Magastos na bakasyon
Akala ko pag tapos na ang school, mas makakatipid ng ako ng konti dahil wala nang masyadong gastos ang mga bata like pamasahe, baon, allowance etc. Hay maling haka-haka. Ngayong 5 years old na itong bunso ko, marunong na syang mag-pera, marunong ng mag-aya sa tindahan para magpabili ng meryenda at marunong ng magtawag ng mga tinderong dumadaan sa kalsada!
Sa araw-araw na dumaan simula ng nawalan ng pasok sa school, naku mahina ang isang araw na may hindi titigil na nagtitinda ng kung ano sa tapat ng gate namin. Paano naman, itong si Deden everytime may marinig na kililing ng ice cream bell or pot-pot ng magsio-siopao, nakuuuu, takbo sa terrace sabay sigaw ng "Mama! Pabili po! Sandali! Teka lang pooooo!" Sobrang sanay na ata ang mga mamang yun kaya swerve naman sila papunta sa harap ng bahay namin.
Maya-maya andyan na ang makulit na bata at saka lang magpapaalam ng "Mommy me money ka? Pambili ice cream? Kasi gutong na gutong na ako!" (Kahit bagong kain ng lunch at wala pang isang oras, gutom na daw sya ulit). Knowing na type lang talaga nitong batang ito yung novelty na sya mismo ang bibili at mag-aabot ng pera sa tindero, sige na nga. At least mababaw kaligayahan nya. At take note, ang nakakatuwa sa kanya, kapag binigyan ko ng P5.00 para sa isang ice cream cone, magsasabi yun ng "Kulang pa po, wala pa para kina kuya." Thoughtful talaga itong si bunsoy ko. Kahit hindi napapansin nina kuya nya na merong meryenda na pwedeng bilhin, si Deden ang siguradong magpo-provide para sa kanila. Buti na lang dito sa amin sa probinsya, kilala namin halos lahat ng nagtitindang dumaraan kaya sure akong hindi delikadong kainin kahit "street food" na matatawag ang mga tinda nila. Pati tuloy kaming mag-asawa minsan, napapabili na rin para sa amin.
Kaya ayun, magastos pa rin pala kahit bakasyon hehehe.
Friday, April 16, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment