Kiddie Blooper
The other day, kumain kami ng bunso ko sa Jollibee. Nagtuturo ng ice craze ang Deden at gusto daw nya yung yellow ang color. So binilhan ko ng Mais con Yelo. Kinain lang nya yung corn flakes sa ibabaw tapos ayaw na. Sabi ko "You finish that. Ikaw nag-order nyan." Sagot ba naman sa kin eh "Ikaw na Mommy, 'kaw naman nagbayad nyan eh!" Pilosopo! :S
Tuesday, April 27, 2004
Saturday, April 24, 2004
Crazy Over Jellies
Tsk, ang impluwensya nga naman ng mga kaibigan .... Ayan pati ako addict na sa jelly kelly bags na yan! Sino ba namang hindi malalaway sa pagkakagandang shades at kakaibang material ng bayong na ito. Buti na lang may ka-egroup akong nagtitinda na mas mababa kesa sa benta sa Greenhills. Take note, original jellies daw costs as much as P9,000! Kaloka, hindi ko afford yun kaya sa imitation na lang ako. Ang maganda dun, hindi madaling ma-recognize kung orig nga ba sya o hindi (di ba Mitch? :D) at stylish ka ever kapag rumarampa sa mga malls. Basta ang cute kasi. Hindi naman ako pakigaya talaga sa mga uso-uso na yan, pero dito sa bag na ititch, naloka lang naman ako.
Hay, bukas makukuha ko na yung una kong jelly. *excited! excited! jump, jump!* Oo, una pa lang yun kasi may pending order pa ako ng medium size na wala pang mahanap sa kulay na gusto ko. Hehehehe, para bang batang hibang sa laruan? Bertday gip ko yun sa sarili ko kase malapit na. Ooops wag lang tayong magtanungan ng age ha.
Do drop me a note to share your own jelly craze kung meron. I'd love to hear from you!

Internet Tipid Tips
Sa panahon ngayon, kelangang magtipid. At sa maniwala kayo o sa hindi, nabubuhay ako sa halagang P200 na pang-internet sa loob ng dalawang buwan! Paano? Read on!
Dalawa ang prepaid cards ko, isang Infocom 100 at isang PLDT Vibe 100. Ang Infocom, mamahalin mo talaga dahil pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi, libre na sya! Ok, ok, me lahing aswang este insomniac kasi ako. At saka nakaka-trabaho ako sa mga articles ko kapag tahimik ang paligid. Hanggang 7 a.m. na yung free surfing nila.
Tapos ang PLDT Vibe Prepaid, from 8 p.m.- 8 a.m. ang patak ng metro eh 0.08 cents lang. Meaning around P4.00 lang per hour. Correct, mas mura kesa kung gagamitin mo yung post paid service nila which is 50 cents per minute ata. Na-try ko na yun dati kaso inaatake naman ako sa puso everytime darating ang PLDT bill namin. Paano kapag peak hours P30/hour ang nilalabasan! Garsh, waste of money. Hindi kontrolado ang gamit since walang binabayaran agad, ayun kampante. Patay-patay naman pagdating ng bill.
Since bihira ako mag-check ng mails or mag-surf kapag umaga or hapon (ma-traffic, daming gumagamit, mabagal ang mga sistema, mahirap mag-connect) sa gabi na lang. Unless may mga urgent emails ako na kelangan i-retrieve agad. Although minsan pa rin, mahirap mag-connect sa PLDT Vibe at in fairness, mas mabilis pa rin ang Infocom most of the time. So from 8 p.m. hanggang 12 m.n. naka Vibe ako. Pag sapit ng alas dose, switch to Infocom. Solve! Dami kong nasu-surf na sites as references for my articles, libreng-libre pa. Nakaka-laro pa ako paminsan-minsan ng web games without the panic state na baka maubusan ng load at nagsasayang lang ako.
Right now, mag-e-expire na ang 2 cards ko sa Sunday kaya nag-reload na ako sa Infocom ko. Personalized na yung account ko dun so one-time lang ang pagta-type ng mga usernames ng card. (Jean sweetie, ayan ha, solid Infocom na ako). Pag naglo-log in ako, madali ng tandaan ang username. Yung sa PLDT, naku meron pa akong more than P30 na load! Kelangan kong ubusin na bukas at bibili na ulit ako ng bago. Kitam naman, mage-expire na yung 2 buwan pero marami pa ring natira. Matipid ano?
So bakit ko kakailanganin yung mga unlimited post paid accounts na yan? Last I heard, P700 ata ang lowest rate sa Tri-Isys. (Tama ba Cinds?) Ang DSL, nagpo-promote ng as low as P1500 a month eh ngek di pa pala unlimited yun. So far ok naman na ako sa speed ng dial-up. Mabilis nga kung mabilis pag DSL pero magastos! Ipapambili ko na lang ng jelly bag yun! Hehehehe
Ngayon, ang po-problemahin ko na lang eh yung .... pambayad sa Meralco!
*note: Hindi ko kayo ini-enganyong magpuyat ha. Ganito lang talaga ang sistema ng writing life ko which is working better during late at night or the early, early morning hours. Sa kin lang, kung sakaling meron senyo ang hindi pa alam ang mga pinagsasabi ko rito, at least ma-inform kayo at ma-try nyo rin ... At para makabili rin kayo ng jelly bag ... ehe! :P

Saturday, April 17, 2004
Ano ba! Nakakainis na ha!
Ano kayang gustong palabasin ng Sandigang Bayan at todo-bigay sila sa mga kapritso ni Erap? Bukod dun sa pagdalaw sa nanay nya sa hospital (paki-refresh naman memory ko kung meron sa history natin na presong pwedeng maglabas-masok sa kulungang de aircon aside from Erap), nung holy week, pinayagan pang mag-muni-muni sa kanyang rest house para daw ala-retreat kuno. Naku naman, ano kaya ang namuni-muni nya? Paano tumakas? Paano papanalunin ang kanyang bespren sa pagka-presidente at ng mabigyan na sya ng presidential pardon before the year ends?
Tapos kanina sa news, abah! Over na, sobra pa talaga! Porke at birthday ni Erap sa isang linggo, pwede na namang bumalik ng rest house nya para mag-celebrate at magpa-party. Naman! Ano pang silbi at tinatawag na preso yung taong yun eh buhay-baboy na nga sya ng todo-todo? Abusado, hmmmmp! Nakakagigil lang kasi. Sana ni house arrest na nga lang nila kung parating ganun din lang at pagbibigyan ng pagbibigyan lahat ng magustuhan.
Sa lahat naman ata ng presong makikita mo sa Pinas, ito ang pinakamaluho. And to think na pera ng taong-bayan ang ginagastos para lang sa sangkatutak na security measures dahil sa palipat-lipat na pwesto nitong Joseph Estrada na ito. Isa pa pala, nasa political TV ad pa ni Jinggoy! Nakuuuuu, kung me alta presyon siguro ako, matagal na siguro akong na-stroke. Harumph!
Suri, over carried away na ba ang lola nyo? Injustice that is blatantly obvious really gets my blood boiling. Saan nga ba merong ganitong kaparehong situation ang isang bilanggo na katakot-takot na pabor ang ibinibigay ng gobyerno? Meron ba, meron, meron? Nakah, wala ata! Eh kung yung mga presong mahihirap na literal na nabubulok sa kulungan ang humingi ng mga ganyang demands, bibigyan din ba ng pagkakataong maglamyerda sa labas? I don't think so.
Siguro pagtapos na ang eleksyon, matitigil na rin ang "kabaitan" ni Tita Glory kay Erap. That is, kung mananalo sya dahil na rin kasama sa mga maglu-luklok sa pwesto nya eh mga Erap supporters na na-impress sa mga favors bestowed sa kanilang idol. Ayoko mang sabihin eh talagang meron tayong mga kababayan na likas na panatiko. Oh well, kanya-kanya lang talagang sides yan. Nakakalungkot lang kasi tuwing umiiral ang pag-iidolo sa kung sinong gwapo o popular o mayamang kandidato, lalo lamang lumulubog ang bayan natin at lalong darami ang mga maghihirap :(
Hay, kung Erap (at FPJ) supporter po kayo na nagbabasa ng blog na ito, sorry pero wag na lang kayo magbasa kung di nyo po type ang mga nababasa nyo dito. Eto namang blog na ito eh extension lang ng mga isyung nag-iinikot sa utak ko at kelangan ko lang ilabas sa pamamagitan ng pagsusulat. Or else baka mawindang lang ako sa kunsumisyon. Ika nga ng isang writer na kilala ko, "Writing is a form of therapy" kaya ganun na nga lang ang ginagawa ko.

Friday, April 16, 2004
Magastos na bakasyon
Akala ko pag tapos na ang school, mas makakatipid ng ako ng konti dahil wala nang masyadong gastos ang mga bata like pamasahe, baon, allowance etc. Hay maling haka-haka. Ngayong 5 years old na itong bunso ko, marunong na syang mag-pera, marunong ng mag-aya sa tindahan para magpabili ng meryenda at marunong ng magtawag ng mga tinderong dumadaan sa kalsada!
Sa araw-araw na dumaan simula ng nawalan ng pasok sa school, naku mahina ang isang araw na may hindi titigil na nagtitinda ng kung ano sa tapat ng gate namin. Paano naman, itong si Deden everytime may marinig na kililing ng ice cream bell or pot-pot ng magsio-siopao, nakuuuu, takbo sa terrace sabay sigaw ng "Mama! Pabili po! Sandali! Teka lang pooooo!" Sobrang sanay na ata ang mga mamang yun kaya swerve naman sila papunta sa harap ng bahay namin.
Maya-maya andyan na ang makulit na bata at saka lang magpapaalam ng "Mommy me money ka? Pambili ice cream? Kasi gutong na gutong na ako!" (Kahit bagong kain ng lunch at wala pang isang oras, gutom na daw sya ulit). Knowing na type lang talaga nitong batang ito yung novelty na sya mismo ang bibili at mag-aabot ng pera sa tindero, sige na nga. At least mababaw kaligayahan nya. At take note, ang nakakatuwa sa kanya, kapag binigyan ko ng P5.00 para sa isang ice cream cone, magsasabi yun ng "Kulang pa po, wala pa para kina kuya." Thoughtful talaga itong si bunsoy ko. Kahit hindi napapansin nina kuya nya na merong meryenda na pwedeng bilhin, si Deden ang siguradong magpo-provide para sa kanila. Buti na lang dito sa amin sa probinsya, kilala namin halos lahat ng nagtitindang dumaraan kaya sure akong hindi delikadong kainin kahit "street food" na matatawag ang mga tinda nila. Pati tuloy kaming mag-asawa minsan, napapabili na rin para sa amin.
Kaya ayun, magastos pa rin pala kahit bakasyon hehehe.

Sunday, April 04, 2004
Apologize? No Way!
Napanood nyo ba yung news nung isang gabi about FPJ and Sandra Aguinaldo of GMA 7? Grabe noh?
Backgrounder sa di nakanood: nagse-set up daw yung camera ng GMA sa may tabi ng stage, bandang likuran ni FPJ. Habang nagsi-speech si FPJ, bigla syang tumigil at bumaling kay Sandra with matching abot ng mic at sabi daw kung gusto ni Sandra sya na lang ang magsalita. Maya-maya balik na sa pagsi-speech si FPJ habang si Sandra eh napahiya ng todo. Ang dahilan? Nainis daw si FPJ dahil kay Sandra na nakatingin ang mga tao at hindi sa kanya.
Oh my! Ganun? Hindi pa man sya presidente bawal pala syang agawan ng eksena ng kahit sino? Eh hindi naman bida-bidahan at pelikula ang pangangampanya ah. Eh weno naman kung maki-uzi ang mga tao ng konti sa mga media? Eh sa trait na ng maraming Pinoy yun ano!
Ang masaklap pa, habang naluluha na yung reporter, sinabihan pa nina Loren at Tito Sotto na mag-apologize daw si Sandra kay Da King. Bakeeet??? Eh nagta-trabaho lang naman yun tao ah. Pasalamat nga yang KNP na yan at kino-cover sila ng media tapos ganun ang gagawin nila! Sa puntong yun, pati ako napakunot ang noo at kung andun lang ako, baka kinutusan ko sila!
Sensya na sa mga KNP supporters na nagbabasa nito. Pero di ko mapigilan ang sarili kong hindi mag-comment tungkol dito. Dahil naisip ko, paano nga kung maging presidente ng Pilipinas 2 weeks from now eh si Da King? Inaykupo! Isang presidenteng sumpungin at mainitin ang ulo? Wag na po plis!!!

Thursday, April 01, 2004
Pandak na lang at sweldo ang di tumataas!
Haaaaaaaay …… isa pa ….. haaaaaay! Ayan tumaas na ang pamasahe. Sira na naman ang ka-budget-an ng mga ka-nanay-ang Pilipina. Buti na lang bakasyon na ang mga bata pero for sure sa pasukan, mas malaki na ang kelangang i-allot sa kanilang pamasahe budget for school. In fairness to the Jeepney drivers, kawawa din nga naman sila dahil sa limit ng pagtaas ng gasoline and diesel prices, talong-talo nga naman sila sa kita araw-araw. Nga lang, buti sana kung pati sweldo ng mga pipol eh bigla ring tumaas. Asa pa!
Sabi kanina sa news, pangako daw ng DTI, hindi tataas ang presyo ng bilihin. Ack! Sobra nilang huli sa balita! Eh last week lang biglang boom ang mga prices ng goods sa grocery ah. Ang masaklap pa, isa ang Nestle products sa mga nagtaas eh malimit pa naman namin na ginagamit. Inay! Lahat tumaas ang prices. From Milo to Nido, Carnation Evap (babalik na ulit ako ng Alaska! although tumaas din ang price nun) at Coffee Mate, lahat biglang taas. Pati ang peborit kong Purefoods Sisig, nagmahal na rin :(
Bakit kaya walang nagre-regulate nun ano? Eh late last year kaka-increase din lang ng prices nila. Pansinin nyo rin na kapag nagpa-raffle na naman ng milyones ang Nestle, for sure another price increase yan. AT walang kokontra bakit ALAM ko at sigurado ako sa mga pinagsasabi ko dahil conscientious consumer and nanay ako. Me notebook ako kung saan sinusulat ko dun ang prices ng mga binibili namin para mas madaling gumawa ng budget kada buwan. (oo na, OC kung OC pero epektib ang sistema ko). Isa pa, ang nakakainis kahit old stock na (like yung Nido nila eh yung may ExMazing Eyes na free pa nung Pasko) kasama sa taas ng prices.
Mataas ang dollar, may mga mapagsamantalang mga negosyante, may tsismis pa tungkol sa pagpapatong ng VAT sa text messages, and the list never ends. Paano na si Juan dela Cruz nyan???
Tsk, wala pa ang eleksyon nyan. Paano na kaya pag lampas ng Mayo? Sana lang, gumanda-ganda na ang economic situation natin…. Yun eh kung matino ang mapapaupo sa pagka-Presidente. Pilipinas, magdasal tayo!

Subscribe to:
Posts (Atom)