Saturday, January 07, 2006

New Year’s Resolutions

Marami na ring mga new year ang dumaan na hindi ko inisip ito sa totoo lang. Sa kin, parang ok na to live through each day that comes. Parang alam ko naman ang goals ko subconsciously so I don’t need to make a list na.

But a forwarded message on making concrete plans to realize one’s goals made me rethink my former mindset. Siguro I just have been complacent for so long dahil na rin sa dami ko laging iniisip for my family, ayoko na mag-isip pa ng ililista. Pero this year I resolved to write down all the things I hope (ayokong sabihing ‘want’ para hindi ako ma-disappoint ng todo pag hindi lahat nangyari o nagkatotoo) I’d be able to do for the whole of 2006:

1.Family-wise
- mas magkaroon ng patience in dealing with my rowdy kids
- have at least one meal during weekends (malamang Sunday dinner ito) na maging special ang lulutuin ko
- be disciplined enough to really set aside money for savings kahit pa gaano kahirap i-budget yung pumapasok na finances
- have a family outing at least once every one or two months kahit tambay lang sa UPLB field or visit the zoo
- start the planned Saturday Kids’ Library sa garage
- be able to buy kahit a second hand car for James’ checkups and family trips (Lord, please help us find the money!)

2. Work-wise
- maghanap ng ibang projects aside from the existing ones
- start that book I was meaning to write
- photocopy and file published articles na wala pa sa portfolio ko
- makabili ng laptop (kahit cheap) at PDA

3. Spiritual-wise
- have daily quiet times/devotions
- go to church more often, do again the alternating Sunday schedules namin ni Noy dati para hindi maka-miss ng Sunday school ang mga kids at the same time may maiiwan with James

4. Personally
- makapag-practice ako ng violin at piano at least 3x a week; tinwhistle dapat everyday
- makapabili sa mga uuwing relatives from the US ng new tinwhistles
- hunt down missing Wilbur Smith books para sa aking collection
- trim down all my kalat around the house, organize my books, sort through my clothes and i-rummage ang mga hindi kailangan
- maintain the orderliness ng aking work station
- have at least one major Mommy-Day-Off weekend with girlfriends (sana sa beach)

1 comment:

Lani said...

Hi, Ruthie! Sana lahat nga iyan matupad no? Ang hirap talagang mag-expect sa mga bagay-bagay, masyadong nakaka-disappoint kapag hindi nangyari. Pero atleast, mag-try tayo di ba?

Kakainis naman iyang katulong na iyan. Sana lang naman maisip niya ang mga taong naghihintay sa response niya. Mas okay nga ba magsabi kung di na siya babalik kesa naman umaasa kayo. Ako man nasa lagay mo mapa-praning talaga ako.

Mahirap talagang magpaka-cool kapag maraming nakakainis sa paligid pero kailangan kapag nainis tayo beautiful pa rin :)

Related Posts with Thumbnails