Thursday, March 31, 2005

Definitions

Natatawa ako sa isang kaibigan kong doctor, scientific talaga mag-assess hahaha. Kasi after kong ikwento na nahihilig sa jazz ang mga anak ko, ang comment nya “Wow, Jazz na pinapakinggan kahit mga bata pa .... Cultured!!! ... parang bacteria .... hehehe”

Tapos ang pag-define nya ng street food, yun daw may “alikabok factor”. Ayus ka talaga Kididok!

Wednesday, March 30, 2005

Bad Trip

Kaninang umaga, naka-receive ako ng text from 09186786701: “Phil.charity foundation!sir mam congrats!!!u r lucky win last4digits cel#had w0n! 360 Thousand last drw MARCH,/29/2005.pls txt ur name ADRS. & call me now I’m, CATHY M. CORTEZ’..”

Shempre pa ke aga-aga naasar ako. Una, dahil wala pa akong tulog magdamag dahil ayaw matulog ni James kahit 11am na at di ko sya matulugan dahil umiiyak pag di ko papansinin. Pangalawa, I hate people who take advantage of naïve ones. Etong kapitbahay namin a few weeks back, naka-apat atang pa-load sa akin within one day. Nalaman ko lang later na kaya pala eh dahil may ka-text na nagpromise sa kanya ng pera. Sus, kawawang tao, nagkang-uubos ang load dahil sa paghabol ng isang malabong pangarap. Pangatlo, ang engot mag-text nung manloloko ha. Mali-mali na nga grammar, dikit-dikit pa ang words. Sa madaling sabi, text pa lang, malabo na syang kausap, hmp!

Kaya nag-text back ako, “HOY KATATAPOS LANG NG MAHAL NA ARAW NANLOLOKO NA NAMAN KYO? MAHIYA KA NAMAN SA BALAT MO! MAGHANAP KA NGA NG MATINONG TRABAHO!” Hindi na sumagot. Sana nakonsyensya kahit konti.

Kainis eh. Wala silang magawang matino, mandadamay pa ng ibang tao. Nakakaawa tuloy yung ibang napadalhan nila ng same message tapos kumagat at naniwala. Kahit gaano kahirap ang buhay sa Pilipinas, walang karapatan ang isang tao na manloko ng kapwa niya! Sana lang matuto silang magtino bago pa sila mahuli ng batas at makulong ng matagal sa bilangguan. (Oo alam ko, wishing lang ito dahil hindi naman inaasikaso ng gobyerno at mga celphone companies ang mga ganitong klase ng panloloko.)

Hay naku, sana matigil na ang ganitong modus operandi. *buntong-hininga*
Hiatus

Hi everyone! Kamusta ang Holy week ninyo? Kami hindi na lumabas masyado, nag-bonding na lang dito sa bahay. Naranasan na kasi naming mag-travel dati pa-Baguio from Holy Thursday tapos uwi din ng Easter Sunday. Feeling ko mas marami pang time ang na-spend namin sa daan kesa sa pasyalan sa sobrang traffic pa-Norte. Kaya naging agreement namin ng asawa ko, hindi kami sasabay sa rush ng bakasyunan pag mahal na araw.

Tagal ko na namang di naka-post dito. Sobrang busy lately. Dami ko tuloy naipong kwento na gusto ko i-share senyo. Basa-basa na lang kayo kahit staggered ang entries ha. Salamat sa lahat ng malimit bumisita sa blog na ito. I am very much encouraged and inspired sa mga messages sa tagboard at emails na pinapadala nyo sa akin.

Have a great week!

Friday, March 18, 2005

Ranting

Kaasar talaga ang Globe! I just wish may taga-doon na higher-ups na mabasa ito. Hindi na ako mag-aaksayang tumawag sa 211 hotline nila dahil incompetent naman palagi ang nakakausap kong CSR, malalabong kausap!

Last March 5, nagpa-upgrade kami ni hubby ng sim to XL. Kasi sa dami ng kakilala ng asawa ko and mga clients nila sa company, ang dami ng kulang na space sa phone book nya. Bura sya ng bura ng contact lists dahil wala na mapaglagyan tapos hirap na hirap naman i-figure out kung sino ang nag-text o tumawag pag kinontak ulit sya ng ibang tao. So I convinced him, ako na mag-asikaso ng upgrade, anyway madali lang naman kako yun.

We got there sa Globe Business Center in San Pablo City, Laguna around 6pm na kasi dinala pa namin si James sa doctor. Hanggang 6:30pm ang business hours nila. Nag-fill up ako ng forms, nagbayad ng P200 cash (ayaw tanggapin ang G-Cash ko dahil hindi pa daw sila connected – hello? eh Mercury Drug branches nga tumatanggap ng G-Cash tapos silang mismong business center hindi? Hanggang deposit at retrieval lang daw sila dun for now, ewan!) and binigyan ng bagong sim packs. Sabi nung customer representative, hintay lang daw ng ilang days at kapag nawala ang signal nung old sim, pwede na gamitin yung bago. Saka daw manually na lang i-transfer ang mga contact numbers sa address book. Nagtaka ako sa puntong yun kasi dati na nagpa-upgrade kami sa Glorietta, meron silang maliit na gadget na ginamit para i-transfer ang data from the old sim to the new one. Inisip ko na lang, baka hindi na ganun ngayon at since nagsa-start na magsarado nung metal na pangharang sa door yung guard, di na ako nagtagal. Ako ang last customer kasi.

Upon arriving home, inuna ko ilista ang mga nasa phone book ng sim ni hubby. Since kerami-rami, napagod na ako at hindi ko natapos iinput lahat sa phone nya. Nakita ng brother ko and sabi nya, kakapa-upgrade din lang nya sa mall pero na-transfer naman electronically lahat ng data sa new sim. Lalo tuloy ako nagtaka bakit nga walang ganun dun sa Globe San Pablo?

Sunday morning, my hubby had to leave na for Manila kasi may work sila. Nang mag-Monday, ayan na, nagtext si mister, asar na asar kasi daw hirap na hirap syang i-distinguish ang mga callers nya dahil hindi pa nga complete ang phonebook list. Eh nawalan na ng signal yung old sim nya.

That time, hindi ko pa nasisimulan mag-transfer ng phone book ko manually. Naisip ko, teka muna more than 250 contacts ang ililipat ko, parang ang aga namang penitensya non! Nung hapon, nag-decide na akong pumunta ulit sa Globe to ask bakit hindi sila nag-transfer. Hindi kasi sila nako-kontak by landline, fax tone lang at answering machine ang sumasagot kapag tatawag ka. Ayokong makipag-usap sa makina! Upon arriving there, namukhaan ako nung CSR. Nung sinabi kong “Hindi ba pwedeng ilipat na lang automatically ang data from the old sim to the new sim? Hirap na hirap asawa ko ha.” Ang sagot? “Eh sige Ma’am, ilipat natin. Akin na ang mga sim nyo.” Tumaas ang kilay ko. “Sus, pwede naman pala bakit hindi nyo ginawa nung Sabado?!” Kasi daw that day lang dumating yung gadget na pang-transfer. KUNG DI KA BA NAMAN MAGDUDA NYAN! Isip-isip ko, “Tinatamad ka lang siguro gawin nung Sabado kasi uwian na.” Pero naman, anong klaseng customer service yun di ba?

So nailipat ang mga data ko, in less than 10 minutes. Yun daw sa mister ko, dalhin na lang sa kahit saang Globe center sa Manila para magpalipat since nasa-database naman daw ang number. Hah, huli man at magaling, HULI PA RIN!

Anyway, since pwedeng ilang araw daw ang abutin bago mawalan ng signal ang old sim, hintay ako para dun sa akin. Aba naka-isang linggo na, wala pa rin! Hintay pa ulit ako dahil ayoko ng pabalik-balik sa business center nila, malayo din kasi from our house. Two days ago, di na ako nakatiis. Nakakainis na eh, naka-10 days na, wala pa rin! Ano pa silbi ng XL sim kung di naman magagamit?

I decided to fax them a letter. Eto ang nilagay ko:

Sir/Madam,

Last March 5, I had my and my husband’s Globe sims upgraded at your branch. My husband was able to use his XL sim after two days because the old one lost its signal sooner. However, up to this writing, my old sim is still functioning and I haven’t had the opportunity to use the new sim even after more than 10 days after the upgrade. The new sim still displays “sim card registration failed” when I try to turn it on. What could be the problem?

I live far from San Pablo and it is very inconvenient for me to go to the service center just to find out what the problem is considering that the upgrade procedure should have been a simple matter. Your customer representative told me that it may take a few days before I can use the new sim so I waited. I have been patient enough to wait for more than a week!

Please call me on my landline phone xxxxxxx (because Globe’s signal is very weak in our area and conversations via mobile phone are always very choppy or get cut off completely) and talk to me about this. I am now very much tempted to totally switch to another network.

Hoping for your quick action.

Resulta? In less than an hour after ko mapadala ang fax, nawalan ng signal ang old sim ko. MY GULAY, PWEDE NAMAN PALA NILANG I-MANUAL YUN! Ganun ba, dapat pang magreklamo at mag-follow up ang customer sa mga kapalpakan nila bago sila umaksyon?! I will doubt it very much kung may magsasabi sa aking nagkataon lang na after ko sumulat eh saka nawala ang signal ko. Sobra ng coincidence yun, counting the lack of the transferring gadget nung time na nagpa-upgrade ako at pagkakaron nun two days later pagbalik ko.

Argh, kung di lang hindi ko mabitawan ang Globe number kong yun dahil sa dami ng clients kong yun ang alam, etong Smart number ko na lang talaga ang gagamitin ko.

Lesson: Always assert your rights as a customer. Hindi ako nagdadalawang-isip mag-complain kung alam kong nasa tama ako. Ang dami nilang pakinabang sa buong pamilya ko dahil lahat kami naka-Globe (except my mom na hindi na natiis ang palaging walang signal dito sa amin at nabwisit na kaka-“message sending failed” ng telepono nya) tapos ang tamad nila mag-asikaso ng customers! Not fair!

Friday, March 11, 2005

Goodbye, Buhok!

Tinopak ako nung Wednesday. I guess I was just bored having long hair. Waist-length na kasi. Siguro mga 1 1/2 years na since nagpa-trim ako ng buhok, hindi ko na nga matandaan kelan eh. Anyways, after so much indecisions dati pa kung magpapaputol nga ba ako o hindi at gaano kahaba ang ipababawas ko, naisipan ko na lang nung isang araw na "sige na, ngayon na!"

So punta ako sa parlor ng tiyahin ko. Tanong pa sya, hanggang saan daw. Sabi ko basta mababa ng konti sa balikat. At nag-request pa akong ipunin namin yung mga mapuputol na mahaba. La lang, remembrance hehehe.

Pagdating ko ng bahay, sinukat ko yung putol na buhok. Tumataginting na 15 inches! Sabi ng sister ko, ibenta ko daw sa mga naghe-hair extension since maganda ang quality nung buhok ko. Pwede ba talaga yun?! In fairness, hindi ako gumagamit ng hair dryer at kung anik-anik kaya simpleng diretso lang ang aking crown of glory. Sabi ko nga, sige hanapan ako ng mapapagbentahan at ng matingnan kung mapapagkakitaan nga ba etong buhok ko hehehe. May alam kayo?

Ang gusto ko lang sa pagiging impulsive ko, wala talaga akong regrets sa bagong hairstyle ko. Parang gumaan lang naman ang ulo ko hahaha. At nawa'y walang nabawas na gray matter sa akin dahil dun :D

Tuesday, March 01, 2005

Naka-CAP-pag-alala Talaga!

Kahapon, against my better judgment but upon my husband’s advice, pumunta ako sa CAP office para magbayad. Dalawang payments na lang kasi kami, fully paid na ang educational plans ng tatlo naming anak. Mas delikado daw namang pabayaan naming mag-lapse tapos in case na magbabawi kami, baka lalong wala kaming makuha.

Nakaka-frustrate lang na habang nagbabayad ako, may dumating na isang naka-uniform na estudyante, at nagtanong “Ma’am kelan po kaya yung sa akin?” To which a CAP employee replied “Hintay-hintayin nyo na lang, darating din yun.” Ack, kailan pa?!!! Kawawa naman yung bata. Napaka-ironic na andun ako at nag-aabot ng pera sa cashier tapos wala silang maibigay dun sa scholar nila. Wala akong magawa kundi mapailing.

Meron ding isang ale na naririnig kong sinasabing “Eh tatlong buwan na hong hindi dumarating yung pera. Bakit nyo kami pinapadalhan ng notice na pwede na mag-claim tapos pagdating dito wala pala? Gagraduate na ho anak ko, wala pa kaming pambayad!” Naku, sana talaga by the time na mag-college na ang mga anak ko, may pambayad na ulit na matino ang CAP! O sobrang optimistic ako?
Related Posts with Thumbnails