A Funny, Sad Story
Overheard from a neighbor’s house (malakas kasi ang boses ni Aling T eh): “Ano?! Walang natira?!”
Natawa ako. Sounds familiar. Instinctively, alam ko kung ano ang pinag-uusapan nila. Eto kasing asawa ko, kapag nagprisintang gumawa ng errands, like papunta sya ng bayan (we live in a small barrio by the way), at magpapadala ako ng say P1000 na buo kasi walang barya, para pambili ng ilang items, babalik na walang sukli. Kasi marami syang pinagbibiling iba. At minsan, mapapatanong ako ng “Ano?! Walang natira?!” dahil sira ang budget ko.
Kaya nakangiti ako habang naghihintay ng sagot ni Mang J. “Eh, ano eh,” ang tangi nyang nasabi. Hmmm, typical answer. “Walang natira sa bente?! Ipinangtaya mo sa hueteng lahat?! Kasama doon ang pambaon ni Totoy!” sabi ulit ni Aling T.
Dun nawala ang ngiti ko. Bente pesos lang pala ang pinag-uusapan pero kita nyo naman, pati pala anak nilang nagki-kinder, apektado sa nangyari. Tsk, bwisit talaga sa buhay ang mga sugal-sugal na yan! At nakakalungkot na sa hirap ng buhay ng mga Pilipino, nakukuha pa ng iba na isugal ang kakarampot nilang kinikita.
Hay, napakwento lang ...
Tuesday, January 18, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment