Dapat lang na isoli!
Kagabi, after manggaling ang asawa ko sa bahay ng in-laws ko sa kabilang village, nakakita s'ya sa gitna ng daan ng isang Samsung cell phone. Kung nadaanan pa yun ng ibang sasakyan, baka natuluyan na yung mawasak.
Wala ng battery yung telepono. Since wala naman kaming Samsung charger dito sa bahay dahil puro Sony Ericsson ang gamit namin, tinanggal namin ang sim at inilipat dun sa phone ng anak ko. Ni-try naming tingnan ang address book pero puro Sun access numbers lang ang andun. Mukhang lahat ng contacts nung may-ari andoon sa phone.
So hinintay namin kung may tatawag. After mga 15 minutes, nag-ring na nga yung cell phone. Sabi nung nakausap ni hubby, naka-backride daw s'ya sa motor and hindi naramdaman na nalaglag ang cell n'ya.
After mga 30 minutes, pinuntahan kami dito sa bahay nung may-ari sakay ng motor ng asawa n'ya para kunin ang phone nila. Buti na lang asawa ko ang nakapulot dahil hindi namin pinag-interesan yung telepono.
Alam kasi namin ang pakiramdam ng mawalan ng phone. Pareho na kaming nadukutan ng cell phone noon. Ako, sa jeep. Si hubby, sa bus. Naiyak pa ako nung time na yun! Kaya mabuti talaga at naibalik yung phone sa totoong may ari.
Dapat naman talaga ganun 'di ba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment