid kahit nilalagnat ang anak ko. Hindi naman kasi naghihintay ang deadlines at panic time na ako dahil nga apat na araw na akong cut-off sa mundo.

Dapat kahapon ako ng umaga tumawag sa Director's Office ng PGH para i-follow up ko yung request kong mag-interview ng doctor. Kaso di nga ako makatawag dahil lahat ng fones sa village namin, wala palang dial tone.

So kanina, noong nakatawag na ako finally sa PGH at nakausap yung secretary, sinabihan akong nawawala daw yung original fax na pinadala ko last Friday. Mag-send na lang daw ako ng panibagong copy. So I had to tell her na wala akong fax access at the moment kasi nga apat na araw nang sira ang phone ko sa bahay. Teka daw at ta-try nyang hanapin ulit.

Tapos ba naman, rinig na rinig kong may kausap sya sa background. And her words were, "Hay naku, di ko makita yung fax, di daw sya makasend ulit at wala daw syang access ngayon. Pati ba naman yun problema ko pa?!"

I was really shocked, and rightfully indignant. In the first place, kung matino silang mag-file ng mga letters nila, at niki-keep track nila lahat ng correspondence sa office na yun, dapat walang nawawalang kopya. Tapos utang na loob ko pa sa kanya na hanapin yung letter ko kung di na ako maka-resend ng request ko which nagawa ko na naman yun nung time na sinabi nilang mag-fax ako?! May nalalaman pa syang sisi na "Eh bakit kasi di ka tumawag kahapon nung andito si doktor!" Eh hello? Wala nga akong telepono kahapon, garsh! So dense!

Ang ending? Pagbalik nya sa phone, pleasant na ulit ang tono nya. How plastic! "Miss ganito na lang, tawag ka ulit mamaya para kausapin mo na lang si Dr. Tee ng diretso pagkatapos ng meeting niya." I was tempted to tell her off. Pero since kailangan ko pa ang services nya for the next days, I decided to keep mum.

Ok fine. Maayos nya akong kinausap as phone. Pero the mere fact na narinig kong inookray nya ako dun sa isang kausap niya, turned off na ako. She could at least have left the bashing after nya ako babaan ng telepono 'di ba?

Life's unfair sometimes, and it's such a sad thing when we're at the receving end of the injustice.

Wednesday, September 13, 2006

Adik

Hay grabe, natapos ko din! Natapos ko ding panoorin lahat ng episodes ng seasons 1 & 2 ng Desperate Housewives on DVD. Ngwark! Ilang gabi akong nag-marathon. Nakakabitin kasi talaga. At least ngayon, di na ako masyado mapupuyat hehehe. Nga lang, kelangan ko na makahanap ng seasons 3 & 4!!!

Medyo super relate kasi ako kay Lynette eh. Ya know, four kids, three super-dooper kulit boys, harassed housewife thingy hahaha. Ang dami-daming scenes na todo alam ko ang pakiramdam dahil nangyayari din sa akin.

Anyways, more than a month ago, ang minarathon ko eh yung Grey's Anatomy. Bitin din!!! Kelangan na nilang simulan ang Season 3 sa US. Kaya lang, kelan pa naman yun mapapalabas sa local channels dito eh season 1 pa nga lang ang airing sa Studio 23? :(

Sows, saka ko na sisimulan yung Dr. House kasi baka di ko na magawa ang deadlines ko. Pero hay, nakaka-relieve din kasi ng pressures kahit papano. For an hour or two, I can just forget about housework and article assignments ... afterwards, refreshed ako! So, it's really a nice way to unwind.

Monday, September 04, 2006

Nakahabol!

Minsan sa sobrang gusto nating gawin ang isang bagay, talagang gagawa tayo ng paraan 'no? Kahapon ng hapon, kahit soooobrang init at parang ayaw kong iwan ang airconditioned room sa bahay (pinalamigan ko si James, wawa naman pawis ever kasi), kinondisyon ko ang sarili kong kelangan ko nang lumarga dahil next year ko na ulit magagawa ito if ever.

Pinagbihis ko si Leland para sumama sa akin. Di n'ya alam saan kami pupunta. Pagdating namin ng Alabang, pasok muna kami ng Metropolis para bumili ng solo pizza sa Greenwich, iced tea para sa kanya at pearl cooler para sa akin. Tapos sumakay kami ng bus papuntang Lawton.

Naku pagka-traffic!!! Tapos ang dami pang re-routing na di ko maintindihan ba't kung saan-saan pinasikot-sikot ang mga jeep! Sows, after about an hour and a half since umalis kami ng bahay, nakarating din kami sa World Trade Center.

Yep! Annual Book Fair ang pinuntahan namin ni kuya. Last day na kahapon at kung pinairal ko ang katamaran ko, eh good luck dahil next year na ulit ako makakapunta dun!

Nakow, talagang hinanap muna namin ang booth ng Psicom para bumili etong aking drawing fanatic na anak ng mga How to Draw Manga booklets. Na-disappoint lang ako kasi last year, they sold it for P25 each. Ngayon P50 na isa! Still, cheaper pa rin sa regular price nilang P75. Kaso di ko naman afford bilhin lahat ng volumes so pili ang Leland ulit ng best 4 na gusto nya. Binilhan din namin sina Jo at Deden ng back issues ng DC Kids comics. Not bad at 4 for P100.

Next stop, Summit Media booth. Hay naku, dun ako napagastos kasi binilhan ko ng kopya yung mga ininterview kong experts para sa mga articles ko na lumabas ilang buwan na ang nakaraan. Tsk, ba't kasi wala man lang kaming free copies na writers eh :( Kakahiya namang tanggihan ang mga interviewees pag nanghingi sila kasi nga naman inabala ko na sila for interview tapos di ko pa sila mabigyan ng kahit isang kopya? So I buy pa rin for them. Yun nga lang late kasi naghihintay na ako ng back issues. Eh naman, lahat sila bibilhan ko tapos P100 each?! So hintay ako na mag-50% off man lang kasi talo talaga ako sa budget. *Sigh* Minsan iniisip ko nga kung ilang percent na lang talaga ang kinita ko sa mga writeups ko pag ni-minus ko pa yung mga pamasahe, mobile phone calls, internet fees etc. na ginagastusan ko para lang maka-submit.

Anyway, at least natuwa si Leland bumili ng back issues ng KZone at Games Master. May nabili din kaming hardbound na Dinosaur book at P100 lang. Dami ko pang gustong bilhin lalo na sa Reader's Digest booth kaso short na sa funds, baka maubusan na ko ng pang-grocery.

Pero basta naman reading materials, as much as possible, ini-indulge ko mga anak ko. I know it will broaden their minds as it did me when I was small. Buti nga sila nagsimula sa mga Archie comics, KZone at Monster Allergy. Ako? Naku, ang kilala ko noon eh Funny Komiks, Aliwan at ano pa nga ba yun? Basta yung mga korny na komiks na nire-rent ng maid namin sa tindahan hahaha. Although gumradweyt naman ako sa Nancy Drew, Dana Girls, Bobsey Twins at Hardy Boys pagtuntong ko ng grade 3.

Ending, umuwi kaming ang bigat ng mga bitbit. Umulan pa! Pero happy ang panganay ko. Pagdating ng bahay, share silang magkakapatid ng mga loots. Downside? Maga-alas onse na ng gabi ayaw pang magpatay ng ilaw dahil lahat eh nagbabasa pa! Ayun napatayan ko ng switch amidst moans and groans. Hay, kontrabida na naman si Mommy!

Ngayon, di ako makatulog kasi sumakit ang balikat at braso ko sa dami ata ng dala kagabi. Nag-Alaxan capsule na ako with matching Alaxan ointment, wa epek. Hmmm, makapag-Milo nga ...

Saturday, September 02, 2006

Plano

Nitong mga nakaraang araw, parang ang dami-dami kong dapat gawin at gustong mangyari na hindi ko magawa o hindi magkatutoo kahit ano pang pilit kong gawin. Minsan naman, wala talagang oras or paraan para magawa ko sila. Iniisip ko tuloy, sa dami ng mga plano ko, meron ba akong na-accomplish man lang kahit isa for this past week? Weekend na naman at parang di man lang ako nangalahati sa listahan!

Kaya sa mga susunod na araw, sana naman ...

... makapunta na ako sa World Trade Center para bisitahin ang Annual Book Fair na kating-kati na akong puntahan. Argh, hanggang Linggo na lang yun!!!
... maisama ko ang mga kids para makapili sila ng mga gusto nilang bilhing libro. Sige na, kahit commute lang kaming apat kasi kelangang maiwan si hubby kay James.
... magka-time mag-stay sa bahay ang asawa ko para makaalis naman ako. Problema, may trabaho s'ya bukas at kelangan n'yang pumuntang Los Baños sa umaga. Sa hapon, kelangan naman niyang humabol sa nurse capping ng hipag ko sa school nila.
... sa Sunday, matuloy kami ng lakad ng kids.
... maipasyal ko din sila sa Museo Pambata dahil ang tagal-tagal nang hindi kami nakakapag-bonding ng ganun.
... matapos ko na yung revision na dapat kong gawin sa isang pending kong article na ke hirap-hirap ng topic!
... ma-contact ko na yung dalawang tao na dapat kong interviewhin para sa magkahiwalay na article assignments sa akin at maka-schedule agad ng oras at araw.
... ma-release na yung mga cheke ng articles kong lumabas noong July pa! Apat din yun!

At marami pang iba. Hay naku .... sana ...

Sunday, August 20, 2006

Strike Two

Hindi smart ang Smart! Nanggugulang silaaaaa!!! For the second time in two weeks, inisahan (read: ninakawan) na naman nila ako!

Kasi kahapon, ang aga-aga, tumunog ang cel ko. Tulog pa ako noon at nagising lang sa message alert. May tone na naman na dumating. Ni-delete ko as I usually do. Kasi pag naglo-load ka minsan sa Smart, nagpapadala sila ng free downloads at dinidedma ko lang dahil mga hindi ko naman type saka aanhin ko ang monotones eh polyphonic ang fone ko? Kaso this time, yung accompanying message nya eh galing sa 8070 na number. First time ko itong na-encounter at napakunot ang noo ko dahil ang nakalagay doon eh "Thanks for subscribing! You have just received your weekly ... chuva, chuva, chuva ... P15/tone. To remove yourself, type INXS OFF etc. etc." Unang naisip ko, "ANONG SUBSCRIBE? KELAN AKO NAG-SUBSCRIBE? NI WALA AKONG ALAM NA INXS CHUVANESS NINYONG IYAN?!"

Ni-check ko ang balance ko. Nakaltasan nga ng P15! Eh monitored ko ang balances ko dahil sa ngayon, meron pa akong free texts na ginagamit to send messages. At puro Smart users lang ang tini-text ko dahil may Globe sim din ako na gamit naman sa mga contacts kong Globe users. So hindi pa ako dapat nababawasan ng airtime load.

Inis na inis akong tumawag sa customer service. Ini-insist nung nakausap ko na di daw ako pwedeng ma-subscribe doon kung hindi ako nag-ON ng service. Eh ni hindi ako fan ng INXS ano! Ba't naman ako magda-download ng kung ano dun??? Baka daw may gumamit ng fone ko. Kako wala dahil kanya-kanya kami ng fones dito sa bahay. Even my kids have their own so hindi sila nakikigamit sa akin.

Tapos naisip ko, ang isang tao lang na nakahawak ng telepono na yun eh yung CSR sa Smart Wireless Center sa Festival Mall na nag-configure ng internet settings ko last week. Mali bang magduda akong baka sya ang nag-subscribe ng number ko? Shempre extra kita for Smart yun. At kung ganun nga ang nangyari, bwiset sila, that's sinking so low para lang kumita!

When I demanded na tanggalin nila yung subscription ng number ko sa INXS downloads, aba di daw pwede at kelangan manual kong gawin. Which means makakaltasan pa ako ng P2.50 pag text lang ng INXS OFF. Grabeng pamemera yan ha! Imagine kung may 1000 kaming ginanon nila, at ayaw ituloy ang service, eh di P2500 agad sa kanila yun! Imagine, sa millions of subscribers ng Smart, kahit 10% lang sa mga taong yun eh i-automatic nilang i-subscribe sa mga downloads, grabeng laking pera nun ha!

I was berating the CSR na dapat hindi nila china-charge ang customers na magbayad pa kung gustong i-discontinue ang certain services. Sa case ko pa, ni hindi nga ako pumapatol sa mga ganung promos dahil alam kong kakainin lang ang load ko ng walang kapararakan. Hindi naman ako teenager na sabik sa downloads ano!

Ending, I had to text INXS OFF to 8070 para lang matanggal ako sa service. Naka-receive ako ng confirmation na unsubscribed na talaga ako. Next week, pag nakatanggap na naman ako ng tones, di ko na alam. Sino ba ang tamang lapitan para isumbong ang mga ganitong anomalies? Unfair eh :(

Saturday, August 19, 2006

Earning Online

Okay, hindi ko na pinatulan yung mga click ads chuva ... PERO ... naki-ride na ako sa Google Adsense craze. Eto pinag-isipan ko talaga and upon reflection, nakita kong dito, hindi ako magpapakahirap mag-log in kung saang website at gumawa ng kahit ano para mag-earn ng US dollar cents. At least sa Google ads, lagay mo lang sa website/blog mo at pag ni-click ng visitors, you'll get paid.

Of course hindi ganun kabilis ang pera dito dahil cents-cents lang ang bayaran. But in the long run, maiipon din yun at kahit abutin pa ng ilang buwan siguro bago ako magka-$50 man lang, eh at least, nakaupo lang ako at kumikita sya.

I'm sure this works dahil may ka-egroup akong nag-e-earn na talaga with Google Adsense (don't confuse this with the adsense elite na nasa post ko sa baba ha, magkaiba ito) from hers and her hubby's websites. Sabi nya it's not much but hey yung $30-50 a month nila, malaking bagay na dito sa Pinas!

So ayun, if you want to try this thing out at may website din lang naman kayong mini-maintain, sign up na din kayo. Konti lang naman ang initial time investment sa pagti-tweak ng codes at templates tapos ayos na. Just click the icon sa upper right corner ng blog na ito :)

Tuesday, August 15, 2006

Not For Me

I have tried two new things the past few days. Parehong hindi umubra sa akin.

Una, dahil sa pang-e-engganyo ng isang ka-egroup ko, sinubukan kong sumali sa isang website na kikita ka daw habang online. Kala ko naman yung tipong may gagawin kang work like write for websites or do some typing. Eh ang gagawin pala magki-click ka lang maghapon ng sites!

What's bothering is, hindi mo makikita sa support page nila paano nga ba nage-earn ang mga tao dun! Nung nagtanong na ako sa administrator, malabo ang sagot sa akin at pina-pag-sign up pa ako sa forum nila para dun daw ako magtanong. Sows, naglagay pa sila ng support page!

Ayun, sa sobrang labo ng website na yun, tinigilan ko na. Sayang lang oras ko. Tapos sa kaka-click ko ata ng kung ano-anong websites, nag-hang ang aking PC at hindi ko ma-revive! Ayun apat na araw akong walang computer. Kaya ...

Nag-try naman akong mag-access ng internet for the first time sa aking celphone. Pumunta pa ako ng Smart Wireless Center para ipa-configure yung telepono ko. Ayun, hindi rin ma-access ang gmail kahit ilang beses akong mag-try. All the while, happily kaltas ng kaltas ang Smart sa load ko :(

Nakaka-irita lang na yung promo nila sobrang deceiving! Sabi sa start up page, P10 per 30 minutes daw no matter how many times you log in. Sabi din sa kin ng CSR dun sa service center, magka-count lang ng time kapag nag-log in ka sa mga sites outside the Smart portal.

So the first three times I encountered an error message nung nag-try na ko mag-access ng Gmail, sabi ng CSR, Gmail daw may problem at mag-try ako ulit later. So after an hour, try ako ulit, error ulit. Eh di exit na lang ako ng browser kasi inisip ko tama na yung one minute lang ang nabawas sa time ko.

After another hour, try ako ulit check ng mails, ganun pa rin. So exit ako ulit. When I checked my load balance, abaw, P30 ang nakaltas sa akin! Eh wala pa ata akong 10 minutes naka-online all in all.

So tawag ako sa hotline. Ang sagot sa akin, pag daw nag-log in ka the first time, kaltas ng P10 yun. At ang pagbibilang pala, dapat within that 30 minutes ka ulit gumamit para masulit mo yung P10. Kasi after the first 30 minutes, at nag-log in ka ulit (KAHIT PA 30 SECONDS MO LANG GINAMIT ANG SYSTEM), another P10 kaltas yun.

Eh wala nga akong napala kahit ano sa original intent kong maka-check ng gmails ko! Waaah, unfair, unfair, unfair! Ganun ba alagaan ng Smart ang mga customers nila? Lilinlangin???

Sabi-sabi pa sila na no more charges per kilobytes. Eh kung ganun din lang, mas maganda pa ata yung sa Globe na ang babayaran mo talaga eh yung ginamit mo, kesyo pa by kilobytes ang bilangan noon. Kesa naman yung hindi ka nga online pero since kaltas ka na ng bayad, pinapatakbo lang pala ang oras sa bayad mo :(

Kaya ngayong ayos na ulit pc ko, balik dial-up ako. At least dito, mas madali kong namo-monitor ang internet time ko.

Thursday, June 08, 2006

Harang

Hay pasukan na naman. Bukod sa malaking bayarin for tuition fees, ang dami-dami pang miscellaneous na dapat budgetan. Andyan na ang uniforms, school supplies, textbooks etc.

Nung isang araw, bumili ako ng tela sa school ng mga bata para sa ipapatahing pants nila. Since tatlong barako ito, lampas 10 yards ang kelangan. Eh pasadya daw ng school yung kulay so no choice kundi dun mo bilhin ang cloth. Fine, wala na kaming magagawa about that kahit pa feeling ko overpriced yung tela nila.

Pero nung nagtanong ako about the books, aabutin ng almost P10k ang kelangang bayaran kung sa school ka bibili! Naisip ko na tumingin muna sa National Bookstore alin ang available titles nila dahil for sure mas mura naman doon kesa sa school.

Nung humihingi na kami ng list of books, ang sagot sa amin nung isang teacher, "Dun sa bulletin board ng guard, kopyahin n'yo na lang kasi hindi kami nagbibigay." Hala, sumakit lang naman ang binti ko pagtapak sa bench para i-support ang kapirasong papel na pinagsulatan ko. Ang dami pa namang dapat ilista.

Since meron sa list na dun lang sa school mabibili, hubby and I decided na yun muna ang bayaran. Nung nagpa-assess na kami ng fees, kumuha ng mga list per grade level yung teacher at saka doon nilagyan ng prices yung mga bibilhin namin sa kanila tapos inabot sa amin. Naasar asawa ko at nagsalita ng "Magbibigay din pala kayo ng kopya pinahirapan nyo pa kaming isulat yung nasa bulletin board!" Eh kasi daw yun lang mga dun bibili ang binibigyan nila. Hello?! Lahat naman siguradong may bibilhin dun dahil merong mga bagay na sa kanila lang available like the handbooks and journals ng students. Gah!

Nakabili kami ng ilang piraso sa NBS. At ang price differences eh around P50-70 per book. To think na around P1k din pala ang patong nung school sa mga dapat naming bilhin. Unfortunately, it looks like meron pa rin kaming bibilhin from them kasi hindi lahat ng titles eh meron sa labas. Unless, pumunta kami directly sa publishing houses. Kaya lang malayo eh so parang di naman sulit yung matitipid mo kung ubos naman oras mo sa travel at gas.

Still, sana kino-consider naman ng school na gusto lang makatipid ng konti ng mga parents kaya we wanted to take our option to buy muna sa labas. Ang hirap ng buhay ngayon ano! Eh ang dating sa amin, masama pa loob nila na di sa kanila bibilhin lahat. Hay!

Monday, May 22, 2006

Hay, gastos, abala etc. etc.!

Last Friday, umalis si hubby na hindi naitali ang nakawala naming aso. Mautak ‘tong alaga namin, kaya laging nakakawala sa chain nya. Eh di ko na sya kayang itali kasi ang laki na at nanda-damba. Once, muntik na akong masugatan sa kamay dahil biglang takbo habang hawak ko yung chain. Kaya di na ako nag-attempt ulit.

Ok lang naman sana na pagala-gala sa loob ng bakuran kaso once na may magbukas ng gate, karipas ng takbo palabas. Saka naninindak ng mga bisita eh minsan ayaw na tuloy pumasok ng bahay namin yung mga takot sa aso.

Nung hapon, despite my warnings sa makukulit kong anak na huwag na muna mag-bike sa labas kasi nga kakaulan din lang, sumige ng labas ng gate. At dahil naglilinis ako ng mga electric fans sa likod habang pasilip-silip kay James sa kwarto, di ko na sila nahabol. Naririnig ko na lang silang nag-iingay dun sa may lane sa labas.

Mamaya pa, ayan na, pasok ang Joshua at umiiyak. Ni-try daw nyang i-chain si Panda para papasukin. Grrr, ang tigas ng ulo na daddy lang nya ang pwedeng gumawa nun. Ayun dahil gustong gumala pa ng sutil na aso at hila ni Josh ang chain, binalikan sya sabay kinagat sa upper arm. Lambot ako nung nakita ko gaano kalalim nung wound.

Fortunately, sa likod lang ng village namin ang RITM, pwedeng lakarin pag dun sa back gate nila dadaan. Tawag ako sa mga inlaws ko para may magbantay sa ibang bata. Dinala namin ng sis-in-law ko si Josh para patingnan sa doctor.

Ang saya, pagdating namin ng ER, deserted! As in walang katao-tao. Ang daming pasyente tapos walang personnel. Later on, nalaman naming may na-admit daw na may meninggococcemia earlier. Ngar, kaya pala nag-disappear ang mga staff, umiiwas ata dun sa site.

Kahit pala may anti-rabies shot na ang aso, pero nakakalabas sya ng gate ng bahay at pwedeng ma-infect ng ibang aso, kelangang paturok ang nakagat. Eh mabuti na yung sigurado kasi fatal ang rabies, kaya sige na, kahit magkano gastos, kelangan may assurance kami na safe si Jo.

Ang funny incident dun, yung papel ng instructions para sa patient, naka-bold yung HUWAG PAPATAYIN ANG HAYOP NA MALUSOG. Tawa ng tawa yung hipag ko kasi siguro daw maraming yun ang unang ginagawa.

Dumating kami doon, wala pang 5pm, nakauwi kami past 9pm na :( Hay, pinasunod ko pa si hubby (buti maagang nakauwi) kasi kulang ang dala kong pera. Ayun, more than P2k ang nagastos namin sa 9 na turok! Kelangan pang bumalik ng apat na beses dun for follow up injections.

Kaninang umaga, habang tulog pa sina James at Deden, ibinilin ko kay Leland tapos dinala ko ulit sa RITM si Josh. Hay, daming tao. Ang dami pala talagang incidence ng dog at cat bites! Inabot din kami ng more than one hour bago sya naturukan. Ayun P500+ na naman. Three more sessions to go ... waaah!
Crazy over Lee

Kung si James eh kakampi ko sa pagiging fan ng Corrs, nakupo, high na high ang asawa ko lately dahil natuto na i-appreciate nitong dalawang malaki ang kanyang favorite na si Lee Ritenour.

For the past two weeks, halos araw-araw na pinapanood nina Leland at Josh yung DVD concert na Overtime. Hindi lang yun, nangulit-ngulit pang ipag-download ko daw sila ng mp3s from Limewire. Kaya ayun, bago matulog sa gabi, naka-prepare ang speakers sa may ulunan nila at magdamag tumutugtog ang Night Rhythms, A Lil’ Bumpin, She Walks This Earth etc.

Waah, pati ako minsan tuloy, nahuhuli ko na ang sarili kong nagha-hum nung mga kanta nila! At least, wala naman akong sound effects gaya nilang mag-aama … *tene-niw, pam-pam, pao-pao!* Hahaha.

Si Deden? Kay Josh Groban pa rin daw sya :p
Good buy

Sa wakas! Sa tinagal-tagal ko ng naghahanap, nakakita rin ako! Nung elementary pa kasi ako, pinasalubungan ako ng tatay ko galing abroad ng Kenwood walkman na may separate speakers. Yung speakers, hindi de-battery, hindi rin de-kuryente, basta isasaksak mo sa walkman, ayos na, di mo na kelangan ng earphones, marami pang makakarinig ng music. College na ako nung nasira yun.

Ever since nagkaron ako ng mp3 player more than a year ago, hanap ako ng hanap ng ganun sa mga electronics stores. Kasi na-realize ko, magiging useful sya lalo na pag brownout tapos kelangan makinig ng news either from the mp3 player (na may fm receiver) o sa walkman (na may am at fm). Eh wala lagi. Ang ino-offer sa kin malimit ng mga tindera yung pang ipods na speakers na kelangan ng battery saka almost P2k ang prices. Yoko nga!

Tapos nung recent bagyo, two days kaming walang kuryente. Imagine the torture na wala kang mapakinggang news kung asan na ang bagyo at ano ang damages, unless mage-ear phones ka pa. Eh kakatamad yun dahil marami rin namang dapat gawin sa bahay na di pwedeng may karay-karay kang walkman.

Then Monday last week, success! Nag-browse kasi kami ni hubby sa mga stores sa Galleria kasi kelangan ko din ng ericsson cable para sa celphone. Instead na yun ang mahanap ko, nakakita ako ng passive speakers (yun pala ang tawag dun!) for only …. dyaran! P265!!! Pilit akong kinukumbinse ng saleslady na yung tag P1800 na pang-ipod daw ang bilhin ko kasi maganda ang tunog at hindi daw mahina ang output. Eh ang ganda din ba ng presyo! Told her, di ako maselan sa sounds, basta napapakinggan at di kakain ng kuryente o battery, solve na ko.

Ayun, umuwi kaming aliw na aliw ako hehehe. Tapos the very next day, ni-set up ko sya sa ibabaw ng ref at habang nagluluto ako, isinaksak ko yung mp3 player ko na ang mga laman right now eh yung latest songs ng Corrs. Ayus, ang happy ng cook!

Nung napansin ng mga anakis, ngar, talagang may-I-set-up ang mga tsikiting sa ibabaw ng table habang nagla-lunch kami para daw may sounds. Ayun, the past few days, sinolo na ng mga makulit. Pinakargahan ng mga Lee Ritenour songs yung mp3 player ng tatay nila at maya’t-maya sila ang gumagamit. Ayos din kasi rechargeable yung player ni hubby kaya super tipid namin sa kuryente ngayon …. well, radio-wise ;-)

Saturday, May 06, 2006

Bulate story

Sa lahat ng mga anak ko, etong si Josh ang tila parati na lang gutom at puro pagkain ang nasa isip. Tipong kakakain lang naming lahat ng dinner, after mga 30 minutes, punta yun sa bread box at magpapalaman ng tinapay o kaya magpapaluto ng hotdog at gusto pa daw nya ulit kumain ng kanin. Eh ang dami na nyang kinain na meal. Minsan naman, ang daming oorderin sa McDo o Jollibee ... at nauubos nya! Most of the time, sya na ang mag-ooffer na magtimpla ng juice sa pitcher o magluto ng hotcakes (yep, at 10 y.o. budding chef na ining batang matakaw). Ang siste, di naman tumataba!

Just the other day, nagbabyahe kami papuntang Laguna. Halos kakatapos lang namin mag-lunch sa bahay before kami umalis. Sa highway, nung nakita ang Petron station, request na naman sya na mag-drive thru daw.

Napag-usapan tuloy naming mag-asawa na "Ano kaya try nating purgahin itong batang ito? Baka may bulate?" So sabi ko kay Jo, "Anak bukas bibilhan kita ng Combantrin." Sagot nya, "Anong flavor?" Ngek!

Wednesday, May 03, 2006

Zsa Zsa Zaturnnah Ze Muzikal

Ang galing talaga ng Pinoy! Nakanood ako ng play na ito two nights ago sa PETA theater sa QC. Superrrr nakakatawa pala talaga yung mga punchlines at dialogues. Ang gagaling mag-project ng mga actors and actresses. Nakakaaliw manood. Hindi ka mabo-bore kahit pa more than two hours yung palabas.

A word of warning lang, maraming "shocking" languages and scenes (na kung sa sine eh ichu-chugi siguro ng MTRCB) na malamang hindi kaya ng powers ng mga conservative na Pinoy. Pero pramis, bato ang hindi matatawa kahit isang beses man lang.

The cast were very accomodating. Pagkatapos ng play, nag-meet and greet sila sa mga audience. Nagpa-picture kami with Eula Valdez (maganda nga pala ang singing voice nya and ang sexy!) and Wilma Doesnt (na ke kulit pala talaga sa personal pero kaaliw kausap).

Hay, I really need to buy a bluetooth dongle or mobile-to-pc cable para maka-upload ako dito ng photos from my phone...

Tapos na yung run sa PETA pero babalik sila sa CCP in June. Gusto ko manood ulit! Kasi daw this time, interactive na, merong audience participation. For sure, mas nakakatuwa yun. Sana mauto ko itong si husbandry na ipanood ako. Kaso malaking percentage eh di kami makakanood ng sabay kasi walang maiiwan sa mga bata :( Hay, wala pa rin kami ulit yaya!

PS: Dun kami nag-dinner ng mga friends ko sa Pizza Hut Bistro (oo bistro!) sa tapat ng St. Lukes. Konti lang daw ang branches nila na ganun. Nakakatawa kasi para kaming na-twilight zone dahil pagpasok namin eh mala-fine dining ang set-up ng tables nila complete with table cloth, wine at candles. Binibiro nga namin yung waiter na dapat complimentary na yung wine kasi dini-display nila sa tables hehehe.

Food tip: Ang sarap ng shrimp and mushroom pasta with garlic sauce!!! Ayan, ginugutom na naman ako ...

Saturday, April 22, 2006

M.I.A.

I missed posting here! Tagal kong missing in action. Super-duper busy kasi. Since last month, ang dami-daming nangyari sa buhay ko and most of them are exciting and positive experiences ...

Una, nag-relocate na kami to Alabang from Laguna last April 8. Hay, ang hirap mag-lipat bahay!!! Up to now magulo pa rin itong house kasi di ko alam saan ko ilalagay ang sangkatutak naming stuff. More kwento about this in later posts.

Next, ang tagal bago kami nakabitan ng landline. Ack, for the first week, maloka-loka na ako paano gagawin ang mga trabaho at deadlines ko without an internet connection. Ayun, kinailangan ko pang mangapit-bahay sa sister ko a couple of blocks away para lang maki-online.

Third, ang hirap ng walang maid/yaya, waaah! Had to fire the maid we got last Feb kasi para akong kumuha ng boarder tapos ako pa ang nagbabayad sa kanya para lang kumain at matulog sya sa bahay namin :( Pramis, mas pasaway pa kesa sa tatlong anak kong makukulit combined! Ayan tuloy, since we moved, parang di nauubos ang housechores ko maghapon. Although sina 'kuya' eh napapag-hugas na ng pinggan kahit papano. Still, at the end of the day, talagang super pagod ako. James' weird sleeping sked doesn't help. Ewan ba sa batang ito bakit gising sa gabi at tulog sa araw!

Ay basta, dami pang wento pero antok na ako. Pagkatapos ng mga pending deadlines ko, saka na ako hahataw ulit sa blogging.

Thursday, March 23, 2006

Stage Tita

Aliw na aliw ako, yung two-year old na anak ng friends ko, nakuha for a milk commercial. Even his dad was included in one shot, hindi nga lang sya recognizable masyado. Pero nakakatuwa kasi dalawa yung close up ng aking pamangkin at kitang-kita ang mukha nya. Ke gwaping na bata! Cute, cute!

When we saw the commercial during ASAP last Sunday, grabeng tilian namin sa bahay nila sa sobrang tuwa. Wawa naman ang aming little boy Miguel at natakot ata sa ingay, muntik na umiyak. Hay, sana eh wag syang magka-trauma na mag-iingay ang mga tao tuwing lumalabas ang mukha nya sa TV :p Siguro kung mae-express lang nya sarili nya, sasabihin nun, “Bakit ang grownups, parang sira?” hehehe

Watch out for the new Bonakid commercial. Yung last two close up shots ng batang kulot at maganda ang smile, sya yun! Hay, wala pa kasi akong bluetooth dongle, sana na-upload ko sa computer yung picture ni Miguel from my celphone. Post ko sana dito …

Monday, March 06, 2006

The Perfect Gift

Every time magbibirthday etong asawa ko, I try to look for gifts na alam kong maa-appreciate nya talaga and thankfully, most of the time, tama ang choices ko. Tomorrow, birthday niya ulit and naibigay ko na nitong weekend yung regalo ko.

I bought him an mp3 player pero hindi yung hi-end na branded ones like Apple ipod or anything that expensive. Shemps di rin kaya ng budget. But since nga sobrang hilig nitong si hubby sa music, I thought he would like to listen to his favorite songs lalo na kapag nagbi-byahe sya sa bus from Laguna to Manila. Kasi last year, may napanalunan syang ipod shuffle sa isang convention. Sa akin niya binigay kasi alam nyang dream ko magkaron nun. Priceless nga daw yung reaction ko nung nakita ko yun. Kasi naman tumili talaga ako sa tuwa hehehe.

Nakakatawa kasi ayoko pa sana ibigay yung player nung Friday night pagdating nya kasi china-charge ko pa. I bought it just the day before. Pinili ko yung rechargeable para di na sya bibili ng bibili ng batteries. Tamad pa naman yung magpupunta sa tindahan. Dun ko isinaksak sa outlet sa likod ng pinto ng terrace. Ewan ba naman at tamang-tama dumaan sya dun at nasilip yung ilaw nung charger so nagtanong kung ano daw yun. Wala na, buking na ang surprise ko. Ni hindi ko na naibalot yung box.

Pero tuwang-tuwa naman ang mokong. Magkabilang tenga ang ngiti nung na-realize nya kung ano yun. Lalo na kasi nilagyan ko ng mga jazz mp3s na type na type nya. As in talagang nagpakahirap akong mag-convert ng mga cd songs into wav files bago pa na-rip into mp3s. Buti tinuruan ako nung isang friend namin kung papano. Kahapon, halos hindi mo makausap kasi parang tuod na nakahiga sa sofa, nakapikit ang mata, hawak ang player sa dibdib sabay kanta. In bliss!

Ayun pag-alis for Manila kaninang umaga, hinanap talaga yung charger at baka daw maubusan ng battery :p Happy naman ako at kahit cheap lang yung regalo eh sobrang na-appreciate daw nya :D

Thursday, March 02, 2006

Plugging

Excuse the spam but I'd like to ask parents out there to consider buying Johnson & Johnson's Commemorative Powder Canister. In celebration of it's 50th year, J&J will be selling limited edition tin cans that contain two 200g J&J Baby Powders. Only 20,000 pieces of these will be sold so get one now.



Why buy? Aside from being a collector's item, every commemorative Johnson's Baby Powder canister comes with an automatic donation to World Vision to help send 50 underprivileged children to school.

I am not an employee of J&J but am one of WV's sponsors who believe in the right of every child to obtain an education. I hope you can also take up this worthy cause. You can help just by buying one can ...

Monday, February 06, 2006

Tragedy

Saturday night na ako nakabukas ng emails nung weekend at saka ko lang nabalitaan yung nangyari sa Ultra. Hindi kasi kami mahilig masyado manood sa local channels eh. Mostly, news at public service programs lang ang pinapanood ko kapag gabi, the rest of the time, either sa Star World, AXN at mga movie channels ako nakatutok pag may time mag-TV. Sorry sa tatamaan pero I honestly don’t find anything to benefit me or my family sa maraming local shows natin ngayon. Since wala rin kaming maid right now, wala ng nagbababad sa telenovelas nor noontime game shows. Except Game Ka Na Ba siguro which I happen to tune in to pag feel kong matuto ng bagong kaalaman.

As to Wowowee, never pa akong nakanood ng buo nyan. Sure I see it when I’m surfing channels, pag nasa bus ako at yun ang palabas, or nasa bahay ako ng kung sino at yun ang pinapanood nila. Pero yung willingly na upuan ko yun para ma-entertain ako? Hindi ko talaga type.

As what my fellow parents said in their posts at our parenting egroup, nakakalungkot dahil sobra-sobra na ang kahirapan sa Pilipinas kaya kapit sa patalim ang mga tao ngayon. What made it worse eh yung page-encourage ng mga game shows na “punta na lang kayo dito, easy money dito!”. Sa libo-libong taong pumupunta sa mga ganun, ilan lang ba talaga ang umuuwing panalo? At ilan ang uuwi na wala man lang natirang pamasahe pabalik ng bahay? O totoo ba yung narinig kong nagbibigay ng pamasahe ang Wowowee sa lahat ng pumunta?

Kung anu’t-anuman, the fact remains that a lot of people these days simply live from day to day, wala munang isip-isip sa kinabukasan, ang importante may pera ngayon pantawid ng gutom. Iba na din ang concept ngayon ng “may tyaga, may nilaga”. For some of the poor people, enough na yung tyaga na mag-camp out sa labas ng ABS-CBN or Ultra at pumila ng ilang araw dahil may premyo silang makukuha sa huli. Naku, nasaan na ba yung prinsipyong magtrabaho ka ng marangal para mabuhay ka ng maayos?

I don’t want to point fingers. I just wish the tragedy had been prevented. But since andyan na yan at nangyari na, sana maraming matauhan at maraming matuto from that experience. Na hindi solusyon sa hirap ng buhay ang magpakahirap sumali sa game shows kundi ang paghahanap ng trabaho na magsu-sustain ng pangmatagalan sa pamilya.

God is telling us all something. It’s up to us to heed His wake up call. Ano nga ba ang magagawa natin para sa ating mga pamilya? Sa ating bansa? Let’s pray for all those families na nawalan ng mahal sa buhay. Such senseless deaths. Nakakalungkot talaga.

To end, let me share this quote that my friend Monique recently appended to her emails. I love the thoughts because they are so true. Sana lang lahat ng Pilipino may enough sense na gawin ito:

"To put the world right in order, we must first put the nation in order;
to put the nation in order, we must first put the family in order;
to put the family in order, we must first cultivate our personal life;
we must first set our hearts right."----Confucius

Friday, January 20, 2006

The PLDT Internet Bundle

I saw the commercial the other night and thought it might be a good deal
since I'm a user of the PLDT Vibe prepaid card.

So I called up 171 to inquire and I didn't like the deal. Here's why:

1. The bundle is worth P840, yes internet is unlimited but still dial-up and hindi pa rin magagamit ang landline kapag naka-online. (Nope, ayoko pang magpakabit ng DSL kasi feeling ko mate-tempt kaming magbabad sa PC at malamang tataas lalo ang electric bill namin aside from paying a higher rate for internet).

2. If you're subscribed to other features like the unlimited calls, call-waiting etc, iba pa ang charge nun, dagdag pa.

3. The deal is co-terminus and matatali ka sa kanila for 12 months. I asked what if hindi ako satisfied sa service at mas maganda pa palang mag-prepaid na lang ako? Macha-charge daw ako ng 3 x P999 ata na disconnection fee PLUS puputulin ang linya ko. Ergo, kelangan mag-apply daw ulit for a new line. How about my old number? Eh co-terminus daw nga kaya tanggal din ang old number. When you re-apply, ibang number na daw plus bayad ka pa ng application fee. (Harang! Saka more than 10 years na etong # namin tapos mapuputol lang?! Parang hindi nila masyadong pinag-isipang mabuti ang terms nila ha!)

4. The speed daw is around 40-60 kbps (I think, hindi ko masyado matandaan. It may be lower pala ng konti) just like the prepaid connection. Kako nga, pano mangyayari yun eh sa prepaid, ang nakukuha ko pa malimit na connections 14-21 kbps lang! Hatinggabi ka pa suswertihin ng 24-32 kbps ano!

5. I was irritated at the CS rep dahil she keeps interrupting me in mid-sentence to say "Please hold, teka lang." Eh wala naman pa akong natatapos na tanong and definitely wala pa syang kelangang i-search na info related sa gusto kong malaman! 3x nyang ginawa sa kin yun, ang bastos ng dating. The 3rd time she did that, I hung up the phone. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganong treatment from a CSR. Kahit sa Globe or Smart, they put you on hold lang when they're verifying something, hindi yung hindi mo pa natatapos ang tanong mo.

Conclusion: I'd rather continue buying several prepaid cards (Vibe, Inter.Net and Infocom) kasi at least may choices ako na kapag busy ang line nung isa, I can still get connected to the net. Besides, when I really need to download big files, punta na lang ako sa internet shop na may dsl then save the file sa aking flash disk. Mas madali pa and hindi sasakit ang ulo ko.

Thursday, January 19, 2006

On Hazing: A Parent’s Point-of-View

Nasa UPLB ako kahapon. Nakwento sa kin ng isang friend ko dun na may namatay palang neophyte just last weekend sa isang APO hazing. My goodness, pa-violent na ng pa-violent ang mga fraternities talaga! It angers me that boys (yes, boys! Because they are immature!) who claim to stand by brotherhood take pleasure in being cruel and inflicting harm to those they call brothers!

Ang kinakabahala ko, lahat ng anak ko eh lalaki at pagdating nila ng college, sana wag silang mai-involve talaga sa mga frats. Kahit matagal pa yun, naiisip ko pa lang ngayon, nakaka-praning na! Naku, siguro lunod sa paalala at threats etong mga ito sa akin pagpasok nila ng kolehiyo. At talagang mananakal ako ng mga fratmen na magre-recruit sa mga anak pag nagkataon.

I am so saddened for the boy’s family. Napakasakit sa isang magulang na ganun ang sapitin ng anak, mamamatay ng walang kabuluhan --- dahil sa mga walang-silbing “brotherhood” na tinatawag. Linstok, sa lahat ng samahang magkakapatid, etong mga orgs na ganito ang pinaka-detrimental!!!

I hope this kind of news serves as a warning to parents to be more vigilant of who their children associate with, at maging paalala sa mga kabataan na hindi katapusan ng mundo ang hindi mapabilang sa fraternity o sorority man. I should know, never kong pinangarap sumali sa ganyan nung college ako (oo takot ako sa paddle at ayokong magmukhang talong ang legs ko!) and yet, I survived college happy to belong in a Christian and an academic organization. Satisfied na ako dun. I just hope my kids would be sensible enough to make the right choices pag sila na ang tumuntong ng kolehiyo.

Tuesday, January 10, 2006

Ano, baliw?

Matagal ko ng di nagagamit ang phrase na ito ... but can't help feeling that it's appropriate sa mga nangyari the past few days.

Kwento ko lang ... nung Sunday night nag-usap kami ni hubby and decided na ire-refund na nya yung bayad sa ticket ng return air fare ng maid namin kinabukasan. Kasi nga ni ha ni ho, wala kaming nare-receive na acknowledgement man lang from her kung natanggap nya ba yung text na merong details ng flight, saan ike-claim ang e-ticket etc. etc.

Biro nyo naman, from Dec. 29 up to Jan 6, halos araw-araw nagti-text kami sa kanya (ako, si hubby, pati nanay ko!) asking "Na-recieve mo ba yung text? Alam mo na ba gagawin? Text back ka ... etc. etc." Walang reply! Pinasa-load ko pa kasi baka kako walang load, wala pa ring response. Tinawagan namin ng ilang beses, ring lang ng ring at hindi sinasagot ang phone. Ano iisipin namin di ba? After calling her 3x nung Friday night, I really gave up. Sabi ko nga, ayoko na, bahala na sya sa buhay nya.

So kahapon after the traffic and all the aberya ng pagpila sa ticketing office, na-refund na ni hubby yung bayad. Ang tagal na nga n'yang pumila, nakaltasan pa sya ng P220. Natakot kasi ako nung sabi nya sa kin na if ever daw na dumating sya sa office at na-claim na sa Zamboanga yung e-ticket, wala na kaming habol dun. Pwede ng ipa-change ng maid ang flight at baka mahirapan kaming i-trace pa s'ya. Aba sayang yung 3k pag nagkataon at baka abot-abot ang bwisit ko eh mapa-hunt down ko sya ng di oras. Malay ba namin kung balak nyang bumalik ng Luzon pero hindi na sa amin di ba?

Tapos kaninang umaga, aba nag-text ang babaisot. Hindi ko agad nabasa kasi naglalaba ako at maingay ang washing machine. Pina-ring ang phone ko ng matagal kaya napilitan akong takbuhin. Kala ko editor ko. Ang text "Pina-cancel nyo daw yung tiket ko?" So sinagot ko ng "Oo. Hindi ka sumasagot sa sangkatutak na text at tawag namin eh. Kesa naman ma-forfeit yung bayad dahil di namin alam kung may balak ka pa bumalik o hindi." Mamya text ulit, "Ate, bakit pina-cancel nyo yung tiket ko?" Hay naku, hindi ko nga sinagot. Ngayon mangungulit nung wala syang ma-claim.

Eh di ba kaduda-duda namang bigla syang magpaparamdam after more than a week of silence on her end. Maya-maya asawa ko na ang tini-text (absent si hubby from the office kasi nagpa-dentist). Naku pasensyoso pa tong asawa ko, nagtyagang makipag-text. Eto na, ang daming dahilan ng maid, kesyo low batt daw sya nung tumatawag ako, kesyo iniwan daw nya phone sa bahay at nagcha-charge, kesyo wala daw syang load, kesyo di daw nya natanggap yung pasaload ko, kesyo nag-text daw sya sa kin using another number etc. etc. Kapag nire-remind ni Noy na ang daming araw at ang daming tao ang nagta-try kumontak sa kanya, balik sya dun sa mga alibis nya. Meron pang sumbat na "Akala ko ba malinaw ang usap natin nung umalis ako?" Sagot ni hubby "Paano naging malinaw eh ni hindi ka nga sumasagot kung natanggap mo yung mga detalye ng byahe mo pabalik?!" Di ba ang labo?

Kako kay Noy itext nya na "kung gusto mo bumalik dito, pamasahihan mo muna sarili mo at ibabalik na lang sa yo pagdating mo. Wala na akong oras para bumalik na naman ng airport!" Nakow wala daw syang pera. Sabi ko na lang kay hubby wag na mag text back at wala ring mangyayari. Ang gusto ata eh padalhan pa sya ng pera. Eh naku, wala na nga akong guarantee na sa amin sya babalik kung na-claim nya yung ticket no! Ika nga ni hubby, "Palagay ko may hidden agenda yan." Malamang nga. Inisip ko baka may iba na syang na-kontratang papasukan na iba (marami syang naging friends na yaya ng classmates ni Deden sa Montessori dati, baka may gusto mag-pirate) pagbalik nya at gagamitin pa kami para makalibre sya ng pasahe.

Kayo, kung yan ang situation, di ba nakakainsulto ng talino na after kang isabin ng mahigit isang linggo, kokontakin ka lang nung wala syang nakuhang tiket? I really thank God na na-refund namin yung pera bago pa pinuntahan ng maid yung airline. Sa lahat pa naman ng ikaka-ngitngit ko, yung ang ending eh nagmukha kaming uto-uto. Ngayon, kung makabalik man sya dito using whatever means, parang ayoko ng tanggapin ulit. Kahit pa hirap ako. Kasi parang nawala na yung trust ko sa kanya after all this fiasco.

O masyado lang ba akong paranoid? Paki-batuhan nga ako ng opinyon dyan ...

Monday, January 09, 2006

Dream Destinations

I have always wanted to go to Positano, Italy someday. Bakit? Dahil dun sa favorite movie kong Only You. Dun sa place na pinuntahan nina Robert Downey Jr. Gandang-ganda ako sa mga dinaanan nilang lugar --- yung winding road na katabi eh long drop sa dagat, yung parang orchard na tinambayan nina Marisa Tomei nung nawalan sila ng gas, yung view ng mga bahay na nakatayo sa sides ng bundok ...

Pangarap ko ring marating ang Egypt at puntahan ang mga museums doon, perhaps even be able to enter a pyramid at makamayan si Zahi Hawas (masyado syang prominent sa National Geographic and I came to admire his dedication to preserve their heritage). Yun naman eh dahil naging ambition ko dati nung maliit pa ako na maging archaeologist ... impluwensya ng mga detective novels na pinagbabasa ko noon. Saka due na rin sa mga books ni Wilbur Smith (particularly River God at The Seventh Scroll), marami akong na-appreciate tungkol sa Egypt at kung paano nag-evolve ang civilizations doon.

Weird siguro ako pero never nakasama sa listahan ko ang USA. Ang France kinonsider ko pero naisip kong hindi ako magsu-survive sa Paris dahil most likely wala naman akong perang pang-shopping eh puro couture dun! Magmukha pa akong may suot na basahan, kakahiya lang hehehe

Kasama sa listahan ko ang Ireland. Dun sa MTV ni Enya na On My Way Home, napaka-poignant nung scenes, malungkot pero uplifting. Tapos kagabi napanood ko yung movie ni Andrea Corr -- The Boys and Girl from County Clare sa Cinemax (inalarm ko pa celphone ko para di ko makalimutan). Ulit, namangha ako dun sa wide expanse ng grasslands na nasa tabing dagat. Parang sobrang idyllic nung place. Well, I assume sa bandang province yun. Pero kung makakarating ako dun, for sure gugustuhin kong pumunta sa Dundalk. Oo na, obsessed ako sa Corrs!

Ba't nga ba ganito ang theme ng post ko? Ewan, feel ko lang. Gusto ko lang kausapin ang PC ko kasi tulog na ang mga tao dito sa bahay at gumagana pa ang utak ko. And I think that's a good enough reason ...

Saturday, January 07, 2006

New Year’s Resolutions

Marami na ring mga new year ang dumaan na hindi ko inisip ito sa totoo lang. Sa kin, parang ok na to live through each day that comes. Parang alam ko naman ang goals ko subconsciously so I don’t need to make a list na.

But a forwarded message on making concrete plans to realize one’s goals made me rethink my former mindset. Siguro I just have been complacent for so long dahil na rin sa dami ko laging iniisip for my family, ayoko na mag-isip pa ng ililista. Pero this year I resolved to write down all the things I hope (ayokong sabihing ‘want’ para hindi ako ma-disappoint ng todo pag hindi lahat nangyari o nagkatotoo) I’d be able to do for the whole of 2006:

1.Family-wise
- mas magkaroon ng patience in dealing with my rowdy kids
- have at least one meal during weekends (malamang Sunday dinner ito) na maging special ang lulutuin ko
- be disciplined enough to really set aside money for savings kahit pa gaano kahirap i-budget yung pumapasok na finances
- have a family outing at least once every one or two months kahit tambay lang sa UPLB field or visit the zoo
- start the planned Saturday Kids’ Library sa garage
- be able to buy kahit a second hand car for James’ checkups and family trips (Lord, please help us find the money!)

2. Work-wise
- maghanap ng ibang projects aside from the existing ones
- start that book I was meaning to write
- photocopy and file published articles na wala pa sa portfolio ko
- makabili ng laptop (kahit cheap) at PDA

3. Spiritual-wise
- have daily quiet times/devotions
- go to church more often, do again the alternating Sunday schedules namin ni Noy dati para hindi maka-miss ng Sunday school ang mga kids at the same time may maiiwan with James

4. Personally
- makapag-practice ako ng violin at piano at least 3x a week; tinwhistle dapat everyday
- makapabili sa mga uuwing relatives from the US ng new tinwhistles
- hunt down missing Wilbur Smith books para sa aking collection
- trim down all my kalat around the house, organize my books, sort through my clothes and i-rummage ang mga hindi kailangan
- maintain the orderliness ng aking work station
- have at least one major Mommy-Day-Off weekend with girlfriends (sana sa beach)

Thursday, January 05, 2006

Need to unwind

Waaah! Pagod na pagod na ako physically! Ang sakit na ng katawan ko grabecious! Magwa-one month na since umuwi ng Zamboanga etong maid cum yaya namin at hanggang ngayon di ko malaman kung babalik pa o hindi. Grrr!

Ang nakakainis, pagkatapos makipagbuno sa traffic papuntang domestic airport ang asawa ko last Thursday para lang bumili ng e-ticket para sa flight nitong maid, ni hindi man lang sinasagot ang mga texts at tawag namin sa celphone nya!

Ok lang sana na diretsuhin akong “Ate wala na akong balak bumalik,” kesa ganitong ibibitin kami. Feeling ko pinagtataguan pa kami. Kainis di ba? Kung kelan bagong taon, uumpisa ang year na aburido ako. Argh!

Ang siste pa, last week naman hindi pa ako ganito ka-stressed out. Inisip ko na baka busy lang with the holidays at baka nag-outing kung saan na walang signal ang cel. Pero naman! After almost a week na puro text at attempts ko para tawagan sya, hindi pa rin sumasagot! Pinasahan ko pa ng load thinking baka walang pang-sagot. Wala pa rin! Three times ko na tinatawagan kanina, ring lang ng ring. Kakapeste.

Hay, ba’t ba may mga taong walang kapaki-paki sa kapwa. Ano ba naman yung magsabi ng maayos??? Pagkatapos ko pa syang ipahatid kay hubby sa airport nung umalis sya, ng alas tres ng madaling araw! Hindi man lang naisip na nagmamalasakit kami sa kanya at hindi sya tinatratong katulong lang. To think na wala naman na syang pinroblema at poproblemahin sa bayad sa eroplano, ako na nga sumagot para di na sya mag-land/sea trip na pagkatagal-tagal. Tapos eto at mukhang maaabala na naman si hubby para magpa-refund ng tiket at magbayad ng extra charges pag nagkataon. Gooolay!

Buti na lang may timing na forwarded message sa kin about letting go. You can read it here. Na-remind ako na hindi lahat ng tao eh permanent sa buhay natin. Maybe nga, it’s time for us to find a replacement. Hay, ipag-pi-pray ko na lang at sana bigyan kami ni Lord ng matinong kapalit kung saka-sakaling kelangan na talaga.

Monday, January 02, 2006

Happy New Year!

Kamusta ang mga celebrations? Kami oks lang. Ang daming magagandang firework "shows" galing sa mga kapitbahay ng mga in-laws ko sa Ayala Alabang. Clarification, katabing village lang po sila hehehe. At least kitang-kita pa rin!

Ang sad moment ko lang, nung Dec. 31st. Habang binabagtas namin ang traffic sa kahabaan ng Alabang-Zapote road. Galing ako sa bahay ng friends ko para isoli yung chords book ng Corrs. Late afternoon na yun pero mainit pa rin, at ang traffic pa! Buti at hinatid ako ni hubby. Ayaw ako pag-jeep-in kasi baka daw media noche na hindi pa ako umuuwi.

Biglang may umamoy na mabango. So I checked my shoulder bag. Nakapa ko yung bottle ng perfume ko. Pag-angat ko, upside down sya at kita kong bumuhos yung lahat ng laman! Waaah, natapon lahat ng laman ng 5 ml bottle ko ng Clinique Happy Heart! *hikbi* Peborit ko pa naman yun! At hindi pa man lang sya nangangalahati!!! Ewan pano nag-loosen yung cover :( Basta biglang umalingasaw sa bango yung buong loob ng van tapos yung isang celphone ko napuruhan ng buhos. Ayun kinalas ko pa para punasan ang loob. Hanggang ngayon mas mabango pa rin sya at yung bag ko kesa sa kin :p

Pagdating namin sa bahay ng inlaws ko, para akong naligo sa pabango, malagkit-lagkit pa ang hands ko dahil sa oil base. Tapos nung umuwi yung sis-in-law ko, ang unang comment nya "Wow ang bango ng bahay!"
Related Posts with Thumbnails