Internet Tipid Tips
Sa panahon ngayon, kelangang magtipid. At sa maniwala kayo o sa hindi, nabubuhay ako sa halagang P200 na pang-internet sa loob ng dalawang buwan! Paano? Read on!
Dalawa ang prepaid cards ko, isang Infocom 100 at isang PLDT Vibe 100. Ang Infocom, mamahalin mo talaga dahil pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi, libre na sya! Ok, ok, me lahing aswang este insomniac kasi ako. At saka nakaka-trabaho ako sa mga articles ko kapag tahimik ang paligid. Hanggang 7 a.m. na yung free surfing nila.
Tapos ang PLDT Vibe Prepaid, from 8 p.m.- 8 a.m. ang patak ng metro eh 0.08 cents lang. Meaning around P4.00 lang per hour. Correct, mas mura kesa kung gagamitin mo yung post paid service nila which is 50 cents per minute ata. Na-try ko na yun dati kaso inaatake naman ako sa puso everytime darating ang PLDT bill namin. Paano kapag peak hours P30/hour ang nilalabasan! Garsh, waste of money. Hindi kontrolado ang gamit since walang binabayaran agad, ayun kampante. Patay-patay naman pagdating ng bill.
Since bihira ako mag-check ng mails or mag-surf kapag umaga or hapon (ma-traffic, daming gumagamit, mabagal ang mga sistema, mahirap mag-connect) sa gabi na lang. Unless may mga urgent emails ako na kelangan i-retrieve agad. Although minsan pa rin, mahirap mag-connect sa PLDT Vibe at in fairness, mas mabilis pa rin ang Infocom most of the time. So from 8 p.m. hanggang 12 m.n. naka Vibe ako. Pag sapit ng alas dose, switch to Infocom. Solve! Dami kong nasu-surf na sites as references for my articles, libreng-libre pa. Nakaka-laro pa ako paminsan-minsan ng web games without the panic state na baka maubusan ng load at nagsasayang lang ako.
Right now, mag-e-expire na ang 2 cards ko sa Sunday kaya nag-reload na ako sa Infocom ko. Personalized na yung account ko dun so one-time lang ang pagta-type ng mga usernames ng card. (Jean sweetie, ayan ha, solid Infocom na ako). Pag naglo-log in ako, madali ng tandaan ang username. Yung sa PLDT, naku meron pa akong more than P30 na load! Kelangan kong ubusin na bukas at bibili na ulit ako ng bago. Kitam naman, mage-expire na yung 2 buwan pero marami pa ring natira. Matipid ano?
So bakit ko kakailanganin yung mga unlimited post paid accounts na yan? Last I heard, P700 ata ang lowest rate sa Tri-Isys. (Tama ba Cinds?) Ang DSL, nagpo-promote ng as low as P1500 a month eh ngek di pa pala unlimited yun. So far ok naman na ako sa speed ng dial-up. Mabilis nga kung mabilis pag DSL pero magastos! Ipapambili ko na lang ng jelly bag yun! Hehehehe
Ngayon, ang po-problemahin ko na lang eh yung .... pambayad sa Meralco!
*note: Hindi ko kayo ini-enganyong magpuyat ha. Ganito lang talaga ang sistema ng writing life ko which is working better during late at night or the early, early morning hours. Sa kin lang, kung sakaling meron senyo ang hindi pa alam ang mga pinagsasabi ko rito, at least ma-inform kayo at ma-try nyo rin ... At para makabili rin kayo ng jelly bag ... ehe! :P
Saturday, April 24, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment