Monday, June 27, 2005

Salamat po!

We send our heartfelt thank you to each one of you who unselfishly gave support, encouragement and prayers before, during and after James’ gastrostomy procedure. May the Lord give back the blessings tenfold. Salamat sa mga texts ninyo which helped a lot during the trying period.

James is now doing well although umiiyak pa rin sya every now and then from the pain coming from his stomach wound. Please help us pray again for faster healing of the PEG site. The gastrostomy tube is longer and larger than what we expected and we find it hard to feed him through that but we're getting the hang of it as the days go by. The good news is, James' vomitting episodes have lessened considerably because there is no more tube irritating his throat. Even when he coughs, it's very seldom that the coughing would lead to vomitting, unlike before, konting ubo lang, isinusuka na nya lahat ng kinain nya. Sobrang thankful talaga kami sa magandang pangyayaring ito.

Kwentong Ospital

Disclaimer muna: I have no intention of besmirching the names of the three doctors there who attended to my son. In fact, magagaling silang lahat, very professional and wala kang marereklamo sa bedside manners nila. Super babait pa. Nagkataon lang na yung hospital kung saan sila nagpeperform ng operations, eh “needs a lot of improvement” ang classification.

Share ko lang ang experiences namin nung confinement. Kasi malamang after this, magdadalawang-isip na rin kayo pa-confine sa Chinese General Hospital (unless siguro you can afford the private rooms where they treat patients better and more politely). Warning na rin kesa naman danasin nyo ang mga dinaanan namin doon, ang hirap!

James' schedule for operation should be Thursday morning. Dapat Wednesday night pa lang, admitted na kami. Tuesday pa lang, nag-text na sa akin yung secretary nung isang doctor namin na ok na, na-reserve na nya ng room si James. So akala ko ok na nga at pupunta na lang kami dun. Wednesday afternoon, ready na kami to go to Blumentritt, tumawag muna ako sa CGH to ask kung anong room # namin. Wala pa pala! As in yung reservation palang "ok na" means nai-reserve na kami sa mga nakapila waiting for an available bed! Hindi man lang inexplain ng maayos sa amin nung secretary. (Di ako sanay na ganun kasi sa ibang hospital, when you say confirmed reservation, may room ka na talaga). Turned out walang na-discharge that night kaya try again daw kami the next day. Buti na lang naka-resked ulit kami ng operation na available yung tatlong doctors. Ang kukunin kasi naming bed yung nasa pedia ward lang. Kasi kapag private room, yung quote sa ‘ming P50k malamang magiging P100k dahil iba ang charges sa mga "may kaya" na patients. Eh di kami rich ‘no!

Dun na kami natulog tuloy sa Alabang. Pag tawag ko ng Thursday morning, wala daw ako sa listahan at magpapila daw ako ulit. Sabi ko kahapon pa kami nakapila ah. Ang sagot sa kin "Ah oo, nakasulat ang pangalan nyo kahapon pero dapat ipinasulat nyo rin para ngayon kasi ibang pila na ulit ito." Ganown? @#$%! Di ko magets ang logic nun! Pati yung doctor namin, sya na ang tumatawag sa admitting dept para magka-room na kami, matagal talaga ang hintayan. Naka more than 10 calls siguro ako from 9am til gabi na, every hour just to check kung meron na.

Finally at 7pm, sabi nila may lumabas na daw at proceed na daw kami dun kasi may kama na. Pag dating doon ng past 9pm, hiningan muna ako ng 3K na deposit bago i-admit si James. I texted hubby (na nag-park muna) to bring the van around para maibaba si James. I asked the guard kung pwede mag-stand by yung van sa may entrance (ang lawak naman nun, kasya apat na vehicles) kahit 5 minutes lang para matulungan ako ni hubby na iakyat ang mga gamit saka yung bata sa 4th floor. Di daw pwede kasi pang-ambulance daw yun. When I asked kung merong orderly na pwede tumulong magbitbit ng gamit, sagot ba naman "Ewan ko, maghanap ka dun sa loob, di ako pwede umalis sa pwesto ko." Hello tatlo silang guards na nakatambay lang dun! Di man lang courteous ang sagot :( Buti nakahanap ako ng taga-bitbit.

Pag dating sa pedia ward, hinarang ako ng guard. Bigay ko daw yung deposit slip. Eh naman, bitbit ko si James at nagsa-spastic movements kaya ang hirap hawakan. Kako pwede bang after ko mailapag sa room kasi mahirap. Hindi daw, umupo daw ako dun sa chair at kunin ko sa bag ko yung slip. So para wala ng mahabang diskusyon, I did that. Buti at nasa ibabaw lang nung bag ko yung resibo. Bago pa ko makatayo, yung nurse naman, hinihingi sa akin ang admitting orders ng doctors namin. Eh nasa ilalim ng bag yung baby book. Nakapagtaray tuloy ako ng konti "pwede bang ilapag ko muna itong bata bago yan?!" Kala ata nila madaling magbitbit kay James.

Pagdating sa room, nyay, hindi kama kundi crib ang naghihintay sa amin! As in may apat na kama dun sa room (all occupied) saka yung isang metal crib sa corner. (Ganun ba talaga? Para madagdagan lang ang kita ng hospital, pagkakasyahin pa ang isang maliit na crib kung saan pa may space para dun isiksik ang pasyenteng nagbabayad naman ng tama?) Konti na lang di na kasya si James. But we had to make do kasi nga wala na ibang choice. Natulog ako ng nakaupo with my head on the crib. By 3am, tinext ko si hubby na palit kami at ako naman sa van. Grabe groggy kami pareho at sobrang sakit ng katawan nung nag-umaga na. Isa pang ka-bad trip, pareho naman ang bayad nung crib kesa dun sa mga beds, nung nagre-request na ako ng unan at kumot, wala daw provision kapag crib kasi ang babies hindi daw nagu-unan. Kwestyunin ko nga sila ng "Bakit ganun? Wala na nga matutulugan yung bantay, kahit unan hindi nyo mabigay?! Tapos pareho lang ang bayad katulad nung mga kama na nakahiga ang magulang katabi ng anak?! Ang labo nyo ha!" After a few minutes, may dumating na orderly, may dalang unan. Sus!

Nakaka-depress na may kasama kami sa room na 6 year old girl na may stage 4 cancer na two months na dun at di makalabas dahil kulang ang pambayad nila. Although nakaka-amaze pa rin ang optimism ng Pinoy. Nakausap ko yung mga nanay ng ibang bata dun, at nakakatawa lang na nature na ata talaga ng karamihan yung maging matanong. Wala pa ata akong isang oras dun sa room, alam na nilang apat ang anak ko, bakit nagkaganun si James, anong gagawin sa kanyang procedures etc. etc. Napatanong na rin tuloy ako sa kanila. Hay, dami nga lang sad stories sa buhay!

One funny story though, buti umaga na nung kinuwento, sabi nung isang nanay, naranasan na rin nilang yung crib na yun ang natitirang available (may leukemia anak nya kaya balik-balik sila dun). Sabi sa kin "Bakit kagabi hindi kayo nanghiram nung mga kutson ng crib na nakatambak dun sa labas? Nung kami dyan, nanghiram sa guard yung asawa ko tapos dyan sya sa ilalim natulog." At since rehas-rehas nga ang itsura nung side railings ng crib, dagdag ng ale "Nga lang, nagmukha syang aso." Hahaha.

By 7am Friday, dinala na si James sa endoscopy room. Dumating yung dalawang doctors (gastro at ENT) saka anesthesiologist after a while. Dun kami pinaghintay sa waiting room. Siguro wala pang two hours, tapos na. By the time na nakapasok na kami where James was, nagigising na sya slowly at sobrang cranky na. Nagkapasa pa ang legs kakasipa dun sa metal railings nung operating table.

Hapon, hubby and I decided to find if there's a semi-private room available. Kasi mukhang di na namin kakayanin na hindi na naman matulog ng matino ng gabi. Anyway, that time, naka-charge na ang mga procedures dun sa ward room so kung may additional expenses man, yung natitirang mga gamot na lang saka room rate. Konti na lang dadagdag namin. Bago kami makalipat, kinailangang mag-deposit ulit ng another P7K.

Blessing din kasi pagpasok namin, pauwi na yung occupant nung kabilang bed. Kaya the whole night, katabi ko si james dun sa isa, si Noy himbing dun sa kabila. Nung Saturday morning, may ipinasok na batang kaka-opera lang ng appendicitis the night before. Ang nakakapagtaka, sabi daw sa kanila nung gabi, wala ng available rooms sa semi-private. Ang choices lang nila eh yung linchak na crib sa baba o private room. Yung mga magulang natulog ng nakaupo dun sa labas na chairs katabi ng guards while yung bata dun sa recovery room. Samantalang yung katabi naming room, parehong umuwi din ang patients nung gabi. Sabi nga ni Noy siguro strategy ng hospital yun para pag nainip ang patient, private room na ang kukunin. Pero ang lupit ha!

By early afternoon, after ng last IV med ni James, nag-asikaso na si Noy ng discharge papers. Naku, ang gulo ng billing at accounting sections nila! Turned out na-over-charge kami sa deposit ng 2k kaya asar na asar si husbandry habang paro't-parito para ma-reimburse yung bayad. Tapos wala daw iniwan na charge slips yung doctors at di daw nila alam saan kokontakin. Susme, ako pa ang nag-provide ng clinic contact numbers ng mga doctor namin na nasa calling cards sa akin! Lampas 6pm na bago pa nila naayos yung bill namin, grabe! By then, umuulan na naman (bakit tuwing gabi umuulan dun sa area na yun? three nights running, ganun) at nahirapan kaming mag-load ng gamit sa van.

Anyway, thank God we were able to reach my sister's house in Alabang around 8:30pm where we had dinner. Sinundo din namin si Nanay at Deden (na galing sa violin lessons sa UPD nung umaga) and were able to arrive home past midnight na.

Lesson learned: kahit anong galing ng doctor na recommended sa amin next time, pero dun sa CGH ang required confinement, no way! Talagang maghahanap ako ng iba. Kahit mga Instik daw dun sa admitting section sabi ng asawa ko, naririnig nya nagmumura na daw sa sobrang inis sa sistema ng hospital. Me isa daw ang comment pa "Basta pag uwi natin, dadalhin ko yung unan at kumot nila! Laki-laki nila mag-charge!" Nge, me souvenir pa gid!

One more great thing, I feel that the experiences we went through this past week made hubby and I much closer than ever before. We had more time together (sans our other three kulit boys) so we got to talk more, to make plans, to share dreams and hold each other up. Sarap ng feeling :)

Hay naku, napahaba na naman. Sensya na. Ngayon lang ulit ako nakabukas ng pc at nagloloko pa paminsan-minsan. Ayaw magboot at times. Kaya take ko na ang opportunity na to na maka-post sa blog bago pa pumalpak na naman eto.

Again, salamat sa lahat ng suporta nyo. We are truly grateful!

Wednesday, June 22, 2005

This is it!

The day is near …. isang tulog na lang, maga-undergo na si James namin ng gastrostomy procedure. Bale ililipat na ang feeding tube nya from the nose to his stomach. Para mas madali na for him to breathe and practice eating orally. Hopefully din, mabawasan na ang malimit nyang pag-vomit dahil wala ng tube na magti-tickle ng GI tract nya.

At dahil gagamitan din lang sya ng endoscope, we decided na ipasilip na rin sa pedia-ENT ang throat nya. Para ma-determine na rin anong cause ng ke tagal-tagal ng tunog na ginagawa nya (parang naghihilik ng gising) tuwing nag-iinhale sya.

Kagabi, galing kaming Asian Hospital para kumuha ng clearance for surgery dun sa pedia-pulmo na recommended ng pedia-neuro namin. Nagkataon kasing nag-abroad pala ang pedia-pulmo namin at matagal pa ang balik. From 6pm sa clinic nung doc, inabot kami hanggang past 9pm dahil sa mga tests. Tapos kinabukasan pa makukuha ang results kaya babalik pa kami mamya dun.

Nanay ko! Ang daming pinagawang tests kay James. Bukod sa xray, meron pang mga CBC, platelet at bleeding count. Ako ang nanginginig ang tuhod nung kinukuhanan sya ng dugo, ack! Tapos meron pang test na ABG (Arterial Blood Gas) na pagkamahal pala! Ang nakakaiyak, mahirap palang kunan ng dugo yun dahil artery ang kailangang tusukan ng needle. Kaya ako nagtataka bakit hindi ginamitan ng tourniquet, yun pala kasi veins daw ang lalabas kapag may tali. Naka-apat na tusok sa anak ko bago naka-kuha ng ½ cc ng dugo, waah!

Ang compensation naman naming mag-asawa, friendly sa bata ang mga staff sa Asian. Mga naka-ngiti palagi and magiliw makipag-usap sa patient, pati yung secretary nung pulmo na pinuntahan namin. Sabi ko nga sa asawa ko “Samantalang yung secretary nina Dra. ____ (yung iba naming doctor sa ibang hospital), ang taray-taray palagi!” Sagot ng aking ever-practical husbandry, “Mommy, if you’re paid well, you can afford to smile and be cheerful more. Malaking magpasweldo dito ano!” hehehe.

Anyway, eto at alas-singko na ng umaga, hindi na ako nakatulog. Kinailangang tapusin ang mga article deadlines ko bago ako mawala sa harap ng computer ng tatlong araw. Papa-admit na kasi kami mamyang hapon sa Chinese Gen dahil bukas na ang procedure. Buti na lang andito nanay ko para bantayan ang tatlo ko pang tsikiting at turuan sa mga assignments habang wala ako.

Sa mga friends and relatives naming makakabasa nito, please do pray for James’ safety during the operation. Pray also for strength sa aming mag-asawa kasi sa totoo lang, ako ang ninenerbyos ng todo. Sana din maging swift ang recovery niya para makauwi kami agad.

Thank you sa lahat ng nag-email sa amin ng encouraging words these past few days. We really do appreciate them.

Monday, June 20, 2005

Bummer

Kung kailan kailangan, saka nag-inarte ang PLDT internet lines ng Laguna! Argh!!! Kaya naman pala kahit maghapon na akong nagta-try mag-connect sa Vibe at Infocom, walang nangyayari, kasi may problema yung linya. At kaya ko lang nalaman dahil nagtext ako kay hubby at pinabili ko sa Manila ng kahit anong internet card na may Laguna dial-up number. He texted me the username and password at nag-try akong mag-connect using I-Republic. Wala pa rin!

Buti na lang efficient ang customer service ng I-Manila, sinabi agad na may problem ang Laguna line. To think na pudpod na ang tenga ko kakahintay sa voice recorded messages ng Infocom at Vibe para i-connect ako sa CSRs nila. Grrr!

Eto at sa sobrang desperado kong mai-send ang draft ng article ko dun sa doctor na ininterview ko, na kahapon pa nya hinihintay, nag-connect ako using a Manila number. Sus, doble-dobleng charges ituuu!

Hay, bad hair day!

Sunday, June 19, 2005

Araw ni Tatay

May friend akong nag-forward sa akin ng email (Tenk yu Mamu Jules!). Meron daw isang outfit na gagawa ng malaking billboard sa harap ng Megamall featuring photos of daddies. All we need to do is send pictures ng aming mga hubby para makasama dun sa pipiliing first 100. Yehey! Napadalhan ako ng confirmation email at kasama daw si husbandry sa pictures! Ang pinadala ko yung kasama nya ang apat naming barako.

Kala ko makikita namin on the way to Philippine Children's Medical Center yesterday morning nung ipapa-check up namin si James. Kaso since 8:30 am kami dumaan ng EDSA, siguro hindi pa bukas. Sayang, hanggang Tuesday lang daw yung "show" kaya baka hindi ko na makita. Told hubby na lang to watch when he pass by Megamall on his way to work tomorrow.

Nung sinabi ko na yun ang pa-Fathers' Day gift ko, ang unang tanong, "Magkano binayad mo?!" hahaha. Some friends emailed me na nakita na nila. Hay, sana makapunta ako ng Manila ulit bago nila alisin ang display. Hehehe, hindi naman halatang excited no? :P

Tuesday, June 14, 2005

Independence

Nag-start na ang classes ng mga anak ko last week pa. Sanay na sanay ng mag-jeep mag-isa ang dalawa kong elementary students. Etong si bunso lang ang inalala ko dahil gusto ko syang masanay na ring mag-commute mag-isa. Anyway, kabilang bayan lang ang school nya at kumontrata na ako ng tricycle driver as school service.

First four days, sinusundo ko pa si Deden. Nung Friday, binilinan kong mag-isa na lang sya sasakay kay Mang Freddie kapag uwian na. Basta kako, tandaan nya yung mama na may eye glasses. Pag-uwi dito, sus magkabilang tenga ang ngiti! May halong yabang na ang pagmamalaki niyang “Mommy! Kaya ko na mag-isa!” Nung nagkita sila ng nanay ko, yun agad ang ikinuwento niya, “Mama, ang brave ko na, kayang-kaya ko na mag-tricycle na ako lang!”

Hapon, isinama ko si Deden sa grocery. Habang nakasakay sa jeep, nagkukwentuhan kami tungkol sa school nya at pagiging brave nya sa tricycle. Mamaya-maya tumahimik ang bata. Pinagmamasdan ko habang nakatingin sya sa malayo. Biglang ngumiti, siguro proud na proud talaga sa sarili nya hehehe. Nang tanungin ko ng “O bakit ka naka-smile?” Ang sagot ba naman, “Hehehe, kasi si Spongebob nakakatawa talaga!” Ngak, nire-rehash lang naman pala sa mind nya yung movie na napanood nya nung isang araw! Kaloka talaga ang mga hirit ng batang ito.

Friday, June 03, 2005

Making a Difference

Naglalakad ako galing MRT station sa Ortigas papuntang Galeria nung Miyerkules. May nakasalubong akong isang dalagang naglalakad na may hawak na plastic cup na parang slurpee ang laman. Magkahalong gulat, inis at awa ang naramdaman ko nang makita kong pwersahang inagawan siya ng isang batang lansangan ng kanyang iniinom. Feeling ko naka-witness ako ng holdapan sa totoo lang!

Sobrang bilis ng pangyayari. Napaka-daring nung bata! Pero naisip ko, nakakaawa naman na nagre-resort na sila ng ganun, harapang pang-aagaw ng pagkain sa passers-by dahil sa gutom :( Nakakalungkot na merong mga paslit na Pilipino na ganun ang pamumuhay sa araw-araw … nagugutom, madudungis, kanya-kanyang gawa ng paraan para magkalaman lang ang kumakalam na tiyan.

Naisip ko tuloy, kung meron mang efforts na ginagawa ang gobyerno natin para sa kanila, sapat ba yun? Malimit tayong magreklamo tungkol sa gobyerno pero dapat din siguro nating unawain na hindi nila kayang gawin lahat sa mabilis na panahon. Tayong mga karaniwang mamamayan, ano ang pwede nating itulong? Ika nga ng isang kasabihan, start small. Kung ano lang ang kaya mo kahit maliit, kahit konti. Isang suggestion ko … mag-sponsor kayo ng bata thru World Vision!

Alam nyo bang sa halagang P450 kada buwan o P15 bawat araw (mas mahal pa ang slurpee!), mabibigyan nyo na ng chance ang isang bata na makapag-aral, makatanggap ng health benefits at maturuan ng Christian values? Dagdag pa, ilang percent ng donation nyo ay mapupunta sa community ng bata kung saan tutulungan sila ng World Vision na magkaroon ng livelihood projects kaya pati mga magulang ay natutulungang magkaroon ng hanapbuhay.

Proud nga ako sa sponsored child ko kasi naging honor student sya sa preschool class niya two years ago. Ngayong pagsukan, grade two na siya. We communicate thru letters coursed via World Vision at pinapadalhan din ako ng annual progress report nya. Nakakatuwang mabasa ang mga pagbabago sa buhay ng batang yun. Maging sa pictures, naaaliw ako kapag nakikita ko ang paglaki niya. Para na rin akong may anak na babae :) I’m sure may impact sa buhay at pananaw ng mga bata (at ng kanilang mga pamilya) na tinutulungan ng World Vision ang malamang palaging may pag-asa dahil may mga tao pa ring marunong magmalasakit at handang tumulong. Let’s all make a difference sa ganitong paraan. Sabi nga sa isang quote ng WV “You may not be able to change the world, but you can change the world for one child.” Tara, tulong tayo :)

Meron silang mga booths ngayon sa SM Megamall until June 8, SM City until August 31, Market Market until June 15 and Festival Mall from June 15-31. Pakibisita naman sila to know more about child sponsorship.

Pasukan na naman kasi, at siguradong naka-enroll na ang ating mga anak sa kani-kanilang eskwelahan – kumpleto na ang mga gamit, uniforms atbp. Sana mabigyan din natin ng puwang para makapag-aral ang mga batang mahihirap na gustong-gustong matuto pero walang paraan para makapasok sa school. Please extend your gift of hope to them.

Para sa mga tanong ninyo (I’m sure marami kayong gusto pang malaman!) tawag lang kayo sa WV hotline 372-7777, email wv_phil@wvi.org o bisitahin ang website nila sa www.wvi.org .

Maraming salamat! :)
Ngipin

Kainez! Sa tibay ng milk teeth nitong si Deden, never nag-complain na may umuuga o masakit kasi walang kasira-sira. At six and a half, nakalimutan kong age na nga pala yun na pwede ng tumubo ang permanent teeth. Sina kuya kasi nya, lahat seven years old nagsilabasan ang mga unang permanent na ngipin.

Last Tuesday, napansin ko na lang habang nagdadadaldal sya na may parang puti sa likod ng front teeth nya sa ilalim. Oh my gulay, dalawang maliit na permanent teeth na nakasilip at butterfly formation (read: sungki) na!!

Kanina lang kami nakakuha ng sked sa dentist. Pina-extract ko na yung dalawang milk teeth. Hay sa sobrang tibay, ang daming anesthesia ang kinailangang iturok (magaling ang dentist, tinatago yung syringe tapos pinapapikit ang bata para di makita yung needle) at matagal bago nahila ang mga ngipin. Pero proud ako kay bunso kasi hindi umiyak at hindi masyado mareklamo. Pina-sealant ko na rin yung dalawang permanent na molars sa baba. Hay, next week yung dalawa naman sa taas. Ang gastos ng may anak!

Ayan praning na tuloy ako na baka yung ngipin sa taas, biglang sumulpot na naman sa likod nung milk teeth. Ngi, ang pangit lalo kung dun ang sungki sa itaas! Siguro pagdating ng tatay niya mamya, ang comment nun “Ipapa-brace din ba kita gaya nina kuya?!” hehehe
Bawal ang TV kapag kumikidlat!

Nasa Manila ako nung Wednesday kaya wala ako sa bahay nang umulan ng malakas at may kasama daw kulog at kidlat. Kwento ng nanay ko, natutulog sila nung hapon ng biglang may malakas na putok silang narinig. Para daw bombang sumabog. Later, nalaman nilang merong isang ale na malayo ng konti ang bahay sa amin, eh nagkaron ng minor burns at muntik pang masunugan. Kasi naman, ang lakas na ng kidlat, sige pa rin ang nood ng TV. Unfortunately, tinamaan ng kidlat ang lanzones tree sa tabi ng bahay nila at natumba sa wire ng poste. Ayun dire-diretso ang electric current sa antenna ata ng bahay down to the TV set at nagliparan daw ang sparks sa buong bahay.

Iiks, ngayon talaga, convinced na akong dapat hindi nanonood talaga ng TV o gumagamit ng ibang appliances kapag ganun ang panahon! Too bad pa, since nga wala ako sa bahay, hindi ko na-disconnect ang phone line sa modem ng computer ko. Ayun, kinabukasan, di na ako maka-internet dahil sira na sya. Waaah! Gumastos tuloy ako ng P700 kanina para lang pakabitan ng bagong modem ang PC at magbayad ng service fee sa technician.

Hay buhay, kung kelan ang daming gastos dahil pasukan na naman, may extra pang aberya na darating gaya nito. Pero sabi nga ng positive-thinker kong asawa, ganun talaga, masisira at masisira ang isang bagay. Hindi mo nga lang alam kelan, kaya you have to be prepared na lang palagi for any emergencies.

Tag-ulan na naman. Ingat kayo kapag umuulan na may kulog at kidlat ha. Matuto na kayo sa experience nitong kababaryo namin. Although duda ko, kahit nasa ospital yun, baka nanonood pa rin sya ng TV doon :P
Related Posts with Thumbnails