Bakit?
Natanggap ko sa isang forwarded email kanina. Supposed to be a joke pero it made me think too, baket nga ba? Bakeeet???
“Bakit sa Pilipinas kung mag-aaply kang maging clerk, kailangan college graduate ka?
Pero kung mag-aaply kang kandidato for president, high school drop-out, ok na? Just curious ha.. bakit???”
Napanood nyo na ba yung political ad wherein may nag-a-apply na janitor tapos maraming papeles ang hinihingi nung interviewer like medical clearance, NBI clearance etc. with matching sangkatutak na tanong? Simple pero may dating.
Naisip ko, kapag may nag-a-apply sa amin na maid, todo-todo din ang mga tanong ko. Mabusising tanungan dahil malaking responsibilidad ang gagampanan nya sa pamamahay ko. Gusto kong malaman ano ang mga kakayanan nya at kung marunong syang mag-adjust sa mga demands ng trabaho.
Sana lang, kung paano tayo pumili ng isang tauhan para sa ating opisina o maging sa bahay, ganun din tayo kapili sa pagboto ng isang presidente ng bansa.
Tuesday, March 09, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment