Maiba naman
Linggo-linggo, bumibili ako ng anim na lata ng malalaking Alaska Evaporated Milk. Ginagamit kasi namin yun para liquid base ng osterized food na special child namin. At times, kapag may oras ako, nililigpit ko na sa cabinets yung mga pinamili ko. Kung wala naman, yung maid namin ang gumagawa.
Kapag ako ang naglagay ng mga canned goods dun sa shelf, Inihaharap ko shempre yung label para naman kita agad anong de lata yun. Last week, hindi ako ang nagligpit ng groceries. Nung mag-o-osterize na ako ng pagkain ni James, pagtingin ko sa shelf, bulaga! Anim na mukha ni Ate Shawie (Sharon Cuneta ga -- di ba me picture sya katabi ng recipes sa Alaska) ang nakita ko. Eh di shempre natawa ako. Nung pinakita ko sa asawa ko, hindi lang sya natawa, humagalpak pa!
Ayos talaga itong si Jenny, me sariling special arrangements hehehe.
Tuesday, March 02, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment