BOOKSALE NGA EH!
Mahilig ako sa libro. Syempre laman ako palagi ng Booksale dahil mura dun ang books. Wala naman sa kin kung medyo luma na basta readable pa rin sya. Saka hindi ako para gumastos ng P200-500 para sa isang pocketbook lang ano. Daming pambaon na sa school ng mga anak ko yun!
Anyway, nalalayo ako. Kamakalawa pagpunta ko ng Booksale, nakita ko yung mga lagayan ng books, hindi nakaayos. As in gulo-gulo ang mga libro na mukhang ukay-ukay. Tanong ko, kadarating lang ba ng mga bago? (Monthly kasi napapalitan ang stocks nila).
Sabi nung nagbabantay, hindi daw, talaga daw ganun ang ayos para makita ng mga tao na sale. Asus, kaya nga Booksale ang pangalan ng store nila dahil understood na yun na ang binibenta nila eh -- bargain books! Gawin daw bang ukay-ukay!
Tanong ko “So wala talaga kayong balak i-arrange yan? ‘Lam nyo ba na mas mahirap maghanap pag ganyan? Baka lalong walang bumili senyo nyan.” Nagkibit-balikat lang yung tao. Nakupo, parang di nila naisip na napakadali sanang mag-scan ng titles at authors kung nakaayos ang mga books. Sa mga bookworms pa namang katulad ko, mostly hindi presyo ang tinitingnan kundi hinahanap talaga namin ang mga paborito naming manunulat. Minsan nakakabili ako dahil maganda yung title or summary sa likod o kaya me nakalagay na #1 in New York Bestseller’s List pero mostly, may particular akong gustong makita na madali sanang mahahanap kung naka-arrange ang books na kita ang titles.
Hay naku, kung di lang talaga meron akong gustong mabili na series ng libro at mga sequels dun sa mga nabili ko na dati, hindi na ako magtya-tyagang maghalukay dun sa mga stacks. Eh 8 crates yun! Grabe, nangawit ang braso ko kakalipat ng libro para makita ko yung mga nasa ilalim. Me nabili naman akong apat. Lahat mga gawa ng favorite authors ko – Ken Follett, dalawang Dean Koontz and Janet Dailey. Hindi na kinaya ng powers ko yung pang-pito at pang-walong tambak dahil nangalay na talaga ako.
At pagkatapos kong magbayad ng purchases ko, na-realize ko na yung dating 30 minutes na browsing na ginagawa ko, naging more than one hour and a half na paghahalukay! Parusa talaga oo. Next month, mukhang hindi na dun sa branch ng Booksale na yun ako pupunta. Hindi pa naman ako ganun ka-desperado sa libro. Feeling ko marami na sana akong ibang nagawa kesa nagtagal maghanap dun :(
Monday, February 23, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment