Utang vs. Utang na Loob
I have only myself to blame. Hindi ako marunong maningil pero ang dali ko namang mautangan, argh!
Eto kasing nanay ng classmate ng isang anak ko, naghiram sa akin ng P500 Monday of last week. Nag-promise na kinabukasan ibabalik din daw kapag nasingil na nya yung mga may utang sa kanya. Kailangan lang daw nya ng pandagdag sa pambayad nila ng kuryente or else mapuputulan sila. Hindi ko siya ganun kakilala para maniwalang pambayad nga sa kuryente ang paggagamitan niya o baka naman pambili lang ng kung ano.
Pero since marunong akong tumanaw ng utang na loob, sige na nga, pinahiram ko. Dati kasi nung nag-absent ng ilang araw si Josh dahil nagkasakit, yung anak ni Mrs. D ang nagpahiram ng notebooks para kopyahan ng notes. At sila pang mag-nanay ang nag-insist magdala ng notebooks sa bahay namin kahit na sinabi kong pupuntahan ko sa kanila. Ayan, hanggang ngayon hindi pa ako binabayaran, waaah!
It’s not that I need the money desperately right now. Ang sa akin lang, ayoko nung pinapangakuan ako tapos hindi tinutupad. Inis na inis ako sa mga taong ganun ang ugali. Mano ba naming sabihin sa yo na “Sorry ha, hindi ko pa mabibigay yung bayad kasi ganito, ganyan …” At least di ka nag-e-expect di ba? Kasi kapag ako ang nagsabing may ibibigay ako or gagawin para kung kanino sa ganitong oras o araw, ginagawa ko talaga sa abot ng aking makakaya. Kung di aabot, nagpapasabi ako para hindi naghihintay yung tao. Problema lang, hindi lahat ganun mag-isip.
Tamang-tama napag-usapan pa naman namin ni hubby yung Pinoy Unleashed project nung isang araw. May nakausap kasi siyang member nun. Ang concept daw kasi ng organizers eh yung “pay it forward” attitude para umunlad ang Pilipinas. Hindi daw maganda ang kaugalian natin na pagtanaw ng utang na loob kasi most of the time, yun lang ang nagiging reason para tumulong ka sa isang tao, dahil may ginawa sya sa iyong maganda before. And in the process, nag-e-expect ka tuloy na next time ikaw ang mangailangan, dapat tutulungan ka din nya. Dapat daw ang maging reason natin parati ay yung simpleng desire para tumulong whether the person helped us or not. Amen to that, naniniwala naman ako dun. Kaya nga ako nag-sponsor ng bata sa World Vision dahil genuinely, gusto kong makatulong ma-realize ang dream ng isang bata na makapag-aral at gumanda ang buhay nya. At sa parteng yun, wala akong hinihinging kapalit.
“So ibig bang sabihin, hindi na ako dapat mag-expect na bayaran ako ni Mrs. D?” tanong ko kay hubby. Ang sagot nya, “Iba ang utang Mommy, dapat yan sinisingil. Right mo yun.” Sabagay, hindi ko naman ma-classify na friend itong si Mrs D kundi acquaintance lang. At tanggap ko sa sarili kong kaya ko sya pinautang kasi nga ang reason ko, nahihiya akong tanggihan dahil sa utang na loob.
Eh kaso nga ang problema, di ko alam paano ko sasabihin kay Mrs. D na bayaran na nya ako. Any advice guys? Would appreciate your thoughts on the matter.
Friday, February 04, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment