Manlolokong Taxi Driver
May ni-meet akong mga tao sa Makati kanina. Dahil na-traffic ako, late na akong nakababa ng bus sa kanto ng EDSA corner Ayala. Nag-decide akong mag-taxi para mabilis na. Hindi ko pa alam exactly ang building na pupuntahan ko pero alam ko naman kung nasaan ang Herrera St.
“Manong dun sa Herrera corner Legaspi Streets ho,” sabi ko. Arangkada ang taxi. Sa Makati Ave. pa lang, lumiko na sya pakaliwa. Inisip ko baka walang left-turn sa Herrera. Pagdating sa may Ayala Museum, right turn naman. Kako, ok lang kasi we’re going in the right direction. Binabasa ko ang mga street signs. Pagdating sa Paseo de Roxas, kumaliwa ulit si mamang driver. Kumunot na noo ko. “Manong bakit dito kayo lumiko eh kasunod na ang Herrera dun di ba?” Abaw, nagkamali daw sya. Sus, idinaan ako kung saan-saang one way street. Tinanong ko na “Alam nyo ho ba ang pupuntahan ko?” Saan daw ba sa Herrera kasi yun na yung street na yun, sabay turo.
Hay naku, sa inis ko nag-pababa ako sa kanto at nag-decide na lakarin ko na lang. Inabot ako ng P48 tapos naglakad din ako! Kesa naman paabutin ko pa ng P100 sa kakaikot ng pesteng driver na yun. Ayan na naman, sisi na naman ako na sana nag-jeep na lang ako, bumaba ng kanto ng Ayala at Herrera at naglakad papunta dun sa place. P5.50 lang ang nagastos ko sana.
Argh, kabwisit talaga ang mga mapangsamantalang tao! As usual, hindi ko matandaan (me and my bad memory) ang name ng taxi pero yung plate number nya ay PWE 300. Sus, pwe (!) talaga sya!
Tuesday, April 19, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment