Wednesday, December 30, 2009

Porma lang

Two weeks ago, naggo-grocery kami sa SaveMore Alabang nung nakita ni Josh yung Coke booth na may colorful glasses and plates na naka-display. Binasa n'ya yung poster and nag-ask kung pwede daw kami bumili ng tatlong Coke 1.5L para maka-claim s'ya ng glass.

Actually, I don't encourage my kids to drink sodas. Paminsan-minsan lang talaga and, as much as possible, kapag sa parties lang na ina-attendan namin kung walang sini-serve na juices.

Pero sige. Since magpa-Pasko naman, pinagbigyan ko na. Pinili n'ya yung red glass which looks good enough sa malayo although plastic lang pala s'ya. Unlike yung magagandang glasses from McDo dati na made of glass daw talaga (according to my friends who are Coke drinkers and who did collect the glasses during the McDo promo).

Anyway, nakalagay din doon sa Coke poster na pwede mag-exchange ng seven caps na may Santa Claus logo para naman dun sa plates. Eh tatlo lang yung crowns namin.

So last Christmas, I ended up gathering the Coke caps from my mom's house when we went there for lunch. Naka-ipon kami ng pito! hahaha.

Nga lang, noong pinapalitan na namin ng plate yung caps the next time we went to the grocery, na-disappoint naman ako kasi ang nipis-nipis nung plate. Maganda lang yung design pero mukhang di s'ya magandang gamitin. May mga gusot-gusot na part pa dun sa ibabaw as if hindi man lang inayos ang pagdikit nung design na kapag kinainan mo eh matutuklap.

Ending? Ayun, baka pang-display na lang ang mangyayari sa kanya during the Christmas season. Hmmm, 'di kaya yun lang talaga ang purpose for those plates?

Hay naku, another disappointing promo na puro hype lang. Ang yaman-yaman ng Coca-Cola, sana mang lang may kalidad talaga yung pinamigay nilang items :S

Wednesday, December 16, 2009

Kung 'di ka ba naman ...

... maiinis!

Isa sa mga downsides ng pagkakaroon unlimited calls services ng mga telco eh ginagamit itong "playground" ng mga taong walang magawa sa buhay. Katulad kahapon, habang nagmamadali akong mag-grocery dahil kailangan ko ng bumalik sa bahay at may hahabulin pa akong writing deadline, biglang nag-ring ang Sun cellular phone ko.

Nakailan akong "Hello?" bago may sumagot na boses ng lalaki. Tinatanong ko kung sino ang hinahanap nya, inulit-ulit lang niya mag "Hello" ng mga limang beses. Nung medyo napipikon na ako at nagtanong na kung ano ba ang kailangan nya, sagutin ba naman ako ng "Wala lang."

Grrr, hello talaga! Sagutin ko nga ng, "Wala pala eh!" sabay end ng call. Mamaya nag-text, "Sorry, nag-try lang ako magtawag ng mga numbers."

Duh! Nth time na yun na may tumawag sa Sun phone ko na hindi ko kilala at nagti-trip lang. Hindi naman pwedeng hindi ko sagutin kasi may clients akong nag-iiba ng numbers na biglang tatawag sa akin.

Ba't kaya may ganung mga tao, pang-abala sa buhay ng iba? :(

Saturday, December 05, 2009

Inagawan ang Tinola :p

Sa tuwing magluluto ako ng tinolang manok, nagba-bike lang si hubby papunta sa bahay ng nanay niya sa kabilang village para pumitas ng papaya at malunggay. Ang dami kasing tanim ng biyenan ko.

Nung isang araw, tatlong papaya ang inuwi ng asawa ko. Pagbalat ko pa nung isa, manibalang na! End result, na-meryenda ko yung ilang slices (with matching vinegar-salt sawsawan) habang nagluluto ako ng dinner namin :) Gawain kasi namin ito ng mga pinsan ko sa Laguna noong maliliit pa kami. Yum!


Friday, November 27, 2009

Magandang Punto

Nabasa ko lang sa status ng isang kaibagan ko sa FB. (Pahiram Mareng L) Oo nga naman! Sobrang agree ako dito :

====

To justify extra marital affairs, some men would argue... "Kung palay na ang lumalapit sa manok, natural lang daw na tukain ng manok ang palay" ...

Ang sabi ko naman, "Bakit, manok ka ba? 'Di ba tao ka na binigyan ng mas malaking utak kesa sa manok?! Sayang naman kung magi-isip ka lang ng parang manok!"... kaka-init ng ulo...

====

Hay naku, ang masasabi ko lang, Team Jinkee din ako! Hmp!

Sunday, November 22, 2009

Sa mga may BPI Debit at Credit Cards ...

Sharing lang ... In case hindi n'yo alam, merong promo ang EPS transactions. Natyempuhan ko lang makita nung isang araw sa BPI website kasi nag-online transaction ako. Last Friday, in-EPS ko nga yung grocery namin para magkaroon ng EPS transaction receipt.

Ayun, before kami umalis ng mall, naka-claim yung anak ko ng libreng Chicken Joy meal sa Jollibee :)

Eto ang mechanics nila ...

===

The promo is open exclusively to the following:

All existing BPI Express Credit cardholders (Classic, Blue MasterCard, Gold MasterCard, Petron-BPI MasterCard, Edge MasterCard, and BPI-WorldPerks MasterCard) of good credit standing

All existing BPI, BPI Family Savings Bank, BPI Direct cardholders (Express Teller, Jumpstart, BPinoy).

Promo period is from October 1, 2009 to January 15, 2010.

Cardholder should use his BPI Express Credit card or BPI Express Teller via Express Payment System (EPS) within the promo period for a minimum single purchase transaction of P1500, P3000 or P6000 at any merchant to qualify for redemption of the free Jollibee food items. For BPI Express Credit, qualified cash advance transaction is eligible to redeem the corresponding Jollibee food item.

Cardholder can redeem the featured food items at any Jollibee outlet nationwide. The redemption is valid for dine-in and take-out only. Redemption is not allowed for drive-thru orders.

The free Jollibee food items are the following:

1-pc Chickenjoy with rice
For a minimum single transaction of P1,500

2-pc Chickenjoy with rice + Peach Mango Pie
For a minimum single transaction of P3,000

6-pc Chickenjoy Bucket
For a minimum single transaction of P6,000

To redeem the free Jollibee food items, cardholder must present for verification the original charge slip or transaction receipt (minimum single transaction of P1500, P3000 or P6000) and the BPI card used for the transaction to any authorized Jollibee personnel. Transaction date on the charge slip or transaction receipt should be within the promo period.

Cardholder must print name (as shown on the card) at the back of the corresponding charge slip or transaction receipt and submit to the authorized Jollibee personnel before release of the free food item.

Only one (1) free food item can be redeemed per charge slip or transaction receipt. A customer is allowed up to three (3) redemptions per day per store only.

A single purchase transaction requires only one approval. Splitting into smaller transaction sizes and consequently requiring multiple transaction approvals will not be allowed.

The free Jollibee food item cannot be exchanged for cash, other products, or discounts.

Redemption period is until March 16, 2010.

Per DTI-NCR Permit No. 5059, Series of 2009

Saturday, November 07, 2009

Para sa mga Mommies

Johnson & Johnson presents Bedtime Discoveries on November 12, 2009.

For more info, please click here.


Tuesday, October 27, 2009

Richwell Annual Toy Sale

Sa mga nanay na nag-aabang ng event na ito. Meron ulit! Malamang pupunta kami ulit ng kapatid ko dito :)

Got this from Richwell via email ...

==

Dear Friends,

Christmas is around the corner and we would like to invite you to our annual sale. It will be located in #6 Calle Industria, Libis, QC. Up to 80% off on branded childrens products - toys, baby products, shoes & clothes. Regular items will also be available with discounts.

Dates are from Nov 14, 20, 21, 27-29, Dec 4-6, Dec 11-13, Dec 18-20, Dec 21-23, from 9-6pm on Weekends, and 1-6pm on Weekdays.

For inquiries, call 743-1658

Girls: Barbie, Polly Pocket, Dora, Arts & Crafts, Beados, RoseArt, Fruit Factory,etc.

Boys: HotWheels, Matchbox, Bakugan, TechDeck, Battle Strikers, Spongebob, McFarlane, etc.

Infant-Preschool: Vtech, Megabloks, Shelcore, Leapfrog, Baby Einstein, Kids II, K's Kids, Noddy, Disney, Step2

Baby: Pigeon, Safety1st, Chicco, Babisil

What’s New: Webkinz, Russ, First Act Music, Games, StarKidz, Bikes

Shoes: Barbie, Chicco, HotWheels, Pokemon, Elle & OshKosh

Tuesday, October 06, 2009

Iboto natin si Efren Peñaflorida para maging CNN Hero!

Efren Peñaflorida gives Filipino youth an alternative to gang membership through education. His Dynamic Teen Company's 10,000 members have taught basic reading and writing to 1,500 kids living in the slums.

Read the full story here.

Saturday, October 03, 2009

Panic Buying?

Kagabi, nag-grocery kami as usual ng asawa ko. Expected ko nang marami ang tao sa supermarket dahil magsa-stock up ang mga tao para sa parating ng bagyong Pepeng.

Akala ko sa kandila lang magkakaubusan. Hindi pala!

Halos wala ng noodles!

Nagkaubusan na rin ng canned goods!

At halos wala na ring mga gulay :(

Wednesday, August 26, 2009

Pampatanggal ng Stress

Nakuha ko lang ito sa post ng isang friend ko sa Facebook. Some of these are really funny. Excuse lang some of the coarse language. Enjoy! :)

Yaya buys food at McDo.
Crew: "Dito niyo na po ba kakainin?"
Yaya: "Puwede sa table?"
------------
2. Kid: "Yaya look, boats!"
Yaya: "Dows are not boats, dey're yachts."
Kid: "Yaya, spell yachts?"
Yaya: "Yor rayt, dey are boats..."
------------
3. Woman carrying sick baby enters doctor's office.
Doc: "Bottlefed?"
Woman: "Breastfed po."
(Doctors squeezes woman's breasts repeatedly)
Doc: "Ayan ang problema, wala kang gatas, eh."
Woman: "Yaya lang po ako doc! Yaya!"
------------
4. The eggs that yaya bought turned out to be rotten.
She stormed back to the grocery and told the vendor:
"Manong, ang baho ng itlog niyo!"
------------
5. My mom asked our yaya to buy Inquirer and Star.
Our yaya came back and said: "Ma'am, wala pong Inquirer
kaya bumili nalang po ako ng dalawang Star!"
------------
6. Yaya: "Huhuhu?"
Ate: "O, bakit ka umiiyak?"
Yaya: "Kasi ate ang dami kong pimples!"
Ate: "Eh bakit ka ba tinitighiyawat? "
Yaya: "Kasi po di ako makatulog sa gabi."
Ate: "O, bakit ka di makatulog?"
Yaya: "Kasi po may pinoproblema ako?"
Ate: "Ano naman ang pinoproblema mo?"
Yaya: "Kasi ate ang dami kong pimples!"
------------
7. (Earlier) Mom: "Yaya, lagay mo yung pesto sa ref!"
(Later) Son: "Yaya, nakita mo PS2 ko?"
Yaya: "Nasa ref, pinalagay ng mama mo!"
------------
8. Just now my maid burned a hole in my uniform.
I angrily asked her, "Paano mo naman nasunog to?"
She answered: "Secret!"
------------
9. After watching a movie, our yaya blurted out :
"Ang pangit naman, happy ending!"
------------
10. Sir: "Yaya, gawa mo ko ng kape. Yung decaf ha!"
Yaya: "Siyempre naman, alangan namang de-baso!"
------------
11. Mom: "Yaya, magluto ka na pag-alis ko ha!"
Yaya: "Ano po lulutuin ko?"
Mom: "It's up to you."
(During dinner) Mom: "Yaya, bakit ketsup at tuyo ang ulam?"
Yaya: "Diba nung tinanong ko kayo kung anong lulutuin ko,
sabi niyo, 'kitsup tuyo'!"
------------
12. Our neighbor's yaya: "Junjun, chew your mouth!"
------------
13. Our yaya sa sari-sari store: "Miss isang Coke in can
at isang Sprite na Coke in can?"
------------
14. SIR: "Inday, si sir mo to, nabangga kotse ko & I need cash!"
INDAY: "Aru, dugo-dugo gang ka no?"
SIR: "G*ga! Si sir mo talaga to!"
INDAY: "G*go ka rin! Si sir ang tawag sa kin? Kapkeyk! "
------------
15. I once asked my yaya where the Netherlands is located.
She answered: "Diba dun nakatira si Peter Pan?"
------------
16. "O yaya, bakit ka umiiyak?"
Yaya: "Ati, sabi kasi ng duktor, tatanggalan ako ng butlig!"
Ate: "Eh yun lang pala eh! Bakit ka umiiyak?"
Yaya: "Buti kung one lig lang, eh kung butlig, wala na kong ligs!"
------------
17. We saw our yaya staring intently at the orange juice bottle.
Sabi namin: "Yaya, anong ginagawa mo?"
Yaya: "Shhh! Nakalagay sa bote, 'concentrate' ?"
------------
18. Neighbor's yaya telling her ward to climb down the stairs:
"Down to earth! Down to earth!"
------------
19. My mom was going to buy our yaya a transistor radio.
Before my mom left the house, our yaya said,
"Ma'am, ang kunin niyo yung Ilokano ang salita ha!"
------------
20. We paid for the tuition fee of our yaya's son.
So one day I was reviewing him: "The Earth is the 3rd planet from the sun.
Ano ang katabi ng Mercury?" His mom, our yaya, answered:
"Parang Watson's yata?"
------------
21. Sir: "Yaya, natanggal mo yung mantsa sa barong ko?"
Yaya: "Opo! Tanggal na tanggal!"
Sir: "Good! Anong pinang-tanggal mo?"
Yaya: "Gunting, kuya! Gunting!"
------------
22. Yaya to tricycle driver: "Magkano sa City Hall?"
Driver: "Ikaw lang?" Yaya: "Ay bakit, hindi ka sasama?"
------------
23. (Si Kuya pumasok sa kuwarto ni Yaya)
Kuya: "Yaya?"
Yaya: "Koya, wag po! Wag pooooo!"
Kuya: "G*ga! Uutusan lang kita!"
Yaya: "Si Koya naman, nagsa- suggest lang?"
------------
24. Kid: "Yaya, spell orange?"
Yaya: "Depende. Yung kulay o yung prutas?"
------------
25. Midget Yaya who was newly hired:
"Suwerte po kayo, ako ang napili niyo.
At least kung maibagsak ko si baby, mababa lang!"
------------
26. Yaya to my brother: "Nag tothbrush ka na ng ipin?"
Bro: "Siyempre, alangan namang mag toothbrush ako ng kilikili!"
------------
27. (after being scolded for breaking her promises):
"Ma'am, hindi na po ako mangangako ulit. Promise! "
------------
28. AMO: "Bakit namatay ang aso?"
MAID: "Pinaliguan ko po ng laundry soap."
AMO: "Nakamamatay ba yun?"
MAID: "Ewan ko nga po eh, pag-off ko ng washing machine patay na."
------------
29. Yaya picking up the phone saying: " Hilo ?"
We noticed that she was holding the handset ng baligtad.
We told her, "Yaya, baliktad!"
Then Yaya said: "Lohi?"
------------
30. Amo: Yaya use COOLING PLACE in a sentence.
Yaya: Sir! viry easy! iksample nagring yung phone,
(ring, ring, ring,) Yaya answered, " HILO , WHO'S COOLING PLACE?"

Friday, August 07, 2009

100 Best things that make us unmistakably FILIPINO!

Reposting from Facebook. Sorry, didn't know the author so I can't acknowledge him/her. Something nice to read. My comments in Italics

From the 1896 Revolution to the first Philippine Republic, the Commonwealth period, the EDSA Revolt, and the tiger cub economy, history marches on. Thankfully, however, some things never change. Like the classics, things irresistibly Pinoy mark us for life. They're the indelible stamp of our identity, the undeniable affinity that binds us like twins. They celebrate the good in us, the best of our culture and the infinite possibilities we are all capable of. Some are so self-explanatory you only need mention them for fellow Pinoys to swoon or drool. Here, from all over this Centennial-crazed country and in no particular order, are a hundred of the best things that make us unmistakably Pinoy.

1. Merienda. Where else is it normal to eat five times a day?

2. Sawsawan. Assorted sauces that guarantee freedom of choice, enough room for experimentation and maximum tolerance for diverse tastes. Favorites: toyo't calamansi, suka at sili, patis.

3. Kuwan, Ano. At a loss for words? Try these and marvel at how Pinoys understand exactly what you want. (Bigla ko tuloy lalo na-miss ang Tatay ko kasi mahilig yun magsabi ng "Kuwan" :p)

4. Pinoy humor and irreverence. If you're api and you know it, crack a joke. Nothing personal, really.

5. Tingi. Thank goodness for small entrepreneurs. Where else can we buy cigarettes, soap, condiments and life's essentials in small affordable amounts? (Onga, tayo ang nagpauso ng sachet!)

6. Spirituality. Even before the Spaniards came, ethnic tribes had their own anitos, bathalas and assorted deities, pointing to a strong relationship with the Creator, who or whatever it may be.

7. Po, Opo, Mano po. Speech suffixes that define courtesy, deference, filial respect--a balm to the spirit in these aggressive times.

8. Pasalubong. Our way of sharing the vicarious thrills and delights of a trip, and a wonderful excuse to shop without the customary guilt.

9. Beaches! With 7,000 plus islands, we have miles and miles of shoreline piled high with fine white sand, lapped by warm waters, and nibbled by exotic tropical fish. From the stormy seas of Batanes to the emerald isles of Palawan--over here, life is truly a beach. (I suddenly miss Puerto Galera :S)

10. Bagoong. Darkly mysterious, this smelly fish or shrimp paste typifies the underlying theme of most ethnic foods: disgustingly unhygienic, unbearably stinky and simply irresistible. (I agree! Now, I want some green mangoes...)

11. Bayanihan. Yes, the internationally-renowned dance company, but also this habit of pitching in still common in small communities. Just have that cold beer and some pulutan ready for the troops. (This is still very much alive in the small town where I grew up.)

12. The Balikbayan Box. Another way of sharing life's bounty, no matter if it seems like we're fleeing Pol Pot every time we head home from anywhere in the globe. The most wonderful part is that, more often than not, the contents are carted home to be distributed.

13. Pilipino Komiks. Not to mention "Hiwaga," "Aliwan," "Tagalog Classics," "Liwayway" and"Bulaklak" magazines. Pulpy publications that gave us Darna, Facifica Falayfay, Lagalag, Kulafu, Kenkoy, Dyesebel, characters of a time both innocent and worldly. (I remember reading Zuma and Teray Katuray when I was still in elementary :p)

14. Folk Songs. They come unbidden and spring, full blown, like a second language, at the slightest nudge from the too-loud stereo of a passing jeepney or tricycle. (Dapat OPM ang tawag, hindi na folk songs.)

15. Fiesta. Eat, drink and be merry, for tomorrow is just another day, shrugs the poor man who, once a year, honors a patron saint with this sumptuous, no-holds-barred spread. It's a Pinoy celebration at its pious and riotous best. (Ah, dito ako hindi agree. Yung ipangutang mo ang handa para di ka mahuli sa bonggahan ng kapitbahay. Tapos the rest of the year, halos walang makain ang pamilya mo? Tsk!)

16. Aswang, Manananggal, Kapre. The whole underworld of Filipino lower mythology recalls our uniquely bizarre childhood, that is, before political correctness kicked in. Still, their rich adventures pepper our storytelling. (Yeah, I grew up reading mga kwento ni Lola Basyang and listening to scary stories told by my lola.)

17. Jeepneys. Colorful, fast, reckless, a vehicle of postwar Pinoy ingenuity, this Everyman's communal cadillac makes for a cheap, interesting ride. If the driver's a daredevil (as they usually are), hang on to your seat.

18. Dinuguan. Blood stew, a bloodcurdling idea, until you try it with puto. Best when mined with jalapeno peppers. Messy but delicious (to some). (Goldilocks has the right timpla. Even their dinuguan in pouches taste good!)

19. Santacruzan. More than just a beauty contest, this one has religious overtones, a tableau of St. Helena's and Constantine's search for the Cross that seamlessly blends piety, pageantry and ritual. Plus, it's the perfect excuse to show off the prettiest ladies--and the most beautiful gowns. (We're not Catholic and I remember our mom refusing to let me or my sister be invited to be sagalas, ever.)

20. Balut. Unhatched duck's embryo, another unspeakable ethnic food to outsiders, but oh, to indulge in guilty pleasures! Sprinkle some salt and suck out that soup, with gusto. (Hindi kaya ng powers ko ang sisiw. Hanggang sabaw, pula at puti lang ako. Buti maraming taga-kain ng sisiw dito sa bahay. Nag-uunahan pa!)

21. Pakidala. A personalized door-to-door remittance and delivery system for overseas Filipino workers who don't trust the banking system, and who expect a family update from the courier, as well.

22. Choc-nut. Crumbly peanut chocolate bars that defined childhood ecstasy before M & M's and Hershey's. (Until now, uso pa rin sya!)

23. Kamayan Style. To eat with one's hand and eschew spoon, fork and table manners--ah, heaven. (Lalo na when the ulam is tuyo and suka with bawang. Yum!)

24. Chicharon. Pork, carabao, fish or chicken crackling. There is in the crunch a hint of the extravagant, the decadent and the pedestrian. Perfect with vinegar, sublime with beer. (Tama na ako sa iced tea. I don't like the taste of beer eh.)

25. Pinoy Hospitality. Just about everyone gets a hearty "Kain tayo!" invitation to break bread with whoever has food to share, no matter how skimpy or austere it is. (Lalo na sa province, people will feel hurt pa when you refuse to share their simple meals.)

26. Adobo, Kare-kare, Sinigang and other Lutong bahay stuff. Home-cooked meals that have the stamp of approval from several generations, who swear by closely-guarded cooking secrets and family recipes.

27. Lola Basyang. The voice one heard spinning tales over the radio, before movies and television curtailed imagination and defined grown-up tastes. (Hanapin ko nga yung libro ko sa bahay ng nanay ko. Para mabasa rin ng mga anak ko. Sana buhay pa!)

28. Pambahay. Home is where one can let it all hang out, where clothes do not make a man or woman but rather define their level of comfort. (Kurak! Daster or kamison, the best!)

29. Tricycle and Trisikad, The poor Pinoy's taxicab that delivers you at your doorstep for as little as P5.00, with a complimentary dusting of polluted air. (Nako, P7.00 na ang minimum sa trike ngayon! Sa Rockwell, ang mahal ng pedicab!)

30. Dirty Ice Cream o Sorbetes. Very Pinoy flavors that make up for the risk: munggo, langka, ube, mais, keso, macapuno. Plus there's the colorful cart that recalls jeepney art.

31. Yayas. The trusted Filipino nanny who, ironically, has become a major Philippine export as overseas contract workers. A good one is almost like a surrogate parent--if you don't mind the accent and the predilection for afternoon soap and movie stars. (Praning na ako sa mga yaya. Abusado na ang 95% ng breed nila ngayon. Nasa abroad na ata yung mga matitino. Ayoko na kuhanan ang kids ko, ever.)

32. Sarsi. Pinoy rootbeer, the enduring taste of childhood. Our grandfathers had them with an egg beaten in.

33. Pinoy fruits. Atis, guyabano, chesa, mabolo, lanzones, durian, langka, makopa, dalanghita, siniguelas, suha, chico, papaya, singkamas--the possibilities! (I love almost everything in this list except chico and papaya hehehe).

34. Filipino celebrities. Movie stars, broadcasters, beauty queens, public officials, all-around controversial figures: Aurora Pijuan, Cardinal Sin, Carlos P. Romulo, Charito Solis, Cory Aquino, Emilio Aguinaldo, the Eraserheads, Fidel V. Ramos, Francis Magalona, Gloria Diaz, Manuel L. Quezon, Margie Moran, Melanie Marquez, Ninoy and Cory Aquino, Nora Aunor, Pitoy Moreno, Ramon Magsysay, Richard Gomez, San Lorenzo Ruiz, Sharon Cuneta, Gemma Cruz, Erap, Tiya Dely, Mel and Joey, Gary V...

35. World Class Pinoys who put us on the global map: Lea Salonga, Paeng Nepomuceno, Eugene Torre, Luisito Espinosa, Lydia de Vega-Mercado, Jocelyn Enriquez, Elma Muros, Onyok Velasco, Efren "Bata" Reyes, Lilia Calderon-Clemente, Loida Nicolas-Lewis, Josie Natori, Arnel Pineda, and Manny Pacquiao. (Uy, isama natin si Charice Pempengco!)

36. Pinoy Tastes. A dietitian's nightmare: too sweet, too salty, too fatty, as in burong talangka, itlog na maalat, crab fat (aligue), bokayo, kutchinta, sapin-sapin, halo-halo, pastilyas, palitaw, pulburon, longganisa, tuyo, ensaymada, ube halaya, sweetened macapuno and garbanzos. Remember, we're the guys who put sugar in our spaghetti sauce. Yum! (Hay naku, nagutom ako bigla!)

37. The Sights. Banaue Rice Terraces, Boracay, Bohol's Chocolate Hills, Corregidor Island, Fort Santiago, the Hundred Islands, the Las Pinas Bamboo Organ, Rizal Park, Mt. Banahaw, Mayon Volcano, Taal Volcano. A land of contrasts and ever-changing landscapes. (Waah! Meron pa akong mga hindi napupuntahan sa listahang ito!)

38. Gayuma, Agimat and Anting-anting. Love potions and amulets. How the socially-disadvantaged Pinoy copes. (Ay, hindi uso sa amin yan.)

39. Barangay Ginebra, Jaworski, PBA, MBA, and PBL/PABL. How the verticaly-challenged Pinoy compensates, via a national sports obsession that reduces fans to tears and fistfights. (I remember being obsessed with a certain UAAP player from another school during my college days hahaha).

40. People Power at EDSA. When everyone became a hero and changed Philippine history overnight. (Sana magpatuloy ang diwa ng EDSA para di masayang ang sinumulan ni Pres. Cory and Sen. Ninoy)

41. San Miguel Beer and Pulutan. "Isa pa nga!" and the Philippines' most popular, world-renowned beer goes well with peanuts, corniks, tapa, chicharon, usa, barbecue, sisig, and all manner of spicy, crunchy and cholesterol-rich chasers. (Asawa ko ang makaka-identify dito)

42. Resiliency. We've survived 400 years of Spanish rule, the US bases, Marcos, the 1990 earthquake, lahar, lambada, Robin Padilla, and Tamagochi. We'll survive Gloria. (Hear, hear!)

43. Yoyo. Truly Filipino in origin, this hunting tool, weapon, toy and merchandising vehicle remains the best way to "walk the dog" and "rock the baby," using just a piece of string.

44. Pinoy Games: Pabitin, palosebo, basagan ng palayok, patintero. A few basic rules make individual cunning and persistence a premium, and guarantee a good time for all.

45. Ninoy Aquino. For saying that "the Filipino is worth dying for,'' and proving it. (Amen!)

46. Balagtasan. The verbal joust that brings out rhyme, reason and passion on a public stage, way before rap freestyle.

47. Tabo. All-powerful, ever-useful, hygienically-triumphant device to scoop water out of a bucket and help the true Pinoy answer nature's call. Helps maintain our famously stringent toilet habits.

48. Pandesal. Despite its shrinking size, still a good buy. Goes well with any filling, best when hot.

49. Jollibee. Truly Pinoy in taste and sensibility, and a corporate icon that we can be quite proud of. Do you know that it has invaded the Middle East and USA already?

50. The Butanding, the dolphins and other creatures in our blessed waters. They're Pinoys, too, and they're here to stay. Now if some folks would just stop turning them into daing. (Hehehe, ayos sa punchline!)

51. Pakikisama. It's what makes people stay longer at parties, have another drink, join pals in sickness and health. You can get dead drunk and still make it home. (But sometimes, this is not a good thing.)

52. Sing-a-long, Karaoke, Videoke. Filipinos love to sing, and thank God a lot of us do it well!

53. Kayumanggi. Neither pale nor dark, our skin tone is beautifully healthy, the color of a rich earth or a mahogany tree growing towards the sun.

54. Handwoven cloth and native weaves. Colorful, environment-friendly alternatives to polyester that feature skillful workmanship and a rich indigenous culture behind every thread. From the pinukpok of the north to the malong of the south, it's the fiber of who we are.

55. Movies. Still the cheapest form of entertainment, especially if you watch the same movie several times.

56. Bahala na. We cope with uncertainty by embracing it, and are thus enabled to play life by ear.

57. Papaitan. An offal stew flavored with bile, admittedly an acquired taste, but pointing to our national ability to acquire a taste for almost anything.

58. English. Whether carabao or Arr-neoww-accented, it doubles our chances in the global marketplace.

59. The Press. Irresponsible, sensational, often inaccurate, but still the liveliest in Asia. Otherwise, we'd all be glued to TV. (Teka, teka! Member of the press ako! Hindi ata applicable sa akin ang mga descriptions! :p)

60. Divisoria. Smelly, crowded, a pickpocket's paradise, but you can get anything here, often at rock-bottom prices. The sensory overload is a bonus.

61. Barong Tagalog. Enables men to look formal and dignified without having to strangle themselves with a necktie. Worn well, it makes any ordinary Juan look marvelously makisig.

62. Filipinas. They make the best friends, lovers, wives. Too bad they can't say the same for Filipinos. (Well, I can say that my husband is the exception :))

63. Filipinos. So maybe they're bolero and macho with an occasional streak of generic infidelity; they do know how to make a woman feel like one.

64. Catholicism. What fun would sin be without guilt? Jesus Christ is firmly planted on Philippine soil.

65. Dolphy. Our favorite, ultra-durable comedian gives the beleaguered Pinoy everyman an odd dignity, even in drag.

66. Style. Something we often prefer over substance. But every Filipino claims it as a birthright.

67. Bad Taste. Clear plastic covers on the vinyl-upholstered sofa, posters of poker-playing dogs masquerading as art, overaccessorized jeepneys and altars--the list is endless, and wealth only seems to magnify it. (Yep, marami akong kilalang mayayamang jologs.)

68. Mangoes. Crisp and tart, or lusciously ripe, they evoke memories of family outings and endless sunshine in a heart-shaped package.

69. Unbridled Optimism. Why we rank so low on the suicide scale. (We do? That's good to know!)

70. Street Foods: Barbecue, lugaw, banana-cue, fishballs, IUD (chicken entrails), adidas (chicken feet), warm taho. Forget hepatitis; here's cheap, tasty food with gritty ambience. (I like isaw!)

71. The Siesta. Snoozing in the middle of the day is smart, not lazy. (I agree! May sinulat si Leo Buscaglia about the sensibility of siestas. He got the principles right.)

72. Honorifics and Courteous titles: Kuya, ate, diko, ditse, ineng, totoy, Ingkong, Aling, Mang, etc. No exact English translation, but these words connote respect, deference and the value placed on kinship.

73. Heroes and people who stood up for truth and freedom. Lapu-lapu started it all, and other heroes and revolutionaries followed: Diego Silang, Macario Sakay, Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Melchora Aquino, Gregorio del Pilar, Gabriela Silang, Miguel Malvar, Francisco Balagtas, Juan Luna, Marcelo H. del Pilar, Panday Pira, Emilio Jacinto, Raha Suliman, Antonio Luna, Gomburza, Emilio Aguinaldo, the heroes of Bataan and Corregidor, Pepe Diokno, Satur Ocampo, Dean Armando Malay, Evelio Javier, Ninoy Aquino, Lola Rosa and other comfort women who spoke up, honest cabbie Emilio Advincula, Rona Mahilum, the women lawyers who didn't let Jalosjos get away with rape.

74. Flora and Fauna. The sea cow (dugong), butanding, tarsier, calamian deer, bearcat, Philippine eagle, sampaguita, ilang-ilang, camia, pandan, the creatures that make our archipelago unique.

75. Pilipino Songs, OPM and Composers: "Ama Namin," "Lupang Hinirang," "Gaano Ko Ikaw Kamahal," "Ngayon at Kailanman," "Anak," "Handog,""Hindi Kita Malilimutan," "Ang Pasko ay Sumapit"; Ryan Cayabyab, George Canseco, Restie Umali, Levi Celerio, Manuel Francisco, Freddie Aguilar, and Florante--living examples of our musical gift.

76. Metro Aides. They started out as Imelda Marcos' groupies, but have gallantly proven their worth. Against all odds, they continuously prove that cleanliness is next to godliness--especially now that those darned candidates' posters have to be scraped off the face of Manila!

77. Sari-Sari Store. There's one in every corner, offering everything from bananas and floor wax to Band-Aid and bakya.

78. Philippine National Red Cross. PAWS. Caritas. Fund drives. They help us help each other. (Add to that my supported NGO -- World Vision Philippines!)

79. Favorite TV Shows through the years: "Tawag ng Tanghalan," "John and Marsha," "Champoy," "Ryan, Ryan Musikahan," "Kuwarta o Kahon," "Public Forum/Lives," "Student Canteen", "Eat Bulaga", and "Wowowee". In the age of inane variety shows, they have redeemed Philippine television. (I like the first few names on this list but I don't watch noontime shows because I don't like the culture of laziness, false hopes and dole-outs that they promote.)

80. Quirks of language that can drive crazy any tourist listening in: "Bababa ba?" "Bababa!"

81. "Sayang!" "Naman!" "Kadiri!" "Ano ba!?" "pala." Expressions that defy translation but wring out feelings genuinely Pinoy.

82. Cockfighting. Filipino men love it more than their wives (sometimes).

83. Dr. Jose Rizal. A category in himself. Hero, medicine man, genius, athlete, sculptor, fictionist, poet, essayist, husband, lover, samaritan, martyr. Truly someone to emulate and be proud of, anytime, anywhere.

84. Nora Aunor. Short, dark and homely-looking, she redefined our rigid concept of how leading ladies should look like.

85. Noranian or Vilmanian. Defines the friendly rivalry between Ate Guy Aunor and Ate Vi Santos and for many years, the only way to be for many Filipino fans.

86. Filipino Christmas. The world's longest holiday season. A perfect excuse to mix our love for feasting, gift-giving and music and wrap it up with a touch of religion.

87. Relatives and Kababayan abroad. The best refuge against loneliness, discrimination and confusion in a foreign place. Distant relatives and fellow Pinoys readily roll out the welcome mat even on the basis of a phone introduction or referral.

88. Festivals: Sinulog, Ati-atihan, Moriones. Sounds, colors, pagan frenzy and Christian overtones.

89. Folk dances. Tinikling, pandanggo sa ilaw, karinosa, kuratsa, itik-itik, alitaptap, rigodon. All the right moves and a distinct rhythm.

90. Native Wear and Costumes. Baro't saya, tapis, terno, saya, salakot, bakya. Lovely form and ingenious function in the way we dress.

91. Sunday Family Gatherings. Or, close family ties that never get severed. You don't have to win the lotto or be a president to have 10,000 relatives. Everyone's family tree extends all over the archipelago, and it's at its best in times of crisis; notice how food, hostesses, money, and moral support materialize during a wake?

92. Calesa and Karitela. The colorful and leisurely way to negotiate narrow streets when loaded down with a year's provisions.

93. Quality of Life. Where else can an ordinary employee afford a stay-in helper, a yaya, unlimited movies, eat-all-you-can buffets, the latest fashion (Baclaran nga lang), even Viagra in the black market?

94. All Saints' Day. In honoring our dead, we also prove that we know how to live.

95. Handicrafts. Shellcraft, rattancraft, abaca novelties, woodcarvings, banig placemats and bags, bamboo windchimes, etc. Portable memories of home. Hindi lang pang-turista, pang-balikbayan pa!

96. Pinoy greens. Sitaw. Okra. Ampalaya. Gabi. Munggo. Dahon ng Sili. Kangkong. Luya. Talong. Sigarillas. Bataw. Patani. Lutong bahay will never be the same without them. (Don't forget malunggay!)

97. OCWs. The lengths (and miles) we'd go for a better life for our family, as proven by these modern-day heroes of the economy.

98. The Filipino Artist. From Luna's magnificent "Spoliarium" and Amorsolo's sun-kissed ricefields, to Ang Kiukok's jarring abstractions and Borlongan's haunting ghosts, and everybody else in between. Hang a Filipino painting on your wall, and you're hanging one of Asia's best.

99. Tagalog Soap Operas. From "Gulong ng Palad" and "Flor de Luna" to today's incarnations like "Mula sa Puso"--they're the story of our lives, and we feel strongly for them, MariMar notwithstanding. (Hahaha, I remember watching Gulong ng Palad and Flor de Luna with my lola.)

100. Midnight Madness, Weekends Sales, Bangketas and Baratillos/Tiange. It's retail therapy at its best, with Filipinos braving traffic, crowds, and human deluge to find a bargain.

Tuesday, July 28, 2009

2-in-1 na, mas mura pa!

Sa maghapon kong pagtatrabaho sa harap ng computer halos araw-araw, hindi na nakapagtataka na sumakit ang buto sa babang kanan na gilid ng kanang kamay ko. Minsan nagpapasa pa.

Kaya nung nakakita ako last year ng isang wrist support chuva sa Shopwise, binili ko na. Sa halagang P89.00, worth it na yun para ma-relieve naman yung sakit ng kamay ko kapag gumagamit ng mouse. Ang kaso mo, since liquid based ang laman niya, nag-start na syang mag-leak kailan lang.

Unti-unti, umiimpis na yung wrist support ko at iniisip ko pa kung bibili ako ng ganun din na bago since wala naman akong nakikitang ibang products na kagaya niya.

Pero kahapon, habang bumibili ako sa CD-R King ng isang flash disk, yung katabi kong mama sa pila, nagpaabot ng isang mouse pad dun sa saleslady. Hmmm, may built-in wrist support! AT, take note, nagulat ako sa price, P35.00 lang s'ya!

So nung turn ko na para asikasuhin nung saleslady, nagpakuha din ako ng sample. Actually may P25.00 at P50.00 din na variants pero mas makipot yung wrist support area. So nag-settle ako sa gitna.

I'm glad binili ko yung mouse pad! Comfortable s'ya, in fairness. Enjoy talaga bumili ng gadget accessories sa store na yun. Maraming super affordable items na tumatagal naman. Hmp, kaya lang tuwi na lang yata akong bumibili sa CD-R King, may bitbit akong extra item pauwi na wala sa listahan ko :p

Thursday, July 23, 2009

Nalulunod sa Milo :p

Tuwing may promo items ang Milo, napapabili kami ng mas marami kaysa sa 1kg. a week na quota namin. Sabagay, loyal talaga ako sa Milo kasi ayoko ng lasa nung isa pang leading brand. Kaya kumbaga, bonus na lang parati kapag may items na kasama pag bumibili ako sa supermarket.

Yun nga lang, instead of 1 kg pack per week (apat kaming umiinom every breakfast eh), nagiging 2 to 3 packs isang bilihan lalo na kapag nakatyempo noong mahirap hanapin na variant.


Kaya ayan, parang magwa-one month na kaming hindi bumibili ng Milo. Kasi gusto nung bunso ko na ma-collect namin yung 5 mugs. In fairness, ang cute ng designs ha!

Nung summer, nauso din yung mini-basketballs na green at orange. Naku, parang kalahating dosena ang na-collect ng mga bata.

Naalala ko tuloy last year nung uso naman eh Olympics figures. Kumpleto din kami nun! hahaha. Eto ang proof:

So, kumpleto na rin ba kayo ng Milo mugs? Hmmm, dapat yata may PF na ako from Nestle para sa pagpo-promote nito :p

Thursday, July 02, 2009

Love Your Own

Iboto natin ang isa sa mga pinagmamalaking tourist spot ng Pilipinas. Please read more below:

"This is an appeal to vote for our Palawan Underwater River to become one of the Seven Wonders of the World. Before, we are first in the Group E category but now we are only second to the Amazon River. The Amazon River is being supported by 9 countries. Let's show our unity and vote for one of our national treasures. An appeal is being sent out to all Filipinos and friends to vote. Log on to www.New7Wonders.com and vote for Puerto Princesa Subterranean National Park under Group E. That is the Philippines' official name entry for our underwater river. If you haven't voted yet, vote now. We still have 5 days to do this as July 7 is the deadline. Thanks and please pass to everybody."

Saturday, June 27, 2009

Na-discover n'yo na ba ito?


May karibal na ang Lucky Me Pancit Canton Kalamansi flavor sa buhay namin! hehehe. Hubby and I agree that we both like Pancit Shanghai's Pata Tim flavor. May real vegetables saka malasa talaga yung sauce.

Downside, one pack is not enough para busugin ka!

Friday, June 19, 2009

Dapat lang na isoli!

Kagabi, after manggaling ang asawa ko sa bahay ng in-laws ko sa kabilang village, nakakita s'ya sa gitna ng daan ng isang Samsung cell phone. Kung nadaanan pa yun ng ibang sasakyan, baka natuluyan na yung mawasak.

Wala ng battery yung telepono. Since wala naman kaming Samsung charger dito sa bahay dahil puro Sony Ericsson ang gamit namin, tinanggal namin ang sim at inilipat dun sa phone ng anak ko. Ni-try naming tingnan ang address book pero puro Sun access numbers lang ang andun. Mukhang lahat ng contacts nung may-ari andoon sa phone.

So hinintay namin kung may tatawag. After mga 15 minutes, nag-ring na nga yung cell phone. Sabi nung nakausap ni hubby, naka-backride daw s'ya sa motor and hindi naramdaman na nalaglag ang cell n'ya.

After mga 30 minutes, pinuntahan kami dito sa bahay nung may-ari sakay ng motor ng asawa n'ya para kunin ang phone nila. Buti na lang asawa ko ang nakapulot dahil hindi namin pinag-interesan yung telepono.

Alam kasi namin ang pakiramdam ng mawalan ng phone. Pareho na kaming nadukutan ng cell phone noon. Ako, sa jeep. Si hubby, sa bus. Naiyak pa ako nung time na yun! Kaya mabuti talaga at naibalik yung phone sa totoong may ari.

Dapat naman talaga ganun 'di ba?
Bagong Text Scam: Mag-ingat!

Two days ago, nakatanggap ako ng text galing sa 09163105421. Ang sabi ng message:

"Ito na new roaming # ko. My pdla akong pakage jan, may cp k don. My mga gmit din my knya knya na pngalan un lodan nyo muna to ng 300 Wla n to l0d."

Una, wala akong kaibigan o kamag-anak na nasa abroad na alam kong may balak magkaroon ng bagong roaming #.

Pangalawa, wala din akong inaasahang magpapadala ng package sa amin anytime soon.

Pangatlo, nakakabwisit dahil kung may na-text ang kulugo na yun na may kaanak na OFW na halos swak sa circumstances nila, malamang ni-loadan nila ng P300 yung number. Dami pa namang sobrang gullible sa ganun :(

Ano ba! Ang SAMA-SAMA ng mga ganitong klaseng tao. Ang hirap-hirap na nga ng buhay ngayon, nanloloko pa sila ng kapwa. Gusto ko sana i-text back ng tipong "Ang kapal ng mukha mo! Maghanap ka kaya ng trabaho para di ka na manggoyo ng kapwa mo Pilipino!" Kaso nanghihinayang ako sa load ko. After all, what good would it do 'di ba?

Nag-send ako ng report sa custhelp@globetel.com.ph Sana aksyunan naman nila. Kahit man lang i-block ang sim # na yun para di na magkalat ng lagim. Kawawa naman yung maloloko nila :(

Hay, naiinis ako ba't may mga taong ganun!!!

Wednesday, May 27, 2009

Mag-ingat sa Salisi Criminals!

Nanlambot ako kahapon nung nag-text ang kapatid ko na napasok ang bahay nila sa Project 7 ng magnanakaw. Dahil sa simpleng change of routine, hindi nila akalaing may mangyayaring ganun.

Early morning ng May 26, around 3:30a.m., sumabay ang brother ko sa sasakyan ng sister-in-law n'ya para umuwi sa bahay namin sa Laguna. Naiwan sa bahay ang hipag ko, nanay n'ya, niece na 10 years old at ang 3-month old kong pamangkin.

Bandang 7 a.m. ng dinala ng nanay ng hipag ko ang basura nila sa labas ng gate. Hindi na n'ya ni-padlock muna ang gate dahil paalis na rin ang hipag ko for work after a few minutes. Habang naliligo ang hipag ko, pinaakyat n'ya sa second floor si nanay para bantayan si baby. Tulog naman sa sala ang pamangkin n'ya. Kung nandoon ang brother ko, malamang s'ya ang nasa taas habang nasa baba na si nanay.

Paglabas ng hipag ko sa banyo, nagulat s'ya dahil bukas ang pinto at bukas ang gate. Wala na rin ang tatlong cell phones sa ibabaw ng entertainment center. May bakas ng paa sa kutson na tinutulugan ng pamangkin nya.

Tantya nila, wala pang isang minuto kasi hindi nakuha yung bag ng hipag ko na nasa sala rin. Cell phone lang talaga ang pinakay.

Ang pasalamat na lang naming lahat, walang nasaktan sa kanila. Mabuti na rin at hindi na nagising yung bata at hindi naabutan ng hipag ko yung magnanakaw paglabas niya ng banyo. Ang nakakatakot kasi, paano kung may sumigaw at bigla silang i-hostage sa loob ng bahay or saktan physically.

May isa silang kapitbahay na namukhaan pa yung mama. Malaking lalaki daw at may hawak na naka-fold na dyaryo. Natakot kami kasi baka may nakabalot na patalim sa loob. Akala ng kapitbahay, bisita nila dahil nag-"Tao po" pa daw.

Nung kumalat na ang balita, umikot pa ang ilang kapitbahay doon sa surrounding streets para hanapin yung mama. Di na nila nakita. Ni-try din nila ipa-ring ang cell phone ng hipag ko. Cannot be reached na ang number. Malamang naitapon na ang sim.

Nakaka-trauma ang nangyari. Kahit hindi nila na-encounter face-to-face yung kriminal, the thought na ganun kalakas ang loob n'yang pumasok sa isang bahay basta-basta, nakakakilabot isipin ano ang pwede pang nangyari. Sobrang thankful pa rin talaga kami dahil ni-protect ni Lord ang mga kamag-anak ko.

Sabi nga ng kapatid ko, ok na yun, cell phones lang ang nawala. Mapapalitan naman yun. Oo nga, tingin na lang kami sa positive side.

Kaya ingat din po tayong lahat. Malapit na ang pasukan at marami na namang desperadong tao na kapit sa patalim at gagawa ng kahit anong paraan para kumita :(

Tuesday, January 27, 2009

Gasul Crisis

Sabi sa news nung umpisa ng taon, hanggang sa katapusan lang daw ng January yung shortage ng petroleum gas. Kaso mukhang tatagal pa ito hanggang March according sa Manila Bulletin website na nabasa ko kanina.

Ang nakakainis dito, hirap na nga ang mga tao maghanap ng gagamitin sa pang-luto, ang dami pang negosyante ang nananamantala! :(

Kasi last week, Thursday, naubusan na rin kami ng Gasul (yep, Petron yung gamit namin, hindi generic name ang sinasabi ko). Shempre nagtatawag kami nung mga LPG delivery services. Lahat ubos na ang stock. Pinaka-average price na na-quote nila was around P450 per 11kg tank.

Sabi ng mga nakausap namin, tawag na lang daw ulit kinabukasan ng maaga kasi baka may mga dumating na bago. So early Friday morning, tawag ulit kami. May isang tindahan na nangakong by 3p.m. daw makaka-deliver na sila. Nakapila daw kasi yung mga papagdalhan at isa lang ang delivery boy nila. Hiningi na yung pangalan ng asawa ko, address at phone number namin. Nakahinga na kami ng maluwag.

So dating gawi, bili na lang kami ng lutong ulam tapos saing sa rice cooker. Nung past 3p.m. na, nagfollow-up kami. Ayun, ubos na raw! Grrr, kainis di ba? Sabi nga ng hubby ko dun sa nakausap n'ya, "Sana di kayo nagsabi ng oras na magde-deliver kayo! Aasa-asa kaming meron tapos ngayon sasabihin ninyong wala?!" By then, kahit nagtawag pa kami sa ibang stores, wala na kaming naabutan as expected.

Early Saturday morning, naghanap na ako sa directory ng numbers ng Petron stations na malapit sa amin. Ang sagot, wala pang delivery at di nila alam kailan may darating. So bandang tanghali, nag-bike ang asawa ko para bumili ulit ng ulam sa may gate ng village namin.

May nakasalubong daw s'yang mama na naka-motor at may dalang tangke ng Gasul. Akala n'ya delivery boy pero customer pala na nag-iikot kung saan pwede bumili. Nabalitaan daw n'ya na meron dun sa tapat ng school ng mga anak namin.

So sumabay si hubby sa kotse ng kuya n'ya kasama yung empty LPG tank namin. Pagdating nila dun sa store, haba daw ng pila. Nung umikot pa sila ng konti, may nakita silang store na isang tank na lang ang naka-display. Ayun, pang-last si hubby sa nakabili. According to the tindero, lima-lima lang daw ang limit per store. Buti umabot pa kami dun sa last.

Ang bad trip lang, yung presyo, P498 na! Hindi na nga sila gumastos ng gas para mag-deliver, pinatungan pa nila yung presyo!

Yeah, I know -- Law of Supply and Demand. Pero 'di ba, sobrang nakakainsulto naman na by phone, mababa ang presyong binibigay nila sabay kabig na di na kayang mag-deliver kasi nagpupuntahan na ang mga tao sa kanila at dun pa lang sa mga pumipila, nauubos na. Pag pinuntahan mo, biglang tataas ang price kasi una-unahan daw. Duh?

Ano ba yan?! After sa pahirapang pila sa bigas, pati ba naman LPG?! Ano kayang pwede pang gawin ng gobyerno para mas lalo pang humirap ang buhay ng karaniwang Pilipino? :(
Related Posts with Thumbnails