On Hazing: A Parent’s Point-of-View
Nasa UPLB ako kahapon. Nakwento sa kin ng isang friend ko dun na may namatay palang neophyte just last weekend sa isang APO hazing. My goodness, pa-violent na ng pa-violent ang mga fraternities talaga! It angers me that boys (yes, boys! Because they are immature!) who claim to stand by brotherhood take pleasure in being cruel and inflicting harm to those they call brothers!
Ang kinakabahala ko, lahat ng anak ko eh lalaki at pagdating nila ng college, sana wag silang mai-involve talaga sa mga frats. Kahit matagal pa yun, naiisip ko pa lang ngayon, nakaka-praning na! Naku, siguro lunod sa paalala at threats etong mga ito sa akin pagpasok nila ng kolehiyo. At talagang mananakal ako ng mga fratmen na magre-recruit sa mga anak pag nagkataon.
I am so saddened for the boy’s family. Napakasakit sa isang magulang na ganun ang sapitin ng anak, mamamatay ng walang kabuluhan --- dahil sa mga walang-silbing “brotherhood” na tinatawag. Linstok, sa lahat ng samahang magkakapatid, etong mga orgs na ganito ang pinaka-detrimental!!!
I hope this kind of news serves as a warning to parents to be more vigilant of who their children associate with, at maging paalala sa mga kabataan na hindi katapusan ng mundo ang hindi mapabilang sa fraternity o sorority man. I should know, never kong pinangarap sumali sa ganyan nung college ako (oo takot ako sa paddle at ayokong magmukhang talong ang legs ko!) and yet, I survived college happy to belong in a Christian and an academic organization. Satisfied na ako dun. I just hope my kids would be sensible enough to make the right choices pag sila na ang tumuntong ng kolehiyo.
Thursday, January 19, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Kakatakot talaga iyang ganyan, ayaw ko rin makasali ang kiddo ko diyan. Brotherhood kuno pero may gulpihan, haynakupo.
You know what, ako noong 15 muntik nang mapasali sa isang sorority. Actually that time, nagsisimula pa lang iyong Delta Rho (parang un ang name), walang paddle-an at puro utos lang. But umurong din ako kasi kailangan pala may pipirmahan kang membership form at kailangan daw ma-register iyon sa kung saang government office (?). Natakot ako kasi malalaman ng mama ko na sumali ako sa ganun. Sana nga lang kung ganoon lang ngayon pero hanggang patayan na talage e. Saka siempre iba kapag puro boys ang members, violent talaga.
Post a Comment