Friday, September 30, 2005

'Kala Nya Ha!

Hay natutuwa ako! Kasi jackpot na naman ang ESP ko!

Sina Leland kasi may project na book reports, isang English, isang Tagalog. Eh ang napili ni kolokoy na English book yung Star Wars na Empire Strikes Back (oo meron kaming ganun!). So ayun, binasa nya, nagsulat sa scratch paper nung characters, summary etc. tapos ipinag-type ko na lang sa computer. Gustuhin ko mang sya ang pag-type-in, eh sa dami ng deadlines ko, baka December na kami matapos kung sya ang papagawin ko. Anyway, talagang sya naman ang sumulat nung ni-type ko.

Tapos biglang pumasok sa isip ko na what if isipin ng teacher na hindi nagbasa ang anak ko kasi nga major motion picture yun? After printing the pages at naayos na sa folder, I told Leland na bitbitin nya yung libro sa school kanina. Kako just in case magduda ang teacher, ipakita nya yung book.

Pagdating niya nung hapon, kinumusta ko. Sabi daw ng teacher niya "Eh sine yan ah! Pinanood mo lang ata eh. Hindi ka naman nagbasa." To which inilabas daw nya yung book. Hehehe, pahiya si teacher. Wala daw nasabi kundi "Aaah."

Thank God for mothers' instincts. Ang daming beses talagang hindi ako binibigo nitong ESP na ito :)
Quips

Dami talagang funny na tao sa Pilipinas, basta marunong ka mag-observe sa paligid mo, di mo na kelangang magbayad sa panonood ng comedy na sine para lang matawa.

Sa sidewalk na tabi ng MRT station sa Magallanes nung Wednesday, me nakita akong nagtitinda ng puzzles na pambata. Pagsulyap ko sa lamesa nya, merong cardboard sign. Ang lettering? PAZEL. Ayus!

Sa isang bilihan ng barbecue sa San Pablo City, habang nauubo ako sa usok paghihintay ng order ko, pumasok ako dun sa loob ng kainan. Sa pader me menu, at may entry doon na hanggang ngayon di ko pa rin nakakalimutan: FISH FILEY

Dun naman sa isang gate ng isang di naman kalakihang bahay: DON'T MIND THE DOG, BEWARE OF THE OWNER! Naku meron pa kaya silang nagiging visitors? hehehe

At kahapon lang sa t-shirt ng isang babaeng kasakay ko sa jeep, aliw na aliw ako sa naka-print: YOU'VE BEEN A NAUGHTY BOY, NOW GO TO MY ROOM!

Ang peborit phrase ng asawa ko na nakita nya sa flap na nakasabit dun sa bandang ilalim sa likuran ng jeep: THANKS GOD DREAMS COMES TRUE. nyahahaha!

Tuesday, September 27, 2005

Turete

THAT DAY OF ALL DAYS! Naku talaga naman, kung kailan ako dapat nagising ng maaga, saka hindi ako tinablan ng alarm clock!!! Nung Sabado kasi, violin recital na nina Deden. Eh since three hours ang byahe namin going to UP Diliman (yup, we do that EVERY Saturday for the whole first sem!) dapat maaga lagi ang alis para umabot sa 9 a.m. lessons. So more or less sanay na kami na Saturday mornings, 5 a.m. pa lang, gising na para by 6 a.m. or earlier pa nga (allowance para sa traffic) on the way na kami. Minsan hindi na ako natutulog para lang sure na makaalis kami. Sa bus na lang ako bumabawi ng konting sleep. Kasi may times na si James natutulog 3 or 4 a.m. na eh alangan namang tulugan ko ano.

Sus, di ko talaga alam hanggang ngayon anong nangyari. Para akong na-knock out! Natulog kasi ako ng mga 2:30 na. Kako maka-idlip kahit 2 ½ hours. Nagigising naman kasi ako lagi sa alarm nung celphone ko kaya confident ako.

Ang recital, 11 a.m. Pero gusto ko sanang abutan namin yung 9 a.m. na isa para mapanood din ni Deden yung mga talagang magagaling ng studyante. Sus, nung magising si husbandry dahil nagising si James, at nagulantang ako sa ingay nila, pagtingin ko sa clock, 8 a.m. na! Waaah! Balikwas talaga ako ng bangon.

Para akong twister na tumakbo pababa, naghilamos at toothbrush tapos bihis agad. Si Deden mahinahong nagbi-breakfast (hindi ako ginising!) at kung di ko pa pinagmadali, hay lalo kaming nagtagalan. By then, meron na akong matinding lower stomach cramps dahil sa stress.

Pagdating sa bus, ang tagal bago umalis kasi wala halos laman so naghintay ng pasahero ng matagal. Tapos ang daming tigil along the way. Nag-stop pa dun sa may Calamba toll gate para maka-CR yung ibang pasahero. Ngar, nung umandar ulit, saka lang medyo nag-subside ang cramps ko, to be replaced by a gnawing hunger. Hindi nga pala ako nag-breakfast!

Umulan pa bago mag-Alabang so nagka-traffic-traffic hanggang makalampas ng Bicutan. By then, text na ng text yung mga kapatid ko dahil andun na silang lahat sa UP. I decided to get off sa Magallanes and take the MRT kesa tumuloy by bus sa Kamias. Nakarating kami ng Quezon Ave, 11:30 na! Tapos grrr, ang haba ng mga railings dun sa sidewalk na bago ka makarating sa hintayan ng taxi, basa-basa ka na ng ulan. Sa taxi ko na pinagpalit ng white polo si Deden. Comedy pa kami kasi natutumba-tumba sya habang nagta-tuck in sa pants.

Ayun, 11:40 kami nakarating ng College of Music. Naghihintay na yung brother ko sa may entrance para ihatid si Deden sa upuan niya. Hay, buti na lang umabot kami! Siguro may mga apat pang tumugtog bago yung number nina Deden.

Lesson learned? Hindi na talaga ako matutulog kung alam kong gahol na sa oras OR itotodo ko ang volume ng cell phone ko tapos itatabi ko sa pagtulog para malapit sa tenga ko pag nag-alarm na. Hmm, hindi naman kaya ako mabingi nun?

Pero pramis, nung Sabado lang ulit ako nataranta ng ganun after such a long time. Not since nauntog si Josh sa corner ng glass table mga two years ago at nagdugo ng todo ang ulo, at mukha akong lukaret na nanginginig ang buong katawan habang panic-panic na sumusugod sa hospital. But that is another story hehehe ...

Gosh, the things mothers do!

Thursday, September 22, 2005

Kwentong James

Galing kaming check-up and assessment ni James kahapon sa LaSalle Dasma hospital (ang layo!). Ni-refer kami ng isang co-alumni namin sa Christian org sa asawa niya doong ENT na expert on swallowing problems. Tapos nagkataong may clinic din pala dun kahapon yun devped namin, pina-schedule-an kami nung ENT with him para daw ma-assess ulit. Tagal na rin namin kasing hindi nakaka-consult dun. Sarap pala nung may backer, ang dali naming nabigyan ng slot!

Anyway, result nung assessment by both doctors, hindi advisable na pakainin by mouth si James due to several factors -- pangit ang coordination ng mouth, throat at larynx, saka meron pa rin syang head lag (walang control ang neck muscles). Kesa daw i-risk namin ang aspiration due to vomitting which may lead to pneumonia and other respiratory complications, tuloy na lang daw ang tube-feeding which can be forever na :(

Nagkwento pa si doc ng mga instances na may patients syang CP na tingin nya sinasadya na pabayaan ng parents. Yung tipo daw kaka-lecture lang nya na ingatang wag mag-aspirate ang bata tapos a week after nasa ospital kasi may pneumonia. Muntik na ako maiyak when he said "Siguro pagod na rin sila. I know gaano nakaka-frustrate at nakaka-fatigue ang pag-aalaga ng ganyang bata." Naman, nae-experience ko rin yung sobrang pagod, pero to think of doing something para matuluyan yung bata para matapos na ang paghihirap nilang lahat?! Ang sad naman nun! Bigla akong napa-dasal talaga ng "Lord, please wag mo hayaang dumating kami sa point na ganun!"

Sabi pa ng devped, "Ngayong 8 years old na si James, I'm sorry to say, ganyan na sya hanggang sa lumaki. Kasi ang peak ng development ng bata 6 years old. Lampas na sya dun. I hope I'm wrong pero kasi quad (spastic quadriplegic) sya at yun ang pinakamababa ang survival rate sa mga CP."

Alam nyo, habang nakikinig ako nun, I'm waiting for the feeling kung mararamdaman ko na para akong binagsakan ng langit at lupa. Pero wala. Tiningnan ko si Noy, kalmado rin sya. When we got home, tinanong ko sya. Pareho kami ng reaction, deep inside tanggap na namin. After all, 8 years na naming inaalagaan si James. Siguro din dahil andun yung deep faith namin kay Lord na lahat ito nangyayari for a purpose at kung ia-allow ng Panginoon na magkaroon ng miracle someday, kayang-kayang mangyari. We just have to trust in His perfect timing.

One thing that comforted us, sabi ng devped, ituloy lang namin ang mga ginagawa kay James kasi maraming bagay ang dapat ipagpasalamat pa rin, like wala syang contractures (stiff muscles and joints na hindi na maigalaw) dahil nae-exercise sa bahay, he's gaining weight kahit slow, saka he is a happy child inspite of everything.

We were advised that we really have to tailor our lives around a workable system wherein mabibigay namin ang best care for James kasi for the long haul ito. Which I think we're doing already na naman. Of course there's no other option for us but to love him unconditionally and search for other ways para mag-improve sya. So we're planning to consult rehab again for physical and occupational therapy home programs para ma-update ang current exercises niya saka balak namin pagawa ng customized wheelchair sa Tahanang Walang Hagdan kasi dun daw meron nun.

I'm just asking for your prayers mga friends -- that we may not be weary and always look at the bright side of things. Sus, ngitian lang naman ako ni James, ang saya-saya ko na ano. I just pray that Noy and I would be physically, emotionally and spiritually strong at all times for him.

Just sharing ...

Wednesday, September 21, 2005

Never too late

I'm a pretty optimistic person when it comes to learning new things. Hindi ako takot matuto lalo na kung may inspiration. Last year, ako yata eh nasobrahan na ng kahibangan sa mga kanta ng Corrs (in fairness, ang galing-galing kasi nila!!!), pinangarap kong magkaron nung penny whistles na gamit ni Andrea sa mga kanta nila. Tamang-tama umuwi ang mga pinsan ko nung March galing sa US at nung tinanong ako kung anong bilin kong pasalubong, eh di nagpabili ako ng tinwhistles! Sobrang saya ko talaga nung dumating and got on to learning how they work. Wow, super dali kesa sa flute recorder na siyam ang butas! Eh mega-hirap na hirap akong tumugtog gamit ng recorder kaya tamad din akong mag-practice.

Enter the tinwhistles, all of six simple holes and lilting tones that really lift my spirits literally everytime I play tunes on them. Nagsipag akong mag-practice at talagang sinasabayan ko pa yung mga Corrs songs na instrumentals para siguradong tama sa timing at note keys. Love na love ko ang Clarke Sweetone ko pramis. Now, half a year later, marami na akong natutugtog, hindi na exclusively Corrs songs :) Ang dali kasing matutunan. Kahit si Deden, magaling mangapa ng notes using his Clarke Meg tinwhistle (shempre pinabilhan ko na rin sila, yung pinaka-cheap lang naman pero ang ganda pa rin ng tunog).

Tapos, since eto ngang si Deden eh ini-enroll ng nanay ko for violin lessons since Summer (gusto talaga ni bulinggit, mataas ang aptitude sa music!), tapos na-meet ko pa ang Kaze band (na magagaling tumugtog ng Corrs songs among other great hits on their repertoire) at napanganga sa galing nina Sherwin at Miwa sa violin, napaisip akong parang gusto ko ring matuto. (Kei, suri, wa talagang hilig ang gitara sa kin eh, nangangalay ako! :p).

So about three weeks ago, tamang-tamang nag-sale ang JB Music Store at ang brother kong classical guitar teacher eh merong discount card doon (25%!), pikit-matang nagpabili ako ng violin na size 4/4. Buti na lang dumating na yung cheque ko from my recent articles kaya part nun nagamit kong pambili. I figured, gagamitin din naman ni Deden yung malaking size paglaki-laki nya so hindi talaga sayang ang bili.

Hay, ang saya! The first few days, mukha talaga akong engot dahil hindi ko man lang masabayan etong six-year old ko sa pagtugtog ng twinkle twinkle hehehe. Palagi akong nahuhuli kasi nangangapa ako ng fingering. Until now, mabagal pa rin ako. Uy pero na-discover ko na ang notes ng Erin Shore (Traditional Intro) ng Corrs! Nga lang ang bagal-bagal ko pa rin.

Oh well, in time I'm sure matututo rin ako. I must say I'm enjoying the learning process immensely. Wala pa akong budget para mag-enroll for lessons kaya si Deden muna teacher ko :D What's nice is, mas masipag na lalo mag-practice si bunso basta sabayan ko daw sya. As if naman may matututunan sya sa kin. Pero I've noticed na basta sabay kaming maglabas ng violins sa cases, kahit konti lang ang matugtog ko, tuloy-tuloy na sya sa pieces nya.

At sa Sabado na ang recital nila! Kaka-excite. Sana nga on the way etong si maliit na maging magaling na violinist someday. Ako? Matugtog ko lang ang Carraroe Jig, Toss the Feathers at Silver Strand (talagang super hirap ang mga pinili ba) sa tinwhistle at violin, baka makumbinsi na akong magaling na ako hahaha.

Tuesday, September 20, 2005

Hiatus ... again

Hay naku, na-miss ko mag-post sa blogs ko! Hirap nitong maraming trabaho. Tapos nagkasakit pa ang tatlo sa apat kong tsikiting. Humabol pa ng trangkaso ang tatay! Buti na lang malakas resistensya ni Mommy at hindi tinablan ng mga viruses :D

Grabe ang daming me sakit ngayon! Si James ang pinaka-grabe. Nagsimula sa sipon at ubo, nahawa kay Deden (ang kulit kasi sabi ng huwag tumambay sa kwarto namin eh), tapos biglang dumiretso sa hika with matching suka ng suka dahil sa phlegm. Hay, gusto ko na ipa-confine sa hospital at ng ma-sweruhan! Baka ma-dehydrate kasi. Ang siste lang, pagtawag ko dun sa tatlong major hospitals sa bayan, walang bakante. Yung isa ang inoffer sa akin yung suite room. Nanayko, 2k+ isang araw! Ngak, baka sa room pa lang, wala na kami maibayad bago makalabas ng hospital.

Tapos dun sa isang hospital naman, ang sabi sa akin "Mam ang available na lang sa pedia ward ... pero ang hihigan, crib." Ngek, para akong na-twilight zone at ni-remind pa ako ng experiences namin sa Chinese Gen. Nung kinuwento ko kay hubby, tawa ng tawa, inaasar daw ako malamang nung nurse :S

Thank God nakuha ng maya't-mayang nebulization ang ubo ni James. Binilhan namin ng rehydration tablets at inhalation solution na matapang-tapang, dalawang sessions lang, lumuwag ang ubo nya. From then, um-ok na ulit sya. Nga lang, si Daddy naman ang sumunod ngek. At least ngayon, ok na ulit silang lahat. Ako .... may back aches, waah!

Monday, September 05, 2005

Pamana

Aminado ako, pack rat ako. Sobrang sentimentalist na lahat na halos ng memento at maliliit na bagay na may meaning sa akin, kahit pa kapirasong tiket ng ferry (gaya nung unang punta ko ng Puerto Galera), itinatago ko.

Ang itaas ng aparador namin, etong may susian sa ilalim ng isang book case, yung isang buong durabox, saka mga kahon sa sulok-sulok ng bahay namin, siksik sa mga “kalat” ko kung tawagin ni mister. Andun yung mga remembrances ng mga kaibigan ko nung elementary, high school at college, lahat ng mga sulat galing kung kani-kaninong malapit sa puso ko, maging ang mga double breasted shirts ng mga anak ko na ginamit ni Leland hanggang kay Deden nung baby pa sila kasi hindi ko maipamigay dahil binurdahan ko ng calligraphy style na letter F, etc. etc.

Now and then, kukulitin ako ni husbandry, ipagtatapon ko na daw kasi dagdag lang sa space eh di naman ginagamit. Ayoko nga! Hindi ko man sigurado ano nga bang gagawin ko sa mga items na ito in the future, ayokong mawala sila. Weird ba? Hehehe But I do believe na merong tamang panahon para magamit ulit ang isang bagay. Ilang beses ko na na-prove yun.

Ang siste, etong biyenan ko, nung bago pa lang kaming mag-asawa ni hubby, inabutan ako ng isang plastic bag na may laman na maliit na barong at kulay pulang pants. Kay hubby daw yun nung maliit pa at ako na ang magtago. Naku bago pa man ako masermunan nitong si Mr. Tapunero eh hindi ko na sinabing nasa akin.

Nung grade 4 si Leland, kinailangan ng red pants para sa parade nila sa school. Naalala ko si pantalon at pramis, ipinagamit ko sa kanya yun. Tapos. just two weeks ago, may sayaw sina Deden sa Linggo ng Wika nila at kailangan na naman ng red pants. Ulit, hindi na ako kinailangang bumili. Kung hindi lang sobrang makaluma na ang style nung barong, malamang napagamit ko rin sa mga anak ko. Kaso modern na ang designs ng mga barong ngayon eh.

Naisip ko, hmm, mai-file nga ang mga pictures nung tatlo. Kaya ini-scan ko yung mga litrato tapos in-edit ko with the Arcsoft program. Eto ang resulta sa baba. Needless to say, nung tinawag ko si asawa at pinakita sa kanya, ang unang tanong “Same pants?!”

Hay naku, men!

Related Posts with Thumbnails