Grrr!
Hay naku, apat na araw ng walang dial tone ang phone namin sa bahay. Kaya eto tatlong araw na akong pabalik-balik sa internet cafe para mag-send ng article submissions sa aking mga editors. Kainis, ang laking abala na sa oras, ang gastos pa! Buti sana kung may malapit sa amin ng internet shop, eh wala! As in I have to travel 30 minutes one way to go to town just to be able to use a computer with net connection.
Ang nakaka-asar pa, nung finally naka-contact ako sa PLDT kahapon, ang sagot sa kin "OK mam, gagawan po natin ng report yan." Pero nung tinanong ko kelan exactly maaayos, ang sagot depende daw sa lineman. Eh buong umaga na akong naghintay kanina ng mag-aayos, wala pa rin! Within 24 hours daw, che!
Sa inis ko, dahil kinailangan ko na namang mag-send ng important work emails, bago ako dumiretso sa internet shop, puntahan ko nga PLDT office directly. Nagreklamo na ako sa customer service nila. Ang sagot? "Mam, may report na daw ito ah." Kako nga, eh meron na pala bakit hindi nyo gawin? Sabi ko pa "Ang galing-galing ninyong magtawag sa min na magbayad ng bill kahit wala pang due date tapos pag kami ang nangailangan ng services nyo, ang bagal nyo kumilos!" Biro nyo naman, never pa kaming naputulan ng telepono ever, tapos monthly kukulitin kang magbayad agad! Ang masama pa, twice na nangyaring kakabayad ko lang dun sa office nila, the next day may tatawag pa para mag-remind na magbayad. Argh, injustice!!!
Buti na lang sobrang reliable nitong mp3/flash disk ko. Sa bahay ko na ginagawa ang mga articles ko para pagdating sa computer shop, ise-send ko na lang, di ko na kailangang mag-type. Pero still, ang gastos pa rin, waaah!
Bukas pag di pa rin kami pinuntahan ng lineman, baka manigaw na ako ng customer service rep nila pagtawag ko ulit sa kanila. Hay nako, kabilang dulo pa naman ng baryo namin ang bahay ng pinsan ko!
Tuesday, August 30, 2005
Monday, August 22, 2005
Crybaby
Hay, ang mushy ko talaga! Kanina kasi, kaka-surf ko ng channels, nakita ko sa Cinema One yung Got to Believe nina Claudine at Rico. As usual di ko na naman nasimulan (never ko pa napanood ng buo ang film na ito!) pero pinanood ko pa rin dahil maraming scenes dun na naaaliw akong panoorin. Ako pa naman, pag may pinapanood na touching scenes, meron akong nararamdamang butterflies sa stomach ko, ewan bakit. Sobrang empathy ba? Siguro nakaka-relate lang ako lalo na dun sa mga bagay na pinagdaanan ko rin nung unang panahon. Anyways, as usual pa rin, di ko mapigilang maluha sa ibang scenes. Ngak, ang iyakin ko talaga! Pero at least dahil sa movies lang malimit.
As a thirty-something mom (aba, hindi ko na ipapangalandakan edad ko no!), it's refreshing sometimes to be able to watch flicks na ang themes eh on young love. Kahit papano, there's this sense of kinship with the characters when comparing them to what I've also been through before. Wala lang, nakakatuwa lang mag-reminisce minsan. Kaya siguro enjoy na enjoy ako ngayon dun sa bagong series sa Star World, yung One Tree Hill. There's something about that show that gets to me every time (hindi lang si Chad Michael Murray hehehe, pero in fairness ang cutie ng batang yun!).
Eto pa ang list ng movies na napapangawngaw ako tuwing mapapanood ko, yung mga endings particularly: Heart and Souls, Only You (parehong starring Robert Downey Jr.), Joy Luck Club, Shawshank Redemption (not that nakaka-relate ako sa imprisonment ha, crush ko lang si Tim Robbins :D) ... nalimutan ko yung iba, pero alam ko marami yan. May amnesia lang ako ngayon hehehe.

Monday, August 15, 2005
Senseless
Nasa SM Centerpoint ako kahapon. May ininterview ako para sa isang article ko. Dun kami naupo nung resource person ko sa isang corner table sa Chowking para less ang distractions.
Tini-tape ko ang conversation namin at pareho kaming engrossed sa conversation nang biglang may lumapit na teenager, maayos naman ang bihis pero biglang may envelope na inilagay sa table. Una kong naisip baka nanghihingi ng donasyon para sa may sakit na kamag-anak. Kasi naman ilang beses na ba akong nalapitan sa mga fast food stores ng mga nanghihingi ng tulong for medicines or hospitalization costs. Once, may isang lola pa na hirap na hirap maglakad ang may dalang reseta ng gamot para sa diabetes at nanghihingi ng pera dahil kailangan daw nyang uminom noon at wala syang pambili. Sometimes, hindi mo maiiwasang mag-isip na sa dami ng mga scams na kumakalat, pwedeng modus operandi na ang mga ganito. Pero looking at that old woman, nakakaawa talaga.
Eh yung bata naman kahapon, naloka ako ng biglang magsalita ng "Donation lang po kasi candidate ako sa beauty contest." Ano daw?! Nagulantang ako. Pati ba naman yun ipinag-iikot na rin ng hingi sa mga malls??? I had to turn her down, "Iha, may importante kaming pinag-uusapan ok?" Naku nangulit-ngulit pa rin pero I just shook my head and she went on to the next table.
Forgive me sa mga masasagasaan sa sasabihin ko. Pero noon pa man hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-gets ang principle behind beauty contests na paramihan ng tickets ang candidates para manalo. Baket? Baket tatawaging beauty contest kung hindi naman ganda o talino ang usapan kung hindi pera? Ang labo di ba? I find this Pinoy pakulo really senseless. Kahit pa sabihing may beneficiary ang event, I still don't buy the title nor the way they raise funds. Mas bagay pa siguro kung tatawagin nilang popularity contest di ba? Dito lang kaya sa atin may ganito?
I mean, I'm all for respecting contests and everything. Pero yung mga may sense naman. Although shempre relative ang term ng "sense". So for the sake of peace, tama na etong nailabas ko ang gusto kong sabihin, I rest my case ...

Tuesday, August 09, 2005
Funny
From a guy's point of view, natawa ako sa post ng kaibigan ko dun sa isang egroup namin. Kasi lately puro guys ang masipag mag-post kesa sa aming mga babae so nag-comment akong mas madaldal ata sila kapag sa emails. Here's what he wrote:
"That is an interesting observation, mukha ngang mas madaldal kaming guys dito sa email o mas techie lang siguro mga lalaki. Kasi siguro gals tend to be more personal. Sa tagal ko sa corporate world di pa ako nakapagyaya ng co-male employee ko to go to the comfort room with me but you girls do it with such ease -- I just don't get it. Imagine us guys asking "Pare, stop muna sa pag-computer, CR tayo." or "Bro, break muna pag lift ng weights, na wi-wish ako eh samahan mo naman ako." That will surely merit you a beating! Ha ha, its a revolting thought!"
Hmmm, oo nga naman, may point sya dun!!! hehehe

Make Scents!
Bilib na talaga ako sa pagiging enterprising ng mga Pinoy. Hmmm, sa Pinas lang kaya may ganito?
Nung isang linggo na lumuwas ako ng Manila para sa isang meeting, nagkita kami ni husbandry sa Festival Mall para sabay na kami umuwi. Bago pa kami nakalabas ng mall, napansin ko yung isang stall na may mga naka-display na pabango, mga flasks at graduated cylinder. Ang store name? Scents Per Cents. They claim to sell the original deals daw (sa dami kasi naman ng peke sa bansang ito, pati orig na perfumes may nabebenta nang kamukhang-kamukha ng orig ang packaging!). Naalala ko bigla yung kinukwento sa 'kin ng kaibigan kong si PJ na may nabili daw syang perfume ni JLo pero tingi lang. Naisip ko, eto na siguro yun!
So nag-usyoso lang kami ng konti. Tamang-tama, kaka-birthday lang ng brother ko at wala pa akong nabibigay na regalo. Eh nakakita ako ng Fahrenheit ng paborito nyang scent dun sa mga naka-display. At P34/ml, hindi na ganun kamahal ang 5 ml (ay, extra charge pala ng P30 yung atomizer ha) kesa kung bibili ako nung mismong bote, which by the way eh hindi ko afford! Type na type ko pa naman yung amoy ng Clinique Happy Heart pero wala na akong budget (kasi ibinili ko ng mga libro sa Booksale!) kaya sana next time na mapadaan ako dun may pambili na ako hehehe.
Nakaka-amaze lang talaga na hindi na lang mga shampoong naka-sachet ang pwedeng bilhin na tingi ngayon. Hanga ako sa nakaisip ng concept na yun talaga. Kaso ang mahal siguro ng capital kasi bago ka makapag-stock man lang ng 20-30 na perfumes plus all the accessories na kailangan, baka kulang ang 100k. Hay eto na naman ako, nangangarap ng sariling business, wala namang pang-capital :p

Sunday, August 07, 2005
Boses
Maraming nagsasabing magkaboses daw kami ng younger sister ko. Kahit nanay namin nalilito minsan sa telepono kung sino ang kausap niya. May mga times din na nagkataong magkakasama kami sa bahay at magtatawag ako ng "Daddy!" from another room at ang sasagot eh yung brother in law ko o vice-versa, asawa ko ang sasagot kapag nagtawag ang sister ko. Hehehe, nakakaaliw na phenomenon dahil hindi man lang kami magkamukha ng kapatid ko.
Lately ko lang na-prove kung gaano ka-weird pala yung may kaboses ka...
Pag dadalaw kami sa bahay ng sister ko, nasa gate ka pa lang, todo kahol na yung dalawang aso dun. Although yung isa kilala na kami kasi baby pa lang yun, tumira sa amin ng isang araw bago dinala sa bahay ng sister ko. Ang galing nga eh, kahit saglit lang kami nag-"bonding" noon kay Dexter, everytime na makikita niya kami, talagang todo happy greetings sya with matching kawag ng buntot.
Eh etong dalmatian na si Patty, medyo mataray. Ang ingay sobra kapag may tao. Pero once na nakapasok na ako ng gate, tatahimik na yun. A few weeks ago ko lang na-realize na kapag nasabihan ko na sya ng isang stern na "Patty, quiet!" tigil agad sya. Tapos titingnan ako ng diretso (you know the kind of looks intelligent dogs give). Then it hit me ... akala niya ako si Sharon! Hmmm, and I thought dogs are pretty smart. Pero, siguro inisip din nya, kelangan mabait sya sa akin kasi close kami ng amo nya hehehe.

Tuesday, August 02, 2005
In My Own Small Way
Dahil sa aking recent “escapade” story sa bus (see story below), may isa akong friend na nag-comment na parang andami ko daw naman atang nararanasang misfortunes. Parang may balat ba sa pwet hehehe. Kako, hindi, reklamadora lang talaga ako :D Pwede na nga daw akong gumawa ng compilation na libro ng mga bad experiences ko sa sobrang dami.
Seriously though, I don't think nag-iisa ako sa mga misfortunes na nararanasan dahil sa mga palpak na sistema sa Pinas. I just happened to be very vocal about them. Bakit? Kasi walang masyadong nagsasalita eh. Kung hindi ko sasabihin ang mga nangyayaring reality, mas lalong walang gagawing aksyon ang mga nakaupo sa pwesto ... dahil walang nagrereklamo eh.
I know a lot of people who grumble and are also dissatisfied with a lot that's happening. Pero ano ginagawa ng karamihan? Wala, dahil daw:
1. Wala namang mangyayari kung magreklamo ka eh. Sayang lang daw oras.
2. Ipasa-Diyos na lang. Which is good counsel kung rare ang incident. Pero the moment na may nakausap akong nakaranas din nung nangyari sa akin (like yung nanay na inonse rin ng kundoktora or yung kapitbahay naming naka-more than P100 na load kaka-text dun sa nanlokong nanalo daw sya ng half a million), I decide to be the voice for all of us. Ang hirap sa Pinoy lunok lang ng lunok ng misfortunes eh. Bihira ang umaaksyon. (Eche pwera ko na yung mga militanteng grupo ha, di naman ako ganun ka-violent).
With all those things na isinulat ko noon, I can see results kasi. Like nun ngang manhole incident. Kung di ako nagpakalat ng email about the kapalpakan ng mga namumuno at DPWH ng *toot* (hindi ko na uungkatin yung pangalan ng place), hindi mapapahiya yung mayor at engineer at hindi nila gagawing takpan yung open canals in as short as three months. Eh years before ang dami na talagang naaksidente sa lugar na iyon!
Yung sa smart scam naman, there have been people who emailed me their thanks kasi muntik na rin sila (or kamag-anak nila) mabiktima kung di nila agad nabasa yun. Wala eh, sa hirap talaga ng buhay, maraming madaling mapaniwala sa easy money sa sobrang desperasyon. Eto ngang kapitbahay namin, ayun huli na ang pagsisisi.
Nung nadukutan ako ng phone, ini-report ko at pinablock sa NTC ang serial code ng phone ko. Kahit pa maraming nagsabing wala naman daw katuturan ang ginawa ko dahil ang bilis magpa-unlock sa Greenhills. Ang point ko, at least I have the satisfaction of knowing na gagastos pa sila at mai-inconvenience sa pagpunta ng Greenhills para lang ipa-open yung phone.
Ang sa ‘kin lang, any form of injustice, lalo na kapag ramdam mong agrabyado ka (hindi dahil tanga ka pero dahil wala kang ibang choices) dapat you have to take action. Pano nga kasi magbabago ang takbo ng bansa natin kung lahat ng tao eh amen na lang ng amen sa mga "kamalasang" dinadanas nila di ba? Eh hindi ako ganun. Ever since I have been a mom, naging prinsipyo ko nang ipaglaban ang rights ko. (Eh believe me, hindi ako ganun ka-proactive nung dalaga pa ako.). Dahil ayokong lumaki ang mga anak ko sa kapaligirang ganun pa rin kabulok ang sistema. Kung may magagawa ako kahit gaano kaliit, gagawin ko, for their future's sake.
Yun lang naman :)

Monday, August 01, 2005
Oportunista!
Inis na inis akoooo! Eto ang kwento ….
Last Saturday, pagkatapos ng violin lesson ni Deden sa UP Diliman, dumaan kami ng SM North para bumili ng sneakers nina Leland at Josh kasi bumigay na last week yung kay Joshua while yung kay Leland eh naghihingalo na. Bakit kasi ang bilis mawasak sa mga malilikot na bata ang sapatos!
Anyways, happy pa naman ako after buying the shoes kasi namigay ng libreng umbrellas ang SM for Advantage card users. White yung pinili ko at sabi pa ni Deden, “Wow ang ganda ng payong mo!”
Matagal-tagal na akong di nakakasakay ng bus galing SM North. Nag-abang kami ng pa-Alabang na aircon bus dahil dun kami magla-lunch sa bahay ng sister ko. Pagkasakay namin, lumapit yung kundoktora. Sabi ko “Alabang”. Tanong nya “Ilan?” Eh di sagot ko “Isa,” kasi naman sa liit ni Deden eh pwedeng-pwede pang kalungin unlike kung sina kuya ang kasama ko, ibinabayad ko talaga ng pasahe ang mga yun. Sabi nung ale P72 daw. So nagbayad ako, all the while wondering parang ang mahal naman ata kasi ang alam ko, Alabang to Kamias eh P35 lang.
Tinext ko si hubby para tanungin kung alam ba nya magkano talaga ang pasahe. Sabi nya masyadong mahal ang ibinayad ko dahil Cubao-Alabang P32 lang. Baka daw pati si Deden eh kinuhanan ng bayad. So pagdaan ulit nung kundoktora, tinanong ko sya “Ale, magkano ho ang galing SM North pa-Alabang?” Sabi niya “P36 isa.” Tumaas ang kilay ko, “Eh bakit dalawa ang siningil nyo sa akin?” Susmarya, sinigawan ako! “Aba, may bayad na yan! Alam ko dahil inspector din ako!” Kahit gigil na sa katuwiran nya, kalmado pa rin akong nagsalita “Eh di sana ho ang kinuha n’yong bayad pang-estudyante man lang.” Sigaw ulit sya “Walang pasok ngayon! Nagtitiket lang ako ng pang-estudyante pag may pasok!” Sabay lakad palayo. Makikinig kaya sa akin yun kung sinabi kong galing sa klase ang anak ko? I doubt. Saka sino bang herodes sa gobyerno ang nag-decide na kapag weekends eh hindi applicable ang student fares??? Baket, nagbabago ba ang status ng bata kapag Sabado at Linggo??? Kaasar, ang bulok ng nakaisip nun!!!
Hindi na ako umimik. Ayoko din namang pahabain ang usapan na mukhang wala namang patutunguhan. Pano ka ba naman makikipagtalo sa isang taong mukhang walang rason? Eh sa mga sagot pa lang sa akin, defensive na ang tono nya. Ang sa ‘kin kasi, sana hindi na nya ako tinanong kung ilan ang ibabayad ko kung nag-decide na pala syang ticketan si Deden. O kaya naman, nung sinabi kong isa nung una pa lang, sana pinaliwanag nya sa ‘king may bayad na ang ganun kaliit na kinder. Kahit alam kong unreasonable, hindi na ako makikipag-argue sa kanya.
Ano nga ba talaga ang patakaran ng LTFRB tungkol sa bayad sa bata? Kasi first time ko talaga itong sumakay ng bus na siningilan ng bayad si Deden. Lahat naman ng nasasakyan ko, lalo na kapag provincial busses, magagalang pa ang kundoktor na magtanong "Mam, ibabayad ho ba yung bata o kakalungin?" At least they inform you na may choice ka. Oo alam kong mahirap ang buhay kundoktor – maghapong nakatayo, konti ang kita, nakakapagod ang trabaho – pero enough reason ba yun para mang-onse ng kapwa tao? Asan na ba ngayon yung tinatawag na honesty at integrity sa kahit anong trabaho meron ka? At ako, mayaman ba ako para mamigay ng pasaheng hindi naman dapat? Kaya nga ako nagbu-bus kasi wala kaming pambili ng kotse! Tinext sa kin ng asawa ko “Mom, let it go, ipasa-Diyos mo na lang.”
Eh bago ako bumaba, may isang nanay na may kasamang dalawang maliit na anak (siguro aged 5 and 6 din lang) ang umusod sa upuan sa likuran ko. Hindi ko napigilang tanungin sya kung siningilan din ba ang mga anak nya. Oo daw at kanina ay nakipagtalo din sya dun sa ale. Kita ko sa mukha nung nanay ang inis sa pakiramdam na niloko sya, gaya ng malamang ay nakasalamin sa mukha ko. Ang swapang daw nung kundoktora. Ay talaga! Sabi ko sa kanya, hayaan mo ire-report ko itong bus na ito sa LTFRB. Ewan kung may gagawin silang aksyon pero sana naman meron. At least I would have done my part bilang mamamayan na gusto lang maituwid ang isa sa mga bulok na sistema sa Pilipinas. Gagawa ako ng formal complaint talaga at ifa-fax ko sa LTFRB. Baket kase wala silang email address na nakalagay dun sa website?! Hay, ang lo-tech!
Ang bus company ay RRCG, plate number TWR 314. May sticker na pulang pangalan na “Alex” dun sa parang sun shield nung driver. Ang kundoktorang sinasabi ko eh parang matandang tomboyin kung kumilos at maiksi ang buhok. Siguro late forties or early fifties na sya. May mga nunal sya sa taas at baba ng labi sa kanang side ng mukha nya. May suot syang military beret at ang relo nya eh Seiko na brown ang harapan. Naka-“Sketchers” na sapatos. Yung byaheng sinakyan ko eh mula 12:00nn hanggang 1:30pm from SM North to Alabang, July 30, 2005.
I’m soooo fed up with RRCG busses. Hinding-hindi na talaga ako sasakay sa kanila! Twice, nakasakay ako sa bus nila na nag-cutting trip. Ang signboard eh Fairview galing Metropolis sa Alabang pero pagdating sa bandang Cubao eh pinalipat kaming mga pa-Philcoa ng bus kasi biglang magmu-Monumento na sila. Pati Nanay ko na binigyan ko ng instructions na siguraduhing Fairview ang byahe ng bus bago sya sumakay, nakaranas ding ibaba sa gitna ng EDSA dahil nag-cutting trip na naman. Ang hirap-hirap pa naman na may bitbit kang bata kapag ganun. Sobrang inconvenient talaga!
Ngayon, masisisi nyo ba ako kung bigla kong maiisip na hindi kaya RRCG bus ang pinasabog dati noon sa may Ayala Ave. eh dahil marami nang asar sa kanila???

Subscribe to:
Posts (Atom)