Friday, June 19, 2009

Bagong Text Scam: Mag-ingat!

Two days ago, nakatanggap ako ng text galing sa 09163105421. Ang sabi ng message:

"Ito na new roaming # ko. My pdla akong pakage jan, may cp k don. My mga gmit din my knya knya na pngalan un lodan nyo muna to ng 300 Wla n to l0d."

Una, wala akong kaibigan o kamag-anak na nasa abroad na alam kong may balak magkaroon ng bagong roaming #.

Pangalawa, wala din akong inaasahang magpapadala ng package sa amin anytime soon.

Pangatlo, nakakabwisit dahil kung may na-text ang kulugo na yun na may kaanak na OFW na halos swak sa circumstances nila, malamang ni-loadan nila ng P300 yung number. Dami pa namang sobrang gullible sa ganun :(

Ano ba! Ang SAMA-SAMA ng mga ganitong klaseng tao. Ang hirap-hirap na nga ng buhay ngayon, nanloloko pa sila ng kapwa. Gusto ko sana i-text back ng tipong "Ang kapal ng mukha mo! Maghanap ka kaya ng trabaho para di ka na manggoyo ng kapwa mo Pilipino!" Kaso nanghihinayang ako sa load ko. After all, what good would it do 'di ba?

Nag-send ako ng report sa custhelp@globetel.com.ph Sana aksyunan naman nila. Kahit man lang i-block ang sim # na yun para di na magkalat ng lagim. Kawawa naman yung maloloko nila :(

Hay, naiinis ako ba't may mga taong ganun!!!

No comments:

Related Posts with Thumbnails