CAP-palpakan
With all the furor about CAP Pension and Educational Plans these past months, sino bang plan holder ang hindi magwo-worry? Eh isa na kami doon! *panic, panic!*
Ang masaklap pa, tatlong bata ang ipinagbabayad naming mag-asawa sa CAP. Si James lang ang hindi namin kinuhanan since special child sya, hindi pa namin alam ang future nya regarding college. Hay, nakakapanglumo na sa halos limang taon, kasama talaga sa budget ko tuwing mag-aabot ng sweldo ang asawa ko yung para sa premium payments sa CAP. Actually, dalawang payments na lang, fully paid na kami!
So eto ang dilemma ko ngayon, magbabayad pa ba ako dun sa dalawang natitirang payments? Kung hindi ko ituloy, magla-lapse ang plans at in the long run, kung sakaling may pwede pang ma-claim, wala lalo. Kung itutuloy ko naman, feeling ko ang engs ko naman ata na “bigyan” pa ng pera ang CAP eh ina-accuse na nga sila ng mga nagki-claim ng pang-tuition na inoonse sila dahil sa nagtatalbugang cheke. Ang tinding problema nito!
Kagabi napanood ko sa isang TV program ang tungkol nga sa usaping CAP. At lalo akong hindi natuwa. Dahil mas nakakaawa pa kesa sa amin yung ale na diligently pilit nagbabayad ng premiums para sa pagka-college ng kanyang anak kahit wala na silang makain minsan. Ang trabaho nya, taga-gawa ng maliliit na dekorasyon sa mga damit. Yung para bang maliliit na bulaklak na nilalagay sa mga cheongsam dresses ng Chinese. Ang bayad sa kanya parang 25 o 50 cents lang isa! Sus, ilang ganun ang kelangan niyang gawin para maka-ipon ng pambayad?! Pinakita rin yung isang tatay na taga-Samar pa na pabalik-balik sa CAP main office sa Makati para mag-claim. Tapos wala ring nangyayari :(
Nakakapanglambot lang isipin na yung mga narinig kong nakapag-claim na nung nag-terminate sila ng plan, 20% lang ang nakuha nila! Sa ibinayad na 40K ang ibinalik lang ng CAP, 8K. Unfair, unfair, unfair!!!To think na bago ka makabayad ng isang premium, laking sakripisyo na yung iawas mo sa mga gastusin ng buong pamilya ang pambayad doon. Tapos maglalaho lang na parang bula?! Nakakaiyak!
Pero sabi ng asawa ko, bayaran ko na lang daw yung dalawang natitirang premiums. Kasi daw, baka mas malaki pa ang mawala sa amin kesa kung hindi ko babayaran at pabayaang mag-lapse. Meron daw kasing mga pre-need companies noon na mas maliit pa sa CAP ang halos mabangkarote pero nakabangon din at naibigay sa subscribers ang tamang benefits. Yun eh according sa nanay ng office mate ni hubby na matagal na sa pre-need industry. Kaya ipanalangin na lang daw naming wag tuluyang lumubog ang CAP. Kasi kung tutuusin, may capital naman daw yun, mismanaged nga lang talaga.
Iniisip ko lang, siguro pag pumasok na ako sa opisina ng CAP na may dalang pera para magbayad, mismong mga empleyado nila ang mag-iisip ng “Grabe, kakaiba ang takbo ng utak ng babaeng ito. Kalat na nga sa buong Pilipinas ang isyu, eto’t nagbabayad pa!” Oh well, nasabi ko yan dahil kung ako yung empleyado, malamang ganun ang iisipin ko. Kasi nga naman, sa dami ng araw-araw na nagrereklamo at pilit binabawi ang pera nila, darating ako doon at magbabayad. Argh, parang ayokooooo! Pero sige, I’ll trust my hubby’s wisdom and instinct. Nga lang, sana pagdating ng college days ng mga anak namin, buhay pa ang CAP para sagutin ang tuition fees nila. Kung hindi ... Nyaaay, ayoko munang isipin!
Kayo, may CAP plan ba kayo? Anong balak ninyong gawin? May ginawa na ba kayong move? Anong nangyari? Paki-share naman ng inyong mga experiences at saloobin sa usaping ito at baka sakaling matulungan nyo akong maliwanagan pa lalo tungkol dito. Salamat! :)
Sunday, February 06, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment