Sunday, April 24, 2005

Nalilito ka ba?

Sa mga malimit bumisita sa blog na ito, you may notice na biglang nagsulputan ang mga posts ko this week na dated for last week. Inayos ko na lang ang time at date ng mga posts para naman hindi maipon sa iisang araw lang. Buti na lang may feature ang blogger na ganun.

Five days kasi akong walang CPU. Pinatingnan ko sa brother-in-law ko dahil malimit mag-hang. Had to leave it sa Alabang, and Friday night na naiuwi ni husbandry. Kaya eto at ngayon lang ulit ako naka-post ng marami-rami.

Ulit, thanks for reading my posts. May katuturan man o wala sa ilan, sana kahit papano, may napupulot kayo dito kahit konti :)

Thursday, April 21, 2005

Timezone

Sa wakas, nagamit din ni Leland kahapon ang kanyang napanalunang Timezone card from Monster Allergy magazine. Nung February pa nya nakuha yun at matagal din syang naghintay na magka-time kaming pumunta ng Makati. Pagkatapos ng mga summer workshops nila ni Deden sa UP Diliman, tumuloy kami ng Glorietta 4 para mag-games sila. Sayang hindi namin nakasama si Josh dahil may swimming lessons sya sa Alabang nung umalis kami pa-QC nung umaga.

Enjoy ang dalawang kolokoy. Medyo na-amaze lang naman ako at hi-tech na pala ang gaming ngayon. Uso na pala yung pa swipe-swipe na lang ng card para makapag-laro! Malay ko ba eh hanggang tokens lang ang alam ko hehehe. Saka hindi ko dinadala ang mga tsikiting ko sa mga ganung places dahil hindi namin afford. Pakiramdam ko, magsasayang lang kami ng pera (P10-25 per game! Some lasting less than one minute, nanay ko!) kesa maipangbili ng mga mas kailangang bagay. Eh since libre naman itong pagkakataong ito, sya go!

May isang game dun, ang papanalunan, may choices na Nokia phone at Gameboy Advance. Naku, halos hindi na nilayuan ni Leland. Naka-ilang plays din sya, walang nangyari. Feeling ko tuloy para kaming tumaya ng lotto (eh hindi naman ako naglalaro nun!) at nagtapon ng pera.

Nung naubos na ang laman ng card, gusto pa nilang maglaro. Kuripot mom that I am, I had to say no. Sabi ko nga, makakabalik lang sila dun ulit kung may maglilibre sa kanila dahil huwag nilang asahang ako ang bibili ng credits para sa card nila. Sa akin kasi, maraming pwedeng pagkaabalahan at hanapan ng enjoyment ang bata aside from computer or arcade games na hindi pa ganun kagastos like books. Kaya nga pwede na akong magtayo ng children’s library sa dami ng books na binibili ko para sa mga anak ko. Good thing they all love to read kaya sulit ang investments ko.

Bago kami umalis, nag-check kami ng ticket points. Naka-accumulate sila ng 57. Pinagpalit lang ni Leland ng 2 wallets (tig-isa sila ni Josh), isang ball na may dinosaur sa loob for Deden, saka one pair of pencil and eraser. Ayun, hindi naman sila umuwing luhaan.

I’m glad din na hindi sumpungin etong mga anak ko. They understand kapag sinabi kong hindi pwede at walang budget for something, hindi na mangungulit unless feel na feel nilang they can’t live without it. At least ang Timezone, nag-fall under the category “pwede ng hindi.”

Tuesday, April 19, 2005

Manlolokong Taxi Driver

May ni-meet akong mga tao sa Makati kanina. Dahil na-traffic ako, late na akong nakababa ng bus sa kanto ng EDSA corner Ayala. Nag-decide akong mag-taxi para mabilis na. Hindi ko pa alam exactly ang building na pupuntahan ko pero alam ko naman kung nasaan ang Herrera St.

“Manong dun sa Herrera corner Legaspi Streets ho,” sabi ko. Arangkada ang taxi. Sa Makati Ave. pa lang, lumiko na sya pakaliwa. Inisip ko baka walang left-turn sa Herrera. Pagdating sa may Ayala Museum, right turn naman. Kako, ok lang kasi we’re going in the right direction. Binabasa ko ang mga street signs. Pagdating sa Paseo de Roxas, kumaliwa ulit si mamang driver. Kumunot na noo ko. “Manong bakit dito kayo lumiko eh kasunod na ang Herrera dun di ba?” Abaw, nagkamali daw sya. Sus, idinaan ako kung saan-saang one way street. Tinanong ko na “Alam nyo ho ba ang pupuntahan ko?” Saan daw ba sa Herrera kasi yun na yung street na yun, sabay turo.

Hay naku, sa inis ko nag-pababa ako sa kanto at nag-decide na lakarin ko na lang. Inabot ako ng P48 tapos naglakad din ako! Kesa naman paabutin ko pa ng P100 sa kakaikot ng pesteng driver na yun. Ayan na naman, sisi na naman ako na sana nag-jeep na lang ako, bumaba ng kanto ng Ayala at Herrera at naglakad papunta dun sa place. P5.50 lang ang nagastos ko sana.

Argh, kabwisit talaga ang mga mapangsamantalang tao! As usual, hindi ko matandaan (me and my bad memory) ang name ng taxi pero yung plate number nya ay PWE 300. Sus, pwe (!) talaga sya!

Thursday, April 14, 2005

BIR Blues

Finally! Nakapag-file na rin ako ng ITR ko sa BIR kanina. Inabot lang naman ako ng kalahating araw doon! May mga mababait na empleyado akong naka-usap, merong pilosopo, meron namang magulong kausap at meron ding medyo rude. Imagine the diversity of characters na nakilala ko, kaloka!

Nung nagfi-fill up ako ng registration form (di ba nga hindi pa updated ang records ko dun kaya floating ang mga withholding taxes ko), kailangang ilagay ang code ng profession. Sabi nung isang ale, “Ayan ang printout, hanapin mo na lang saan kasama yang trabaho mo.” So tingin ako habang nakayuko dun sa lamesa dahil ke liliit ng fonts. May dumating na isa pang ale, “Ano’ng ginagawa mo?” tanong nya. “Ma’am hinahanap ko po saang category babagsak yung freelance writer.” Inay napagalitan pa ako “Eh ba’t ikaw ang naghahanap dyan eh kami dapat ang gumagawa nyan!” Huh? Mapapakamot na sana ako ng ulo. “Sabi po nung isang ale hanapin ko daw po eh.” Kinabig ni Ale #2 yung printout at sya na daw titingin. After a while, hindi nya makita, ibinalik sa akin. “Ay naku, ikaw na nga maghanap at hindi ko makita.” Ngek!

Tapos nung tinitingnan na ang mga entries ko dun sa form, sabi sa akin, “Punta ka muna ng Landbank, kailangan mo magbayad ng P500. Balik ka dito dala ang deposit slip.” Buti na lang binisita ko ang BIR website nung umaga! Sabi doon, lahat ng less than P100K ang annual income, hindi kailangang magbayad ng P500 registration fee. Eh naman, sa liit ng kinikita ko sa freelancing, hindi pa ako umaabot ng ganung kalaking halaga sa totoo lang. So ni-point out ko yun dun sa aleng yun at saka lang nya sinabing “Ay oo nga pala, less than P100K ka.” Kung hindi ko pala alam yun, di nagbayad pa ako eh may refundable tax pa nga ako noh. Waah! Ba’t sila ganun? Hindi alam ng employees ang policies ng agency nila?

After registering at nakakuha na ako ng new TIN ID, pinapunta nila ako sa officer of the day. Dun daw ako magpatulong sa pag-fill out ng ITR form. Nagli-lipstick pa si madam sa table nya nung lumapit ako. Medyo nagulat pa sya nung nag-excuse me ako. Since ibang sample form ang nabigay sa akin ng friend kong bookkeeper kung saan nya ni-compute lahat ng tax ek-ek ko, pinakuha ako ng ibang form. Nakupo, iba din ang mga mala-fill in the blanks na boxes.

Pagkatapos kong titigan at i-analyze kung paano ko ililipat ang info ko from the sample form, at hindi ko talaga ma-gets, balik ako kay mam officer. “Ma’am saan po ito ilalagay? Parang wala pong space para dito?” Sagot nya, “Ay oo nga! Iba pala yan, mali pala yung sabi ko sa yo kanina. Ganito, baguhin mo na lang, eto ang ilagay mo.” Kumuha sya ng correction fluid at pinaglalagyan ng puti yung mga nauna kong ilagay. Ngek ulit!

Pagkatapos ng matagal na proseso. Ready na ako patatakan dun sa receiving officer. Ayos, ang dami nilang nakaupo dun sa table, (observation din ng pinsan ko na galing din dun kahapon, parang ang daming taong nakaupo lang sa mesa na walang ginagawa) may mga assistant pang taga-tatak si bossing. Pirma here at pirma there sya. Nung natapos na (matagal kasi 22 pages ang attachments ko eh 3 copies yun) tanong ako ulit “Sino po ang kinakausap tungkol sa refund?” Itinuro ako sa isang ale na may katabing mama.

Explain na naman ako ng gusto kong malaman. Kako since married ako, entitled ako sa exemption at based sa computation ng bookkeeper, dapat may refund akong mga P5K+. Sagutin ba naman ako nung mama na “Bakit nagbabayad ka ba ng 3% ___ (nakalimutan ko ang term nya)?” At nilitanyahan ako ng mga kung anu-ano. Kesyo dapat daw sinisingil ko yung opisina ko at hindi BIR etc. etc. Pagkatapos ulit ng mahabang paliwanagan na freelance writer ako (May humirit pa sa kabilang table na “Miss, yung tagalog romance?” na may kasamang ngisi na di ko mawari. Sabi ko “Hindi po, sa nationally circulated magazines po gaya ng ...” Blanko nya akong tiningnan. Ack!) at hindi ako pwedeng mag-refund sa opisina dahil hindi lang naman iisang publication ang pinagsusulatan ko, saka nai-remit na lahat ng withholding taxes ko sa kanila, nag-concede din silang pwede akong mag-refund. “Pero Ineng, etong mga papel mo, dadalhin pa yan sa Maynila, tapos ie-encode doon. Kapag napatunayan nilang valid ang refund mo, papadalhan ka ng BIR ng notice na pwede ka mag-claim. Iimbestigahan pa yan kung totoo ang mga nakalagay dyan.” (Ngar, mag-imply daw bang dinaya ko ang entries ng tax info ko!). Tanong ko “Mga kelan ho yun?” Sagot nya “Ay, yan ang hindi natin masasabi.”

Hirit ulit ako, “Kasi mam sabi ng kaibigan kong bookkeeper, mag-submit daw ako ng letter of request for refund. Meron na ho akong draft dito, hihingin ko na lang po sana yung pangalan kung kanino ko pwedeng i-address dito sa BIR branch. Singit yung mamang kontrabida “Aba Ineng! Kaka-file mo pa lang manghihingi ka kaagad ng refund?! Maghintay ka naman ng isang buwan man lang!” That time, umiikot na sa utak ko ang “Bakeeet?! Pera mo ba yun? Ikaw ba ang magre-refund sa akin nun? At bakit papabalikin mo pa ako dito eh ang layo-layo nito? Pwede ko namang iwan na itong sulat dito ah!”

Dahil pagod na rin ako at ayoko ng makipag-tagisan ng talino sa kanila (feeling ko nagmamagaling lang naman pero hindi nila talaga alam ang processes ng refund, hay!) umalis na lang ako dahil mag-a-alas singko na ng hapon at masakit na ang paa ko kakatayo sa kung saan-saang work station dun.

Iniisip ko lang, kung ganito kagulo kausap ang mga tao sa gobyerno, no wonder naghihirap ng todo ang Pilipinas!

Wednesday, April 13, 2005

Kainis na Bus

Minsan, sa sobrang paghahangad na kumita, nakaka-apak na ang ibang tao sa karapatan ng iba. Kaninang umaga, pagkahatid ko kay Leland sa art workshop nya sa UP Diliman, sumaglit ako ng Galleria para kunin ang mga BIR forms ko sa office. At dahil bitbit ko si Deden, inisip kong huwag ng mag-MRT para naman pagbaba namin ng Ortigas, hindi malayo ang lalakarin namin. So sa Philcoa, nag-abang ako ng bus na dadaan sa ilalim ng Ortigas flyover.

Nakakailang bus na ang dumaan, wala akong makitang may sign na Ortigas flyover man or ilalim. Nang may tumigil sa tapat ko, tinanong ko ang kundoktor “Manong, dadaan ba ng Ortigas ilalim?” Oo daw kaya sumakay na kami ni Deden kahit hindi sya aircon bus.

Sobrang init sa loob! Kahit mga 10 am pa lang noon, tagaktak na ang pawis namin. Na-traffic kami sa Cubao at nakatulog na si Deden dahil sa init. Nung malapit na kami ng Ortigas, narinig ko ang kundoktor na tinanong ang driver “Psst, magi-ilalim ba tayo?” to which sumagot yung isa ng “Hindi.”

Eh di nairita na ako. “Manong sabi mo kanina dadaan kayo ng ilalim kaya ako sumakay.” Hindi ako pinansin. By then, lampas na yung bus dun sa turn off papuntang ilalim. “Aba manong, saan ako pwedeng bumaba eh Ortigas ilalim ako?!” Sabi ba naman, “Teka lang, dun sa banda doon bago umakyat, may lagusan.” Kaso wala na at sarado na. Gagawin pa akong suwail sa MMDA eh kung ako ang hulihin!

Ang nangyari, dumiretso sa flyover ang bus, tuloy-tuloy pababa habang nagngingitngit ako sa inis. Tumigil ang driver malapit sa hagdan ng MRT station. Bago ako tuluyan bumaba, hindi ko napigilang magsalita “Sana hindi kayo nagpapasakay ng pasahero kung hindi naman kayo dadaan sa sinabi nyo! Buti kung wala akong kasamang bata!” Ang kapal ng mukha, hindi man lang nag-react.

Hindi ko nakuha ang plate number ng dyaskeng bus pero may “Joyselle” nakalagay sa likuran nun saka number 22. Kulay yellow. Hindi ko matandaan ang pangalan ng bus company. Sus, ang layo tuloy ng nilakad namin ng anak ko! Sana pala nag-MRT na lang kami, mabilis pa ang byahe kahit malayo ang lalakarin papuntang Galleria.

Hay naku, sa hirap ng buhay ngayon, nakakairitang marami lalong tao ang nanggu-gulang ng kapwa :(

Saturday, April 09, 2005

Turete sa Tax

Nung isang araw, nakausap ko yung friend kong bookkeeper. Sa tagal na naming magkakilala, ewan ba at nung Wednesday lang ako nakapagtanong sa kanya ng mga bagay-bagay tungkol sa taxation.

Freelance writer ako, at tuwing dumarating sa akin ang mga cheques na bayad sa mga articles ko, kaltas na agad ang mga yun ng 10%. Ilang taon na akong nafu-frustrate sa sistemang ito. Kasi iniisip ko, ang daya naman, ke liit-liit na nga ng bayad minsan, kakaltasan pa ako ng sampung porsyento. To think na apat pa anak ko! Eh di pandagdag ko na yun sana sa mga gastusin sa bahay o kaya pang-treat man lang sa mga bata sa Jollibee. Tanong ko tuloy, “Di ba ako entitled dun sa mga tinatawag na exemptions?” Sabi ng friend ko, usually ang husband daw ang nagkakarga na noon. Ok fine, si mister na ang bahala dun.

Nagulat lang ako nung tinanong nya kung nagpa-re-register ako ng TIN. Hindi kako kasi meron na naman akong TIN ID although luma na talaga dahil early ‘90s ko pa yun nakuha from the BIR. Kasi daw pala, nagkaron ng re-registration around early 2000 and maraming taxpayers ang hindi na makita ang pangalan sa database.

Ganun? So saan napupunta pala lahat ng kinakaltas na tax sa akin ng mga kumpanyang pinagsa-submitan ko ng articles over the years? Most likely daw, kahit nagbabayad ang company sa BIR, kung wala naman ang pangalan ko sa database, “floating” ang perang ibinabayad sa pangalan ko. Para ka daw nag-deposit sa banko pero wala ka namang bank account. At most likely din, nasa bulsa na ng kung sinong taga-BIR ang mga binayad kong tax! Dyaske, kung marami palang katulad ko na walang kaalam-alam tungkol sa bagay na ito, (take note, walang public information na ginawa ang BIR nung time of re-registration) ang laking pera ang floating sa BIR ngayon! Tapos reklamo sila ng reklamo na kailangan habulin yung mga malalaking tao na tinatakbuhan ang tax obligations nila! Habang tayong maliliit ang kandakubang magtrabaho at magbayad ng tax! Eh kahit naman naghihimutok ako sa ilang libong nakakaltas sa akin every year, inisip ko, sige na nga, kung pakikinabangan ng gobyerno, pwede na rin. Kaso nga, baka BIR officials lang ang nakikinabang, waaah!

Kahapon lang, tumawag sa akin ang friend ko. Ni-verify daw nya sa BIR ang number ko. Wala nga ako sa database!!! Argh!

So anong dapat kong gawin? Magpa-register daw ako ng practice of profession para naman maging legit ang pasok ng taxes ko. Nga lang, may P500 palang fee yun! Grrr, tindi talaga ng gobyerno. So sa Monday, balak kong pumunta ng BIR para magtanong-tanong at kumuha ng new TIN ID. Sana wag akong tarayan kasi ang dami ko ng nakausap dati na mga taga BIR na mahirap kausap. Turned out tactic pala nila yun, according to my friend, para ang mga tao wag ng magtanong ng magtanong. Nangyari sa akin yan last year, nung nagta-try akong mag-file ng ITR pero ayaw tanggapin ang papers ko nung BIR representative sa munisipyo namin dahil entitled daw ako sa reimbursement pero dapat daw yung company ang magbayad sa akin. At kung kukunin daw nya papers ko, BIR pa ang mapipilitang magbayad eh hindi daw nila gagawin yun. Ang labo grabe. Tinamad na akong i-pursue dahil pinapaikot-ikot ako sa explanations na hindi ko maintindihan.

This year, gusto ko i-try ulit pero didiretso na ako sa BIR office mismo. Although marami pa daw gagawin at dapat kong maintindihan sabi ng friend ko. May sinasabi pa syang personal ledgers kung saan dapat i-keep track ang expenses at income, na dapat may tatak at pirma ng BIR. Kaya magkikita ulit kami next week para ma-explain nya sa akin ang mga proseso before I finally file the ITR. Ang sa kin lang, kahit sa ganitong maliit na paraan, gusto ko namang i-practice ang pagiging mabuti kong mamamayan.

Kaya kayong freelancers dyan na gaya ko, i-verify nyo din ang TIN nyo kung naka-register pa sa BIR at baka sayang din ang mga tax na kinakaltas senyo!

Wednesday, April 06, 2005

Tawag Dito Tawag Doon

Hay, after 45 years! Naka-register din ako sa unlimited call/text ng Globe. Nagsimula lang naman akong mag-text ng bandang 6am hanggang gabi. Finally, around 7pm nakatanggap din ako ng activation message. And just in time dahil hanggang bukas na lang pala pwede mag-register.

Tumawag kasi ako sa CS and was told na kinailangan na nilang i-cut short ang promo dahil sa dami ng nagpapa-register. So hindi na hanggang April 22. Pero lahat daw ng na-activate na, mae-enjoy pa rin yung one month privilege. Na-appreciate ko naman ang honesty ng Globe na since trial period nga lang daw yun, tini-test nila kung kakayanin ng network ang ganung klaseng load. Sadly, since nagsa-suffer daw ang service nila, they had to discontinue.

Oh well, I just hope they can launch the promo full blast soon pag naayos na nila ang network problems nila. Pero so far, ok naman ang experience ko. Hindi mahirap mag-connect or mag-send ng texts unlike what I’ve been hearing with Smart and Sun subscribers na nag-avail ng mga unlimited promos dun.

Ayos, mega-tawagan na tuloy kami ng mga kapatid ko. At natatawagan ko na ang asawa ko maya’t-maya. Yun nga lang pag andito ako sa bahay, dahil ke hina ng signal, kailangan naka-pose akong parang statwa sa terrace sa second floor para hindi mawala ang signal. Pero ok pa rin dahil mapapahinga ang daliri ko kaka-text ng isang buwan hehehe.

Tuesday, April 05, 2005

Unlimited Call/Text ng Globe

In case di kayo aware sa promo na ito, here are the details. Soft launch pa lang daw kasi kaya hindi nila ina-advertise. At least Globe has the sense to “feel” out the market first kung kaya ng system nila i-accommodate ang ganitong scheme.

1. Promo is open to all GHP Prepaid subscribers including SIM swappers.

2. GHP Prepaid subscribers must REGISTER first to avail of the promo. The account balance should be at least Php 301 when they register to the promo. Text 300 to 2870.

3. The amount will be deducted automatically from the existing balance. GHP Prepaid subscribers must maintain a minimum account balance of 1 to enjoy the promo.

4. A confirmation message will be sent to inform subscribers to wait for an activation message within 24 hours. This activation message will inform them that they can already start using the Plan as well as its expiry date and time.

5. Registering to the promo will NOT change the load expiry. The load expiry will be dependent on the last reload made.


Call their customer service for other details. Kahapon, ini-register ko ang phone ng husband ko dahil ang gastos nun sa load. Matagal ngang makapasok! It took me a good portion of 3 hours (as in! from 5 – 8 am ako nag-try every few minutes) bago finally na-activate ang request. Pero at least ok na. Natawa ako kasi ang yabang, tawag na ng tawag sa akin since he left for Manila. Tapos ininggit pa ang boss nya kaya pati yung tao, nagpaturo sa akin pano mag-avail hehehe. Inisnub ang postpaid account nya at bumalik muna ng prepaid.

Ang catch, baka sa sobrang aliw ninyong magtatawag, baka ibang networks na ang ma-dial ninyo eh bawal mag-zero balance ha.

Eto ang mga advantages. In fairness, totoo ito …

GLOBE'S ADVANTAGE:
--GHP has LONGER duration when making a GHP-GHP call. Enjoy 30 minutes of
being connected to your family or friends!

--GHP-GHP calls are FASTER to make, no access codes to memorize!

Advantage over SUN:

--Globe enrollment is easier because you just need to text to activate vs. Sun's special call cards

--Duration of GHP-GHP Calls is 30 minutes vs. Sun's 15 minutes

--GHP has only ONE PLAN to enjoy unlimited call & text

Advantage over SMART:

--GHP enrollment is easier because you just need to remember ONE access
no. vs. Smart's different access numbers for text or call

--GHP offers Unlimited Call and Text vs. Smart's Call or Text

--Duration of GHP-GHP Calls is 30 minutes vs. Smart's 5 minutes

--GHP-GHP calls are faster to make, no need to memorize access numbers! With Smart, if you call another Smart subscriber, you need to pass through an Access No. and wait for a call back before you can actually talk to the person you called.

Sunday, April 03, 2005

Graduate na si bunso!

Graduation ni Bunso last Friday


graduated from senior casa
Originally uploaded by mommywrites.




Hay natapos din ang graduation ni Daniel! Kay tagal bago nag-start, dapat 4pm, naging 5pm, kasi inuna pa na pakainin ang mga guests bago mag-start. Pero ang instructions sa mga magulang the day before, bawal magpabili ang bata ng meryenda during the ceremony. Dami tuloy ginutom na kids in the middle of the program. Sana 6pm na lang ang nilagay nilang time, hmp. Sobrang late na tuloy natapos. Aburido na ang mga bata by then.

At para naman pampalubag loob kay kulit, dumiretso kami ng Jollibee para i-treat sya kahit magna-9pm na yun. Ang nakakatawa, since ang attire nina Deden eh white pants and white polo with lavender bow tie, pagbaba namin ng van sa parking, comment ng isang batang tambay dun "Uy si Tolits!" Natawa talaga ako. At least totoong pinalabhan ko sa Tide yung gala uniform nya bago sinuot. :P

Saturday, April 02, 2005

Na-April Fool’s Ako!

Ke aga-aga kahapon naka-receive ako ng text message: “Asawa ni Rizza to, pwede bng wag na kau magttxt sa knya, dhl sa lintek nn unlimited txt n yan, np2bayaan na nya ang kanyang ….. PAG-AARTISTA! April’s Fool! :)”

Grabe nung di ko pa nababasa yung punchline, kinabahan talaga ako kasi di ko pa ganun kakilala yung asawa nung friend ko. Afterwards, tawa na ako ng tawa. Problem was, wala akong maisip na padalhan ng text message na yun kasi lahat halos ng friends ko na hindi kasama sa circle namin ni Rizza (whom I’m sure pinadalhan na nya lahat nung text) eh ka-close din ang asawa ko. Alangan namang ang padalhan ko eh mga editors ko no? hehehe. Mawalan pa ako ng mga assignment.

Kaya ayun, wala akong na-denggoy nung April 1. :P
Related Posts with Thumbnails