Wednesday, March 30, 2005

Bad Trip

Kaninang umaga, naka-receive ako ng text from 09186786701: “Phil.charity foundation!sir mam congrats!!!u r lucky win last4digits cel#had w0n! 360 Thousand last drw MARCH,/29/2005.pls txt ur name ADRS. & call me now I’m, CATHY M. CORTEZ’..”

Shempre pa ke aga-aga naasar ako. Una, dahil wala pa akong tulog magdamag dahil ayaw matulog ni James kahit 11am na at di ko sya matulugan dahil umiiyak pag di ko papansinin. Pangalawa, I hate people who take advantage of naïve ones. Etong kapitbahay namin a few weeks back, naka-apat atang pa-load sa akin within one day. Nalaman ko lang later na kaya pala eh dahil may ka-text na nagpromise sa kanya ng pera. Sus, kawawang tao, nagkang-uubos ang load dahil sa paghabol ng isang malabong pangarap. Pangatlo, ang engot mag-text nung manloloko ha. Mali-mali na nga grammar, dikit-dikit pa ang words. Sa madaling sabi, text pa lang, malabo na syang kausap, hmp!

Kaya nag-text back ako, “HOY KATATAPOS LANG NG MAHAL NA ARAW NANLOLOKO NA NAMAN KYO? MAHIYA KA NAMAN SA BALAT MO! MAGHANAP KA NGA NG MATINONG TRABAHO!” Hindi na sumagot. Sana nakonsyensya kahit konti.

Kainis eh. Wala silang magawang matino, mandadamay pa ng ibang tao. Nakakaawa tuloy yung ibang napadalhan nila ng same message tapos kumagat at naniwala. Kahit gaano kahirap ang buhay sa Pilipinas, walang karapatan ang isang tao na manloko ng kapwa niya! Sana lang matuto silang magtino bago pa sila mahuli ng batas at makulong ng matagal sa bilangguan. (Oo alam ko, wishing lang ito dahil hindi naman inaasikaso ng gobyerno at mga celphone companies ang mga ganitong klase ng panloloko.)

Hay naku, sana matigil na ang ganitong modus operandi. *buntong-hininga*

No comments:

Related Posts with Thumbnails