Ano, baliw?
Matagal ko ng di nagagamit ang phrase na ito ... but can't help feeling that it's appropriate sa mga nangyari the past few days.
Kwento ko lang ... nung Sunday night nag-usap kami ni hubby and decided na ire-refund na nya yung bayad sa ticket ng return air fare ng maid namin kinabukasan. Kasi nga ni ha ni ho, wala kaming nare-receive na acknowledgement man lang from her kung natanggap nya ba yung text na merong details ng flight, saan ike-claim ang e-ticket etc. etc.
Biro nyo naman, from Dec. 29 up to Jan 6, halos araw-araw nagti-text kami sa kanya (ako, si hubby, pati nanay ko!) asking "Na-recieve mo ba yung text? Alam mo na ba gagawin? Text back ka ... etc. etc." Walang reply! Pinasa-load ko pa kasi baka kako walang load, wala pa ring response. Tinawagan namin ng ilang beses, ring lang ng ring at hindi sinasagot ang phone. Ano iisipin namin di ba? After calling her 3x nung Friday night, I really gave up. Sabi ko nga, ayoko na, bahala na sya sa buhay nya.
So kahapon after the traffic and all the aberya ng pagpila sa ticketing office, na-refund na ni hubby yung bayad. Ang tagal na nga n'yang pumila, nakaltasan pa sya ng P220. Natakot kasi ako nung sabi nya sa kin na if ever daw na dumating sya sa office at na-claim na sa Zamboanga yung e-ticket, wala na kaming habol dun. Pwede ng ipa-change ng maid ang flight at baka mahirapan kaming i-trace pa s'ya. Aba sayang yung 3k pag nagkataon at baka abot-abot ang bwisit ko eh mapa-hunt down ko sya ng di oras. Malay ba namin kung balak nyang bumalik ng Luzon pero hindi na sa amin di ba?
Tapos kaninang umaga, aba nag-text ang babaisot. Hindi ko agad nabasa kasi naglalaba ako at maingay ang washing machine. Pina-ring ang phone ko ng matagal kaya napilitan akong takbuhin. Kala ko editor ko. Ang text "Pina-cancel nyo daw yung tiket ko?" So sinagot ko ng "Oo. Hindi ka sumasagot sa sangkatutak na text at tawag namin eh. Kesa naman ma-forfeit yung bayad dahil di namin alam kung may balak ka pa bumalik o hindi." Mamya text ulit, "Ate, bakit pina-cancel nyo yung tiket ko?" Hay naku, hindi ko nga sinagot. Ngayon mangungulit nung wala syang ma-claim.
Eh di ba kaduda-duda namang bigla syang magpaparamdam after more than a week of silence on her end. Maya-maya asawa ko na ang tini-text (absent si hubby from the office kasi nagpa-dentist). Naku pasensyoso pa tong asawa ko, nagtyagang makipag-text. Eto na, ang daming dahilan ng maid, kesyo low batt daw sya nung tumatawag ako, kesyo iniwan daw nya phone sa bahay at nagcha-charge, kesyo wala daw syang load, kesyo di daw nya natanggap yung pasaload ko, kesyo nag-text daw sya sa kin using another number etc. etc. Kapag nire-remind ni Noy na ang daming araw at ang daming tao ang nagta-try kumontak sa kanya, balik sya dun sa mga alibis nya. Meron pang sumbat na "Akala ko ba malinaw ang usap natin nung umalis ako?" Sagot ni hubby "Paano naging malinaw eh ni hindi ka nga sumasagot kung natanggap mo yung mga detalye ng byahe mo pabalik?!" Di ba ang labo?
Kako kay Noy itext nya na "kung gusto mo bumalik dito, pamasahihan mo muna sarili mo at ibabalik na lang sa yo pagdating mo. Wala na akong oras para bumalik na naman ng airport!" Nakow wala daw syang pera. Sabi ko na lang kay hubby wag na mag text back at wala ring mangyayari. Ang gusto ata eh padalhan pa sya ng pera. Eh naku, wala na nga akong guarantee na sa amin sya babalik kung na-claim nya yung ticket no! Ika nga ni hubby, "Palagay ko may hidden agenda yan." Malamang nga. Inisip ko baka may iba na syang na-kontratang papasukan na iba (marami syang naging friends na yaya ng classmates ni Deden sa Montessori dati, baka may gusto mag-pirate) pagbalik nya at gagamitin pa kami para makalibre sya ng pasahe.
Kayo, kung yan ang situation, di ba nakakainsulto ng talino na after kang isabin ng mahigit isang linggo, kokontakin ka lang nung wala syang nakuhang tiket? I really thank God na na-refund namin yung pera bago pa pinuntahan ng maid yung airline. Sa lahat pa naman ng ikaka-ngitngit ko, yung ang ending eh nagmukha kaming uto-uto. Ngayon, kung makabalik man sya dito using whatever means, parang ayoko ng tanggapin ulit. Kahit pa hirap ako. Kasi parang nawala na yung trust ko sa kanya after all this fiasco.
O masyado lang ba akong paranoid? Paki-batuhan nga ako ng opinyon dyan ...
Tuesday, January 10, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Eto na ang bato ko sa iyo:
Korek ka diyan, sistah! Ano akala niya sa iyo? Kahit na nga sino pang tao hindi niya dapat dinededma. Respetuhan lang naman iyan. Sa ginawa niya ay ipinapakita niya lang na wala siyang respeto sa mga taong nagtiwala sa kaniya.
Kahit pa nga makapunta siya rito sa sarili niyang paraan, wag mo nang tanggapin. Mahirap na talagang magtiwala. Saka kung tatanggapin mo pa iyan baka lalong magmaganda ang lokah. Feeling pahabol lagi iyan sa iyo.
Hay! ang wrinkles, cool lang kapatid. Pero kakainit talaga ng ulo iyan ha.
Post a Comment