Tuesday, January 27, 2004

SOBRANG PALPAK NG DOH!!!!

Grrr! ‘Di ko alam kung nagmamagaling ba ang Department of Health o gusto lang nilang mang-asar. Pa’no, me bago silang kautusan ngayon … lahat daw ng dangerous drugs dapat ang reseta tatlong kopya tuwing bibili sa botika, isa sa kanila, isa sa pasyente at isa sa doctor. At ‘di lang basta reseta na tipong gagawan lang ng doctor ng tatlong kopya ha, me specified silang yellow form chuva.

Nagkataong noong bumibili kami ng Phenobarbital ng anak ko, kinulang ang cash namin dahil lahat ng ATMs sa Festival Mall sa Filinvest eh mga walang laman. So hindi namin mabibili ng kumpleto ang nakalagay sa reseta. Dati, pwede namang tingi-tingi ang bili basta tatatakan lang ng Mercury ang reseta kung ilan na lang ang balanse.

So ganun, punta ako Mercury Drug at bibili lang ng ilang tablets muna. Ang gusto nung nakausap ko, bilhin ko lahat ng andun sa reseta at kukunin na daw nila ang papel dahil bawal na daw ang isang kopya lang. Kesyo may bago nga daw batas ang DOH. Sabi ko kelangan ko pa yung balanse dahil baka di agad kami makapag-pa-check up sa pedia-neuro namin eh kulangin ng anti-seizure meds ang anak ko. Abah, ‘di daw pwedeng ibalik pa sa akin ang reseta kung bibili daw ako. Kahit daw kalahati lang ang bibilhin ko, wala ng balikan ng papel. Sa inis ko, umalis na lang kami at dito na sa Laguna nakabili. Buti na lang di pa ata naa-update ang mga Mercury dito.

Nung Sabado, pagpunta namin sa doctor, napakwento tuloy s’ya. Ganun nga daw, gagawa –gawa ng batas ang DOH na hindi man lang sabihan ang mga doctors. Sa mga pasyente lang din daw nila nalaman na ganun na pala ang rules sa Mercury. Ang siste pa, nakailang tawag na daw si doc sa DOH para manghingi nung sinasabing yellow forms. Abah wala pa daw dahil pinapa-bid pa sa printing presses! My gulay, kaasar talaga! Tapos sabi daw ng DOH, sige pwede na yung white pads ng doctors muna. Hindi naman inaabisuhan ang Mercury! Kaya ang mga pasyente, hilong-talilong na kung saan makakabili gamit ng resetang issued naman ng doctors.

Ang ginawa ng doctor namin, naghalungkat sa mga old papers nya at nakakuha ng old forms for dangerous drugs na 10 years ago pa na-issue. Ang nakalagay pa nga dun sa date eh 19__ ! Yun na daw muna ang ginagamit nya at the moment kaso last pad na ang inabutan namin at kokonti na ang natitira. Halos gabi-gabi daw may inaaway syang branch ng Mercury Drug para i-insist na pabilhin ang mga pasyente nya dahil sabi na nga ng DOH ok na gamitin at the moment kahit hindi yellow forms. Ang sagot ng Mercury? HINDI PO KAMI NAKAKATANGGAP NG PASABI NA PWEDE YUN!

Hay sus, baka next month pagbalik namin sa doctor para magpa-reseta ulit ng Phenobarb, wala ng form si doktora. Hindi kaya naisip ng mga engot na tao sa DOH na ang mga pasyenteng pinagkakaitan nila ng gamot eh pwedeng mag-convulsions pag hindi nakainom ng maintenance drugs nila? Bukod pa sa mga may sakit sa puso at ibang karamdaman na pwedeng atakihin ng kung ano.

Ang labooooooo! Kainis!

No comments:

Related Posts with Thumbnails