Wednesday, December 28, 2005

Hula-hula

Ever since na-discover ni Deden recently na enjoy pala mag-play ng cards (tinuruan ko kasi nung game na pairs tapos tinuruan ng dad nya ng ibang games), halos araw-araw nangungulit na maglaro daw kami.

Kagabi, after several games of “find the correct card”, yung naka-face down ang mga cards tapos isa-shuffle nya at papahanap kay daddy nya yung tama, naririnig ko syang magsabi ng “Ang daya mo Daddy!” pag nahuhulaan ni Noy yung tamang cards. Tawa lang ng tawa ang ama. Maya-maya ang comment na ni liit “Kasi you are the greatest card gamer that ever was eh!” hahaha o di ba, in-English pa!

Ang ultimate na napahalakhak pati ako, nung pinahulaan nya kay Nonoy kung alin daw sa dalawang kamay nya ang basa. Sabi ni hubby, “Eh pareho naming tuyo yan ah!” Sagot ni Deden, “Hindi, may isa akong dinilaan dyan.” Nyaaah! Gulong kami kakatawang mag-asawa.

Thursday, December 22, 2005

Ang lamiggggg!!!

Lapit na ng Pasko, at sobrang ginaw na dito sa amin. Ulan pa ng ulan. Hirap tuloy gumising sa umaga hehehe. Patok talaga etong nabili kong cheap na room thermometer last month, kitang-kita ang pag-drop ng temperature pag gabi. Nakakatawa pa etong asawa ko, may I bring it pa sya dun sa labas para tingnan kung may difference daw ba ang temp sa loob at labas ng bahay. Ngar, nung isang gabi 18 degrees sa labas while 20 degrees dito sa loob. Feeling ko nasa Baguio na kami!

I hope everybody’s enjoying the holidays. Hectic man sa sikip ng traffic at problema paghahanap ng gifts (hindi pa kumpleto ang list ko waaah! wala time lumabas ng bahay), let’s pause for a while to think of the true reason why we’re celebrating Christmas.

May your holidays be filled with love and laughter and may the New Year bring us all tons of hope for a brighter future.

Monday, December 12, 2005

No yaya for a month

Umalis na kagabi si yaya. Hinatid ni hubby sa airport. Pagka-alis nila ng bahay, inexplain na namin ng nanay ko sa mga bata na kelangan tumulong na sila sa mga gawaing bahay at wala ng turuan kung sino ang gagawa habang wala si yaya.

Natawa naman ako sa biglang reaction ni Leland, “Mommy, sinong magpa-plantsa ng uniforms namin!” Tunog panic-stricken baga. Pag-isipan daw ba akong hindi marunong mag-plantsa! Ayun kagabi tuloy bago ko maasikaso ang tambak kong deadlines, nakaharap ako sa kabayo at nagplantsa ng mga polo at pants nila for school.

Now I only have to get through the next few weeks of laba-damit, hugas-pinggan, linis-bahay etc. etc. aside from taking care of James and the myriad of things I already do everyday. Ack, malamang ala-Kuya Germs na naman ako nito – walang tulugan!
Airline Angst

Etong yaya namin, nagpaalam na uuwi ng Zamboanga for Christmas. Pinayagan ko. Nung tinanong ko ang travel plans nya, balak daw nyang mag-bus tapos diretso na yun tatawid ng dagat from island to island hanggang makarating sa kanila. Naloka naman ako nung sinabi nyang 4 days ang byahe!!! Ngar, yun ngang 12-hour land trip to Sorsogon na naranasan ko many years ago, ayoko ng ulitin, yun pang 4 days?!

Ang pamasahe daw around P3000+ kasi from Davao to Zamboaga pala eh nasa 1k pa ang bayad. Tamang-tama etong si hubby, nabalitaan kung kanino na may low rates daw ang Cebu Pacific. So ni-surf ko sa internet. And true enough, sa home page pa lang ng website nila, andun na ang options to choose your destination, kung one way o round trip saka may pop-up window pag ni-click mo yung “Compute fare”.

Nung tiningnan ko ang pa-Zamboanga, 1 hour 35 minutes lang. Tapos ang nakalagay doon na total fees eh P2288. Kung di ba naman maengganyo kang mag-eroplano na lang! Nung sinabi ko kay yaya, ginusto ng mag-plane na lang kasi nga mura na mabilis pa.

All of Monday and Tuesday of last week, try kami ng try tumawag sa ticketing offices. Ack, puro busy. So ginawa ni hubby, pagluwas niya ng Manila, pumunta na lang directly sa isang branch. Laking gulat naman namin nung sabihin sa kanya na P3500+ daw ang pamasahe kasi ubos na ang economy fares. Eh may magagawa pa ba siya at that point? After all the trouble of going there, hahanap pa ba siya ng ibang airline eh ang hirap na ng bookings dahil nga holiday season. So binili nya yung ticket.

Eto ang kinaiinisan ko: Ok lang sana kung P3500 ang bayarin KUNG yun originally ang ini-expect naming babayaran. Eh wala namang nakalagay man lang sa website ng Cebu Pacific na ibang rates. Nag-email nga ako sa customer service nila. Ayun sumagot after ilang days at pinadalhan ako ng tabulated grid ng mga different kinds of fares nila -- na hindi ko naman maintindihan ang codes! Ni hindi man lang sinagot ang tanong ko na bakit sa website, isang klaseng pamasahe lang ang nakalagay??? Meron pa silang blinking ad dun na “We offer the lowest fares all year round.” Tapos bibigyan ako ng table na unintelligible. Saka meron naman palang ganun, bakit wala sa website nila yun?

Hay naku! Pagbalik ni yaya sa January, sabi ko i-try namin muna magtanong sa Air Philippines at baka mas makamura. Buti na lang uso na ang e-ticket ngayon! At least hindi ko na kakailanganing magpadala ng money sa province with extra fees pa. Saka ang maganda nito, yung nakapangalan lang ang pwede mag-claim nun sa ticketing office, hindi basta-basta magagamit ng iba. Plus, kung di man matuloy bumalik ang maid at hindi nagamit ang e-ticket, pwede i-refund. Eh kung perang pamasahe yun na pinadala via LBC or Western Union, malamang goodbye na lang yun!
Umbrella Search 2005

Hay naku, hindi ko na alam anong klaseng payong ang bibilhin dito sa mga anak ko! Yung nabibili sa palengke, hindi tumatagal ng dalawang linggo kay Leland. Si Josh, maingat nang naturingan sa mga gamit, nakakasira pa rin ng payong. Ke mamahalin o hindi ang bilhin ko, sira pa rin! Hindi ko na nga alam kung maniniwala akong hindi nila ginagamit pang-espadahan sa mga kaklase nila yung mga payong na yun.

Even si Deden, yung little payong niya eh nasira din after 3 months. Samantalang yung dating mga nabibiling mini-payongs for preschoolers, matitibay naman. In fact, tumagal ng tig-isang taon yung kina Josh nung mga kinder pa lang sila ni Kuya. Siguro talagang low quality na ang mga nabibili these days.

Takot naman akong bilhan nung high end na tipong tig-P400 isa (gaya nung Fibrella ko na super tibay) kasi baka mamya iwala naman eh ako ang malamang maiiyak nun!

Three weeks ago, after the nth time na pinakita sa ‘king putol na naman ang mga kapayungan ng tatlong itlog, I decided na sige na nga, hanapan ko nung sinasabing tag-P250 daw sa mga tiangge sa Manila. Sabi kasi ng pinsan ko tumatagal yung binili nya for her kid. Kaso wa akong time lumuwas. Eh one time umuwi si Josh na soaked to the skin pati yung bag at mga gamit nya. Lagi kasing patagong iniiwan ang raincoat pag maaraw sa umaga. Ang kulet, ayaw makinig na unpredictable ang weather ngayon. Buti ‘di nagkasakit.

Tapos last week, pagdaan ko ng Pizza Hut, nasilip ko yung mga payong na naka-display malapit sa door. From experience, I’ve found out na yung mga payong na pinapatatakan ng mga company logos eh medyo matibay-tibay than those that can be bought basta-basta kung saan. So nagtanong ako sa cashier if I can buy without food purchase. Wala akong kasama kasi so hindi ko rin naman mae-enjoy mag-Pizza mag-isa. Pwede daw. I even asked her “Miss, matibay kaya ang mga yan?” Sagot sa kin meron din daw syang ganun at matagal na sa kanya. Sana nga di lang sales talk yun. Anyway, it wouldn’t hurt to try since nga di pa ako makapuntang Manila.

So I went home na bitbit ang isang maliit na red and white payong saka dalawang malalaki (isang black saka isang red and white din) para sa mga bata. Ilang mga nanay ang nagtanong pa sa kin saan ko daw nabili at ang gaganda ng kulay. Ayun naka-convince pa ata akong i-try din nila bumili sa Pizza Hut. In fairness, nung pinagbubuksan ko dun sa store, mukha ngang matibay yung mga bakal as compared dun sa mga nabili ko sa palengke at department store dito sa Laguna. Tamang-tama the very next day, umulan ng malakas kaya nagamit agad nila.

Now, one week later, happy naman ako at buo pa ang mga payong. So far, so good. Saka this time around, siguro na-realize din nitong mga barako kong anak na dapat na nilang ingatan ng todo dahil halos araw-araw eh umuulan at sila rin ang kawawa pag nagkataon.

Fingers-crossed … here’s hoping na umabot man lang kahit end of the school ang mga eto. Garsh, ayoko ng mag-umbrella hunting ulit!

Thursday, December 01, 2005

Patawa

Naka-Mulan mode ang mga kids ko nung isang gabi. Pinanood ng magkasunod yung 1 at 2. Kinabukasan, narinig ko si Deden na kumakanta nung isang song galing sa movie.

Eto yung original lyrics: Beads of jade for beauty … Now, add a cricket just for luck ...

Eto yung version ni Deden: Bida James of beauty … Add a cricket just for lunch ...

Take note, ang lakas pa ng boses ni bunso at confident sa kanyang lyrics. At least tama sa tono ... hehehehe
Related Posts with Thumbnails