Naka-CAP-pag-alala Talaga!
Kahapon, against my better judgment but upon my husband’s advice, pumunta ako sa CAP office para magbayad. Dalawang payments na lang kasi kami, fully paid na ang educational plans ng tatlo naming anak. Mas delikado daw namang pabayaan naming mag-lapse tapos in case na magbabawi kami, baka lalong wala kaming makuha.
Nakaka-frustrate lang na habang nagbabayad ako, may dumating na isang naka-uniform na estudyante, at nagtanong “Ma’am kelan po kaya yung sa akin?” To which a CAP employee replied “Hintay-hintayin nyo na lang, darating din yun.” Ack, kailan pa?!!! Kawawa naman yung bata. Napaka-ironic na andun ako at nag-aabot ng pera sa cashier tapos wala silang maibigay dun sa scholar nila. Wala akong magawa kundi mapailing.
Meron ding isang ale na naririnig kong sinasabing “Eh tatlong buwan na hong hindi dumarating yung pera. Bakit nyo kami pinapadalhan ng notice na pwede na mag-claim tapos pagdating dito wala pala? Gagraduate na ho anak ko, wala pa kaming pambayad!” Naku, sana talaga by the time na mag-college na ang mga anak ko, may pambayad na ulit na matino ang CAP! O sobrang optimistic ako?
Tuesday, March 01, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
best option, kung option bang matatawag, na binayaran mo and hopefully maayos ang problema ng CAP na yan.
thanks bro. tama ka, kung option nga bang matatawag yun. hay sana nga maayos na ang CAP!
Hi, Ruth. Not too long ago I heard this news that the government is pushing to have CAP "padlocked" because the company has already filed for bankruptcy and yet they're still collecting fees from clients.
The "fault" of CAP was, they threw in a lot of money to various investments which didn't yield profits at all. And now they're pressing clients to pay, pay, pay.
It's so sad, really.
I'm paying for an educational plan, too (with Philam) and I know how much scrimping and saving one does to have this lump sum in the future.
Post a Comment