SOBRANG PALPAK NG DOH!!!!
Grrr! ‘Di ko alam kung nagmamagaling ba ang Department of Health o gusto lang nilang mang-asar. Pa’no, me bago silang kautusan ngayon … lahat daw ng dangerous drugs dapat ang reseta tatlong kopya tuwing bibili sa botika, isa sa kanila, isa sa pasyente at isa sa doctor. At ‘di lang basta reseta na tipong gagawan lang ng doctor ng tatlong kopya ha, me specified silang yellow form chuva.
Nagkataong noong bumibili kami ng Phenobarbital ng anak ko, kinulang ang cash namin dahil lahat ng ATMs sa Festival Mall sa Filinvest eh mga walang laman. So hindi namin mabibili ng kumpleto ang nakalagay sa reseta. Dati, pwede namang tingi-tingi ang bili basta tatatakan lang ng Mercury ang reseta kung ilan na lang ang balanse.
So ganun, punta ako Mercury Drug at bibili lang ng ilang tablets muna. Ang gusto nung nakausap ko, bilhin ko lahat ng andun sa reseta at kukunin na daw nila ang papel dahil bawal na daw ang isang kopya lang. Kesyo may bago nga daw batas ang DOH. Sabi ko kelangan ko pa yung balanse dahil baka di agad kami makapag-pa-check up sa pedia-neuro namin eh kulangin ng anti-seizure meds ang anak ko. Abah, ‘di daw pwedeng ibalik pa sa akin ang reseta kung bibili daw ako. Kahit daw kalahati lang ang bibilhin ko, wala ng balikan ng papel. Sa inis ko, umalis na lang kami at dito na sa Laguna nakabili. Buti na lang di pa ata naa-update ang mga Mercury dito.
Nung Sabado, pagpunta namin sa doctor, napakwento tuloy s’ya. Ganun nga daw, gagawa –gawa ng batas ang DOH na hindi man lang sabihan ang mga doctors. Sa mga pasyente lang din daw nila nalaman na ganun na pala ang rules sa Mercury. Ang siste pa, nakailang tawag na daw si doc sa DOH para manghingi nung sinasabing yellow forms. Abah wala pa daw dahil pinapa-bid pa sa printing presses! My gulay, kaasar talaga! Tapos sabi daw ng DOH, sige pwede na yung white pads ng doctors muna. Hindi naman inaabisuhan ang Mercury! Kaya ang mga pasyente, hilong-talilong na kung saan makakabili gamit ng resetang issued naman ng doctors.
Ang ginawa ng doctor namin, naghalungkat sa mga old papers nya at nakakuha ng old forms for dangerous drugs na 10 years ago pa na-issue. Ang nakalagay pa nga dun sa date eh 19__ ! Yun na daw muna ang ginagamit nya at the moment kaso last pad na ang inabutan namin at kokonti na ang natitira. Halos gabi-gabi daw may inaaway syang branch ng Mercury Drug para i-insist na pabilhin ang mga pasyente nya dahil sabi na nga ng DOH ok na gamitin at the moment kahit hindi yellow forms. Ang sagot ng Mercury? HINDI PO KAMI NAKAKATANGGAP NG PASABI NA PWEDE YUN!
Hay sus, baka next month pagbalik namin sa doctor para magpa-reseta ulit ng Phenobarb, wala ng form si doktora. Hindi kaya naisip ng mga engot na tao sa DOH na ang mga pasyenteng pinagkakaitan nila ng gamot eh pwedeng mag-convulsions pag hindi nakainom ng maintenance drugs nila? Bukod pa sa mga may sakit sa puso at ibang karamdaman na pwedeng atakihin ng kung ano.
Ang labooooooo! Kainis!
Tuesday, January 27, 2004
Tuesday, January 20, 2004
Extra income daw na walang puhunan
Too good to be true ba? Check out nyo na lang...
Meron kasing bagong "business" ngayon sa internet. Tawag dun smspays. Ang gagawin mo lang eh mag-register ng cel phone number mo tapos papadalhan ka nila ng text advertisements base sa mga topics of interests na ni-check mo nung nag-register ka. Bawat text daw na matatanggap mo may katumbas na bayad galing sa advertisers. In short, babayaran ka nila sa bawat text na matatanggap mo. Meron daw silang ipapadalang check kapag nag-accumulate na ang earnings mo.
Isa pa, yung program eh international kaya pwede kayo mag-recruit ng mga kaibigan at kamag-anak sa ibang bansa. Anyway, since wala namang bayad kung nag-register, na-member ako hehehe. At dahil somekinda networking scheme ito, register na rin kayo at maging downline ko. Pwede? Sige na naman o. :)
Click nyo lang itong link http://www.smspays.com/reg_country.asp?refer=168939 para mag-register or magbasa muna tungkol sa program bago mag-member. Uy wag nyo kalimutan ilagay yung referror # 168939 ko dun ha. Salamat! :)

Friday, January 16, 2004
Jan 16 2004
Praning na kung praning!
Masisisi nyo ba ako kung paranoid na ako masyado sa mga bomb attacks sa mga pampublikong lugar? Kakarinig ko lang sa news nung isang linggo yung tungkol sa bombing sa isang gymnasium ba yun sa Maguindanao. Di ba dati pa, merong isang bus na sumabog dahil din sa isang bomba? Bukod pa yung Rizal Day bombing sa LRT ilang taon na ang nakalipas. Sa dami ng balita tungkol sa mga terrorist attacks dito sa Pilipinas, mas mabuti yung maging maingat at observant sa lahat ng oras.
Ganito kasi yun….. Nung Martes, kinailangan kong lumuwas ng Maynila para mag-interview ng doctor at isang nanay para sa isang article ko sa magazine. So sumakay ako ng bus galing Laguna. Ang naupuan kong puwesto, me isang mamang ayaw umusod kaya dun ako napaupo sa tabing bintana. Pagka-upong pagka-upo ko, nakita ko kaagad sa paanan ko ang isang dinobleng plastic bag na nakatali ang tangkay. Naku, duda agad ako. Inisip ko, pwede namang basura lang yun na nilagyan ng pagkain. Kaso para kasing masyado syang bulky para sa mga Styrofoam lang o ano. Sinipa ko ng konti. Inay! Mabigat!
Napayakap ako sa bag ko sabay tingin ng pahapyaw sa mamang katabi ko. Kanya kaya yun? Tanungin ko kaya? Pag hindi sa kanya, pag daan ng kundoktor, talagang ipapatapon ko sa labas ng bus. Aba, kung bomba yun ako ang unang-unang tatamaan ano!
Naglakas-loob na akong magtanong, “Manong, senyo po ba itong plastic sa baba?” Sumagot s’ya, “Ah oo, transformer yan.” Argh! Kung kanya yun, bakit hindi nya itabi sa may paanan nya? At bakit kelangan pang sabihin sa ‘king transformer yun? Bakit may eksplaneyshun pa? Eh para namang na-reassure ako sa sinabi nya ano.
Naku naman, sa dadalawang oras na tulog ko nung gabi dahil sa pamumuyat ng anak ko, hindi tuloy ako maka-idlip man lang sa bus dahil sa sobrang tensyon. Tapos pa, biglang tumunog yung cel phone nung mama. Muntik na kong tumalon hanggang bubong. Paano, polyphonic ringing yung message tone nya tapos sobrang lakas na parang doorbell. Linstok, praning na kung praning pero naalala ko bigla yung bomba sa LRT celphone- triggered!
Siguro mga bente minutos din akong hindi mapakali. Ni hindi na ako makasandal ng relaxed dahil nga sa nerbyos. Iniisip ko ng i-text ang asawa ko para warningan na kung di ako makakauwi sa hapon, malamang kasama ako sa bus na sumabog. Eh paano kung celphone ko ang mag-trigger? Dasal na ako ng dasal na wag naman sanang sasabog kung bomba man yun dahil maliliit pa mga anak ko, waaah!
Ewan ko kung na-sense nung mama ang kaba ko pero bigla syang tumayo at sabi “Miss, kukunin ko lang yung plastic.” Naku hindi ko man lang mausod ng paa ko papunta sa kanya kaya bend to the max sya sa ilalim para makuha nya. Me umupong babae sa tabi ko. Nakahinga ako ng maluwag.
Yung mama, tumayo sya sa malapit sa pintuan ng bus. Eh di shempre mega-bantay pa rin ako kung kelan sya bababa para masiguro kong dala nya yung plastic bag nya. Eh paano kung iwan di ba? Sisigaw talaga ako ng Darna! Este tatawagin ko ang kundoktor at ipagbibigay-alam ang tungkol sa kwento ng plastic bag.
Hay sumakit na leeg ko kakasilip sa bintana, hindi pa rin sya bumaba! As in ang dami-dami ng bus stops na dinaanan, andun pa rin sya! Hanggang makarating kaming Makati at finally, nakababa ako ng matiwasay andun pa rin yung mama!
Nung kinuwento ko sa asawa ko, tawa sya ng tawa kasi nga daw ang praning ko. Eh kesa naman hindi vigilant tapos totoo palang bomba di ba? Buti na lang talaga mukhang totoong transformer lang ang laman ng plastic bag na yun. Nevertheless, sa 1 ½ oras na byahe ko, tama bang hindi man lang ako nakapahinga?!

Saturday, January 10, 2004
Eleksyon 2004
Argh, nakakainis na talaga ang pulitika sa bansang itoooo! Ang daming balimbing! Sa mababasa nyo, tabi-tabi po….
Shucks sobra akong disappointed kay Loren Legarda eh idol na idol ko pa naman sya noon. Ang ganda-gandang babae pero bakit kaya lately, kahit anong sweet ng ngiti nya at pa-innocent effect ng mukha tuwing lumalabas sa TV, nahuhuli ko ang sarili kong automatic na napapabusangot. Nung minsan ngang napanood kong sabihin nyang naniniwala sya sa kakayanan ni FPJ para mapag-kaisa ang Pilipinas, sumaisip agad sa ‘kin “Ay patay na, wala na!” Asus, ano kayang prinsipyo ang sinasabi nyang pinaninindigan nya? Touched na touched pa naman ako nung umiyak sya noon sa impeachment trial ni Erap. Tapos ngayon kaalyado na nya ang bespren nun? Di kaya sumaisip man lang sa kanya na once makaupo bilang presidente si FPJ eh bigyan ng pardon si Erap para makalaya na finally? Di ba yun naman talaga ang ultimate goal ng pagtakbo ni FPJ sa pagiging presidente? Hay ang laboooo!
Isa pa itong si Miriam Santiago, kanina sa news, nakita ko beso-beso sila ni Pres. GMA. Tapos may pinakitang footage (panalo talaga ang media sa mga ganitong pang-iintriga) nung Edsa 3 na nagsasalita si Miriam “Si Gloria, tarantada!” Nakakasuka na sila ha!
Kawawa naman ang Pilipinas. Naghihirap na nga, ang gulo-gulo pa ng mga tao sa pulitika. Paano na kaya tayo uunlad? Ang dami-daming mas mahihirap na bansa ang nalampasan na tayo dahil hindi bulok ang mga namumuno sa gobyerno nila. Ngarf! Hindi ko na alam sino ang dapat kong iboto!
Kayo, me napili na ba kayo? Kung oo, pakitanong naman sa sarili nyo:
1. “Naniniwala ba talaga akong iaahon ng taong ito sa hirap ang bansa o iboboto ko sya dahil pogi sya at palaging tagapag-tanggol ang ganap sa pelikula?”
2. “Iboboto ko ba yun dahil sa dikta ng ibang tao sa paligid ko at hindi dahil sa sarili kong desisyon na nagmula sa puso ko?”
3. “Boboto ba ako batay sa mga lagay na matatanggap ko pag dating ng panahon ng kampanya?”
Kaunting panahon na lang, eleksyon na. Sana naman pagdating ng oras, iboto mo ang isang kandidato dahil sa kanyang sinseridad at pagiging totoo. On second thought, hmmm, parang mahirap ma-discern yun. Hingi tayo ng tulong sa taas.
Pinoy, mag-isip ka!

Thursday, January 08, 2004
Mag-ingat sa mga manloloko!
Hay naku, kahapon may nag-miss call sa cel ko, mabilis na mabilis lang nya pina-ring. Tapos biglang me pumasok na message from the same #: 09174830540. Nakalagay "CONGRATS!! Ur cel # is d1 of our lucky winner N "GMA/CFP" during our last drw ysterday, JAN, 05, 2004. 4 more information PLS CALL NOW ATTY. MAX MANDING.." Asus, paano naman kaya mananalo ang cel # ko kung saan, eh halos isang buwan ko pa lang ginagamit yun at konting-konti pa lang ang nakakaalam.
Lintsok na yun, balak pa kong goyohin. Sagutin ko nga ng "Wala n b kayong mgawa kndi manloko ng tao? Bagong taon na mag bagong buhay k na! Dagdag pa kyo s mga problema ng pilipinas! Ire-report ko # mo sa ntc!" Di naman sumagot na. Pero kakagigil talaga. Sobra na sila, naghihirap na nga mga tao, dedengoyin pa nila! Kainis talaga.
Sana naman by now, wala ng naloloko ang modus na yan. Me mga kilala ako pinatulan at nag return call. Ngak ang mahal ng voice calls sa cel ha! Tapos hiningan sila ng pera para daw sa processing fee. Grrr, ang sama-sama ng mga manlolokong yun!
Saan ba dapat talaga nire-report ang mga ganun? Meron bang magagawa kaya ang NTC about it? Tipong i-block na ang cel # para di magamit na. Hindi ko nga binubura pa sa cel ko. I hope I can find an organization who handles things like that. Para naman magtanda ang mga lokong yun. Kung me alam kayo, please do email me about it. Thanks! Kung me magagawa man lang ako kahit sa maliit na paraan para magtanda ang mga manlolokong ganun, masaya na ako.

Monday, January 05, 2004
Manigong Bagong Taon! Sana naman karamihan sa atin eh nag-enjoy sa mga happenings noong Pasko at Bagong Taon. Ako, basta nakita kong happy ang mga tsikiting ko sa mga natanggap nilang mga regalo galing sa mga nagmamahal sa kanila, ayos na! Sarap ng reunion ng isang grupo namin, enjoy kaming mag-asawa sa halakhakan at kamustahan ng mga kaibigan naming matagal ding hindi nagpakita.
Per nakakalungkot yung pagkamatay ni Miko Sotto ano? Naku, di po ako ma-showbiz pero pag nakakakita ako ng nanay na nagdadalamhati sa pagkawala ng anak, sobrang awang-awa ako. Ni hindi ko man lang ata napapansin yung batang iyon sa TV dahil hindi naman ako nanonood ng mga teeny-boppers na palabas. Kaso sobrang heart-rending naman ang sinapit nya. So young for an early death :(
Anyway, ano ba yan, morose na morose eh bagong taon. Sabagay, maraming tao ang hindi nag-enjoy the celebratory shift from 2003 to 2004 dahil sa mga trahedya ng buhay. Ang dami-daming nawalan ng mahal sa buhay sa Leyte. Maraming pamilya ang nagkulang ng miyembro. Sino ba naman ang di malulungkot nyan? Kahit hindi sa akin nangyari, alam ko ang pakiramdam ng isang namatayan ng minamahal kaya ganun na lamang ang pagsimpatya ko sa kanila.
Hay, sana sa pagpasok ng bagong taon na ito, mas kumonti ang crimes sa Pilipinas, mas maging maganda ang takbo ng economy natin at matauhan na ang mga pulitikong walang magawa kundi magpayaman, maghangad ng kapangyarihan at gawing mga puppets ang mga nasasakupan. Parang ang simpleng sabihin ang mga hiling ano? Samahan na lang natin ng dasal. For sure naman, andyan ang Diyos para tumulong sa atin. Nga lang, sana matuto din ang mga Pinoy na tulungan ang kani-kanilang sarili.

Subscribe to:
Posts (Atom)