Goodbye, Buhok!
Tinopak ako nung Wednesday. I guess I was just bored having long hair. Waist-length na kasi. Siguro mga 1 1/2 years na since nagpa-trim ako ng buhok, hindi ko na nga matandaan kelan eh. Anyways, after so much indecisions dati pa kung magpapaputol nga ba ako o hindi at gaano kahaba ang ipababawas ko, naisipan ko na lang nung isang araw na "sige na, ngayon na!"
So punta ako sa parlor ng tiyahin ko. Tanong pa sya, hanggang saan daw. Sabi ko basta mababa ng konti sa balikat. At nag-request pa akong ipunin namin yung mga mapuputol na mahaba. La lang, remembrance hehehe.
Pagdating ko ng bahay, sinukat ko yung putol na buhok. Tumataginting na 15 inches! Sabi ng sister ko, ibenta ko daw sa mga naghe-hair extension since maganda ang quality nung buhok ko. Pwede ba talaga yun?! In fairness, hindi ako gumagamit ng hair dryer at kung anik-anik kaya simpleng diretso lang ang aking crown of glory. Sabi ko nga, sige hanapan ako ng mapapagbentahan at ng matingnan kung mapapagkakitaan nga ba etong buhok ko hehehe. May alam kayo?
Ang gusto ko lang sa pagiging impulsive ko, wala talaga akong regrets sa bagong hairstyle ko. Parang gumaan lang naman ang ulo ko hahaha. At nawa'y walang nabawas na gray matter sa akin dahil dun :D
Friday, March 11, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment