Mag-ingat sa mga manloloko!
Hay naku, kahapon may nag-miss call sa cel ko, mabilis na mabilis lang nya pina-ring. Tapos biglang me pumasok na message from the same #: 09174830540. Nakalagay "CONGRATS!! Ur cel # is d1 of our lucky winner N "GMA/CFP" during our last drw ysterday, JAN, 05, 2004. 4 more information PLS CALL NOW ATTY. MAX MANDING.." Asus, paano naman kaya mananalo ang cel # ko kung saan, eh halos isang buwan ko pa lang ginagamit yun at konting-konti pa lang ang nakakaalam.
Lintsok na yun, balak pa kong goyohin. Sagutin ko nga ng "Wala n b kayong mgawa kndi manloko ng tao? Bagong taon na mag bagong buhay k na! Dagdag pa kyo s mga problema ng pilipinas! Ire-report ko # mo sa ntc!" Di naman sumagot na. Pero kakagigil talaga. Sobra na sila, naghihirap na nga mga tao, dedengoyin pa nila! Kainis talaga.
Sana naman by now, wala ng naloloko ang modus na yan. Me mga kilala ako pinatulan at nag return call. Ngak ang mahal ng voice calls sa cel ha! Tapos hiningan sila ng pera para daw sa processing fee. Grrr, ang sama-sama ng mga manlolokong yun!
Saan ba dapat talaga nire-report ang mga ganun? Meron bang magagawa kaya ang NTC about it? Tipong i-block na ang cel # para di magamit na. Hindi ko nga binubura pa sa cel ko. I hope I can find an organization who handles things like that. Para naman magtanda ang mga lokong yun. Kung me alam kayo, please do email me about it. Thanks! Kung me magagawa man lang ako kahit sa maliit na paraan para magtanda ang mga manlolokong ganun, masaya na ako.
Thursday, January 08, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment