Violent-time Valentines
Argh, nakakainis na ang mga terorista! Talagang itinaon na Valentines Day pa para magpadanak ng dugo. I-color coordinate ba!
May article deadline ako kahapon at todo tutok ako sa computer maghapon to edit and rewrite. Hindi tuloy ako nakanood ng news. Bandang 8 pm, nagtext ang asawa ko “Hi mom! Jus want u 2 knw na ok lng ako. Minutes lng ang pagitan ng bus na sinasakyan ko at nung bus na sumabog sa edsa corner ayala. M on my way hom to Alabang na.” Me smiley pa sa dulo ng message!
Ack, delayed panic reaction ako. Napabukas tuloy ako ng TV ng di-oras. To my horror, aside from the EDSA bombing meron din palang nangyari sa Davao. Doble panic ako kasi andoon ang brother ko since Sunday. Text agad ako kung ok lang siya. Buti sumagot agad. Malayo daw yung hotel nila from the site. Nakahinga ako ng maluwag.
Sadly, yung brother in law ng isang friend ko, nakasama dun sa bus na sumabog and badly burned daw although alive naman. Nakakalungkot talaga. Ang daming tao ang walang magawang matino kundi mag-cause ng dalamhati sa iba.
Naalala ko tuloy yung Rizal Day bombing. Yung isang friend namin na nakatira sa Sampalok nakitulog sa bahay namin sa Alabang. Late kaming nagising at late ding naka-prepare ng breakfast kaya late na sya nakaalis pauwi. Buti na lang! A few hours later, tumawag sa amin na buti hindi sya nakasakay sa LRT na sumabog. Eh yun pa naman ang sinasakyan niya palagi pauwi. Grabeng relief din ang naramdaman namin noon.
Kaya dapat talaga pinagpi-pray natin ang mga mahal natin sa buhay lalo na kapag wala sila sa bahay at malayo sa atin. Ingat tayong lahat at wag kalimutang magdasal!
Tuesday, February 15, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment