Monday, September 04, 2006

Nakahabol!

Minsan sa sobrang gusto nating gawin ang isang bagay, talagang gagawa tayo ng paraan 'no? Kahapon ng hapon, kahit soooobrang init at parang ayaw kong iwan ang airconditioned room sa bahay (pinalamigan ko si James, wawa naman pawis ever kasi), kinondisyon ko ang sarili kong kelangan ko nang lumarga dahil next year ko na ulit magagawa ito if ever.

Pinagbihis ko si Leland para sumama sa akin. Di n'ya alam saan kami pupunta. Pagdating namin ng Alabang, pasok muna kami ng Metropolis para bumili ng solo pizza sa Greenwich, iced tea para sa kanya at pearl cooler para sa akin. Tapos sumakay kami ng bus papuntang Lawton.

Naku pagka-traffic!!! Tapos ang dami pang re-routing na di ko maintindihan ba't kung saan-saan pinasikot-sikot ang mga jeep! Sows, after about an hour and a half since umalis kami ng bahay, nakarating din kami sa World Trade Center.

Yep! Annual Book Fair ang pinuntahan namin ni kuya. Last day na kahapon at kung pinairal ko ang katamaran ko, eh good luck dahil next year na ulit ako makakapunta dun!

Nakow, talagang hinanap muna namin ang booth ng Psicom para bumili etong aking drawing fanatic na anak ng mga How to Draw Manga booklets. Na-disappoint lang ako kasi last year, they sold it for P25 each. Ngayon P50 na isa! Still, cheaper pa rin sa regular price nilang P75. Kaso di ko naman afford bilhin lahat ng volumes so pili ang Leland ulit ng best 4 na gusto nya. Binilhan din namin sina Jo at Deden ng back issues ng DC Kids comics. Not bad at 4 for P100.

Next stop, Summit Media booth. Hay naku, dun ako napagastos kasi binilhan ko ng kopya yung mga ininterview kong experts para sa mga articles ko na lumabas ilang buwan na ang nakaraan. Tsk, ba't kasi wala man lang kaming free copies na writers eh :( Kakahiya namang tanggihan ang mga interviewees pag nanghingi sila kasi nga naman inabala ko na sila for interview tapos di ko pa sila mabigyan ng kahit isang kopya? So I buy pa rin for them. Yun nga lang late kasi naghihintay na ako ng back issues. Eh naman, lahat sila bibilhan ko tapos P100 each?! So hintay ako na mag-50% off man lang kasi talo talaga ako sa budget. *Sigh* Minsan iniisip ko nga kung ilang percent na lang talaga ang kinita ko sa mga writeups ko pag ni-minus ko pa yung mga pamasahe, mobile phone calls, internet fees etc. na ginagastusan ko para lang maka-submit.

Anyway, at least natuwa si Leland bumili ng back issues ng KZone at Games Master. May nabili din kaming hardbound na Dinosaur book at P100 lang. Dami ko pang gustong bilhin lalo na sa Reader's Digest booth kaso short na sa funds, baka maubusan na ko ng pang-grocery.

Pero basta naman reading materials, as much as possible, ini-indulge ko mga anak ko. I know it will broaden their minds as it did me when I was small. Buti nga sila nagsimula sa mga Archie comics, KZone at Monster Allergy. Ako? Naku, ang kilala ko noon eh Funny Komiks, Aliwan at ano pa nga ba yun? Basta yung mga korny na komiks na nire-rent ng maid namin sa tindahan hahaha. Although gumradweyt naman ako sa Nancy Drew, Dana Girls, Bobsey Twins at Hardy Boys pagtuntong ko ng grade 3.

Ending, umuwi kaming ang bigat ng mga bitbit. Umulan pa! Pero happy ang panganay ko. Pagdating ng bahay, share silang magkakapatid ng mga loots. Downside? Maga-alas onse na ng gabi ayaw pang magpatay ng ilaw dahil lahat eh nagbabasa pa! Ayun napatayan ko ng switch amidst moans and groans. Hay, kontrabida na naman si Mommy!

Ngayon, di ako makatulog kasi sumakit ang balikat at braso ko sa dami ata ng dala kagabi. Nag-Alaxan capsule na ako with matching Alaxan ointment, wa epek. Hmmm, makapag-Milo nga ...

No comments:

Related Posts with Thumbnails