Ang Kinse Anyos Debate, Bow!
Hindi ko na maiwasang hindi mag-comment sa isyung ito. Halos lahat ata ng public affairs programs, mapa-GMA 7, ABS-CBN o ABC 5 eh palaging topic yan. Kanina lang, pagkalipat ko ng channels, pareho pang yun ang topic na iniuulat sa dalawang news programs sa magkabilang channels.
What’s with the hullabaloo on this ad anyway? Personally, nung una kong nakita sa TV yung pagkalaki-laking billboard ng Napoleon Brandy na may nakasulat ng “Nakatikim ka na ba ng kinse anyos?” unang sumagi sa isip ko “Buti naman di na nila nilagyan ng picture ng malaswang babae. Hanggang alak na lang.”
Ok yun na maraming nagpo-protesta na masama ang subliminal message ng ad na yun. Totoo nga naman. Pansin ko lang, napaka-jaded na talaga ng views ng mga tao sa mga bagay-bagay sa panahon ngayon. Madaling mairita, madaling maghanap ng masama sa isang bagay. Ang di ko maintindihan, bakit yun lang ang ata ang pursigidong tinitira nila? Bakit parang wala akong naririnig na vocal protests against dun sa mga TV commercials at posters ng mga alak na may mga babaeng halos lumuwa ang mga dibdib galing sa pagkaliliit na bra?
Sa totoo lang, bwisit na bwisit ako tuwing nakikita ko si Katya Santos sa kung anong commercial ng alak na hanggang ngayon eh di nagre-register sa utak ko anong pangalan. Ang natatandaan ko lang eh yung itsura nyang ewan. Linstok ang laswa! Isa pa yung kay Assunta na ewan ba bakit kelangang palaging naka-bikini/topless/naliligo ang babae para lang makabenta ng alak. Napapagod na ako kakalipat ng channel kapag yun ang mga commercials or else hindi maiiwasang titigan ng mga anak ko dahil ika nga ni Deden “May sexy, may sexy! Kita panty!” Argh!!!
Kaya lesser ang impact sa kin ng kinse anyos chuva na yan, mas kampante akong kung makita man yan ng mga anak ko, at kahit mabasa man, hindi ganun ka-malisyoso ang isip nila para hanapan pa ng deeper meaning ang nakasulat. Di hamak namang mas blatant at mas malicious yung makakita sila ng naglalakihang dibdib at kuyukot ng mga models ano! Sa mga panahong ito, san ka pa ba makakakita ng bata na di aware sa mga sexy-sexy na yan? Ang sa ‘kin lang, sana wag naman silang ma-expose sa ganun na parang sinasadya na sa TV.
Alangan naman di na ako manood man lang news ano. Eh usually, kapag time ko to watch ng balita, andun din sa kwarto ang mga bata, nagdo-drawing, naglalaro sa kama o tumatabi lang sa akin. Bonding moments na rin namin. Ibig bang sabihin, bawal na rin akong manood ng TV kapag di pang-bata ang palabas dahil iba na ang mga lumalabas na commercials doon? Unfair naman!
Kelan kaya magkakaron ng batas laban sa ganyan ano? Sana kung ibabawal din lang yung mga subtle sexual messages sa mga ads, ABAH! Dapat lang na idamay na yung mga obvious na kalaswaan ano.
Hindi po ako nagpapaka-banal, isa lang akong simpleng nanay na hinahangad na lumaki ang mga anak ko sa isang mundo na hindi inihahain sa harapan nila ang mga bagay na hindi naman nila dapat makita sa kanilang murang edad at magpapagulo lamang sa kanilang isipan. Yun lang.
Thursday, March 18, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment