Kainis na Bus
Minsan, sa sobrang paghahangad na kumita, nakaka-apak na ang ibang tao sa karapatan ng iba. Kaninang umaga, pagkahatid ko kay Leland sa art workshop nya sa UP Diliman, sumaglit ako ng Galleria para kunin ang mga BIR forms ko sa office. At dahil bitbit ko si Deden, inisip kong huwag ng mag-MRT para naman pagbaba namin ng Ortigas, hindi malayo ang lalakarin namin. So sa Philcoa, nag-abang ako ng bus na dadaan sa ilalim ng Ortigas flyover.
Nakakailang bus na ang dumaan, wala akong makitang may sign na Ortigas flyover man or ilalim. Nang may tumigil sa tapat ko, tinanong ko ang kundoktor “Manong, dadaan ba ng Ortigas ilalim?” Oo daw kaya sumakay na kami ni Deden kahit hindi sya aircon bus.
Sobrang init sa loob! Kahit mga 10 am pa lang noon, tagaktak na ang pawis namin. Na-traffic kami sa Cubao at nakatulog na si Deden dahil sa init. Nung malapit na kami ng Ortigas, narinig ko ang kundoktor na tinanong ang driver “Psst, magi-ilalim ba tayo?” to which sumagot yung isa ng “Hindi.”
Eh di nairita na ako. “Manong sabi mo kanina dadaan kayo ng ilalim kaya ako sumakay.” Hindi ako pinansin. By then, lampas na yung bus dun sa turn off papuntang ilalim. “Aba manong, saan ako pwedeng bumaba eh Ortigas ilalim ako?!” Sabi ba naman, “Teka lang, dun sa banda doon bago umakyat, may lagusan.” Kaso wala na at sarado na. Gagawin pa akong suwail sa MMDA eh kung ako ang hulihin!
Ang nangyari, dumiretso sa flyover ang bus, tuloy-tuloy pababa habang nagngingitngit ako sa inis. Tumigil ang driver malapit sa hagdan ng MRT station. Bago ako tuluyan bumaba, hindi ko napigilang magsalita “Sana hindi kayo nagpapasakay ng pasahero kung hindi naman kayo dadaan sa sinabi nyo! Buti kung wala akong kasamang bata!” Ang kapal ng mukha, hindi man lang nag-react.
Hindi ko nakuha ang plate number ng dyaskeng bus pero may “Joyselle” nakalagay sa likuran nun saka number 22. Kulay yellow. Hindi ko matandaan ang pangalan ng bus company. Sus, ang layo tuloy ng nilakad namin ng anak ko! Sana pala nag-MRT na lang kami, mabilis pa ang byahe kahit malayo ang lalakarin papuntang Galleria.
Hay naku, sa hirap ng buhay ngayon, nakakairitang marami lalong tao ang nanggu-gulang ng kapwa :(
Wednesday, April 13, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment