Turete sa Tax
Nung isang araw, nakausap ko yung friend kong bookkeeper. Sa tagal na naming magkakilala, ewan ba at nung Wednesday lang ako nakapagtanong sa kanya ng mga bagay-bagay tungkol sa taxation.
Freelance writer ako, at tuwing dumarating sa akin ang mga cheques na bayad sa mga articles ko, kaltas na agad ang mga yun ng 10%. Ilang taon na akong nafu-frustrate sa sistemang ito. Kasi iniisip ko, ang daya naman, ke liit-liit na nga ng bayad minsan, kakaltasan pa ako ng sampung porsyento. To think na apat pa anak ko! Eh di pandagdag ko na yun sana sa mga gastusin sa bahay o kaya pang-treat man lang sa mga bata sa Jollibee. Tanong ko tuloy, “Di ba ako entitled dun sa mga tinatawag na exemptions?” Sabi ng friend ko, usually ang husband daw ang nagkakarga na noon. Ok fine, si mister na ang bahala dun.
Nagulat lang ako nung tinanong nya kung nagpa-re-register ako ng TIN. Hindi kako kasi meron na naman akong TIN ID although luma na talaga dahil early ‘90s ko pa yun nakuha from the BIR. Kasi daw pala, nagkaron ng re-registration around early 2000 and maraming taxpayers ang hindi na makita ang pangalan sa database.
Ganun? So saan napupunta pala lahat ng kinakaltas na tax sa akin ng mga kumpanyang pinagsa-submitan ko ng articles over the years? Most likely daw, kahit nagbabayad ang company sa BIR, kung wala naman ang pangalan ko sa database, “floating” ang perang ibinabayad sa pangalan ko. Para ka daw nag-deposit sa banko pero wala ka namang bank account. At most likely din, nasa bulsa na ng kung sinong taga-BIR ang mga binayad kong tax! Dyaske, kung marami palang katulad ko na walang kaalam-alam tungkol sa bagay na ito, (take note, walang public information na ginawa ang BIR nung time of re-registration) ang laking pera ang floating sa BIR ngayon! Tapos reklamo sila ng reklamo na kailangan habulin yung mga malalaking tao na tinatakbuhan ang tax obligations nila! Habang tayong maliliit ang kandakubang magtrabaho at magbayad ng tax! Eh kahit naman naghihimutok ako sa ilang libong nakakaltas sa akin every year, inisip ko, sige na nga, kung pakikinabangan ng gobyerno, pwede na rin. Kaso nga, baka BIR officials lang ang nakikinabang, waaah!
Kahapon lang, tumawag sa akin ang friend ko. Ni-verify daw nya sa BIR ang number ko. Wala nga ako sa database!!! Argh!
So anong dapat kong gawin? Magpa-register daw ako ng practice of profession para naman maging legit ang pasok ng taxes ko. Nga lang, may P500 palang fee yun! Grrr, tindi talaga ng gobyerno. So sa Monday, balak kong pumunta ng BIR para magtanong-tanong at kumuha ng new TIN ID. Sana wag akong tarayan kasi ang dami ko ng nakausap dati na mga taga BIR na mahirap kausap. Turned out tactic pala nila yun, according to my friend, para ang mga tao wag ng magtanong ng magtanong. Nangyari sa akin yan last year, nung nagta-try akong mag-file ng ITR pero ayaw tanggapin ang papers ko nung BIR representative sa munisipyo namin dahil entitled daw ako sa reimbursement pero dapat daw yung company ang magbayad sa akin. At kung kukunin daw nya papers ko, BIR pa ang mapipilitang magbayad eh hindi daw nila gagawin yun. Ang labo grabe. Tinamad na akong i-pursue dahil pinapaikot-ikot ako sa explanations na hindi ko maintindihan.
This year, gusto ko i-try ulit pero didiretso na ako sa BIR office mismo. Although marami pa daw gagawin at dapat kong maintindihan sabi ng friend ko. May sinasabi pa syang personal ledgers kung saan dapat i-keep track ang expenses at income, na dapat may tatak at pirma ng BIR. Kaya magkikita ulit kami next week para ma-explain nya sa akin ang mga proseso before I finally file the ITR. Ang sa kin lang, kahit sa ganitong maliit na paraan, gusto ko namang i-practice ang pagiging mabuti kong mamamayan.
Kaya kayong freelancers dyan na gaya ko, i-verify nyo din ang TIN nyo kung naka-register pa sa BIR at baka sayang din ang mga tax na kinakaltas senyo!
Saturday, April 09, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment