Sa maghapon kong pagtatrabaho sa harap ng computer halos araw-araw, hindi na nakapagtataka na sumakit ang buto sa babang kanan na gilid ng kanang kamay ko. Minsan nagpapasa pa.
Kaya nung nakakita ako last year ng isang wrist support chuva sa Shopwise, binili ko na. Sa halagang P89.00, worth it na yun para ma-relieve naman yung sakit ng kamay ko kapag gumagamit ng mouse. Ang kaso mo, since liquid based ang laman niya, nag-start na syang mag-leak kailan lang.

Pero kahapon, habang bumibili ako sa CD-R King ng isang flash disk, yung katabi kong mama sa pila, nagpaabot ng isang mouse pad dun sa saleslady. Hmmm, may built-in wrist support! AT, take note, nagulat ako sa price, P35.00 lang s'ya!
So nung turn ko na para asikasuhin nung saleslady, nagpakuha din ako ng sample. Actually may P25.00 at P50.00 din na variants pero mas makipot yung wrist support area. So nag-settle ako sa gitna.

No comments:
Post a Comment