Friday, March 18, 2005

Ranting

Kaasar talaga ang Globe! I just wish may taga-doon na higher-ups na mabasa ito. Hindi na ako mag-aaksayang tumawag sa 211 hotline nila dahil incompetent naman palagi ang nakakausap kong CSR, malalabong kausap!

Last March 5, nagpa-upgrade kami ni hubby ng sim to XL. Kasi sa dami ng kakilala ng asawa ko and mga clients nila sa company, ang dami ng kulang na space sa phone book nya. Bura sya ng bura ng contact lists dahil wala na mapaglagyan tapos hirap na hirap naman i-figure out kung sino ang nag-text o tumawag pag kinontak ulit sya ng ibang tao. So I convinced him, ako na mag-asikaso ng upgrade, anyway madali lang naman kako yun.

We got there sa Globe Business Center in San Pablo City, Laguna around 6pm na kasi dinala pa namin si James sa doctor. Hanggang 6:30pm ang business hours nila. Nag-fill up ako ng forms, nagbayad ng P200 cash (ayaw tanggapin ang G-Cash ko dahil hindi pa daw sila connected – hello? eh Mercury Drug branches nga tumatanggap ng G-Cash tapos silang mismong business center hindi? Hanggang deposit at retrieval lang daw sila dun for now, ewan!) and binigyan ng bagong sim packs. Sabi nung customer representative, hintay lang daw ng ilang days at kapag nawala ang signal nung old sim, pwede na gamitin yung bago. Saka daw manually na lang i-transfer ang mga contact numbers sa address book. Nagtaka ako sa puntong yun kasi dati na nagpa-upgrade kami sa Glorietta, meron silang maliit na gadget na ginamit para i-transfer ang data from the old sim to the new one. Inisip ko na lang, baka hindi na ganun ngayon at since nagsa-start na magsarado nung metal na pangharang sa door yung guard, di na ako nagtagal. Ako ang last customer kasi.

Upon arriving home, inuna ko ilista ang mga nasa phone book ng sim ni hubby. Since kerami-rami, napagod na ako at hindi ko natapos iinput lahat sa phone nya. Nakita ng brother ko and sabi nya, kakapa-upgrade din lang nya sa mall pero na-transfer naman electronically lahat ng data sa new sim. Lalo tuloy ako nagtaka bakit nga walang ganun dun sa Globe San Pablo?

Sunday morning, my hubby had to leave na for Manila kasi may work sila. Nang mag-Monday, ayan na, nagtext si mister, asar na asar kasi daw hirap na hirap syang i-distinguish ang mga callers nya dahil hindi pa nga complete ang phonebook list. Eh nawalan na ng signal yung old sim nya.

That time, hindi ko pa nasisimulan mag-transfer ng phone book ko manually. Naisip ko, teka muna more than 250 contacts ang ililipat ko, parang ang aga namang penitensya non! Nung hapon, nag-decide na akong pumunta ulit sa Globe to ask bakit hindi sila nag-transfer. Hindi kasi sila nako-kontak by landline, fax tone lang at answering machine ang sumasagot kapag tatawag ka. Ayokong makipag-usap sa makina! Upon arriving there, namukhaan ako nung CSR. Nung sinabi kong “Hindi ba pwedeng ilipat na lang automatically ang data from the old sim to the new sim? Hirap na hirap asawa ko ha.” Ang sagot? “Eh sige Ma’am, ilipat natin. Akin na ang mga sim nyo.” Tumaas ang kilay ko. “Sus, pwede naman pala bakit hindi nyo ginawa nung Sabado?!” Kasi daw that day lang dumating yung gadget na pang-transfer. KUNG DI KA BA NAMAN MAGDUDA NYAN! Isip-isip ko, “Tinatamad ka lang siguro gawin nung Sabado kasi uwian na.” Pero naman, anong klaseng customer service yun di ba?

So nailipat ang mga data ko, in less than 10 minutes. Yun daw sa mister ko, dalhin na lang sa kahit saang Globe center sa Manila para magpalipat since nasa-database naman daw ang number. Hah, huli man at magaling, HULI PA RIN!

Anyway, since pwedeng ilang araw daw ang abutin bago mawalan ng signal ang old sim, hintay ako para dun sa akin. Aba naka-isang linggo na, wala pa rin! Hintay pa ulit ako dahil ayoko ng pabalik-balik sa business center nila, malayo din kasi from our house. Two days ago, di na ako nakatiis. Nakakainis na eh, naka-10 days na, wala pa rin! Ano pa silbi ng XL sim kung di naman magagamit?

I decided to fax them a letter. Eto ang nilagay ko:

Sir/Madam,

Last March 5, I had my and my husband’s Globe sims upgraded at your branch. My husband was able to use his XL sim after two days because the old one lost its signal sooner. However, up to this writing, my old sim is still functioning and I haven’t had the opportunity to use the new sim even after more than 10 days after the upgrade. The new sim still displays “sim card registration failed” when I try to turn it on. What could be the problem?

I live far from San Pablo and it is very inconvenient for me to go to the service center just to find out what the problem is considering that the upgrade procedure should have been a simple matter. Your customer representative told me that it may take a few days before I can use the new sim so I waited. I have been patient enough to wait for more than a week!

Please call me on my landline phone xxxxxxx (because Globe’s signal is very weak in our area and conversations via mobile phone are always very choppy or get cut off completely) and talk to me about this. I am now very much tempted to totally switch to another network.

Hoping for your quick action.

Resulta? In less than an hour after ko mapadala ang fax, nawalan ng signal ang old sim ko. MY GULAY, PWEDE NAMAN PALA NILANG I-MANUAL YUN! Ganun ba, dapat pang magreklamo at mag-follow up ang customer sa mga kapalpakan nila bago sila umaksyon?! I will doubt it very much kung may magsasabi sa aking nagkataon lang na after ko sumulat eh saka nawala ang signal ko. Sobra ng coincidence yun, counting the lack of the transferring gadget nung time na nagpa-upgrade ako at pagkakaron nun two days later pagbalik ko.

Argh, kung di lang hindi ko mabitawan ang Globe number kong yun dahil sa dami ng clients kong yun ang alam, etong Smart number ko na lang talaga ang gagamitin ko.

Lesson: Always assert your rights as a customer. Hindi ako nagdadalawang-isip mag-complain kung alam kong nasa tama ako. Ang dami nilang pakinabang sa buong pamilya ko dahil lahat kami naka-Globe (except my mom na hindi na natiis ang palaging walang signal dito sa amin at nabwisit na kaka-“message sending failed” ng telepono nya) tapos ang tamad nila mag-asikaso ng customers! Not fair!

No comments:

Related Posts with Thumbnails