Pandak na lang at sweldo ang di tumataas!
Haaaaaaaay …… isa pa ….. haaaaaay! Ayan tumaas na ang pamasahe. Sira na naman ang ka-budget-an ng mga ka-nanay-ang Pilipina. Buti na lang bakasyon na ang mga bata pero for sure sa pasukan, mas malaki na ang kelangang i-allot sa kanilang pamasahe budget for school. In fairness to the Jeepney drivers, kawawa din nga naman sila dahil sa limit ng pagtaas ng gasoline and diesel prices, talong-talo nga naman sila sa kita araw-araw. Nga lang, buti sana kung pati sweldo ng mga pipol eh bigla ring tumaas. Asa pa!
Sabi kanina sa news, pangako daw ng DTI, hindi tataas ang presyo ng bilihin. Ack! Sobra nilang huli sa balita! Eh last week lang biglang boom ang mga prices ng goods sa grocery ah. Ang masaklap pa, isa ang Nestle products sa mga nagtaas eh malimit pa naman namin na ginagamit. Inay! Lahat tumaas ang prices. From Milo to Nido, Carnation Evap (babalik na ulit ako ng Alaska! although tumaas din ang price nun) at Coffee Mate, lahat biglang taas. Pati ang peborit kong Purefoods Sisig, nagmahal na rin :(
Bakit kaya walang nagre-regulate nun ano? Eh late last year kaka-increase din lang ng prices nila. Pansinin nyo rin na kapag nagpa-raffle na naman ng milyones ang Nestle, for sure another price increase yan. AT walang kokontra bakit ALAM ko at sigurado ako sa mga pinagsasabi ko dahil conscientious consumer and nanay ako. Me notebook ako kung saan sinusulat ko dun ang prices ng mga binibili namin para mas madaling gumawa ng budget kada buwan. (oo na, OC kung OC pero epektib ang sistema ko). Isa pa, ang nakakainis kahit old stock na (like yung Nido nila eh yung may ExMazing Eyes na free pa nung Pasko) kasama sa taas ng prices.
Mataas ang dollar, may mga mapagsamantalang mga negosyante, may tsismis pa tungkol sa pagpapatong ng VAT sa text messages, and the list never ends. Paano na si Juan dela Cruz nyan???
Tsk, wala pa ang eleksyon nyan. Paano na kaya pag lampas ng Mayo? Sana lang, gumanda-ganda na ang economic situation natin…. Yun eh kung matino ang mapapaupo sa pagka-Presidente. Pilipinas, magdasal tayo!
Thursday, April 01, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment