Puerto Galera
Dahil nagtanong na rin si Chichi kung saan magandang mag-stay sa Puerto, ipa-plug ko na ulit ang favorite place namin doon since malapit na talaga ang tag-init (di ko pa masabing mainit na kasi dito sa amin sa Laguna, malamig pa rin sa gabi).
Last summer, buong family namin, kasama nanay ko at family ng sister ko with matching yayas at maids, doon nag-stay sa Valley of Peace. It’s not beach front pero they have facilities that are kid-friendly like the pool slide and play ground. My kids loved the double decks in the castle rooms where we stayed. There’s also a basketball cum badminton/tennis court (you can borrow balls and rackets from the staff), a jacuzzi, clean pool with waterfall effect, a chapel on top of a hill (na maraming, maraming steps kaya get ready for the exercise) and comfortable rooms. Plus, friendly ang staff. You can contact the manager Jeffrey Aquino at 0916-3847697 for queries and reservations.
Opinion ko lang ha, hindi rin kasi practical yung mag-stay ka sa isang beach front resort, magbayad ng mahal tapos hindi naman maganda ang beach sa harapan ng pinag-stay-an nyo at di mo rin mae-enjoy mag-swim doon. Bakit ko nasabi? Because just last February, three of my friends and I stayed at Coco Beach resort. Super as in super mahal ng food. Tapos hindi ganun kasarap. Tapos andaming aberya ang nangyari sa amin. From the reservations, masyadong bastos makipag-usap ang customer service reps nila to the actual stay, we encountered several irritating incidences.
Kwento ko ilang highlights? Una, nung nagpa-reserve ang friend ko, inabot sya ng 3 days calling back ng ilang beses sa isang araw, para lang i-fax sa kanya ang receipt nung bayad namin. Next, when she called para i-clarify yung ibang information na nakita nya sa website ng Coco Beach, hindi pa tapos tanong nya, binara na sya nung kausap nya, saying bakit daw hindi na lang intindihin yung nasa website eh nakalagay na nga doon plus more insulting remarks like “Do you expect me to know all that?!”. Third, nagpa-request ako na kung pwede i-meet ko na lang yung bus nila along the way since hassle for me to come from Laguna tapos maki-meet sa kanila sa Manila when going to Batangas since I can meet them half-way na lang sana. Naku di ko alam, nahirapan pala ang friend ko makiusap kung kani-kaninong tao para maintindihan ang reason ng request ko. Buti sana kung ok ang pagkasabi sa kanya na tipong “Sorry but we don’t allow concessions like that,” or something like it. Ang mga sinabi sa kanya? “Eh sinabing hindi pwede!” without giving any reasons. Basta ang bastos! Parang hindi na-train sa customer servicing. Sabi nga ng friend ko, siguro mas magiliw silang makipag-usap kapag foreigners kasi mas marami for sure na dollars ang ibabayad ng mga yun kesa Pinoy kaya di nila kami priority. Kakalungkot ano?
Nung andun na kami sa Coco Beach. Lahat pala ng activities doon may sign-up sheet. Merong free, merong hindi pero lahat in dollars ang fees. Our first afternoon, we signed up for a town tour dahil gusto naming pumunta sa bayan to buy some things. Nakalagay doon $3. Ang nangyari, ang na-tour lang nung guide eh yung dalawang foreigners na kasabay namin at kami pinabayaang mag-ikot mag-isa. Fine, we didn’t mind dahil marunong naman kaming mag-Tagalog at magtanong ng directions. Pagdating ng bill, the guide charged us P200 each. So tanong kami how much ba ang conversion nila ng dollar? P55 daw. When the guide was confronted, nagpa-lusot pa ng “Ay akala ko nakasama kayo sa tour.” Hello? Anim lang kaming tao noon at alam nyang yung dalawang kano lang ang sinamahan nya obviously dahil sa tip na dollars. Ang point ko nga, kahit i-convert pa yung $3, P165 lang yun. Ni hindi pa kami na-tour ng lagay na ha eh we were expecting merong jeep man lang na ii-ikot kami sa bayan. Wala! Naglakad lang kami ng mga kaibigan ko. Then boat ride na ulit pabalik ng resort na binayaran namin ng P165! Tapos nalaman ko from a friend who’s a Puerto native na meron palang nasasakyang parang jeepney boat from Coco Beach na P10 lang ang bayad! Hindi sinabi sa amin yun ng mga staff nung nagtatanong kami how to get to town!
Basta marami pang ibang nangyari. Bottomline, when we talked with the acting manager (wala daw boss nya, nasa Manila), she was apologetic naman in fairness. Pero with all the bad experiences namin I couldn’t resist my parting shot sa kanya. Nung time na bago kami sumakay ng boat pabalik ng Batangas, I told her “Alam mo Ma’am, kung di lang may manlilibre sa akin next time para makapunta ako ulit dito, hinding-hindi na ako babalik!” Sabay ngiti at talikod. On the bus back to Manila, nagulat kami when another foreigner suddenly burst out “Coco Beach bullsh*t!” At bigla syang nag-German kaya di na namin nalaman anong nangyari sa kanila.
Ang pinaka-enjoy moment namin? Nung nag-rent kami ng bangka (from the bayan, kumontrata kami ng hindi Coco Beach boat para hindi taga sa price) for beach hopping. Gumastos lang kami ng P900 for the boat rent, gears P50 for life vests at shoes rentals (whole day na yun) and around P600 for the food. Namili kami sa palenke ng mga isda and meat tapos while snorkeling in Bayanan beach, niluto ng mga bangkero namin ang lunch. Ni hindi kami naka-swimming sa beach sa harap ng resort dahil mabato at saka wala kang makikitang corals at isda dun.
Additional pala, may mga daga at maliit na palaka ang loob ng kwarto namin sa Coco Beach! Pagbalik namin, yung isang bag ng chocolate chip cookies saka bar ng butter, andun na sa ilalim ng kama! Nakailan ata kaming tilian blues ng roommate ko dahil pati sound ng tuko, nakarinig kami sa loob ng kwarto.
Granted, merong magandang facilities ang Coco Beach. May mga hammock at beach loungers na pwedeng higaan anytime, me video room sila at malinis yung pool nila with Jacuzzi sa taas ng bundok. Most local staff were friendly except that blasted tour guide. Pero all in all, hindi sulit ang lahat ng binayad namin dahil sa mga aberyang inabot.
Samantalang, kung sa Valley of Peace ka magsi-stay, si Jeff personally ang mag-aayos ng bangkero for you (na hindi ka tatagain sa presyo) who will bring you island-hopping and ihahatid-sundo kayo sa pier.
My husband naman dati nung nag boys’ outing sila ng friends nya, nag-stay sila sa Talipanan where the lodgings are cheaper and near sa beach. Although kung di ka sanay sa Puerto mahirap maghanap dahil wala namang reserve-reserve doon. Puro walk-in. Naka-stay na rin pala kami ng husband ko sa Camp Rock once, kasama ng barkada namin nung college, pero masyadong primitive ang conditions so ‘di ko na lang ire-recommend. Sa bandang Talipanan din yun.
White Beach lodgings di ko pa nata-try pero when we went swimming there once, ang dumi-dumi ng tubig dahil sa dami ng tao. Magso-snorkel ka, may mabubunggo kang lumulutang na lata ng softdrink, argh!
So when staying in Puerto, try nyo muna ang VOP. Who knows? Baka like us, babalik-balikan nyo din ang place na yun :) I’ve been there twice na and will definitely be back again this coming summer months.
** Note: Hindi ko sinisiraan ang Coco Beach. Lahat ng kinuwento ko dito ay nangyari sa amin. Nagsasabi lang po ng totoo dahil gusto kong maiwasan ng mga kapwa ko Pinoy ang makaranas ng mga masamang experiences gaya ng inabot namin.
Thursday, March 25, 2004
Monday, March 22, 2004
Kwentong Jologs
Kahapon naghanap kami ni hubby ng world globe sa bayan (probinsya po kami kaya lo-tech). Kelangan daw mag-submit sina Josh sa school. Nakakatuwa at nakakita kami ng inflatable globe sa Expressions. Eh di walang hassle nung pag-uwi kasi kasya sya sa isang flat na box. Mura pa, P145 lang as compared to the fixed, bulky ones na P300. Hahatian pa daw si Josh ng bayad nung ka-group mate nya. Happy naman ako at hindi kami gumastos ng malaki.
Tapos etong si husbandry, gustong kumain na naman sa resto. Eh last week, kaka-date lang naming dalawa sa Shakeys (yehey, lately halos every weekend nakakalabas kaming dalawa kahit paggo-grocery lang or buy something sa bayan for 2-3 hours) so sabi ko wag na kasi dapat tipid naman ng konti. I've been very strict with our budget lately kasi gusto ko talaga maka-ipon na kami seriously. Sabi ko bili na lang kami sa bakery ng mga breads tapos kainin namin sa jeep.
Hahaha, ang jologs namin. Naglalakad kami papunta sa jeepney stop na kumakain ng empanada at may hawak na plastic ng softdrinks. Pero sobrang enjoy kasi nung mag-bf pa lang kami, halos ganun din gawa namin, cheap dates lang as long as magkasama kami. I'm glad we have those times together na simple lang ang ginagawa pero happy pa rin. Naalala ko tuloy yung article ko about couple time sa Smart Parenting magazine. Totoo nga, it doesn't matter how you do it, but what's important is you go on dates with your special someone no matter how simple that time was spent.

Thursday, March 18, 2004
Ang Kinse Anyos Debate, Bow!
Hindi ko na maiwasang hindi mag-comment sa isyung ito. Halos lahat ata ng public affairs programs, mapa-GMA 7, ABS-CBN o ABC 5 eh palaging topic yan. Kanina lang, pagkalipat ko ng channels, pareho pang yun ang topic na iniuulat sa dalawang news programs sa magkabilang channels.
What’s with the hullabaloo on this ad anyway? Personally, nung una kong nakita sa TV yung pagkalaki-laking billboard ng Napoleon Brandy na may nakasulat ng “Nakatikim ka na ba ng kinse anyos?” unang sumagi sa isip ko “Buti naman di na nila nilagyan ng picture ng malaswang babae. Hanggang alak na lang.”
Ok yun na maraming nagpo-protesta na masama ang subliminal message ng ad na yun. Totoo nga naman. Pansin ko lang, napaka-jaded na talaga ng views ng mga tao sa mga bagay-bagay sa panahon ngayon. Madaling mairita, madaling maghanap ng masama sa isang bagay. Ang di ko maintindihan, bakit yun lang ang ata ang pursigidong tinitira nila? Bakit parang wala akong naririnig na vocal protests against dun sa mga TV commercials at posters ng mga alak na may mga babaeng halos lumuwa ang mga dibdib galing sa pagkaliliit na bra?
Sa totoo lang, bwisit na bwisit ako tuwing nakikita ko si Katya Santos sa kung anong commercial ng alak na hanggang ngayon eh di nagre-register sa utak ko anong pangalan. Ang natatandaan ko lang eh yung itsura nyang ewan. Linstok ang laswa! Isa pa yung kay Assunta na ewan ba bakit kelangang palaging naka-bikini/topless/naliligo ang babae para lang makabenta ng alak. Napapagod na ako kakalipat ng channel kapag yun ang mga commercials or else hindi maiiwasang titigan ng mga anak ko dahil ika nga ni Deden “May sexy, may sexy! Kita panty!” Argh!!!
Kaya lesser ang impact sa kin ng kinse anyos chuva na yan, mas kampante akong kung makita man yan ng mga anak ko, at kahit mabasa man, hindi ganun ka-malisyoso ang isip nila para hanapan pa ng deeper meaning ang nakasulat. Di hamak namang mas blatant at mas malicious yung makakita sila ng naglalakihang dibdib at kuyukot ng mga models ano! Sa mga panahong ito, san ka pa ba makakakita ng bata na di aware sa mga sexy-sexy na yan? Ang sa ‘kin lang, sana wag naman silang ma-expose sa ganun na parang sinasadya na sa TV.
Alangan naman di na ako manood man lang news ano. Eh usually, kapag time ko to watch ng balita, andun din sa kwarto ang mga bata, nagdo-drawing, naglalaro sa kama o tumatabi lang sa akin. Bonding moments na rin namin. Ibig bang sabihin, bawal na rin akong manood ng TV kapag di pang-bata ang palabas dahil iba na ang mga lumalabas na commercials doon? Unfair naman!
Kelan kaya magkakaron ng batas laban sa ganyan ano? Sana kung ibabawal din lang yung mga subtle sexual messages sa mga ads, ABAH! Dapat lang na idamay na yung mga obvious na kalaswaan ano.
Hindi po ako nagpapaka-banal, isa lang akong simpleng nanay na hinahangad na lumaki ang mga anak ko sa isang mundo na hindi inihahain sa harapan nila ang mga bagay na hindi naman nila dapat makita sa kanilang murang edad at magpapagulo lamang sa kanilang isipan. Yun lang.

Tuesday, March 16, 2004
Be a child sponsor today!
World Vision Philippines is once more holding its Gift of Hope campaign, this time in Robinson's Galleria Mall. Their booth is near the fountain and they will be there until March 24th. Kindly visit them to know more about how you can help an underpriviledged child and his/her own family thru their child sponsorship program. Thank you so much!

Tuesday, March 09, 2004
Lente(k?)
Nung Sabado ng gabi, ewan nga ba at nagkataong naglilipat ako ng channel nung matyempuhan ko yung Probe Team docu-drama na Lente at makitang ini-feature nila pala si Eddie Gil.
Dahil sa mga forwarded emails tungkol sa mga ka-hello-han ng mamang ito, minabuti kong mapanood ng sarili kong mga mata kung paano nga ba sya sumasagot ng mga tanong. Inayko! Sumakit ang ulo ko sa inis habang tawa ng tawa ang asawa ko. Halos sabayan ko na si Cheche Lazaro sa pag-iling-iling (in other words, silent tsk-tsk-tsk) tuwing sasagot ng mga katanungan si Eddie Gil.
At na-discover ko rin na isa lang ata ang English word na alam nya talaga ang ibig sabihin --- “Pardon?”
Hay buti na lang kulelat sya sa mga surveys kung hindi, nakakapangilabot kung iisipin pa lang na sya ang malamang na umupo sa pagka-presidente ng Pilipinas!

Bakit?
Natanggap ko sa isang forwarded email kanina. Supposed to be a joke pero it made me think too, baket nga ba? Bakeeet???
“Bakit sa Pilipinas kung mag-aaply kang maging clerk, kailangan college graduate ka?
Pero kung mag-aaply kang kandidato for president, high school drop-out, ok na? Just curious ha.. bakit???”
Napanood nyo na ba yung political ad wherein may nag-a-apply na janitor tapos maraming papeles ang hinihingi nung interviewer like medical clearance, NBI clearance etc. with matching sangkatutak na tanong? Simple pero may dating.
Naisip ko, kapag may nag-a-apply sa amin na maid, todo-todo din ang mga tanong ko. Mabusising tanungan dahil malaking responsibilidad ang gagampanan nya sa pamamahay ko. Gusto kong malaman ano ang mga kakayanan nya at kung marunong syang mag-adjust sa mga demands ng trabaho.
Sana lang, kung paano tayo pumili ng isang tauhan para sa ating opisina o maging sa bahay, ganun din tayo kapili sa pagboto ng isang presidente ng bansa.

Thursday, March 04, 2004
Let’s Vault In!
Nung Sabado, tamang-tamang naka-tune ang TV namin sa Eat Bulaga. Me bago silang portion, yung Let’s Vault In. Avah, namimigay ng Nokia 6600 at mga P500 loads! Ayos, pwede daw sumali lahat ng networks. Ang gagawin lang, bantayan ang number combination para mabuksan ang vault tapos i-text sa isang 0918 number. Unahang maka-send at ma-receive nila. Computerized daw kaya walang dayaan. Nakupo, maupod-upod ang daliri ko kaka-send dahil parating message failed. Eh sino ba naman ang aayaw sa libreng 6600 ano? After mga 20 tries, give up na ako. Naisip ko rin, since Globe ako, mahirap talagang makapasok sa Smart network lalo na kung clogged na.
So ayun, na-announce na yung winners (1 for the celphone and 10 others for the loads) after a while. Eh biglang naglabas ulit ng isa pang 6600. Hay, try ulit ako. Wala talaga. Sobrang disappointed ako kasi type na type ko pa namang magkaron ng celphone na may camera eh hindi ko priority na bumili ng ganun sa panahong ito.
Nung Lunes, since strike nga ang mga jeep, hindi nakapasok ang mga bata. Nanood ulit kami ng Eat Bulaga. Nokia 8315 ata yung ipapamigay. From last Saturday, sinave ko na yung number na pagse-sendan sa cel ko para mas mabilis (ang desperado na ba? hekhekhek). Nung nakita ni Leland, sobrang excited sya kasi pag nanalo daw ako, kanya na lang yung 2100 ko. Hopeful talaga ‘no? Nung nabigay na ang vault combination, bilis-bilis akong nag-send. On the third try, naka-message sent ako. Yahoo! Isip ko, kahit man lang yung isa sa mga loads na lang kung talagang hindi para sa kin yung celphone.
Towards the end of the show, nag-announce si Joey de Leon na nag-lock daw yung network nila dahil nasa 1 million texts ang pumasok. They will announce daw the winners kinabukasan. Fine, makanood na lang ulit.
Tuesday, nakah inabangan ko yung announcement ng winners. Malay natin, nanalo ako dahil ang bilis kong naka-send. Hay, announce ulit si Joey na kesyo hindi nila naayos yung problema at uulitin na lang yung draw for the 8315. Huwatttt? Nabale-wala ang pag-asa ko! Hintayin lang daw maya-maya at sasabihin nila yung new number na pase-sendan. Over ha, kumita sila ng P1 M tapos walang napamigay na prize.
Sus, ewan ko nga ba at ang tyaga kong inabangan. Waaah! Pag-announce nila, sa 367 na daw magte-text from that time on at for Smart and TNT users na lang. So unfair!!!
Oh well, tapos na yun at malamang kelangan ko na lang talagang pag-ipunan yung pang-upgrade ko ng celphone na may camera. Pero kayong mga Smart users, hala mag-abang na sa Eat Bulaga at baka manalo kayo. Kahapon at ngayon, Nokia 7210i ang pinamimigay nila.

Tuesday, March 02, 2004
Maiba naman
Linggo-linggo, bumibili ako ng anim na lata ng malalaking Alaska Evaporated Milk. Ginagamit kasi namin yun para liquid base ng osterized food na special child namin. At times, kapag may oras ako, nililigpit ko na sa cabinets yung mga pinamili ko. Kung wala naman, yung maid namin ang gumagawa.
Kapag ako ang naglagay ng mga canned goods dun sa shelf, Inihaharap ko shempre yung label para naman kita agad anong de lata yun. Last week, hindi ako ang nagligpit ng groceries. Nung mag-o-osterize na ako ng pagkain ni James, pagtingin ko sa shelf, bulaga! Anim na mukha ni Ate Shawie (Sharon Cuneta ga -- di ba me picture sya katabi ng recipes sa Alaska) ang nakita ko. Eh di shempre natawa ako. Nung pinakita ko sa asawa ko, hindi lang sya natawa, humagalpak pa!
Ayos talaga itong si Jenny, me sariling special arrangements hehehe.

Subscribe to:
Posts (Atom)