Eleksyon 2004
Argh, nakakainis na talaga ang pulitika sa bansang itoooo! Ang daming balimbing! Sa mababasa nyo, tabi-tabi po….
Shucks sobra akong disappointed kay Loren Legarda eh idol na idol ko pa naman sya noon. Ang ganda-gandang babae pero bakit kaya lately, kahit anong sweet ng ngiti nya at pa-innocent effect ng mukha tuwing lumalabas sa TV, nahuhuli ko ang sarili kong automatic na napapabusangot. Nung minsan ngang napanood kong sabihin nyang naniniwala sya sa kakayanan ni FPJ para mapag-kaisa ang Pilipinas, sumaisip agad sa ‘kin “Ay patay na, wala na!” Asus, ano kayang prinsipyo ang sinasabi nyang pinaninindigan nya? Touched na touched pa naman ako nung umiyak sya noon sa impeachment trial ni Erap. Tapos ngayon kaalyado na nya ang bespren nun? Di kaya sumaisip man lang sa kanya na once makaupo bilang presidente si FPJ eh bigyan ng pardon si Erap para makalaya na finally? Di ba yun naman talaga ang ultimate goal ng pagtakbo ni FPJ sa pagiging presidente? Hay ang laboooo!
Isa pa itong si Miriam Santiago, kanina sa news, nakita ko beso-beso sila ni Pres. GMA. Tapos may pinakitang footage (panalo talaga ang media sa mga ganitong pang-iintriga) nung Edsa 3 na nagsasalita si Miriam “Si Gloria, tarantada!” Nakakasuka na sila ha!
Kawawa naman ang Pilipinas. Naghihirap na nga, ang gulo-gulo pa ng mga tao sa pulitika. Paano na kaya tayo uunlad? Ang dami-daming mas mahihirap na bansa ang nalampasan na tayo dahil hindi bulok ang mga namumuno sa gobyerno nila. Ngarf! Hindi ko na alam sino ang dapat kong iboto!
Kayo, me napili na ba kayo? Kung oo, pakitanong naman sa sarili nyo:
1. “Naniniwala ba talaga akong iaahon ng taong ito sa hirap ang bansa o iboboto ko sya dahil pogi sya at palaging tagapag-tanggol ang ganap sa pelikula?”
2. “Iboboto ko ba yun dahil sa dikta ng ibang tao sa paligid ko at hindi dahil sa sarili kong desisyon na nagmula sa puso ko?”
3. “Boboto ba ako batay sa mga lagay na matatanggap ko pag dating ng panahon ng kampanya?”
Kaunting panahon na lang, eleksyon na. Sana naman pagdating ng oras, iboto mo ang isang kandidato dahil sa kanyang sinseridad at pagiging totoo. On second thought, hmmm, parang mahirap ma-discern yun. Hingi tayo ng tulong sa taas.
Pinoy, mag-isip ka!
Saturday, January 10, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment