Wednesday, July 27, 2005

Bilib ako!





Please indulge the pride of a mom who's really amazed at the talent of her kid. Alam kong may creative talents si Leland na kita naman talaga sa mga gawa n'yang drawings. Pero etong mga latest niyang ginawa nung isang araw sa Windows Paint, nagulat talaga ako kasi pati shadings sobrang detailed! And he's only 11 years old!

You should see the comic books he makes. Kahit nakakatawa minsan ang dialogues, yung eye nya for details, nakakahanga. Palibhasa wala akong tyaga sa mga maliliit na detalye minsan kaya bilib ako sa mga merong patience para dun.

To see more of his (and his brothers') works ... yup, very artistic etong tatlo kong bulilit! Please visit Creative Kids. And do please leave some comments. Na-a-appreciate nila yun :) Thanks!

Sunday, July 17, 2005

Bomba (daw)

Kainis! Bakit ba may mga taong walang magawa kundi pahirapan ang buhay ng iba??? Kaninang umaga, alas singko pa lang, gising na kami ni Daniel para mag-prepare papuntang UP Diliman para sa weekly violin lessons niya. By 6am, bumiyahe na kami. Sakit pa naman ng ulo ko kasi 2 hours lang ang tulog ko dahil puyat ako kay James :(

Nakarating kami ng Kamias, saktong 9am na kaya sa takot kong ma-late na naman, nag-taxi na kami. Hay, ang P15 sanang pamasahe from Kamias to Philcoa to UP sa bus at jeep, naging P65. Dumating kami ng College of Music, mga 9:15 na. Buti na lang late natapos yung previous class ni Teacher Silke kaya abot kami.

Nakakaaliw pakinggan yung limang six-year olds na sabay-sabay tumutugtog ng twinkle-twinkle sa violins nila. Kaso wala pang 30 minutes, lumabas ng classroom si Teacher at pinapauwi na kami. Cancel daw muna ang klase dahil may na-receive silang bomb threat sa kabilang building ng College of MassCom. Argh, iisang oras na nga lang ang iniluluwas namin (at ginagastusan ng P350+ na pasahe!) tuwing Sabado, naunsyami pa!

Kinatok ko ang brother ko dun sa room nya. Nagtuturo naman yun ng classical guitar. Naku malayo naman daw ang classroom nya dun sa MassCom building saka since absent sya last week dahil sa trankaso, di na daw nya afford mag-cancel ng classes nya. Sus, tigas ng ulo! Kako, mag-ingat na lang sya. Eh ako, natakot na rin kasi lahat ng kasabayan kong parents, naglalabasan na ng college kaya sumabay na kami ni Deden. Naku, nakalimutan ko pang i-text ang kapatid ko ngayon kung nakauwi sya ng maayos sa boarding house nya!

Hay, nakakainis talaga yung mga terroristang nagpauso ng bomb threats. Mga walang kunsyensya! Para tuloy di naman masayang ng todo yung luwas namin, dumaan na lang kami ni Deden ng Galleria para mag-brunch sa Jollibee (ba't ba ang mga bata, hindi mauto sa ibang fast food stores???). Ayun nagastusan ako sa Filbars kasi nakakita ng back issues ng KZone si kolokoy. Eh mura nga naman kasi P25 na lang, saka etong tatlo, binabasa talaga nila from cover to cover ang magazine na yun kahit luma na. Tapos me nakita kaming Star Wars books na hardbound, P150 lang isa! Although Episode I pa ang themes, dahil baliw sa SW ang mga anak ko (pati asawa!), napabili na rin ako. In fairness, full color saka maganda ang paper at tantya ko, hindi lang P500 yun nung bagong labas pa sila.

Umalis kami ng Filbars, wala man lang akong nakitang mabibiling magazine o book para sa sarili ko :P Anyway, yung tuwa ng mga pinasalubungan pagdating namin ng bahay, worth na rin ng pagod. Nakakatawa, pati ang tatay nakikipag-unahan magbasa ng SW books :)

Thursday, July 14, 2005

Ninuno

Exam mamaya ni Dedenpot. Kagabi nire-review ko sya sa tatlong subjects: Science, Pilipino at Sibika. Nakakatuwa naman kasi yung mga sample tests na ginawa ko, diligently nyang sinasagutan. Tapos naghikab. Antok na daw sya at ayaw na nya magsulat.

So sabi ko sige, question and answer na lang kami. Inulit-ulit ko yung mga tanong na "Kung ang bata ay pinanganak sa Pilipinas/Amerika/Japan etc., at ang nanay at tatay niya ay Pilipino/Amerikano/Hapon etc. (pinagpapalit-palit ko ng mga scenario to see kung gets nya talaga), Pilipino ba yung bata?" Aba nag-iisip! Tama ang mga sagot.

Naisip kong dagdagan, "Kung ang bata na pangalan ay Daniel, eh may nanay na Chinese at tatay na Negrito (kaka-review lang namin nun together with the Indones at Malay chuva), siya ba ay Pilipino?" Tumawa ng tumawa ang bata sabay sagot ng "Shempre!" Tanong ko, "Eh bakit?" Sagot sya "Kase ako yun! hahahaha!"

Napansin ko di pa rin matigil ang tawa. "Bakit ka natatawa pa rin?" Sagot sya ulit "Kasi, *giggles* nigawa mong maitim si Daddy saka naka-diaper!" Ang kulet! Sabi ng bahag ang tawag dun eh. Pero natawa na rin ako kasi na-imagine ko how ridiculous nga naman ng example ko sa mind's eye nya. At least nag-iisip talaga at inakong siya yung Daniel!

Saturday, July 09, 2005

As Seen on TV

Tenth bertday ni Josh kahapon. As one of my gifts, nagpalagay ako ng ad sa isang TV channel. Dito kasi sa min, since maliit lang ang town, iisa lang ang cable provider tapos marami pang vacant na channels dahil di pa daw ganun karami ang mga subscribers.

So yung channel 18, ginawa nilang community channel. Dun nagpapa-advertise yung mga may bagong business, may gusto magkalat ng announcements at greetings etc. Dapat ipapa-reserve mo yung day na gusto mo at babayad ka ng P25 (ayos ang price no?) para yung ad mo mag-appear lang dun maghapon (mula mga 7am hanggang madaling araw na next day, depende ata sa aga ng gising nung operator hahaha).

Eh di nung isang araw, knowing na darating na si mamang kolektor para sa monthly bayad, nag-iwan ako sa maid namin ng extra P25 saka yung written ad para madala na dun sa office. Nilagay ko lang “Happy, Happy 10th Birthday Gabriel Joshua! Love, Daddy, Mommy, Kuya Geffrey, James and Daniel.”

Kahapon ng umaga, pagdating ni Deden galing sa school (pang-umaga lang kasi), diretso yun bukas ng Tv para mag-Cartoon Network. Sabi ko “Anak, lipat mo naman sa channel 18 please.” Usually alam nila pag pinapalipat ko at nanonood sila, ibig sabihin may magandang show na pambata sa ibang channel. Nilipat nya. Pagka-glance dun sa blue na background at kung ano lang sulat-sulat, nilipat nya pabalik sa CN. Sabi ko lipat nya ulit. Sagot sa kin “Wala naman palabas eh!” So sabi ko “Read mo yung nakasulat.”

Nakakatawa yung reaction nya, unti-unting nanlaki ang mata habang binabasa nya yung greetings. “Mommy! Happy Birthday daw kay Gabriel Joshua!” Pagdating nya dun sa bandang ibaba, sumigaw na ng pagkalakas-lakas “Mama! Halika bilis! Tingnan mo ang palangan (tama po ang sfelling ko, ganyan sya magpronounce ng word na pangalan) ko, nasa TV!!!” Nyahahaha. Afterwards, ayaw na ilipat sa ibang channel kasi baka daw mawala eh hindi pa nakikita ni Jo.

Sayang di ko nakita ang reaction ni Josh kasi bumili ako ng medicines ni James sa Mercury. Pagdating ko ng bahay, nakarating na rin yung dalawang malaki. Anyways, malaki naman ang ngiti ni Josh nung nag-thank you sa kin. Natuwa ang mokong hehehe.

Tapos pagdating nitong asawa ko ng gabi, pag-upo nya sa sala, sabi ko ilipat ng channel 18 yung TV. Hay naku, mana sa anak, hindi pinansin yung mga letra sa screen at nilipat din agad ang channel “Walang palabas dun Mommy” exasperated pa ang boses! Sabi ko nga, “Kayo talagang mag-aama, ang tatamad nyong magbasa! Basahin mo ang nakasulat dun!” Naku, saka lang napangiti at tuwang-tuwa sa nakita nya. Hay naku, men!

Monday, July 04, 2005

Simple Joys

Galing kaming pedia-gastro nung Sabado for post-op check up. Healing well daw yung sugat ni James, thank God! I just hope matuyo na ng tuluyan para naman di na ako nawi-windang tuwing nagpapalit ng dressing.

Etong nakakatawa, dumaan kami afterwards sa Megamall. Kako itingin namin ng mas malaking stroller man lang para maipasyal na ulit namin ng mas madalas. Na-outgrow na kasi nya yung tatlong strollers dito sa bahay. At least wala ng tubo sa nose kaya di na gaanong pagtitinginan ng tao. Hirap niya pati bitbitin sa layasan kasi mabigat na saka mahaba na sya eh.

Nung nagsu"sukat" na kami ng strollers, pagkaupo namin sa kanya, sinukahan ba naman! As in overflow hanggang dun sa upuan. Kinailangan pa tuloy ni Daddy niya na tumakbo pabalik ng sasakyan sa parking para kumuha ng extra shirt at mga lampin. Sabi tuloy namin "Talagang pinili mo na yan James ha." Ayun, no choice, talagang napabili kami bigla. Buti na lang mura-mura ng konti yung stroller kasi sale hehehe.

After bihisan, ipinasyal namin sya sa loob ng mall. Grabeng ngiti! Tuwang-tuwa sa mga nakikita nya. Matagal na rin kasing hindi namin sya naipapasyal ng matagal sa labas. Puro hospital-bahay lang kasi lagi for check ups. Ang saya ng bata! Nagkakatinginan na lang kaming mag-asawa kapag tumatawa si James. Gusto ko na ngang maiyak eh. Sobrang nakakatuwa kasi na sa ganung simpleng pasyal, kuntento na ang anak namin.

We do have a lot to be thankful for kay Lord :)

Friday, July 01, 2005

Smart Subscribers Beware!

Ingat kayong mga Smart users, sobrang disturbed ako dito kaya ipo-post ko. Hindi ko maatim na magsawalang-kibo at wala man lang gawing action kung may ganitong nangyayari. Mabuting ikalat para mas maraming makaalam.

Meron na naman kasing scam na nag si-circulate sa mga Smart subscribers. Dapat maging aware din kayo tungkol dito lalo na yung mga madaling maniwala sa easy money at hindi alam ang Pasaload number na 808. Ayokong meron pang mabiktima ang taong ito.

Naka-receive ang nanay ko ng text last June 28 at 9:37pm -- "Congrats!!! You win 500 load from smart. Type 0919759108 (the sender's number) and triple send to 808 so you can claim ur 500 load now thank u! SMART ZED 155# DTI#354256" Talagang may I place a DTI# pa sya ha!

Buti na lang, malabo na ang mata ni nanay at malimit sa amin na pinapabasa ang mga messages nya. Nakakainis talaga na may mga ganitong manlolokong tao na mahilig manlamang ng kapwa. Tumawag ako sa Smart kanina at sabi nila kapag cel # lang ang sinend mo sa 808, naka-default na ang pasaload as P10. Ang kapal nung sender, triple send pa daw! Sana ma-block na ng Smart ang sim na yun. At least kung bibili ulit ng prepaid sim yung manloloko, gagastos ulit sya.

Hmmm, di kaya raket ito nung mga bumibili ng mga sim for P25-40 sa bangketa??? Naku eh di ang liit nga naman ng puhunan nila!

Kaya ingat po tayo. Wag basta maniniwala lalo na kapag hindi official Smart (or even Globe) numbers ang nakalagay sa sender.
Related Posts with Thumbnails