Sobra naman!
Ilang araw na akong naririndi sa isyu nitong si Jinggoy at si PNP chief Aglipay. Nililipat ko na lang ang channel kapag yun na naman ang nasa news. Naartehan na ako dito sa senador na ito ha. Kesyo ayaw-ayaw pang mag-accept ng apology at pinagre-resign pa ang kalaban sa puwesto. Ang hindi ko ma-gets, ok fine, supposedly nasigawan siya sa telepono (na hindi naman mapu-prove at hindi narinig ng sambayan first hand since it's between the two of them) and feeling nya napahiya siya, pero yung patagalin ang issue para lang mag-inarte, nakakainis na. Sa totoo lang, bumabalik sa isip ko yung pambabatok niya noon kay Richard Gomez na buong bansa nakita ng paulit-ulit sa mga news programs sa TV. Hindi ba mas masahol ang ginawa niya? And yet nakuha siyang patawarin ni Goma. Mas matinding humiliation yun sa part ng binatukan di ba? And kung ico-compare sa nasigawan, parang napakaliit na bagay. To think na kaya naman daw napagtaasan ng boses ni Aglipay si Jinggoy, para din sa security ni Erap.
Ay ewan, sana matapos na yang kaartehan na yan at sayang ang airtime.
Tuesday, January 25, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment