One Heartbreaking Experience
Parang sasabog ang dibdib ko kahapon. Unang reaction ko, gusto kong tirisin at ibitin ng patiwarik sa puno ang mga kaklase ng anak ko! My mom who’s a high school teacher happened to drop by my two older sons’ school (elementary) bago mag-dismissal. When my mom and the kids came home, kinausap ako ng nanay ko, galit na galit.
“Alam mo bang binu-bully na pala yang si Geffrey Leland sa school!” Habang nakikinig ako sa mga sinabi nya, hindi ko na napigilang maiyak. Sakit sa dibdib! It turned out na when she got to the classroom, nakita nyang dumudugo ang tenga ni Leland. Nung tinanong nya, ang sagot lang ng anak ko, “Nakutkot ko lang po.” Very passive kasi itong anak kong ito, hindi sya aggressive na bata. Malimit kontento na nasa isang tabi para gawin ang mga comics drawings nya o magbasa ng libro.
Bigla daw nagsipagsumbungan yung mga babae sa klase:
“Kasi po pinagkakaisahan si Geffrey na pitikin ang tenga nung ibang mga lalaki. Eh marami po sila kaya siguro nagsugat na.”
“Malimit po kahit nagdo-drawing yan sa isang tabi, nilalapitan nila para guluhin tapos tinutusok nila ng ballpen.”
“Sina Lyndon nga po pag-galing sa paghuhugas ng kamay winiwisikan ng tubig sa mukha si Geffrey parati.”
“Sa P.E. po ginagawa nila palaging taya para sya ang manghabol at mapagod na mabuti.”
“Si Christian po sinasabihan yan ng ‘Ako ang Master mo, ako lang ang susundin mo at gagawin mo lahat ng sinasabi ko.’”
“Sabi namin kay Geffrey isumbong na namin kay Mam, ayaw po niya.”
Sabi ni nanay “Bukas, puntahan mo ang teacher. Kausapin mo at isa-isahin mong kausapin yung mga batang babae na nagsusumbong. Alamin mo ang iba pang ginagawa dyan sa anak mo! Pagharapin kamo ng teacher yung mga nagsalita at yung mga tinuturo nilang bata.” Konti lang daw ang bullies na nadatnan ni nanay dun dahil nakauwi na yung iba. Pero pinandilatan daw nya ng mata at sinabihang “Anong karapatan ninyong saktan ang apo ko!” May umiyak pa daw na batang lalaki. Tangging-tanggi.
Ang masakit, malimit naman akong pumupunta sa school to check on them kapag wala pang klase si Deden and maiiwan sila ng yaya kasama ni James sa bahay. Pero walang nagsasabi sa akin. Tuwing kukumustahin ko ang schooling nila, palaging “Fine, Mommy” ang sagot at magkukwento lang na “Mataas po ang grade ko sa quiz kanina sa ganitong subject.” Never nagsabing may nananakit na pala sa kanya.
Kinausap ko si Leland. Pinaamin ko kung sino-sino ang mga umaapi sa kanya. Meron pa daw na batang lalapitan sya para lang i-twist ang arm nya. Naiyak lalo ako nung nag-break down na sya at tumulo na ang luha. It seemed all he wanted was to belong. Ayaw nya ng may kaaway, ayaw ng may galit sa kanya. Bwisit kasi yang concept na yan ng peer pressure eh! Sabi ko nga, “Anak, ok ang maging mabait ka. Pero hindi at the expense na sinasaktan ka na at hindi mo pinagtatanggol ang sarili mo!” Tinatanong ko sya kung may nananakot sa kanya kung magsusumbong sya. Hindi makapagsalita. Sabi ko na lang “Kapag may nagsabi sa yo na ‘lagot ka sa akin kapag isinumbong mo ako’, sagutin mo ng ‘mas lagot ka sa mga magulang ko kapag nalaman nila ang ginawa mo!’” Gosh I was so mad. I resolved to go with him the next day pagpasok nya ng school. Last night before I went to sleep, ipinagdasal ko talaga ang magiging confrontation namin sa school.
So kaninang umaga, sugod ako sa school. Pinatayo ako ng teacher sa harap ng klase at isa-isang pinag-salita ang mga batang nagsumbong kahapon. Ganun din ang sinabi and more. Meron pa palang mga incidents na pinagbubuhat si Geffrey ng school bag nung isang kaklaseng bully. At may time pa during gardening na binato ang anak ko at tinamaan sa mukha kaya daw umiyak. Ni hindi ko nalaman ang incident na ito! Ultimo palang ang pagkakaibigan ng anak ko with his bestfriend tinutukso silang mag-syota daw kasi bading. Lagi daw kasing magkasama. My goodness! Napaka-kitid ng utak ng ibang bata. Napaisip ako, saan ba nila nakukuha ang concepts na ganito?! Hindi ko napigilang magsalita ng “Bakit wala ba kayong bestfriend? Dahil ba sa enjoy magkasama ang dalawang tao at mag-drawing palagi sa isang tabi, kailangan nyo ng lagyan ng malisya? Yan bang mga babaeng mag-bestfriend, sinasabihan nyo ding tomboy naman?” Hindi sila makasalita. Kids can really be cruel. Ang adviser nila, pinagalitan silang lahat dahil daw bakit sya ang huling nakaalam noon. Bakit daw hindi agad sinabi sa kanya para nasolusyunan agad bago pa lumala. Sumagot ang isang babae, “Mam kasi po sabi nila pag nagsalita kami, sumbungera daw.” Mahina ang sagot ni Leland “Ayoko rin po kasing matawag na sumbungero.” Again, that blasted peer pressure thing. Ayaw nga naman ng isang batang madikitan ng label but at what price? Argh, at elementary pa lang ang anak ko! May high school at college pang pagdadaanan. God help me!
Ang ending, after magsalita ang dapat magsalita, pinangaralan ko silang lahat. Sabi ko bago sila gumawa ng kahit anong bagay, kung sa tingin nila makakasakit lalo na kung sa sarili nila gawin ng ibang tao iyon, wag nilang ituloy. “Hindi lang para kay Geffrey kundi para sa lahat ng nasasaktan ninyo. Iwasan nyo na may nasasaktan, kahit kalooban o physical man yan. Mali yun eh.” I also told them na sa susunod na may marinig akong may nanakit ulit kay Leland, dadalhin ko na sa guidance counselor ang kaso at ipapatawag ko mga magulang nila. Sana lang magtanda na ang mga dyaskeng batang yun!
Iniisip ko, could I have done something to prevent this? Dapat ko bang sisihin ang sarili ko? But I don’t want to dwell on self-flagellation. Meron bang magandang maidudulot yun? Gugustuhin ko bang magpaka-depressed na lang dahil wala akong nagawa? Or I can choose to learn from this experience. Nangyari na eh, so ang magandang gawin, umaksyon para ma-prevent itong mangyari ulit. We can all do so much as parents pero hindi natin hawak ang bawat sandali ng mga anak natin nor ang ugali ng mga taong nakakasalamuha nila araw-araw.
Lessons learned para sa akin, hindi sa lahat ng oras kasama natin ang mga anak natin para mabantayan sila ng todo. Kahit gaano mo i-try protektahan ang anak mo, hindi mo kakayanin yan 24 oras lalo na kung school-age na. They have to learn to stand up for themselves. Hindi porke wala silang sinasabi, ok lang lahat. Kailangan mag-probe deeper ka every now and then sa kanilang inner thoughts and feelings.
Ang goal ko tuloy ngayon, empowerment para sa mga anak ko. Ang i-remind sila palagi na matutong mag-speak out at ipagtanggol ang sarili sa mga oras na agrabyado na sila. Na kausapin sila ng masinsinan once a week (baka kasi overkill kung araw-araw) to find out what REALLY happened to them for the past few days. At mas maging diligent na ipagdasal ang safety nila sa bawat sandali.
Sa mga kapwa ko magulang, sana may napulot kayo dito. And I pray na sana hindi ninyo pagdaan ito dahil sobrang sakit para sa isang ina ang malamang sinasaktan ng ibang tao ang anak mo.
Tuesday, February 22, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment