Conversation
Kadarating ko lang galing grocery. Pagod na pagod ako so naupo muna ako sa sofa and nagkalkal si Deden ng mga pinamili ko. Binuksan ang isang pack ng chips. Humingi ako ng isang balot para maka-snack din ng konti.
Nung ubos na ang laman ng kinain ko, request ako:
Mommy: “Deden, pasama naman itapon itong balat ko sa trash can please.”
Daniel: “Mommy, kanyang kain, kanyang tapon,” sabay alis at yung balat lang nya ang dinala papuntang kitchen. Pagbalik nya sabi ko,
Mommy: “Ay ganun? Ok sa susunod, kanyang pambaon sa school, kanyang bili ha. Hindi na si Mommy ang bibili ng mga snacks mo.”
Tumaas ang mga kilay ng makulit na bata, without a word kinuha ang balat ko at dinala sa basurahan. Ayos, nadadaan naman pala sa psychology eh.
Monday, February 28, 2005
Tuesday, February 22, 2005
One Heartbreaking Experience
Parang sasabog ang dibdib ko kahapon. Unang reaction ko, gusto kong tirisin at ibitin ng patiwarik sa puno ang mga kaklase ng anak ko! My mom who’s a high school teacher happened to drop by my two older sons’ school (elementary) bago mag-dismissal. When my mom and the kids came home, kinausap ako ng nanay ko, galit na galit.
“Alam mo bang binu-bully na pala yang si Geffrey Leland sa school!” Habang nakikinig ako sa mga sinabi nya, hindi ko na napigilang maiyak. Sakit sa dibdib! It turned out na when she got to the classroom, nakita nyang dumudugo ang tenga ni Leland. Nung tinanong nya, ang sagot lang ng anak ko, “Nakutkot ko lang po.” Very passive kasi itong anak kong ito, hindi sya aggressive na bata. Malimit kontento na nasa isang tabi para gawin ang mga comics drawings nya o magbasa ng libro.
Bigla daw nagsipagsumbungan yung mga babae sa klase:
“Kasi po pinagkakaisahan si Geffrey na pitikin ang tenga nung ibang mga lalaki. Eh marami po sila kaya siguro nagsugat na.”
“Malimit po kahit nagdo-drawing yan sa isang tabi, nilalapitan nila para guluhin tapos tinutusok nila ng ballpen.”
“Sina Lyndon nga po pag-galing sa paghuhugas ng kamay winiwisikan ng tubig sa mukha si Geffrey parati.”
“Sa P.E. po ginagawa nila palaging taya para sya ang manghabol at mapagod na mabuti.”
“Si Christian po sinasabihan yan ng ‘Ako ang Master mo, ako lang ang susundin mo at gagawin mo lahat ng sinasabi ko.’”
“Sabi namin kay Geffrey isumbong na namin kay Mam, ayaw po niya.”
Sabi ni nanay “Bukas, puntahan mo ang teacher. Kausapin mo at isa-isahin mong kausapin yung mga batang babae na nagsusumbong. Alamin mo ang iba pang ginagawa dyan sa anak mo! Pagharapin kamo ng teacher yung mga nagsalita at yung mga tinuturo nilang bata.” Konti lang daw ang bullies na nadatnan ni nanay dun dahil nakauwi na yung iba. Pero pinandilatan daw nya ng mata at sinabihang “Anong karapatan ninyong saktan ang apo ko!” May umiyak pa daw na batang lalaki. Tangging-tanggi.
Ang masakit, malimit naman akong pumupunta sa school to check on them kapag wala pang klase si Deden and maiiwan sila ng yaya kasama ni James sa bahay. Pero walang nagsasabi sa akin. Tuwing kukumustahin ko ang schooling nila, palaging “Fine, Mommy” ang sagot at magkukwento lang na “Mataas po ang grade ko sa quiz kanina sa ganitong subject.” Never nagsabing may nananakit na pala sa kanya.
Kinausap ko si Leland. Pinaamin ko kung sino-sino ang mga umaapi sa kanya. Meron pa daw na batang lalapitan sya para lang i-twist ang arm nya. Naiyak lalo ako nung nag-break down na sya at tumulo na ang luha. It seemed all he wanted was to belong. Ayaw nya ng may kaaway, ayaw ng may galit sa kanya. Bwisit kasi yang concept na yan ng peer pressure eh! Sabi ko nga, “Anak, ok ang maging mabait ka. Pero hindi at the expense na sinasaktan ka na at hindi mo pinagtatanggol ang sarili mo!” Tinatanong ko sya kung may nananakot sa kanya kung magsusumbong sya. Hindi makapagsalita. Sabi ko na lang “Kapag may nagsabi sa yo na ‘lagot ka sa akin kapag isinumbong mo ako’, sagutin mo ng ‘mas lagot ka sa mga magulang ko kapag nalaman nila ang ginawa mo!’” Gosh I was so mad. I resolved to go with him the next day pagpasok nya ng school. Last night before I went to sleep, ipinagdasal ko talaga ang magiging confrontation namin sa school.
So kaninang umaga, sugod ako sa school. Pinatayo ako ng teacher sa harap ng klase at isa-isang pinag-salita ang mga batang nagsumbong kahapon. Ganun din ang sinabi and more. Meron pa palang mga incidents na pinagbubuhat si Geffrey ng school bag nung isang kaklaseng bully. At may time pa during gardening na binato ang anak ko at tinamaan sa mukha kaya daw umiyak. Ni hindi ko nalaman ang incident na ito! Ultimo palang ang pagkakaibigan ng anak ko with his bestfriend tinutukso silang mag-syota daw kasi bading. Lagi daw kasing magkasama. My goodness! Napaka-kitid ng utak ng ibang bata. Napaisip ako, saan ba nila nakukuha ang concepts na ganito?! Hindi ko napigilang magsalita ng “Bakit wala ba kayong bestfriend? Dahil ba sa enjoy magkasama ang dalawang tao at mag-drawing palagi sa isang tabi, kailangan nyo ng lagyan ng malisya? Yan bang mga babaeng mag-bestfriend, sinasabihan nyo ding tomboy naman?” Hindi sila makasalita. Kids can really be cruel. Ang adviser nila, pinagalitan silang lahat dahil daw bakit sya ang huling nakaalam noon. Bakit daw hindi agad sinabi sa kanya para nasolusyunan agad bago pa lumala. Sumagot ang isang babae, “Mam kasi po sabi nila pag nagsalita kami, sumbungera daw.” Mahina ang sagot ni Leland “Ayoko rin po kasing matawag na sumbungero.” Again, that blasted peer pressure thing. Ayaw nga naman ng isang batang madikitan ng label but at what price? Argh, at elementary pa lang ang anak ko! May high school at college pang pagdadaanan. God help me!
Ang ending, after magsalita ang dapat magsalita, pinangaralan ko silang lahat. Sabi ko bago sila gumawa ng kahit anong bagay, kung sa tingin nila makakasakit lalo na kung sa sarili nila gawin ng ibang tao iyon, wag nilang ituloy. “Hindi lang para kay Geffrey kundi para sa lahat ng nasasaktan ninyo. Iwasan nyo na may nasasaktan, kahit kalooban o physical man yan. Mali yun eh.” I also told them na sa susunod na may marinig akong may nanakit ulit kay Leland, dadalhin ko na sa guidance counselor ang kaso at ipapatawag ko mga magulang nila. Sana lang magtanda na ang mga dyaskeng batang yun!
Iniisip ko, could I have done something to prevent this? Dapat ko bang sisihin ang sarili ko? But I don’t want to dwell on self-flagellation. Meron bang magandang maidudulot yun? Gugustuhin ko bang magpaka-depressed na lang dahil wala akong nagawa? Or I can choose to learn from this experience. Nangyari na eh, so ang magandang gawin, umaksyon para ma-prevent itong mangyari ulit. We can all do so much as parents pero hindi natin hawak ang bawat sandali ng mga anak natin nor ang ugali ng mga taong nakakasalamuha nila araw-araw.
Lessons learned para sa akin, hindi sa lahat ng oras kasama natin ang mga anak natin para mabantayan sila ng todo. Kahit gaano mo i-try protektahan ang anak mo, hindi mo kakayanin yan 24 oras lalo na kung school-age na. They have to learn to stand up for themselves. Hindi porke wala silang sinasabi, ok lang lahat. Kailangan mag-probe deeper ka every now and then sa kanilang inner thoughts and feelings.
Ang goal ko tuloy ngayon, empowerment para sa mga anak ko. Ang i-remind sila palagi na matutong mag-speak out at ipagtanggol ang sarili sa mga oras na agrabyado na sila. Na kausapin sila ng masinsinan once a week (baka kasi overkill kung araw-araw) to find out what REALLY happened to them for the past few days. At mas maging diligent na ipagdasal ang safety nila sa bawat sandali.
Sa mga kapwa ko magulang, sana may napulot kayo dito. And I pray na sana hindi ninyo pagdaan ito dahil sobrang sakit para sa isang ina ang malamang sinasaktan ng ibang tao ang anak mo.

Tuesday, February 15, 2005
Violent-time Valentines
Argh, nakakainis na ang mga terorista! Talagang itinaon na Valentines Day pa para magpadanak ng dugo. I-color coordinate ba!
May article deadline ako kahapon at todo tutok ako sa computer maghapon to edit and rewrite. Hindi tuloy ako nakanood ng news. Bandang 8 pm, nagtext ang asawa ko “Hi mom! Jus want u 2 knw na ok lng ako. Minutes lng ang pagitan ng bus na sinasakyan ko at nung bus na sumabog sa edsa corner ayala. M on my way hom to Alabang na.” Me smiley pa sa dulo ng message!
Ack, delayed panic reaction ako. Napabukas tuloy ako ng TV ng di-oras. To my horror, aside from the EDSA bombing meron din palang nangyari sa Davao. Doble panic ako kasi andoon ang brother ko since Sunday. Text agad ako kung ok lang siya. Buti sumagot agad. Malayo daw yung hotel nila from the site. Nakahinga ako ng maluwag.
Sadly, yung brother in law ng isang friend ko, nakasama dun sa bus na sumabog and badly burned daw although alive naman. Nakakalungkot talaga. Ang daming tao ang walang magawang matino kundi mag-cause ng dalamhati sa iba.
Naalala ko tuloy yung Rizal Day bombing. Yung isang friend namin na nakatira sa Sampalok nakitulog sa bahay namin sa Alabang. Late kaming nagising at late ding naka-prepare ng breakfast kaya late na sya nakaalis pauwi. Buti na lang! A few hours later, tumawag sa amin na buti hindi sya nakasakay sa LRT na sumabog. Eh yun pa naman ang sinasakyan niya palagi pauwi. Grabeng relief din ang naramdaman namin noon.
Kaya dapat talaga pinagpi-pray natin ang mga mahal natin sa buhay lalo na kapag wala sila sa bahay at malayo sa atin. Ingat tayong lahat at wag kalimutang magdasal!

Monday, February 14, 2005
Parinig
Nung Sabado, kinuwento ko kay husbandry na ang topic dun sa isang egroup ko eh “Ano bang magandang gift ang magandang ibigay kay hubby sa Valentines Day?” Merong nagpa-plan ng surprise dinner, meron ding overnight stay kung saan, etc. etc.
Paringgan ko nga ng “Ako kaya kelan ulit madadala sa isang date na pang Valentines?” Paano, the last time kaming nakapag-dinner date ng Feb 14 eh 1998 pa! As in! Sa sobrang busy sa pag-asikaso sa mga bata, parang wala na kaming ka-oras-oras mag-celebrate ng special occasions. Although happy naman na ako sa mga “dates” na nag-go-grocery kaming dalawa lang or mag-meet sa Manila for dinner kapag luluwas ako in the middle of the week to interview somebody for an article assignment. Nakatuwaan ko lang biruin.
Kahapon, nag-church silang tatlo nina Leland at Josh. Dahil day-off ni yaya kapag Sundays, alternate kaming lumabas para may maiiwan kay James. Bandang tanghali, biglang nag-text. Meron daw fund-raising Valentine Dinner ang isang Christian org sa Los BaƱos at nagpa-reserve na daw sya ng slot for 8pm. Naks! Nadala sa parinig!
Kaya tamang-tamang dumating si yaya from her day-off, nakabihis na kaming mag-asawa para mag-date (officially!). Ang nakakatawa, merong mga asungot na batang kinukwestyon kami na bakit hindi sila pwede sumama. Si Leland, knowing na yung venue eh sa restaurant ng family friends namin, mega-request na “Sige na Mommy, dun ako sa loob ng bahay nina Tita at makikinood lang ako ng TV.” Ngek! Si Deden din, tanong ng tanong, “Bakit aalis kayo eh gabi na?” (Tsk, hindi talaga sanay ang mga anak namin na nagdi-date ang mga magulang nila). Nung sinabi naming “Magdi-date po kami.” Ang sagot, “Date? Ano yun? Isama nyo na lang kasi ako!” Ayayay!
Anyways, we did enjoy our time out from the kids last night. Kami ang last couple na umalis dun sa venue kasi nakipag-chikahan pa kami sa mga kabarkada naming doon nakatira. At least kahit umalis na si hubby kanina for work, nakapag-celebrate kami ng Valentines kahit one day early. Ang saya ko lang naman hehehe.

Friday, February 11, 2005
Yan Ang Customer Service!
Good deeds should not go unmentioned. Sa dami ng bad news dito sa Pilipinas, wouldn’t it be nicer to hear pleasant news more often? Gusto ko i-share itong kwentong ito kasi natuwa talaga ako …
Di ba ang tindi ng campaign ng DOH lately about fake medicines? Eh di shempre ang mga nanay na katulad ko eh ingat na ingat sa mga ipinapainom sa mga tsikitings. So talagang as much as possible, sa Mercury Drug ako bumibili ng gamot para sure. Kaso nung isang araw, out of stock ang isang medicine ni James sa Mercury. So punta ako ng isang small pharmacy na binibilhan ko na dati. Since andun na rin naman ako, dun ko na rin binili ang ibang medicines para isahang punta na lang. Read the whole story dito sa email na ipinadala ko sa Natrapharm kahapon:
Ang ending? Happy! Kasi after about an hour na na-send ko ang email, may tumawag agad sa aking taga-Natrapharm who assured me na bagong feature lang for batch 04 yung printed words and legit yung nabili kong 03 batch. Nakahinga ako ng maluwag. Worth P300+ din yung mga meds kasi. So hindi ko na ibinalik. Praning na kung praning, pero pa’no kung fake pala di ba?
I love companies who really take care of their customers. Yung hindi paimportante at genuinely inaasikaso ang concerns ng taong-bayan, which is less than what I can say about some big-shot companies dyan (uh, tipong Globe at Smart ba!) I have had terrible CS experiences with those companies na pinasakit talaga ang ulo ko sa totoo lang.
Kaya sa management ng Natrapharm, thumbs up kayo sa kin!

Ms. Christina L. Ravelo
Vice President for Marketing
Natrapharm
Dear Madam,
Hi! I'd like to inform you of my concern regarding Heraclene capsules. My son who has cerebral palsy has been prescribed by our pedia-gastro to take Heraclene three times a day. Initially, I was able to buy several dozens from Mercury Drug and I noticed that the capsules have the words "HERACLENE" and "1 mg" printed in white on the red outer
cover.
Yesterday, since Mercury lacked one of the medicines my son needs, I bought from another drugstore and included 20 Heraclene capsules in my purchases. When I got home and opened another capsule to mix in my son's milk, I was bemused to see a plain red capsule inside the Heraclene pack. The batch is numbered 03HRC-4 to expire on DEC 05. The batch from Mercury drug has 04HRC 7, expiry date NOV 06. I observed the addition of a dash in the batch I bought at the other drugstore, and to reiterate, there was the lack of the printed words "HERACLENE" and "1mg".
Now what I want to know is, if it is possible that I unknowingly bought fake Heraclene capsules? I have bought medicines from the drugstore before but haven't had the cause to doubt the authenticity of the medicines they are selling, until now. I have refrained from
using the remaining 19 capsules and am now asking for enlightenment directly from you at Natrapharm. I fear for my son's safety and am planning to return the batches to the drugstore tomorrow. I may sound paranoid due to the recent news of proliferation of fake medicines, but I'd rather be safe than sorry. Of course I'm also thinking that the printed words on the newer batch may have been a recent addition? Either way, I'd like to have the correct information.
I am residing in Laguna and have no long distance access at the moment that's why I opted to write you an email. I saw your name and email addy from your website. I hope this reaches you the soonest time possible and I pray that you can answer my queries asap.
Hoping to hear from you soon.
Ang ending? Happy! Kasi after about an hour na na-send ko ang email, may tumawag agad sa aking taga-Natrapharm who assured me na bagong feature lang for batch 04 yung printed words and legit yung nabili kong 03 batch. Nakahinga ako ng maluwag. Worth P300+ din yung mga meds kasi. So hindi ko na ibinalik. Praning na kung praning, pero pa’no kung fake pala di ba?
I love companies who really take care of their customers. Yung hindi paimportante at genuinely inaasikaso ang concerns ng taong-bayan, which is less than what I can say about some big-shot companies dyan (uh, tipong Globe at Smart ba!) I have had terrible CS experiences with those companies na pinasakit talaga ang ulo ko sa totoo lang.
Kaya sa management ng Natrapharm, thumbs up kayo sa kin!
Sunday, February 06, 2005
CAP-palpakan
With all the furor about CAP Pension and Educational Plans these past months, sino bang plan holder ang hindi magwo-worry? Eh isa na kami doon! *panic, panic!*
Ang masaklap pa, tatlong bata ang ipinagbabayad naming mag-asawa sa CAP. Si James lang ang hindi namin kinuhanan since special child sya, hindi pa namin alam ang future nya regarding college. Hay, nakakapanglumo na sa halos limang taon, kasama talaga sa budget ko tuwing mag-aabot ng sweldo ang asawa ko yung para sa premium payments sa CAP. Actually, dalawang payments na lang, fully paid na kami!
So eto ang dilemma ko ngayon, magbabayad pa ba ako dun sa dalawang natitirang payments? Kung hindi ko ituloy, magla-lapse ang plans at in the long run, kung sakaling may pwede pang ma-claim, wala lalo. Kung itutuloy ko naman, feeling ko ang engs ko naman ata na “bigyan” pa ng pera ang CAP eh ina-accuse na nga sila ng mga nagki-claim ng pang-tuition na inoonse sila dahil sa nagtatalbugang cheke. Ang tinding problema nito!
Kagabi napanood ko sa isang TV program ang tungkol nga sa usaping CAP. At lalo akong hindi natuwa. Dahil mas nakakaawa pa kesa sa amin yung ale na diligently pilit nagbabayad ng premiums para sa pagka-college ng kanyang anak kahit wala na silang makain minsan. Ang trabaho nya, taga-gawa ng maliliit na dekorasyon sa mga damit. Yung para bang maliliit na bulaklak na nilalagay sa mga cheongsam dresses ng Chinese. Ang bayad sa kanya parang 25 o 50 cents lang isa! Sus, ilang ganun ang kelangan niyang gawin para maka-ipon ng pambayad?! Pinakita rin yung isang tatay na taga-Samar pa na pabalik-balik sa CAP main office sa Makati para mag-claim. Tapos wala ring nangyayari :(
Nakakapanglambot lang isipin na yung mga narinig kong nakapag-claim na nung nag-terminate sila ng plan, 20% lang ang nakuha nila! Sa ibinayad na 40K ang ibinalik lang ng CAP, 8K. Unfair, unfair, unfair!!!To think na bago ka makabayad ng isang premium, laking sakripisyo na yung iawas mo sa mga gastusin ng buong pamilya ang pambayad doon. Tapos maglalaho lang na parang bula?! Nakakaiyak!
Pero sabi ng asawa ko, bayaran ko na lang daw yung dalawang natitirang premiums. Kasi daw, baka mas malaki pa ang mawala sa amin kesa kung hindi ko babayaran at pabayaang mag-lapse. Meron daw kasing mga pre-need companies noon na mas maliit pa sa CAP ang halos mabangkarote pero nakabangon din at naibigay sa subscribers ang tamang benefits. Yun eh according sa nanay ng office mate ni hubby na matagal na sa pre-need industry. Kaya ipanalangin na lang daw naming wag tuluyang lumubog ang CAP. Kasi kung tutuusin, may capital naman daw yun, mismanaged nga lang talaga.
Iniisip ko lang, siguro pag pumasok na ako sa opisina ng CAP na may dalang pera para magbayad, mismong mga empleyado nila ang mag-iisip ng “Grabe, kakaiba ang takbo ng utak ng babaeng ito. Kalat na nga sa buong Pilipinas ang isyu, eto’t nagbabayad pa!” Oh well, nasabi ko yan dahil kung ako yung empleyado, malamang ganun ang iisipin ko. Kasi nga naman, sa dami ng araw-araw na nagrereklamo at pilit binabawi ang pera nila, darating ako doon at magbabayad. Argh, parang ayokooooo! Pero sige, I’ll trust my hubby’s wisdom and instinct. Nga lang, sana pagdating ng college days ng mga anak namin, buhay pa ang CAP para sagutin ang tuition fees nila. Kung hindi ... Nyaaay, ayoko munang isipin!
Kayo, may CAP plan ba kayo? Anong balak ninyong gawin? May ginawa na ba kayong move? Anong nangyari? Paki-share naman ng inyong mga experiences at saloobin sa usaping ito at baka sakaling matulungan nyo akong maliwanagan pa lalo tungkol dito. Salamat! :)

Friday, February 04, 2005
Utang vs. Utang na Loob
I have only myself to blame. Hindi ako marunong maningil pero ang dali ko namang mautangan, argh!
Eto kasing nanay ng classmate ng isang anak ko, naghiram sa akin ng P500 Monday of last week. Nag-promise na kinabukasan ibabalik din daw kapag nasingil na nya yung mga may utang sa kanya. Kailangan lang daw nya ng pandagdag sa pambayad nila ng kuryente or else mapuputulan sila. Hindi ko siya ganun kakilala para maniwalang pambayad nga sa kuryente ang paggagamitan niya o baka naman pambili lang ng kung ano.
Pero since marunong akong tumanaw ng utang na loob, sige na nga, pinahiram ko. Dati kasi nung nag-absent ng ilang araw si Josh dahil nagkasakit, yung anak ni Mrs. D ang nagpahiram ng notebooks para kopyahan ng notes. At sila pang mag-nanay ang nag-insist magdala ng notebooks sa bahay namin kahit na sinabi kong pupuntahan ko sa kanila. Ayan, hanggang ngayon hindi pa ako binabayaran, waaah!
It’s not that I need the money desperately right now. Ang sa akin lang, ayoko nung pinapangakuan ako tapos hindi tinutupad. Inis na inis ako sa mga taong ganun ang ugali. Mano ba naming sabihin sa yo na “Sorry ha, hindi ko pa mabibigay yung bayad kasi ganito, ganyan …” At least di ka nag-e-expect di ba? Kasi kapag ako ang nagsabing may ibibigay ako or gagawin para kung kanino sa ganitong oras o araw, ginagawa ko talaga sa abot ng aking makakaya. Kung di aabot, nagpapasabi ako para hindi naghihintay yung tao. Problema lang, hindi lahat ganun mag-isip.
Tamang-tama napag-usapan pa naman namin ni hubby yung Pinoy Unleashed project nung isang araw. May nakausap kasi siyang member nun. Ang concept daw kasi ng organizers eh yung “pay it forward” attitude para umunlad ang Pilipinas. Hindi daw maganda ang kaugalian natin na pagtanaw ng utang na loob kasi most of the time, yun lang ang nagiging reason para tumulong ka sa isang tao, dahil may ginawa sya sa iyong maganda before. And in the process, nag-e-expect ka tuloy na next time ikaw ang mangailangan, dapat tutulungan ka din nya. Dapat daw ang maging reason natin parati ay yung simpleng desire para tumulong whether the person helped us or not. Amen to that, naniniwala naman ako dun. Kaya nga ako nag-sponsor ng bata sa World Vision dahil genuinely, gusto kong makatulong ma-realize ang dream ng isang bata na makapag-aral at gumanda ang buhay nya. At sa parteng yun, wala akong hinihinging kapalit.
“So ibig bang sabihin, hindi na ako dapat mag-expect na bayaran ako ni Mrs. D?” tanong ko kay hubby. Ang sagot nya, “Iba ang utang Mommy, dapat yan sinisingil. Right mo yun.” Sabagay, hindi ko naman ma-classify na friend itong si Mrs D kundi acquaintance lang. At tanggap ko sa sarili kong kaya ko sya pinautang kasi nga ang reason ko, nahihiya akong tanggihan dahil sa utang na loob.
Eh kaso nga ang problema, di ko alam paano ko sasabihin kay Mrs. D na bayaran na nya ako. Any advice guys? Would appreciate your thoughts on the matter.

Tuesday, February 01, 2005
Usapang Mommy at Daniel
Tuwing bago pumasok sa school at bago matulog etong bunso ko, eto ang dialogue namin:
D: “Mommy bye/good night! I love you!” said in a sing-song voice sabay yakap at kiss sa akin.
M: “Love you too. Bye/good night din!” tapos kiss ang hug ko din sya.
Minsan may variations, like sasabihin ni Deden, “Ok kiss kita sa isa pang cheek” after kissing one cheek already, “Ako din kiss mo sa dalawang cheek”. Or “I-hug mo pa ako isa pa,” or “Pa-kiss din sa tummy mo.” Tapos kagabi nung diniktahan na nya ako ng “Ok sabihan mo na ako ng I love you.” Eh naisip kong tagalugin, sabi ko “Good night Deden, Mahal Kita!”
Aba ang sabi ba naman, “Mali yan, kelangan English,” ngek!

Subscribe to:
Posts (Atom)