The Art of Subtlety
Minsan, kahit masama, di natin maiwasang magsalita ng hindi maganda lalo na kung may nangyayaring nakakainis sa atin. Minsan, may K tayong magalit, minsan unreasonable tayo. Pero kahit anong inis o asar natin, di ba mas magandang huwag namang marinig ng isang tao na pinag-uusapan natin sya na naririnig nya?
Since Saturday, wala kaming dial tone sa bahay. Ergo, hindi ako maka-internet, much less makatawag sa mga dapat kong i-follow up na tao para sa santambak kong article deadlines.
Kaninang hapon, pumunta na ako sa kabilang village para lang makitawag sa bahay ng mga inlaws ko. Masama man sa loob kong iwan si Deden sa maid kahit nilalagnat ang anak ko. Hindi naman kasi naghihintay ang deadlines at panic time na ako dahil nga apat na araw na akong cut-off sa mundo.
Dapat kahapon ako ng umaga tumawag sa Director's Office ng PGH para i-follow up ko yung request kong mag-interview ng doctor. Kaso di nga ako makatawag dahil lahat ng fones sa village namin, wala palang dial tone.
So kanina, noong nakatawag na ako finally sa PGH at nakausap yung secretary, sinabihan akong nawawala daw yung original fax na pinadala ko last Friday. Mag-send na lang daw ako ng panibagong copy. So I had to tell her na wala akong fax access at the moment kasi nga apat na araw nang sira ang phone ko sa bahay. Teka daw at ta-try nyang hanapin ulit.
Tapos ba naman, rinig na rinig kong may kausap sya sa background. And her words were, "Hay naku, di ko makita yung fax, di daw sya makasend ulit at wala daw syang access ngayon. Pati ba naman yun problema ko pa?!"
I was really shocked, and rightfully indignant. In the first place, kung matino silang mag-file ng mga letters nila, at niki-keep track nila lahat ng correspondence sa office na yun, dapat walang nawawalang kopya. Tapos utang na loob ko pa sa kanya na hanapin yung letter ko kung di na ako maka-resend ng request ko which nagawa ko na naman yun nung time na sinabi nilang mag-fax ako?! May nalalaman pa syang sisi na "Eh bakit kasi di ka tumawag kahapon nung andito si doktor!" Eh hello? Wala nga akong telepono kahapon, garsh! So dense!
Ang ending? Pagbalik nya sa phone, pleasant na ulit ang tono nya. How plastic! "Miss ganito na lang, tawag ka ulit mamaya para kausapin mo na lang si Dr. Tee ng diretso pagkatapos ng meeting niya." I was tempted to tell her off. Pero since kailangan ko pa ang services nya for the next days, I decided to keep mum.
Ok fine. Maayos nya akong kinausap as phone. Pero the mere fact na narinig kong inookray nya ako dun sa isang kausap niya, turned off na ako. She could at least have left the bashing after nya ako babaan ng telepono 'di ba?
Life's unfair sometimes, and it's such a sad thing when we're at the receving end of the injustice.
Tuesday, September 19, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Sa totoo lang talagang nakakaimbyerna siya. Ewan ko ba bakit may mga tayong ganyan sobrang ipokrita.
Yun nga lang magagawa medyo "quiet" na lang muna pero kung wala ka lang talagang kailangan pa sa kaniya dapat malaman niya ang kabastusan niya.
Hindi mainit ang ulo ko ha, medyo nadadala lang ako ng emosyon ko (hehhehe)
Post a Comment