Ano ba! Nakakainis na ha!
Ano kayang gustong palabasin ng Sandigang Bayan at todo-bigay sila sa mga kapritso ni Erap? Bukod dun sa pagdalaw sa nanay nya sa hospital (paki-refresh naman memory ko kung meron sa history natin na presong pwedeng maglabas-masok sa kulungang de aircon aside from Erap), nung holy week, pinayagan pang mag-muni-muni sa kanyang rest house para daw ala-retreat kuno. Naku naman, ano kaya ang namuni-muni nya? Paano tumakas? Paano papanalunin ang kanyang bespren sa pagka-presidente at ng mabigyan na sya ng presidential pardon before the year ends?
Tapos kanina sa news, abah! Over na, sobra pa talaga! Porke at birthday ni Erap sa isang linggo, pwede na namang bumalik ng rest house nya para mag-celebrate at magpa-party. Naman! Ano pang silbi at tinatawag na preso yung taong yun eh buhay-baboy na nga sya ng todo-todo? Abusado, hmmmmp! Nakakagigil lang kasi. Sana ni house arrest na nga lang nila kung parating ganun din lang at pagbibigyan ng pagbibigyan lahat ng magustuhan.
Sa lahat naman ata ng presong makikita mo sa Pinas, ito ang pinakamaluho. And to think na pera ng taong-bayan ang ginagastos para lang sa sangkatutak na security measures dahil sa palipat-lipat na pwesto nitong Joseph Estrada na ito. Isa pa pala, nasa political TV ad pa ni Jinggoy! Nakuuuuu, kung me alta presyon siguro ako, matagal na siguro akong na-stroke. Harumph!
Suri, over carried away na ba ang lola nyo? Injustice that is blatantly obvious really gets my blood boiling. Saan nga ba merong ganitong kaparehong situation ang isang bilanggo na katakot-takot na pabor ang ibinibigay ng gobyerno? Meron ba, meron, meron? Nakah, wala ata! Eh kung yung mga presong mahihirap na literal na nabubulok sa kulungan ang humingi ng mga ganyang demands, bibigyan din ba ng pagkakataong maglamyerda sa labas? I don't think so.
Siguro pagtapos na ang eleksyon, matitigil na rin ang "kabaitan" ni Tita Glory kay Erap. That is, kung mananalo sya dahil na rin kasama sa mga maglu-luklok sa pwesto nya eh mga Erap supporters na na-impress sa mga favors bestowed sa kanilang idol. Ayoko mang sabihin eh talagang meron tayong mga kababayan na likas na panatiko. Oh well, kanya-kanya lang talagang sides yan. Nakakalungkot lang kasi tuwing umiiral ang pag-iidolo sa kung sinong gwapo o popular o mayamang kandidato, lalo lamang lumulubog ang bayan natin at lalong darami ang mga maghihirap :(
Hay, kung Erap (at FPJ) supporter po kayo na nagbabasa ng blog na ito, sorry pero wag na lang kayo magbasa kung di nyo po type ang mga nababasa nyo dito. Eto namang blog na ito eh extension lang ng mga isyung nag-iinikot sa utak ko at kelangan ko lang ilabas sa pamamagitan ng pagsusulat. Or else baka mawindang lang ako sa kunsumisyon. Ika nga ng isang writer na kilala ko, "Writing is a form of therapy" kaya ganun na nga lang ang ginagawa ko.
Saturday, April 17, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment