Puerto Galera
Dahil nagtanong na rin si Chichi kung saan magandang mag-stay sa Puerto, ipa-plug ko na ulit ang favorite place namin doon since malapit na talaga ang tag-init (di ko pa masabing mainit na kasi dito sa amin sa Laguna, malamig pa rin sa gabi).
Last summer, buong family namin, kasama nanay ko at family ng sister ko with matching yayas at maids, doon nag-stay sa Valley of Peace. It’s not beach front pero they have facilities that are kid-friendly like the pool slide and play ground. My kids loved the double decks in the castle rooms where we stayed. There’s also a basketball cum badminton/tennis court (you can borrow balls and rackets from the staff), a jacuzzi, clean pool with waterfall effect, a chapel on top of a hill (na maraming, maraming steps kaya get ready for the exercise) and comfortable rooms. Plus, friendly ang staff. You can contact the manager Jeffrey Aquino at 0916-3847697 for queries and reservations.
Opinion ko lang ha, hindi rin kasi practical yung mag-stay ka sa isang beach front resort, magbayad ng mahal tapos hindi naman maganda ang beach sa harapan ng pinag-stay-an nyo at di mo rin mae-enjoy mag-swim doon. Bakit ko nasabi? Because just last February, three of my friends and I stayed at Coco Beach resort. Super as in super mahal ng food. Tapos hindi ganun kasarap. Tapos andaming aberya ang nangyari sa amin. From the reservations, masyadong bastos makipag-usap ang customer service reps nila to the actual stay, we encountered several irritating incidences.
Kwento ko ilang highlights? Una, nung nagpa-reserve ang friend ko, inabot sya ng 3 days calling back ng ilang beses sa isang araw, para lang i-fax sa kanya ang receipt nung bayad namin. Next, when she called para i-clarify yung ibang information na nakita nya sa website ng Coco Beach, hindi pa tapos tanong nya, binara na sya nung kausap nya, saying bakit daw hindi na lang intindihin yung nasa website eh nakalagay na nga doon plus more insulting remarks like “Do you expect me to know all that?!”. Third, nagpa-request ako na kung pwede i-meet ko na lang yung bus nila along the way since hassle for me to come from Laguna tapos maki-meet sa kanila sa Manila when going to Batangas since I can meet them half-way na lang sana. Naku di ko alam, nahirapan pala ang friend ko makiusap kung kani-kaninong tao para maintindihan ang reason ng request ko. Buti sana kung ok ang pagkasabi sa kanya na tipong “Sorry but we don’t allow concessions like that,” or something like it. Ang mga sinabi sa kanya? “Eh sinabing hindi pwede!” without giving any reasons. Basta ang bastos! Parang hindi na-train sa customer servicing. Sabi nga ng friend ko, siguro mas magiliw silang makipag-usap kapag foreigners kasi mas marami for sure na dollars ang ibabayad ng mga yun kesa Pinoy kaya di nila kami priority. Kakalungkot ano?
Nung andun na kami sa Coco Beach. Lahat pala ng activities doon may sign-up sheet. Merong free, merong hindi pero lahat in dollars ang fees. Our first afternoon, we signed up for a town tour dahil gusto naming pumunta sa bayan to buy some things. Nakalagay doon $3. Ang nangyari, ang na-tour lang nung guide eh yung dalawang foreigners na kasabay namin at kami pinabayaang mag-ikot mag-isa. Fine, we didn’t mind dahil marunong naman kaming mag-Tagalog at magtanong ng directions. Pagdating ng bill, the guide charged us P200 each. So tanong kami how much ba ang conversion nila ng dollar? P55 daw. When the guide was confronted, nagpa-lusot pa ng “Ay akala ko nakasama kayo sa tour.” Hello? Anim lang kaming tao noon at alam nyang yung dalawang kano lang ang sinamahan nya obviously dahil sa tip na dollars. Ang point ko nga, kahit i-convert pa yung $3, P165 lang yun. Ni hindi pa kami na-tour ng lagay na ha eh we were expecting merong jeep man lang na ii-ikot kami sa bayan. Wala! Naglakad lang kami ng mga kaibigan ko. Then boat ride na ulit pabalik ng resort na binayaran namin ng P165! Tapos nalaman ko from a friend who’s a Puerto native na meron palang nasasakyang parang jeepney boat from Coco Beach na P10 lang ang bayad! Hindi sinabi sa amin yun ng mga staff nung nagtatanong kami how to get to town!
Basta marami pang ibang nangyari. Bottomline, when we talked with the acting manager (wala daw boss nya, nasa Manila), she was apologetic naman in fairness. Pero with all the bad experiences namin I couldn’t resist my parting shot sa kanya. Nung time na bago kami sumakay ng boat pabalik ng Batangas, I told her “Alam mo Ma’am, kung di lang may manlilibre sa akin next time para makapunta ako ulit dito, hinding-hindi na ako babalik!” Sabay ngiti at talikod. On the bus back to Manila, nagulat kami when another foreigner suddenly burst out “Coco Beach bullsh*t!” At bigla syang nag-German kaya di na namin nalaman anong nangyari sa kanila.
Ang pinaka-enjoy moment namin? Nung nag-rent kami ng bangka (from the bayan, kumontrata kami ng hindi Coco Beach boat para hindi taga sa price) for beach hopping. Gumastos lang kami ng P900 for the boat rent, gears P50 for life vests at shoes rentals (whole day na yun) and around P600 for the food. Namili kami sa palenke ng mga isda and meat tapos while snorkeling in Bayanan beach, niluto ng mga bangkero namin ang lunch. Ni hindi kami naka-swimming sa beach sa harap ng resort dahil mabato at saka wala kang makikitang corals at isda dun.
Additional pala, may mga daga at maliit na palaka ang loob ng kwarto namin sa Coco Beach! Pagbalik namin, yung isang bag ng chocolate chip cookies saka bar ng butter, andun na sa ilalim ng kama! Nakailan ata kaming tilian blues ng roommate ko dahil pati sound ng tuko, nakarinig kami sa loob ng kwarto.
Granted, merong magandang facilities ang Coco Beach. May mga hammock at beach loungers na pwedeng higaan anytime, me video room sila at malinis yung pool nila with Jacuzzi sa taas ng bundok. Most local staff were friendly except that blasted tour guide. Pero all in all, hindi sulit ang lahat ng binayad namin dahil sa mga aberyang inabot.
Samantalang, kung sa Valley of Peace ka magsi-stay, si Jeff personally ang mag-aayos ng bangkero for you (na hindi ka tatagain sa presyo) who will bring you island-hopping and ihahatid-sundo kayo sa pier.
My husband naman dati nung nag boys’ outing sila ng friends nya, nag-stay sila sa Talipanan where the lodgings are cheaper and near sa beach. Although kung di ka sanay sa Puerto mahirap maghanap dahil wala namang reserve-reserve doon. Puro walk-in. Naka-stay na rin pala kami ng husband ko sa Camp Rock once, kasama ng barkada namin nung college, pero masyadong primitive ang conditions so ‘di ko na lang ire-recommend. Sa bandang Talipanan din yun.
White Beach lodgings di ko pa nata-try pero when we went swimming there once, ang dumi-dumi ng tubig dahil sa dami ng tao. Magso-snorkel ka, may mabubunggo kang lumulutang na lata ng softdrink, argh!
So when staying in Puerto, try nyo muna ang VOP. Who knows? Baka like us, babalik-balikan nyo din ang place na yun :) I’ve been there twice na and will definitely be back again this coming summer months.
** Note: Hindi ko sinisiraan ang Coco Beach. Lahat ng kinuwento ko dito ay nangyari sa amin. Nagsasabi lang po ng totoo dahil gusto kong maiwasan ng mga kapwa ko Pinoy ang makaranas ng mga masamang experiences gaya ng inabot namin.
Thursday, March 25, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment